You are on page 1of 23

Manuel Roxas

Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 –


15 Abril 1948) ay ang ikalimang Pangulo
ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 –
15 Abril 1948) na makikita sa sandaang
pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng
Pilipinas.
Manuel Roxas

Ika-5 Pangulo ng Pilipinas


Ikatlong Pangulo ng Komonwelt
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika

Nasa puwesto
28 Mayo 1946 (bilang Pangulo ng
Komonwelt); 4 Hulyo 1946, (bilang Pangulo ng
Ikatlong Republika) – 15 Abril 1948

Pangalwang Pangulo Elpidio Quirino

Nakaraang sinundan Sergio Osmena

Sinundan ni Elpidio Quirino

Pansariling detalye

Ipinanganak 1 Enero 1892


Capiz (ngayon ay
Lungsod Roxas),
Capiz

Namatay 15 Abril 1948


Clark Air Base,
Angeles, Pampanga

Partidong Nacionalista (1919–


pampolitika 1945)
Partido Liberal
(1945–1948)

(Mga) Asawa Trinidad de Leon

Trabaho Abogado

Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa


lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya
ay mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon
ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas
at Rosario Acuña ang kanyang mga
magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1912 at naging
topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa
siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan.
Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim
ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa
House of Representatives at sa sumunod
na taon ay naging Speaker of the House.
Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng
Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa
National Assembly, nagsilbi (1938–1941)
bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete
ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal
(1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag
siya (1942) ng pwersa ng mananakop na
Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa
ilalim ng Republika ng Pilipinas na
itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din
ito, siya ang nagsilbing intelligence agent
para sa mga gerilya. Hinuli ng mga
bumalik na pwersang Amerikano si Roxas
sa paghihinalang pakikipagtulungan sa
mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan,
pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas
MacArthur kasama kay pangulong Sergio
Osmena kasama ng mga Pilipinong
heneral na galing sa Sandatahang Lakas
ng Pilipinas na sina heneral Basilio J.
Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at
ibinalik ang kanyang nombramyento bilang
opisyal ng Hukbong Sandatahan ng
Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay
sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni
MacArthur, nanalo siya sa halalan sa
pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban
kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo,
pinawalang-sala niya ang mga
nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15
Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso
at siya ay namatay, habang nagbibigay ng
kanyang talumpati sa dating base militar
ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala
na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni
Pangulong Elpidio Quirino.

Talambuhay
Maagang buhay …

Si Roxas ay iniluwal noong 7 Enero 1891


sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at
Rosario Acuña. Ang kanyang ama ay
pinatay ng mga Kastilang guardia civil
bago pa ipanganak si Manuel. Siya ay
nagtapos sa Mataas na Paaralan ng
Maynila (ngayong Mataas na Paaralan ng
Araullo) noong 1909. Siya ay nag-aral ng
batas sa isang pribadong paaralang
itinatag ni George A. Malcolm na unang
dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng
Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang
taon ay pumasok siya sa Unibersidad ng
Pilipinas kung saan siya nagtapos na
balediktoryan at nakakuha ng
pinakamataas na markang 92% sa bar
examination noong 1913.

Gobernador ng Capiz …

Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang


pampulitika noong 1917 bilang kasapi ng
konsehong pangmunisipyo ng Capiz
(ngayong Lungsod ng Roxas). Siya ay
nahalal na Gobernador ng Capiz mula
1919 hanggang 1921.

Kinatawan …
Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at
nanungkulan bilang Ispiker ng Kapulungan
ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay
naging kasapi ng Philippine Council of
State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng
senado na si Manuel L. Quezon ay
nagbitiw sa Council of State nang
simulang i-veto ni Gobernador-Heneral
Leonard Wood ang mga panukalang batas
na ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas.

Misyong OsRox …

Si Roxas kasama ni Sergio Osmeña ay


nanguna sa isang kampanya na tinatawag
na misyong OsRox (1931) para sa
pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan
ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng
Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang
pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos
ng Hare–Hawes–Cutting Act na
nangangakong magbibigay ng kalayaan sa
Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito
ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa
panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si
Quezon ay nanguna sa isang misyon
noong 1934 upang makuha ang pagpasa
ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas
Tydings–McDuffie na pinagtibay ng
Senado ng Pilipinas.
Senado …

Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas


noong 1941 ngunit ang Kongreso ng
Pilipino ay hindi natipon hanggang
pagkatapos lamang na mapalaya ang
Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones noong 1945. Nang matipon ang
Kongreso noong 1945, si hinalal ng
Kongreso na nahalal noong 1941 bilang
pangulo ng Senado.

Iba pang mga hinawakang posisyon


sa pamahalaan

Siya ay kasapi ng Kombensiyong
Konstitusyonal mula 1934 hanggang 1935
na lumikha ng Saligang Batas ng Pilipinas
ng 1935 sa ilalim ng Tydings-McDuffie Act.
Siya ay naglingkod na kalihim ng
Pananalapi mula 1938–1940,
Tagapangasiwa ng National Economic
Council, Tagapangsiwa ng National
Development Company, Brigadier General
ng USAFFE, at iba pa.

Panahong Hapones …

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si


Roxas ay nanungkulan sa pamahalaan ng
Ikalawang Republika ng Pilipinas ni Jose P.
Laurel sa ilalim ng Hapon bilang Direktor
ng Ahensiya ng Paglilikom ng mga suplay
ng kanin para sa hukbong Hapones. Siya
ay naging kasapi ng komiteng gumawa ng
drapto ng Saligang Batas ng Ikalawang
Republika sa ilalim ng Hapon.

Gayunpaman, si Roxas ay pinaghihinalaan


ng mga Hapones na nakikipagtulungan sa
mga gerilyang laban sa Hapon at
nagsagawa ng lihim na paniniktik kay
Roxas sa kabila ng kautusan ni Heneral
Homma na malapit kay Roxas na itigil ang
paniniktik nila kay Roxas.
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang
mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang
Republika ay dinakip ni Heneral Douglas
MacArthur. Si Roxas ay pinalaya,
pinatawad at ibinalik ni MacArthur sa
ranggong Brigadier Heneral sa General
Headquarters ng Hukbong Amerikano sa
Seksiyong Intelihensiya samantalang ang
ibang nadakip na sina Jose Yulo, Antonio
delas Alas, Quintin Paredes at Teofilo
Sison ay ibinilanggo upang litisin dahil sa
pakikipagsabwatan sa mga Hapones.
Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay
inosente at tumulong sa kilusang gerilyang
laban sa Hapon. Noong 1948, pinatawad
ni Pangulong Roxas ang mga dinakip na
sinasabing kasabwat ng mga Hapones.

Noong 1946 halalan ng pagkapangulo,


hiniling ni Roxas ang suporta ng
Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa
Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si
Roxas ay nakipagtulungan sa mga
Hapones at malapit na nauugnay sa mga
mayayamang nagmamay-ari ng lupain,
kanilang sinuportahan si Sergio Osmeña.
Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan,
noong 1948, kanyang inihayag ang
parehong PKM at Hukbalahap na mga
"ilegal na organisasyon" at inutos ang
pagdakip ng mga kasapi nito dahil sa
"pagpapabagsak ng pamahalaan sa
pamamagitan ng dahas" at "pagtatatag ng
kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng
dahas at takot".

Pangulo ng Pilipinas …

Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano


ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay
ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27,
1945 kung saan Pangulo si Sergio
Osmeña.

Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng


pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may
54 porsiyento ng kabuuang boto laban
kina Sergio Osmeña ng Partido
Nacionalista at Hilario Moncada ng
Partido Modernista. Si Roxas ay tumakbo
sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang
itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido
Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula
Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946
nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan
mula sa Estados Unidos.

Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay


humarap sa Kongreso ng Estados Unidos
upang himukin ang pagpasa ng dalawang
batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados
Noong 30 Abril 1946: ang Batas Tydings–
McDuffie at ang Bell Trade Act na
parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados
Unidos.

Inaugurasyon ni Roxas bilang Pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa
Independence Grandstand (ngayong Quirino
Grandstand) sa Maynila.

Sa araw na inilunsad ang Ikatlong


Republika ng Pilipinas at kalayaan ng
Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4
Hulyo 1946, si Roxas ay nanumpa bilang
unang Pangulo ng bagong Ikatlong
Republika sa Luneta, Maynila. Ang
okasyon ay dinaluhan ng mga 3,000
dignitaryo kabilang ang Commissioner to
the Philippines at kauna-unahang
Embahador ng Estados Unidos sa
Pilipinas Paul McNutt, Heneral Douglas
MacArthur galing sa Tokyo, United States
Postmaster General Robert E. Hannegan,
isang delegasyon mula sa Kongreso ng
Estados Unidos na pinangunahan ni
Senador Millard Tydings (may akda ng
Batas Tydings–McDuffie) at Kinatawan C.
Jasper Bell (may akda ng Bell Trade Act)
at dating Civil Governor-General Francis
Burton Harrison. Ito ay dinaluhan ng mga
300,000 katao na nakasaksi sa pagbaba
ng pambansang watawat ng Estados
Unidos at pagtataas ng pambansang
watawat ng Pilipinas.

Si Roxas ang nanungkulang Pangulo ng


Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan
noong 15 Abril 1948.

Kamatayan …
Libingan ni Roxas sa Sementeryong Norte sa Maynila.

Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948


sa atake sa puso sa tahanan ni Major
General E.L. Eubank sa Clark Field,
Angeles City, Pampanga pagkatapos
manalumpati sa harap ng Sandatahang
Panghimpapawid ng Estados Unidos.
Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas,
siya ay hinalinhan ng Pangalawang
Pangulong si Elpidio Quirino.

Inunahan ni: Pangulo ng Sinundan ni:


Sergio Pilipinas Elpidio
Osmena 1946–1948 Quirino
Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Manuel_Roxas&oldid=1737664"

Last edited 5 day ago by an anonymous user

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like