You are on page 1of 3

Si 

Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas


mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong
Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-
aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Maynila. Nilitis
siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933 at
napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng
Pilipinas at napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay naging isang opisyal sa armadong


pwersa ng Pilipinas. Ang pag-angkin ni Marcos na siya ay naging lider sa kilusang
gerilya ng Pilipinas ay isang mahalagang kadahilanan sa kanyang tagumpay sa pulitika,
ngunit ipinahayag ng mga tala ng gobyerno ng Estados Unidos na siya ay may maliit
papel o hindi talaga bahagi sa mga gawaing kontra Hapon noong 1942-1945.

Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas,
ang unang pangulo ng malayang republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (1949-59), ng Senado (1959-65) at nagsilbi
bilang pangulo ng Senado (1963-65). Noong 1965, si Marcos, na isang kilalang
miyembro ng Liberal Party na itinatag ni Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na
makuha ang nominasyon ng kanyang partido para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay
tumakbo siya bilang kandidato ng Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo ng
Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo si Marcos at itinalaga bilang pangulo noong
Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling nahalal at naging unang pangulo ng
Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon ng kanyang unang termino
ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at edukasyon. Ngunit
ang kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming demonstrasyon at
marahas na mga aktibidad ng mga gerilya.
Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas, dahil na
rin sa pagkilos ng mga komunista upang pabagsakin ang gobyerno. Ipinabilanggo ni
Marcos ang mga oposisyong pulitiko at ang armadong pwersa ng Pilipinas ay naging
armado ng rehimen. Si Marcos ay binatikos ng mga lider ng simbahan at sinalungat ng
mga lider ng politika- lalo na ni Benigno Aquino, Jr., na ibinilanggo at ipiniit sa loob ng
halos walong taon. Sa mga lalawigan ng mga komunistang Maoist (Bagong Hukbong
Bayan) at mga separatistang Muslim (lalo na ng Moro National Liberation Front)
nagsagawa ng mga girilyang pagkilos upang pabagsakin ang sentral na pamahalaan.
Sa ilalim ng batas militar ang pangulo ay nagtatag ng mga pambihirang kapangyarihan,
kabilang ang kakayahang isuspinde ang "writ of habeas corpus".
Ipinahayag ni Marcos ang katapusan ng batas militar noong Enero 1981, ngunit patuloy
siyang namamahala sa isang awtoritarian na paraan sa pamamagitan ng iba't ibang
anyo ng saligang batas. Nanalo siya sa halalan sa bagong nalikhang poste ng pangulo
noong Hunyo 1981.
Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating beauty
queen. Si Imelda ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang
martial law noong 1972. Madalas siyang mabatikos dahil sa kanyang pagtalaga sa
kanyang mga kamag-anak sa mahahalagang posisyon sa gobyerno, habang siya
naman ay gobernador ng Metropolitan Manila (1975-86) at ministro ng mga pamayanan
ng tao at Ekolohiya (1979-86).
Ang mga huling taon ni Marcos sa kapangyarihan ay nasira dahil sa laganap na
korapsyon sa gobyerno, ekonomiyang hindi umuunlad, patuloy na hindi pagkakapantay-
pantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang tuluyang paglago ng
rebolusyonaryong gerilyang komunista na aktibo sa mga rural na lugar sa iba't ibang
sulok ng Pilipinas.
Noong 1983 ang kalusugan ni Marcos ay nagsimulang bumagsak, at ang mga
sumasalungat sa kanyang pamamahala ay dumami. Noong Agosto 21, 1983, bumalik
sa Maynila si Benigno Aquino, Jr. upang magbigay ng alternatibo laban kay Marcos at
sa lalong lumalakas sa New Poeple's Army (NPA). Ngunit siya ay binaril at napatay sa
pagbaba niya sa eroplano. Ang pagpatay ay nakita bilang gawain ng pamahalaan at
naging sanhi ng malawakang protesta laban sa gobyerno. Isang independiyenteng
komisyon na hinirang ni Marcos ang nagpatibay noong 1984 na mga matataas na
opisyal ng militar ang responsable sa pagpatay kay Aquino. 
Upang muling ipahayag ang kanyang mandato, nagtawag si Marcos ng bagong halalan
sa pagkapangulo. Ngunit isang matinding kalaban sa pulitika ang lumitaw, ang biyuda ni
Aquino, si Corazon Aquino, na naging kandidato ng oposisyon para pagka presidente.
Pinaniniwalaan ng marami na nakuhang talunin ni Marcos si Aquino dahil lamang sa
napakalaking pandaraya sa pagboto ng kanyang mga tagasuporta sa halalan noong
Pebrero 7, 1986. Habang labis na pinawalang-saysay sa sariling bayan at sa ibang
bansa ang kanyang kahina-hinalang pagkapanalo sa eleksiyon, mahigpit na pinananatili
ni Marcos ang kanyang pagkapangulo habang nahati ang militar ng Pilipinas sa pagitan
ng mga tagasuporta niya at ng lehitimong karapatan ni Aquino sa pagkapangulo.
Natapos lamang ang isang matinding sagupaan na naganap sa pagitan ng dalawang
panig noong si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25, 1986, sa paghimok ng
Estados Unidos. Tumakas siya papuntang Hawaii, kung saan siya ay nanatili hanggang
sa kanyang kamatayan noong September 28, 1989.

You might also like