Professional Documents
Culture Documents
Batas Militar
Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga
Komunista, idineklara ni Marcos ang batas militar noong 21 Setyembre 1972 sa
bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng
pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang
Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa
mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad ng mga militante, kasama na ang
kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr.,
Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.[30] Ang deklarasyon ng batas
militar ay tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng
Pilipinas.[31] Malaki ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan
ang curfew.[32] Maraming mga kalaban sa politika ang napilitang umalis ng bansa.
Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan
ang Saligang-Batas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas
matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong
konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula
sa pampanguluhan na naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na
manatili siya sa kapangyarihan matapos ang 1973.
Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan
na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampolitika.[33] Lumakas ang
ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet
at pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55
bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita
ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at
ang kanyang maybahay, si Imelda Romualdez-Marcossa paggawa ng
kurapsiyon.[34]
Ikaapat na Republika
Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa,
si Papa Juan Pablo II,[35] opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17
Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli
at pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng
pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang
kalusugan dahil sa lupus.
Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at
ang retiradong heneral na si Alejo Santos.[30] Nanalo si Marcos ng 16 milyong
boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na taon. Nahalal ang
Kalihim ng Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang
Pambansa.
Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino,
Jr. sa Pandaigdigang Paliparan ng Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas
matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang bansa. Nagdulot ito ng
pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang
pag-aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan
noong Pebrero 1986.[36] Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda ni Aquino, si Corazon
Aquino.
Idineklara ng Komisyon ng Eleksiyon (Comelec), ang opisyal na tagabilang ng
resulta ng halalan, ang pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito
sa bilang ng Namfrel, isang pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan
ni Corazon Aquino at ng kanyang mga tagasuporta ang maling resulta ng halalan.
Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng Estados
Unidos, ang opisyal na resulta.[36] Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng
Tanggulang Pambansa, si Juan Ponce Enrile, ang suporta nila kay Marcos.
Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang demonstrasyon, tinatawag
na Rebolusyon sa EDSA ng 1986 at ang paghalili ni Corazon Aquino bilang pangulo
noong 25 Pebrero 1986.