You are on page 1of 6

ARALIN 8: Panahon ng Digmaan

- Noong Disyembre 17,1941 tinanggap niya ang itinalaga sa kanya ni Pangulong Quezon bilang
Sekretaryo ng Katarungan.
- Pinayuhan ni Hen. Mac Arthur si Quezon na pumunta sa Corregidor dahil nakikita nya na nawawalan
na ng kahandaan ang Amerika at binobomba na ng Hapones ang Pilipinas. Napagkasunduan na si Jose
Abad Santos ay sasama kay Quezon sa Corregidor upang tulungan si Quezon na magdokumento.
- Noong Disyembre 23,1941, itinalaga ni Quezon si Laurel na maging Punong Mahistrado bukod pa sa
pagiging sekretaryo ng katarungan.
- Sinabi ni MacArthur kay Quezon na sabihin kay Laurel na sundin ang lahat maliban sa panunumpa sa
katapatan sa Hapon.
- Pumasok sa Manila noong Enero 2, 1942 ang mga Hapones at binomba ang Maynila at Cavite. Namili
ang pinakamakapangyarihang hukbo ng Hapones upang maging miyembro ng komisyong
pampangasiwa. Komisyoner ng katarungan si Laurel.
- Naglabas si Laurel ng sirkular na nagbabawal ng pagwawalang bisa sa kasong nangangailangan ng
paglilitis o pagsisiyasat.
- Labag sa kalooban nina Laurel ang sundin ang utos ng mga Hapones at lalo na ang coprosperity
sphere. Bago mag Disyembre 1942, itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas) Si Vargas ang tagapangulo ng komisyong tagapagpaganap.
- Pangalawang Pangulo at Pangkalahatang Direktor ng samahan si Benigno Aquino
- Inilipat si Laurel mula sa departamento naging komisyoner panloob. Pangunahing tungkulin ni Laurel
ay panatilihin ang kapayapaan at kaayusan. Siya rin ang namahala sa mga laro at libangan.
- Hunyo 5,1943 noong pataksil siyang binaril habang naglalaro ng golf sa Wack Wack Country Club.
Siya’y nanatili ng dalawang buwan sa PGH. Ang boksingerong si “Little Joe” ang nagtangka sa kanyang
buhay.
- Nanguna si Laurel sa talaan ng mga Pilipinong kasamang bubuo ng komisyon sa paghahanda para sa
kalayaan ng Pilipinas, dahil sa 35 na taong paglilingkod niyang pangmadla. Sa pagtupad sa utos,
nagsimula silang bumuo ng Saligang Batas bilang paghahanda para sa Republika ng Pilipinas.
- Noong Setyembre 7, 1943 iniharap ang Saligang Batas sa isang popular na kumbensyon. Setyembre
25, 1943 naganap ang Pambansang Asemblea at inihalal ng buong pagkakaisa ng mga delegado sina
Aquino bilang ispiker at Laurel bilang Pangulo ng Pilipinas.
- Inatasang maglakbay patungong Tokyo sina Laurel, Aquino at Vargas upang magreport Kay Premier
Hideki Tojo. Setyembre 30 dumating sila sa Hapon kung saan binasa ni Tojo ang kanyang tagubilin na
humiling kina Laurel na magdeklara ng digmaan laban sa estados unidos.
- Nanalangin si Laurel ng Pater Noster at tumayo si Laurel habang magalang na nagpahayag na hindi
niya masusunod ang kanilang kahilingan.
- Noong Setyembre 1944, ang Tsina (Nangning),Siam at ang (Bose) probisyonal na pamahalaan ng India
ay nagdeklara na ng digmaan laban sa Amerika at Inglatera.
- Laurel- nagdeklara ng estado ng digmaan at matapos ay nagpahayag naman siya ng batas military.
Noong Disyembre 21 1944, si Laurel,ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala sa
Baguio kung saan sila nanirahan nang tatlong buwan.
- Noong Marso 16, Embahador Murata, sinabihan si Laurel at ang mga pangunahing miyembro ng
kanyang gabinete ay magtungo sa hapon sa lalong madaling panahon sa petsang kompidensiyal na
sasabihin sa kanya.
- Hunyo 7 nang makasunod si Laurel at ang iba pa niyang kasama. Nanuluyan sila sa magandang hotel
na may magandang akomodasyon. (Nara Hotel sa Tokyo)
- Nang malaman ni Laurel ang pagsuko ng mga Hapon, pinawalang bisa niya ang kanyang pamahalaan
noong Agosto 17, 1945.
- Nalaman ni Laurel na siya, si Aquino at si Vargas ay pinaghahanap ng Punong Himpilan ni Mac Arthur.
Nagpadala ng telegrama si Laurel kay MacArthur na nagsasaad ng lugar kung saan sila naroroon.

LESSON 9: Pagkatapos ng Digmaan

- Sa sampung buwan pagkakakulong ni JPL ay nagsulat siya ng saloobin sa aklat ni Birkenhead. Matapos
ito, sinimulan niya ang pagpapahayag ng kanyang pananaw na PRO DEO et PATRIA- Para sa diyos at
sa bayan.
- Hunyo 23, 1946 nang lumisan mula sa Hapon patungong Pilipinas sina Laurel, Vargas, Aquino, Osias
at Jose III. Lingid sa kanilang kaalaman na sila ay sasailalim sa Republika na pinamumunuan ni Roxas.
- Hulyo 4, 1946 ng ipagkaloob sa Pilipinas ang kalayaan, Si Manuel Roxas ay inagurasyunan ng araw din
na iyon.
- Nang makarating sila sa Maynila dinala sila sa Bilibid Prison sa Muntinlupa. Si Laurel ay isinakdal ng
129 bilang treason bagaman naghandog si Recto ng legal na paglilingkod ng pagtatanggol,
tinanggihan niya ito at pinanindigan na siya ang magtatanggol sa kanyang sarili.
- Noong Agosto ay tinanggihan nito ang pinagkaloob na pansamantalang paglaya ni Vicente Francisco,
sapagkat siya’y mamamalagi sa kanilang tahanan sa pangangalagang teknikal habang hinihintay ang
kalalabasan ng petisyon.
- Setyembre 2, 1946 ng unang humarap sa hukuman si Laurel upang pangatwiranan ang
pansamantalang paglaya sa pamamagitan ng pagpipiyansa.
- Pinahintulutan na siyang makapagpiyansa noong Setyembre 14, 1946 at Setyembre 20 matapos
mabayaran ang piyansang 50,000.00 pesos ay iniutos ng unang dibisyon ang kanyang
pansamantalang paglaya.
- Kontrobesyal na pagbibigay ng karapatang parity sa mga Amerikano sa mga likas na yaman ng
Pilipinas, ang nagbunsod ng pagsalungat ni Laurel.
- Sang-ayon si Pangulong Roxas sa pagsusulong sa konstitusyon at nagpahayag siyang matatamo ang
kapayapaan , kasiyahan at kasaganaan sa pagitan ng mga makukuhang biyaya ng Amerika sa
paggamit ng minanang yaman ng ating bansa.
- Dahil sa pagsalungat ni Laurel, ay nangamba ang mga tagasuporta niya na baka maging sanhi ito ng
pagganti ni Roxas.
- Mayo 1947 ipinatawag si Laurel sa Malacanañang ni Roxas kung saan siya at ang anak na si Ispiker
Jose B. Laurel Jr. ay pinadaan sa kusina upang di makita ng tagapayong Amerikano na nakatira doon.
Nagkasagutan ang dalawa sapagkat si Roxas ay kumpadre niya at dating tagapayo ngunit maliit na
tulong lamang ang ginawa nito para sa lalaking nagligtas ng kanyang buhay sa kamay ng mga
Hapones.
- Mayo 1947 idineklara ni Senador Eulogio Rodriguez na si Dr. Jose P. Laurel ay isa sa pinakakarapat-
dapat na tumakbong Pangulo.
- Nagkaroon pa ng dalawang paglilitis, Oktubre 20, 1947 at Enero 20 iniharap ang reporter na Hapones
na Koji Nakamura na magpapahayag sa isang panayam niya noon na sinalungatan ni Recto.
- Noong Enero 28, 1948 nilagdaan ni Pangulo Roxas ang Proklamasyon bilang 51 (Amnestiya), matapos
itong mapagtibay ay na-dismiss ang kaso ni Laurel. Bigla naman ang pagpanaw ni Pangulong Manuel
Roxas noong Abril 15, 1948 pagkatapos niyang magtalumpati sa Kelly Theater sa Clark.
- Si Elpidio Quirino ay pangalawang-pangulo ay humalili. Ngunit sa pagsisimula ng 1949, nagsimula ng
tuligsain ni Laurel si Quirino dahil sa pagkakabigo nito sa mga ipinangako, noong Mayo 22 pagkatapos
ng kanyang nominasyon bilang opisyal na standard bearer ng Nacionalista party.
- Sa mga unang bilangan ay nangunguna sina Laurel, ngunit sa mga boto sa kabisayaan ay lumamang
sina Quirino. Ngunit ito ay hindi natanggap ni Roxas kaya naman siya ay nagprotesta at umapila. Ang
halalang 1949 ang itinuturing na pinakamarumi sa kasaysayan ng Pilipinas.
- Setyembre 1951 nang simulan niya ang kayang pangatlong kampaya sa pagka-senador. Muli niyang
inulit ang paborito niyang tema na ang Asya ay para sa mga Asyano. Itinatag din ang National
Movement for Free Elections o (NAMFREL) para mapangalagaan ang integridad eleksyon sa ilalim ng
pangangasiwa ng puwersang militar.
- Nagtagumpay si Laurel laban kay Gil J. Puyat at nanalo lahat ng kandidatong senador ng Partido
Nacionalista. Nang sumunod na taon ay nanalo si Magsaysay laban kay Quirino.
- 1954 binigyan ni Magsaysay si Laurel ng kapangyarihang suriin ang Trade Agreement ng 1946, at sa
wakas ay nilagdaan at napagtibay ng dalawang bansa ang Philippine-United States Trade Act of 1946
(Laurel-Langley Agremeent) noong Disyembre 15, 1954.
- Enero 22, 1955 ay dumating si Laurel at sinalubong na parang bayani. Ipinagpatuloy niya ang kanyang
agenda ng repormang pangedukasyon.
- Isinumite niya ang batas na pagtuturo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, mga akda Rizal sa mga
Unibersidad at Kolehiyo.
- 1955 ng pinagtibay naman ng senado na isama sa kurikulum na isama ang pag-aaral ng buhay, mga
ginawa at mga sinulat ni Rizal sa lahat ng publiko at pribado, unibersidad at mga kolehiyo.
- Marso 17, 1957 nang masawi si Magsaysay matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan sa Cebu
na pinagluksa ng bayan.
- Si Laurel na magreretiro na noon sa senado ay muling nilapitan ng mga lider ng Partido Nacionalista
at hinikayat na pumasok muli sa pulitika, ngunit tumanggi ito dahil sa kanyang mahina ng kalusugan
sa gulang na animnapu’t anim.
- Pinag-ukulan na lamang ni Laurel ang pambansang pagpapaunlad sa huling bahagi ng kanyang
panunungkulan, isa na rito ang rekomendasyon ng isang economic superbody upang kumontrol at
mangasiwa sa mga patakarang pananalapi.
- Naitatag din ang Committee of Citizens noong Mayo 1, 1958 at Unity Movement for National Survival
noong Oktubre 21 nang taon din na iyon. Sa kanyang kaaarawan noong Marso 9, 1959 sa kanyang
ikaanimnapu’t walo ay pinagkalooban siya ni Pangulong Carlos P. Garcia ng Philippine Legion of Honor
na may degree ng Chief of Commander.
- Noong Hunyo 15, 1950 ay inanyayahan niya ang ilan sa mga kaibigan ang pagtatatag ng unibersidad
na Lyceum of the Philippines, at napagpasyahan na itatag ito sa Intramuros. Matapos nito ay nahalal
si Jose P. Laurel bilang tagapangulo nito at ang anak na si Sotero bilang kalihim.
- Noong Nobyembre 5, 1959 habang pauwi sa tahanan nila sa Mandaluyong ay dumaing siya ng sakit
at pagkahilo at sinugod sa Ospital ng Lourdes sa Mandaluyong. Sampung oras siyang nag-agaw buhay
at bandang 1:00 ng umaga, Nobyembre 6, 1959 ay binawian siya ng buhay.

Lesson 10: Mga Komentaryo sa Kodigong Moral ni Jose P. Laurel

I. Patnubay ng Dakilang Lumikha

Magtiwala sa dakilang lumikha na siyang namamatnugot sa kapalaran ng mga tao at bansa

Pinakamahalaga sa buhay ng mga bansa at sambayanan ang pananalig sa Dakilang Lumikha. Wala nang
hihigit pa sa sa maliwanag na patunay sa kagandahan ng paglikha sa ginawang pahayag ni Marcelo H. Del
Pilar, na napapaloob sa tula niyang “ Ang Kadakilaan ng Diyos” na sinulat niya noong 1888.

➢Bathala- Tagalog
➢Laon o Abba- Bisaya

➢Aasi- Sambal

➢Cugurong- Bikolano

➢Kabunian- Ilokano at Igorot

Noo’y sinamba na ng mga Pilipino ang isang Bathalang may kapangyarihang higit sa karaniwang tao at
nagpapasiya sa kapalaran ng tao at sa maaaring maganap sa ating buhay.

INDIA AT SUMATRA ay ang dalawang pangkat na nandayuhan at nagdala sa ating bansa ng mga seremonya
at kaisipang Bramaniko.

ALAMAT NG MANOBONG - si Ango ng Lambak ng Agusan sa Mindanao at ang kanyang pamilyang naging
bato dahil sa pagtatangka nilang patahimikin ang mga palakang maiingay.

(Genesis, XIX, 26) - Si Lot ay ginawang asin ng Diyos dahil sa kanyang paglingon sa nasusunog na Sodoma.

ALAMAT NG MGA IFUGAO - Ang Diyos nilang si Balituk na nakakuha ng tubig sa isang malaking bato sa
pamamagitan ng kanyang busog at pana.

(Exodus, VII, 9,10) - Si Moises na nakakuha rin ng tubig nang pukpukin niya ng tungkod ang isang malaking
bato sa Bundok Horeb

- Mapapansing ang sunud- sunod na pananakop sa ating bansa ay nagdala ng mga kaisipan at
paniniwalang panrelihiyon. Datapwa’t hindi ito winasak, manapa’y lalong pinatibay ang katutubong
pagkarelihiyoso ng mga Pilipino.

Paghingi ng Tulong sa Dakilang Lumikha:

- Kalayaan ng Pilipino sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898


- Preambulo ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 29, 1899
- Preambulo Saligang Batas, 1935.

Buhat sa Mga Tungkulin ng mga Anak ng Sambayanan, ipinagutos ni Bonifacio ang mga sumusunod:

• Mahalin ang Diyos nang buong puso

•Laging isaisip na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay pag-ibig sa bayan at ito rin ang tunay na pag-ibig sa kapwa
RIZAL sa kababaihan ng Malolos

Napapaloob sa pagiging banal ang pagsunod sa unang pagkakataon, sa mga idinidikta ng katwiran, anuman
ang mangyari”. Ang nais ko’y gawa, hindi salita”.hindi lahat ng nagsasabing Panginoon, Panginoon ay
makakapasok sa kaharian ng langit, kundi sinumang gumaya ayon sa kalooban ng ating Amang nasa Langit”

MH. DEL PILAR sa kababaihan ng Bulacan

Hindi isang katangian ang lagging pagdarasal, pagkatok sa dibdib at iba pang nakagawiang kilos sa pagsamba,
higit na tinatanggap ng Dakilang Lumikha ang paglinang ng katalinuhang Kanyang ipinagkaloob dahil sa
walang hanggang pag-ibig na iniukol niya sa nilalang na Kanyang nilikha, upang magsilbing liwanag sa landas
ng buhay”

EMILIO JACINTO

Ikatlong Alituntunin - “Ang kabanalan ay nasa pagkakawanggawa, pagmamahal sa kapwa at sa pag- aangkop

ng salita, kilos at gawa sa tamang katwiran”

Liwanag at Dilim - “Ang Diyos ang Amang Sangkatauhan at anumang naisin ng ama na gawin ng anak ay di
dapat maging bunga lamang ng paggalang, takot o pag-ibig sa kany, kundi dahil sa sariling pagtupad sa
kanyang mga kautusang makatwiran” MABINI ang kanyang tunay na Sampung Utos:

Una, ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan ng higit sa lahat ng bagay: ang Diyos na siyang bukal ng
lahat ng katotohanan, ng lahat ng katarungan at ng lahat ng lakas, at ang karangalan na siyang magbubunsod
sa iyo na maging matapat, makatwiranat masipag.

Ikalawa, sambahin mo ang Diyos sa pamamaraang minamarapat ng iyong budhi: sapagkat sa pamamagitan
ng iyong budhi ay uusigin ang masa sama mong gawain at pupurihin ang mgagaling at doo’y magungusap
ang Diyos

Ikatlo, linangin mo ang magagandang katangian kaloob sayo ng Diyos, gumawa ka at magaral sa abot ng
iyong makakaya nang hindi lilihis sa daan ng katwiran at katarungan nang matamo mo ang lahat ng
makakabubuti sa iyo, at sa pagtalima rito’y pupurihin ka at sa pagpuri sa iyo ay matatanghal sa pagluwalhati
sa Diyos.

Lahat ay kumikilala sa Diyos at ng marubdob Niyang pag-ibig anuman ang tawag natin sa Kanya. Kahit na si
Hitler ng Pransya ay may pagkilala sa Diyos at sinabi niya: “Buong kapakumbabaan akong nagpapasalamat
sa Diyos para sa Kanyang mga biyaya.”

End…

You might also like