Professional Documents
Culture Documents
Sa A.P
John Floyd m. lordan
Mrs. MA. THERESA L. DADOR
GRADE 6- GARNET
Manuel Roxas
Maagang buhay
Si Roxas ay iniluwal noong 7 Enero 1891 sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at Rosario
Acuña. Ang kanyang ama ay pinatay ng mga Kastilang guardia civil bago pa ipanganak
si Manuel. Siya ay nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila (ngayong Mataas na
Paaralan ng Araullo) noong 1909. Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong
paaralang itinatag ni George A. Malcolm na unang dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng
Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay pumasok siya sa Unibersidad ng
Pilipinas kung saan siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha ng pinakamataas na
markang 92% sa bar examination noong 1913.
Gobernador ng Capiz
Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang pampulitika noong 1917 bilang kasapi ng
konsehong pangmunisipyo ng Capiz (ngayong Lungsod ng Roxas). Siya ay nahalal na
Gobernador ng Capiz mula 1919 hanggang 1921.
Kinatawan
Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at
nanungkulan bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay
naging kasapi ng Philippine Council of State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng
senado na si Manuel L. Quezon ay nagbitiw sa Council of State nang simulang i-vetoni
Gobernador-Heneral Leonard Wood ang mga panukalang batas na ipinasa ng
lehislatura ng Pilipinas.
Misyong OsRox
Si Roxas kasama ni Sergio Osmeña ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag
na misyong OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng
Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa
ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare–Hawes–Cutting Act na nangangakong
magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng
Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay nanguna sa
isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos
ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
Senado
Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay
hindi natipon hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa
pananakop ng mga Hapones noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si
hinalal ng Kongreso na nahalal noong 1941 bilang pangulo ng Senado.
Iba pang mga hinawakang posisyon sa pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]
Siya ay kasapi ng Kombensiyong Konstitusyonal mula 1934 hanggang 1935 na lumikha
ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa ilalim ng Tydings-McDuffie Act. Siya ay
naglingkod na kalihim ng Pananalapi mula 1938–1940, Tagapangasiwa ng National
Economic Council, Tagapangsiwa ng National Development Company, Brigadier
General ng USAFFE, at iba pa.
Panahong Hapones
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Roxas ay nanungkulan sa pamahalaan
ng Ikalawang Republika ng Pilipinas ni Jose P. Laurel sa ilalim ng Hapon bilang Direktor
ng Ahensiya ng Paglilikom ng mga suplay ng kanin para sa hukbong Hapones. Siya ay
naging kasapi ng komiteng gumawa ng drapto ng Saligang Batas ng Ikalawang
Republika sa ilalim ng Hapon.
Gayunpaman, si Roxas ay pinaghihinalaan ng mga Hapones na nakikipagtulungan sa
mga gerilyang laban sa Hapon at nagsagawa ng lihim na paniniktik kay Roxas sa kabila
ng kautusan ni Heneral Homma na malapit kay Roxas na itigil ang paniniktik nila kay
Roxas.
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang
Republika ay dinakip ni Heneral Douglas MacArthur. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad
at ibinalik ni MacArthur sa ranggong Brigadier Heneral sa General Headquarters ng
Hukbong Amerikano sa Seksiyong Intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na
sina Jose Yulo, Antonio delas Alas, Quintin Paredes at Teofilo Sison ay ibinilanggo
upang litisin dahil sa pakikipagsabwatan sa mga Hapones. Inangkin ni MacArthur na si
Roxas ay inosente at tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon. Noong 1948,
pinatawad ni Pangulong Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga
Hapones.
Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta
ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si
Roxas ay nakipagtulungan sa mga Hapones at malapit na nauugnay sa mga
mayayamang nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan si Sergio Osmeña.
Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang
parehong PKM at Hukbalahap na mga "ilegal na organisasyon" at inutos ang pagdakip
ng mga kasapi nito dahil sa "pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng
dahas" at "pagtatatag ng kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot".
Pangulo ng Pilipinas
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27, 1945
kung saan Pangulo si Sergio Osmeña.
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may 54
porsiyento ng kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng Partido Nacionalista at
Hilario Moncada ng Partido Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido
Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay
nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo
4,1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.
Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang
himukin ang pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30
Abril 1946: ang Batas Tydings–McDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng
Kongreso ng Estados Unidos.
Inaugurasyon ni Elpidio Quirino bilang Pangulo ng Pilipinas noong Abril 17, 1948 sa
Council of State Room, Executive Building, Malacañang.
Carlos P. Garcia
Maagang buhay
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya
sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya
ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.
Kapulungan ng mga Kinatawan
Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga
Kinatawan at naglingkod hanggang 1932.
Gobernador ng Bohol
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.
Senado
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa
pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang
paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga
Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si
Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng
Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San
Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga
impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang
pandayuhan ng Pilipinas.
Panahong Hapones
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia
ay pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang
pagtangging sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang
gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Pangalawang Pangulo
Kabataan
Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel
Magsaysay at gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa
sekundarya at Unibersidad ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat
siya sa Institute of Commerce sa Jose Rizal College (1928–1932) at nakapagtapos ng
kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper habang nag-aaral. Siya ay
nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at kalaunang naging
manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang si Luz
Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni
Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool
ng ika-31 Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos
ng pagbagsak ng Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng
kanluraning Luzon na lumaban sa mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan
nang mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1945 bagaman pinangasiwaan
niya ang mga 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang kanyang ranggo ngunit ginawa
siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan, hinirang siyang
Militaryong Gobernador ng Zambales noong Pebrero 4, 1945. Pagkatapos ng dalawang
buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.
Kapulungan ng mga Kinatawan
Noong Abril 23, 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel
Roxas upang pumunta sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman of the
Committee on Guerilla Affairs upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na
nagbibigay ng mga benepisyo sa mga beteranong Pilipino sa digmaan. Muli siyang
nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House National Defense
Committee.
Kalihim ng Pagtatanggol sa ilalim ni Elpidio Quirino
Noong Agosto 31, 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na
maging Kalihim ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino
na labanan ang mga gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa
labanang gerilya noong Digmaan. Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma
laban sa mga Hukbalahap na naging isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-
gerilya sa modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay sinasabing sanhi sa isang
bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni Magsaysay. Ginamit
niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief good at
iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng
mga paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na
mamamayan. Nag-alok si Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng
lupain sa kagubatan ng Mindanao sa sinumang rebelde na susuko. Habang ang
opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay tumataas, ang bilang
ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago ni Magsaysay, ang mga mamamayan sa mga
mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas,
ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan
ang mga sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay
nabihag o napatay na.
Noong mga 1953, naniwala si Quirino na ang banta ng Hukbalahap ay nakontrol na at
si Magsaysay ay nagiging labis na makapangyarihan sa politika. Nakatagpo si
Magsaysay ng panghihimasok at panghaharang ng Pangulong Quirino at mga tagapayo
nito sa takot na baka matalo sila sa susunod na halalan ng pagkapangulo. Sa
panahong ito ay wala pang intensiyon si Magsaysay na tumakbo bilang pangulo ngunit
hinikayat mula sa ibat ibang panig ng lipunan. Kalaunan siyang nahikayat na ang
pagtakbo sa pagkapangulo ang paraan upang maipagpatuloy ang kanyang
pakikipaglaban sa komunismo. Naniwala si Magsaysay na ang tiwaling administrasyon
ni Quirino ang nagsasanhi ng pagsiklab ng mga gerilyang komunista. Nagbitiw si
Magsaysay bilang kalihim ng pagtatanggol ni Quirino noong Pebrero 28, 1953 at naging
kandidato para sa pagkapangulo ng Partido Nacionalista.
Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at Ikalawang
Pangulo noong Disyembre 30, 1953, Independence Grandstand (ngayong Quirino
Grandstand)
Pagkapangulo
Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong
pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-
unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng
Malacañáng sa mga ordinaryong mamamayan.
Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at
pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-
gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay
ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad
ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at
panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas
ay 7.13 %.
Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at
kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa
lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi
ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang
pansariling interes.
Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga
walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at
nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.
Sariling buhay
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging
pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-
Arroyo, ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado,
Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.
Edukasyon
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya
mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama
University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit
din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal
siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng
Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang
Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng
Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual
Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging
Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang
Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan.
Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para
sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng
nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang
Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng
Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na
naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah(opisyal na iniharap noong 22 Hunyo
1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at
naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni
Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa
Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa
pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.
Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.
Kamatayan
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong
Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21
Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Ferdinand Marcos
Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Sina Don
Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong siyang
tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging
kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating
guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa
elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng
Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong
panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa
campus dahil sa sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa
larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya.
Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan
ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang
kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditong si Julio
Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang
napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya,
nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan
ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya
sa Kataas-taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong
ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema at napawalang sala.
Bilang isang sundalo
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marcos na sumapi siya sa United
States Army Forces in the Far East bilang Intelligence Adviser Officer o Meydor ng Ika-
21 Dibisyon ng Hukbong Lakad. ni Marcos na siya ay lumaban sa pagtatanggol
ng Bataan laban sa biktima ngHapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng
Kamatayan sa Bataan. niyang siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones
sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta
Santiago sa Intramuros, Maynila. Kanyang siya ay nakatakas at nagtatag ng
kilusang gerilya sa Hilagang Luzon na tinatawag na "Maharlika". Kanya ring na siya ay
isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y
pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan ng Pasong Bessang at
tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikanong lumaban sa Hapon.
Gayunpaman, sa paulit-ulit na imbestigasyon ng United States Army, walang
natagpuang basehan ang mga imbestigador sa pag-aangkin ni Marcos ng kanyang
inaangking kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa mga pwersang Hapones
mula 1942 hanggang 1944.[8] Dalawang beses na humiling si Marcos sa U.S. Army ng
opisyal na pagkilala ng pag-iral ng kanyang kilusang gerilyang "Maharlika" upang
makatanggap ng mga benepisyo at nakaraang sahod ngunit sa pagitan ng 1945 at
1948, ang iba't ibang opiser ng U.S. Army ay tumakwil sa mga paghiling na ito na
tumatawag sa mga pag-aangkin ni Marcos na "pandaraya" at "hangal". Ang mga
imbestigador ng U.S. Army ay nagbigay konklusyon na ang inaangkin ni Marcos na
kilusang "Maharlika" ay isang pekeng kathang isip at "walang gayong unit ang
kailanman umiral" bilang isang organisasyong gerilya noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.[8] Ang mahusay na nadokumentong paglalantad ni Col. Bonifacio Gillego ng
mga pekeng medalya ni Marcos ay nagresulta sa pagpapasara ni Marcos ng
pahayagang naglimbag nito at pagkakabilango ng tagapaglimbag nito.[9][10]
Karera sa kongreso
Nang pagkalooban ng Estados Unidos ang Pilipinas ng kalayaan noong 4 Hulyo 1946,
ang Kongreso ng Pilipinas ay itinatag. Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika
ng Pilipinas noong 1948, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special
technical assistant. Sa parehong taon ay tumakbo si Marcos sa kongreso at nahalal ng
dalawang beses. Sa gitna ng kanyang ikatlong termino bilang kinatawan, siya ay
tumakbo sa Senado.
Kinatawan
Si Marcos ay tumakbo at dalawang beses na nahalal bilang kinatawan ng ikalawang
distrito ng Ilocos Norte noong 1949 hanggang 1959 at nagsilbi bilang minority floor
leader sa isang punto at umasal na temporaryong Pangulo ng Partido Liberal noong
1957. Siya ay pinangalanang chairman ng House Committee on Commerce and
Industry and member of the Defense Committee na pinamunuan ni Ramon Magsaysay.
Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kinatawan noong 1957.
Senado
Noong 1959, si Marcos ay tumakbo sa Senado at nagkamit ng pinakamataas na bilang
ng mga boto. Siya ay isang kasapi ng Senado mula 1959 hanggang 1965 na nagsilbing
pangulo ng Senado mula 1959 hanggang 1965. Siya ang minority floor leader, 1960;
ehekutibong bise-presidente, LP 1954–1961 at presidente ng partidong Liberal 1961–
1964.
Personal
Sa pamamagitan ng kongresistang si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda ay nakilala
ni Ferdinand si Imelda na naging Miss Leyte. Si Imelda ay ginawaran ng pamagat na
"Muse of Manila" ng alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson pagkatapos ng
pagprotesta ni Imelda sa kanyang pagkatalo sa patimpalak na "Miss Manila". Ikinasal
sina Ferdinand at Imelda sa Huwes noong 1 Mayo 1954. Nagkaroon sila ng tatlong
anak: sina Imee, Bongbong at Irene. Si Marcos ay may isa pang anak na babae na
si Analisa Hegyesi sa modelong si Evelin Hegyesi.[11][12]Iniulat na si Ferdinand Marcos
ay nagkaroon ng lihim na relasyon sa artistang Amerikana na si Dovie Beams na
dumating sa Pilipinas noong 1968 upang gumanap sa isang pelikulang tungkol kay
Marcos. Ito ay iniulat na nagdulot ng isang eskandalo kay Marcos dahil sa tape na
nirecord ni Beams ng kanyang pakikipagsiping kay Marcos[13][14][15][16] na
isinahimpapawid ng mga estudyanteng nagpoprotesta sa estasyon ng radyo ng
Unibersidad ng Pilipinas ng higit sa isang linggo.[17] [18]
Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa isa pang
apat na taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito ay nabahiran ng
malaking karahasan, pagbili ng boto at pandaraya sa panig ni Marcos[21][22] at ginamit ni
Marcos ang 50 milyong dolyar ng kabang yaman ng Pilipinas upang pondohan ang
kanyang kampanya.[23] Ang ikalawang termino ni Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa
ekonomiya na dulot ng mga parehong panloob at panlabas na mga paktor. Noong
1969, ang Pilipinas ay nakaranas ng isang mas mataas na rate
ng implasyon at debaluwasyon ng piso. Sa karagdagan, ang pagbabawas ng mga
bansang Arabo ng produksiyon ng langis bilang tugon sa tulong sa Israel ng mga
hukbong Kanluranin sa alitang Arabo-Israel ay nagresulta sa mataas na mga presyo ng
langis sa buong mundo. Sa panahong ito nang ang mga imprastruktura ng Pilipinas
gayundin ang mga pananim at mga sakahang hayop ay nasalanta ng mga kadalasang
natural na kalamidad at sinamahan ng mga panloob at panlabas na pwersang
ekonomiko na humantong sa walang kontrol na pagtaas ng mga presyo sa mga
pangunahing komoditad.
Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay, bumaling sa
mga pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng marahas na pumaslang sa
404 katao. Ang karahasan sa pamayanan sa Mindanao ay humantong sa 100,000
refugee, pagsunog ng mga bahay at kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at
Muslim sa Cotabato at Lanao. Ang karahasan ay nakapagbigay pansin sa atensiyong
internasyonal at simpatiya mula sa Organization of Islamic Conference (OIC) gayundin
ang ibang mga bansang Mulsim tulad ng Libya na nagbigay ng pagsasanay militar at
lohistika sa mga rebeldeng Moro. Ang sesesyonismong Muslim ang isa sa mga dahilan
sa pagdedeklara ni Marcos ng martial law. Noong 3 Marso 1970 nag-aklas ang mga
nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay
upang tuligsain ang pangingikil ng mga pulis at upang hilinging pagtibayin ng lupon ng
Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Noong Marso
23–24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay nagdaos ng isang
demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus.
Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod sunod na demonstrasyon na sa simula ay
bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan ngunit hindi
naglaon ay humihiling ng mga reporma sa pamahalaan. Noong 26 Enero 1970, sa araw
ng pagbubukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng
mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagdaos ng malaking
demonstrasyon sa labas ng Kongreso upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa
pagdaraos ng isang Kumbensiyong Konstitusyonal ng taong 1971 na humantong sa
mga kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mga estudyante. Noong 30 Enero 1971 sa
tinaguriang "Labanan sa Mendiola" o "First Quarter Storm" o Sigaw ng Unang Sikapat
ay nagdaos ng panibagong demonstrasyon ang mga aktibistang estudyante kung saan
nasawi ang apat na demonstrador at maraming nasugatan. Ang mga estudyante ay
nagtungo sa Malacanang pagkatapos magtungo sa Kongreso at pinagpilitang
makapasok sa loob ng Malacanang. Naghagis sila ng mga pillbox at mga sariling-
gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. Ito ay humantong sa isang labanan
sa pagitan ng mga aktibistang estudyante at bantay ng seguridad ng Malacanag na
tumagal hanggang makalipas ng hatinggabi. Nang sumunod na araw, ipinahayag ni
Marcos sa radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang
panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang kanyang pamahalaan.
Ang pagbomba sa Liwasang Miranda
Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa Plaza
Miranda sa Quiapo, Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng 4,000 katao upang
ipakilala ang mga kandidato ng Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para
sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng
gabi, ang dalawang granada ay inihagis sa entablado at magkasunod na sumabog.
Malubhang nasugatan sina Jovito Salonga, Sergio Osmeña, Jr., John Henry Osmeña,
Senador Gerardo Roxas, Kinatawan Ramon Mitra, Ramon Bagatsing, Senador Eva
Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde, Martin Isidro at iba pa. Siyam na katao ang
nasawi kabilang ang potograpo ng pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na
katao ang nasugatan. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may
pakana nito ngunit makalipas ang ilang taon ay idiniin ni Major General Victor Corpus
si Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan na Partido Komunista ng
Pilipinas bilang may utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni Sison. Sinisi rin ni Marcos ang
mga komunista sa balak na pagpapahina ng kanyang pamahalaan at ilang oras
pagkaraan ng pagpapasabog ay ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon
Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus. Noong 7 Enero
1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa
pribelehiyo ng writ of habeas corpus.Maling banggit (Naawawala ang
pansarang </ref> na para sa tatak na <ref> ); $2 Inamin rin ng isang kasapi ng
Klaseng '40 ng PMAna ang kanyang malapit na kamag-anak na isa sa mga diputado ni
Heneral Fabian Ver sa Presidential Security Unit ay nag-organisa sa ilang mga
pambobomba sa bansa upang hikayatin ang mga tao na may krisis ng kaguluhan at
ang demokrasya ay hindi gumagana.[24] Ang opiser na ito ay itinaas ni Marcos bilang
Heneral mga ilang araw bago ang pagdedeklara ng Batas Militar.[24]
Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Marcos ang pagdakip at pagpapabilanggo sa
mga sumusunod na politiko at mamamahayag na bumabatikos kay Marcos: ito ay
kinabibilangan nina kinatawan Roque Ablan, Jr. at Rafael Aquino, mga Senador na
sina Benigno Aquino, Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra, Jr., mga Gobernador na sina
Rolando Puzon at Lino Bocalan, dating Senador Francisco Rodrigo, mga delagado sa
Kumbensiyon Konstitusyonal na sina Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II,
Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose
Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez, mga mamamahayag na sina Joaquin "Chino"
Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino,
at Luis Mauricio. Pinatalsik rin ni Marcos ang ilang mga kawani ng tanggapan ng
pamahalaan sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o ang "Integrated Reorganization
Plan". Tanging ang pahayagang Daily Express at mga estasyon ng pamahalaan ang
pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyong pamamahayag. Kalauna'y
pinahintulutan ding magbukas ang pahayagang Manila Bulletin Today (na pag-aari ng
Hans Menzi na malapit kay Marcos), mga estasyon ng Radio Philippine Network at
Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng crony ni Marcos na si Roberto
Benedicto, at ang estasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na
GMA Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa
Pangulong Marcos. Binuwag rin ni Marcos ang Kongreso ng Pilipinas at naalisan ng
tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon si
Marcos bilang Pangulo ng bansa ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas.
Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (Presidential Decree), Kautusang
Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga
ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang
Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas
ng dating Kongreso. Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi
tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang
nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin.
Ang Saligang Batas ng 1973
Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973
Pagpapatalsik sa kapangyarihan
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na
humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay
Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983
pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay
pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan (commercial) na paglipad
sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International
Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[48] Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at
nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni
Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa
sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang
humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.[49] Ito ay nagpauga sa pamahalaan
ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos.
Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na
karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa
pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay naging bangkarote, ang piso ay
dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8%
noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [50]
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief
Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay
Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at
naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando
Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang pamahalaan ni Marcos
ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari na
ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan
at bumaril kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga sundalo si
Galman.
Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si
Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-
imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na
mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang
asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga
parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng
nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at
nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng
26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga
pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula
noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi
pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento
ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni
Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay
napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.[50] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema
ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at
hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000
sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa. [51]. Batay sa
mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at iba pa, nakita nilang ang
sundalong si C1C Rogelio Moreno na nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan
ng eroplano si Ninoy ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay
Ninoy na ang bala ay pumasok mula itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa
mababang panga na nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni
Ninoy.
Snap Election
Simula 1983 pagkatapos ng pagpaslang kay Ninoy, ang mga opisyal ng pamahalaan ng
Estados Unidos ay hindi na sumuporta sa rehime ni Marcos[52] at naghanap sila ng mga
paraan upang mapatalsik na si Marcos sa kapangyarihan.[52] Sa mukha ng papalalang
kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino, pinatawag ni Marcos ang
isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon
sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at
pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na
kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang
ang balo ni Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa
pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng
partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos. [53][54] Sa
snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya,
pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa
mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay
nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's
Movement for the Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang
nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser na
COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si
Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino.
Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si
Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos. [55] Ang mga 29
mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa
pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos.[50] Ang
oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa
harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto.
Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno
ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines
(CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya.
Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena
sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng
pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na "nakakabagabag". [56] Bilang tugon
sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng
mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng
52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.[57]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa
bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng
Parliamento ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming
Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang
parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang
mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay tumawag ng mga strike
at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-
aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media
ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock
market ay bumagsak.
Himagsikang People power
Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay
naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'eta laban kay Marcos. Ang simulang plano
ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng
military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar,
mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga
highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga loyalistang hukbo
ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa
Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak
na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito[58] at itinanghal sa lokal at
internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik
kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[59][60]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga
kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt.
Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National
Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang
mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina
Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Kampo Aguinaldo kung
saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni
Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si
Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina
Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang
ito".[61] Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng
gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde
sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Kampo
Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang
mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA. [61][62]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang
pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa
pagpapataw ng martial law.[63]
Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating
upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa
pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang
standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid. [62]Ang
himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng
pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na
nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga
mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.[61]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan
daang libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na
masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-
aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at
mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno
at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay
nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit
ng Bayan Ko[64] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.
Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[65] na may nabuong "L" sa
kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya
sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa
EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan
ng mga tao.[61] Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng
pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5
na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga
tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier General Artemio
Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga kampo ng
mga sampung mga libong mga tao.[66] Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo
ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang
harangin ang mga hukbo.[67] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi
gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang
pagpapaputok ng baril na nangyari.[61] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio
Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na
pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang
lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa bukang liwayway ng
Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng
pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan
ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang
mga marine ay pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Kampo
Aguinaldo.[61] Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air
Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point,
Cavite na tumungo sa Kampo Crame.[68] Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa
halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang
mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell
214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-
76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron
ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga
helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa
kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan.[61] Sa katanghalian, si Corazon
Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at mga
tao ay naghihintay.[68]
Samantala, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay nabahala na baka
atakihin at patayin ni Marcos ang mga nagpoprotesta na masasaksihan sa telebisyon
ng buong mundo. Naglabas ng pahayag ang administrasyon ni Reagan na kung
gagamit si Marcos ng dahas ay "magsasanhi ito ng hindi masabing pinsala sa ugnayan
sa pagitan ng ating dalawang pamahalaan.[52]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos
ang Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay
nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang
mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si
Marcos sa telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4,[69] na nagdedeklarang
hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang
kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga
depeksiyon.[61] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa
himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano
Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na
naghahayg si Orly Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang
paglingkuran ang mga tao". Sa mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na
sa higit sa isang milyon.[61] Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik
ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa
loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial
law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor
Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang
helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at
nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos
sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang
karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.[61]
Dalawang inaugurasyon ng pangulo
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng
saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na
bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng
sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Kamatayan
Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong 28 Setyembre 1989 sa Honolulu,
Hawaii sa edad na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga
karamdaman ng bato, baga at puso.[72]
Ang bangkay ni Marcos ay inuwi sa Pilipinas noong 1993 at nakatanghal sa isang
mausoleo sa Batac, Ilocos Norte. Hiniling ng pamilya Marcos na ilibing si Marcos
sa Libingan ng mga Bayani ngunit ito ay sinalungat ng maraming mga politiko at mga
biktima ng mga karapatang pantao ni Marcos.