You are on page 1of 19

EMILIO AGUINALDO

Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, estadista, at
manghihimagsik na kinikilala bilang unang pangulo ng Pilipinas, kung saan siya namahala mula 1899
hanggang 1901. Pinangunahan niya ang mga puwersang Pilipino laban sa Espanya noong Himagsikang
Pilipino at Digmaang Espanyol–Amerikano, at sa Estados Unidos noong Digmaang Pilipino–Amerikano.

Siya ay isa sa mga pinakakilalang pinuno ng pakikibaka laban sa mga Kastila, at nang lumáon laban sa
mga Amerikano, tungo sa kasarinlan ng Pilipinas. Namuno siya sa isang pag-aalsa laban sa pamahalaang
Kastila noong taóng 1896. Namuno rin siya sa ikalawang pagdigma laban sa sandatahang Kastila noong
taóng 1898 habang kakampi ang mga Amerikano, Bilang pinuno ng himagsikan, isinakatuparan niya ang
pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Siya ang itinanghal na unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899. Nang malaman ang pagnanais ng Estados Unidos na
sakupin ang Pilipinas upang matupad ang kasunduan sa Paris (1898) sa pagitan ng Estados Unidos at
Espanya ay muling namuno si Aguinaldo sa pagtatanggol sa kasarinlan mula taóng 1899 hanggang 1901.
Noong 23 Marso 1901 ay nabuwag ang kanyang kapamahalaan nang siya ay madakip ng mga kalabang
Amerikano. Matapos nito ay pumayag siyang manumpa ng katapatan sa Estados Unidos nguni't
nagpahiwatig ng kahapisan na sinagisag ng pagsusuot niya ng itim na corbata de lazo hanggang sa
tuluyang lumaya ang Pilipinas na naganap noong taóng 1946. Noong taóng 1935, sa paghahanda ng
isang pamahalaang commonwealth ("may bahagyang kasarinlan") sa ilalim ng Estados Unidos, tumakbo
siya sa pagkapangulo subali't hindi nanaig kay Manuel Quezon. Matapos ang muling paglaya ng Pilipinas
noong taóng 1946, binigyan siya ng katungkulan sa Philippine Council of State ("sanggunian ng
pamahalaan") na isang sangay ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng Amerikano. Siya ang
pinakabatang naging pangulo ng Pilipinas.
MANUEL L. QUEZON
Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944), kilala rin sa kanyang inisyal na MLQ,
ay isang Pilipinong sundalo, abogado, at estadista na itinatagurian bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas,
kung saan pinangunahan niya ang Amerikanong Komonwelt mula noong 1935 hanggang 1944.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng
Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit
niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos
bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act),
nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng
pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa
Pilipinas.[kailangan ng sanggunian]

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935,
nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong
Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal
noong 1941.[kailangan ng sanggunian]

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas


siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya
pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[kailangan ng sanggunian]

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1
Agosto 1944 sa edad na 66.[kailangan ng sanggunian] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington
National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery
at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin
ay tinawag bilang Ama ng Wikang Pambansa.
JOSE P. LAUREL
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 – Nobyembre 6, 1959) ay Pilipinong politiko, abogado, at
hukom na itinatagurian bilang ikatlong pangulo ng Pilipinas. Pinamahalaan niya ang ikalawang republika
ng bansa, isang estadong papet ng Imperyong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula
1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 anak nina Sotera Laurel at Jacob Garcia.
Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice
noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel
ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang
kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator"
pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong 6 Nobyembre 1959,
namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istroke.
Sergio Osmeña
Si Sergio Osmeña Sr. (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961) ay Pilipinong abogado at politiko na
naglingkod bilang ikaapat na pangulo ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946. Makikita siya sa limampung
pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at
lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmeña, dating Gobernador Lito Osmeña ng Cebu at Mayor
Tomas Osmeña.

Isinilang siya noong 9 Setyembre 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng
primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo
siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.

Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal
na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging
tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.

Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli
silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-
taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang
natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.

Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng
lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.

Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong
1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng
asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923
hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin
siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya
ang Kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon na tumungo sa
Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas kung siya nagsilbing
pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944 at si
Osmeña ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas MacArthur at mga puwersang
Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo na
dumating sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula
sa mga Hapones, nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong 23
Abril 1946. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmeña sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio
Osmeña ay namatay noong 19 Oktubre 1961.
MANUEL ROXAS
Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 – Abril 15, 1948) ay Pilipinong abogado at politiko na naglingkod
bilang ikalimang pangulo ng Pilipinas mula 1946 hanggang 1948. Makikita siya sa isandaang pisong papel
na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay namatay, ang
lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuña ang kanyang mga
magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong
1912 at naging topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi
sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921,
naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging Speaker of the House.
Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly,
nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal
(1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng
mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim
ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing
intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa
paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni
Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na
galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo
at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito
ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa
pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang
mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay
namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air
Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.
ELPIDIO QUIRINO
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890 – 29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika
ng Pilipinas (17 Abril 1948 – 30 Disyembre 1953).

Isinilang si Elpidio Rivera Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong Nobyembre 16, 1890. Ang kaniyang mga
magulang ay sina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal si Quirino sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy
noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging Pangalawang Pangulo siya ni
Manuel Roxas noong 1946 at nanumpa bilang Pangulo pagkatapos mamatay si Roxas noong Abril 17,
1948.

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya
ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya dahil sa
biglaang pagkaatake sa puso noong Pebrero 29 1956 sa edad na 65.
RAMON MAGSAYSAY
Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang
kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.

Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del
Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang
Pamantasang Jose Rizal).

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang
bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng
puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng
Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na
binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953,
tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang
pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang
nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o
ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na
"Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik
niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at
pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.

Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang
sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.
CARLOS P. GARCIA
Si Carlos Polestico Garcia (4 Nobyembre 1896 – 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at
ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (18 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging
pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang
pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia sa kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino
Muna" ("Filipino First").

Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay
sina Policronio Garcia at Ambrosia Polestico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng
Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar
noong 1923 sa Maynila.

Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at
naglingkod hanggang 1932.

Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga
Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang
Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953.
Tumungo si Garcia sa Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas.
Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya ay
naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo,
katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.

Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay pinahanap ng
mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa pananakop ng mga
Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo noong 30
Disyembre 1953, Independence Grandstand (ngayong Quirino Grandstand)

Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon Magsaysay
bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan.
Bilang kalihim nito, nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa
pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga bagay na
Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga patakarang Amerikano sa buong
Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang pandayuhan at nangasiwa sa Southeast
Asia Treaty Organization (SEATO) Conference noong 1954 na nagresulta sa walong kasaping alyansang
panghukbo upang pigilan ang paglawak ng komunismo.

Inaugurasyon ni Carlos P. Garcia bilang Pangulo ng Pilipinas sa kamatayan ni Ramon Magsaysay.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang
aksidente sa eroplano.

Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa
1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang
tatakbo bilang pangalawang pangulo.

Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang
korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang
ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang
"Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng
mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong
interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados
Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang
mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni
Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang
pambansa ng mga Pilipino.

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados
Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa
kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa
mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si
Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.

Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay
natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si Diosdado Macapagal.
Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni
Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas
ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.
DIOSDADO MACAPAGAL
Si Diosdado Pangan Macapagal Sr. (Setyembre 28, 1910 – Abril 21, 1997) ay Pilipinong abogado, makata,
at politiko na naglingkod bilang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965. Makikita
siya sa dalawandaang piso na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay ama ni Gloria Macapagal-
Arroyo na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin,
wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni
Macapagal, ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal
noong 8 Agosto 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat
ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng
Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang 4 Hulyo 1946.

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" sapagkat anak siya ng isang
mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina
Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni
Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo
Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa
Cambo at siya ay presidente.

Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati
(Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa
Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
FERDINAND E. MARCOS
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr. (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay isang politiko,
abogado, diktador, na naging ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25
Pebrero 1986. Siya ay nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949
hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng
Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang
paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health
center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong
1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang
kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.

Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969
kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan. Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang
kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kaysa sa
ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at
ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni
Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga
estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng
krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas
Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong
Partido Liberal ay mabilis na lumago.

Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa
Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng
pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang
Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni
Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng
tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang
lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935
ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas
na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng
mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa
Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas
hanggang sa iangat ang Batas Militar.
Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga
bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Mula
1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong negosyo at naging pag-aari ni
Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-anak. Itinatag ni Marcos ang kapitalismong crony at
mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura,
asukal at iba pa na nagbigay ng malaking pakinabang sa kanyang mga crony. Si Marcos ay mabigat na
umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986
mula kaunti sa 2 bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965. Kanyang hinirang
ang mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng
militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.

Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya. Ang mga sahod ng
mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng
pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%. Ang kritiko ni
Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng
pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si
Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng
mga doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso
ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos
ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na inilabas noong
Martial Law ay nanatiling may bisa.

Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong
termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21
Agosto 1983 kung saan siya pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino
Intenational Airport. Natagpuan ng komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa
likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay
pinawalang sala sa isang paglilitis ng pamahalaan ni Marcos.

Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap
election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga
karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military
vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay humantong sa Himagsikang People Power na nilahukan ng mula
isang milyon hanggang 3 milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga
mamamayan sa pamumuno ni Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na
lumikas sa Hawaii, Estados Unidos kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon
hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon
niyang panunungkulan. Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang mabawi ng pamahalaan ng
Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.
CORAZON AQUINO

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón


Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009) na lalong mas kilala sa
palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at
kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30
Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa
pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose
Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at
nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno
"Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating
Pangulo na si Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang
mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at
ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ng
dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1
Agosto 2009 at inlibing noong 5 Agosto.
FIDEL RAMOS

Si Fidel Valdez Ramos (18 Marso 1928 – 31 Hulyo 2022) ay ang ikalabing-dalawang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).Siya ay kauna
unahang protestanting pangulo

Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine


Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at
pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.

Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas


ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.

Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.


JOSEPH ESTRADA

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito
Estrada, at kilala rin sa kanyang palayaw na Erap, ay politiko at dating aktor na naglingkod
bilang ikalabintatlong pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor
o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.

Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang
pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo
noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta
ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong
at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria
Arroyo noong 2007.
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal Arroyo (ipinanganak 5 Abril 1947), madalas
na tinutukoy ng kanyang mga inisyal na GMA, ay Pilipinong akademiko at politiko
na naglingkod bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010.
Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si
Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987,


na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong
Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang
1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph
Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si
Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang
kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa
lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si
Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga
tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng
EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng
mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal
Sin ng Simbahang Katoliko [3]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay
Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong 20 Enero 2001 sa gitna ng lipon
ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng
Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na
taon noong kontrobersiyal na eleksiyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at
nanumpa noon 30 Hunyo 2004.
BENIGNO AQUINO III
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (Pebrero 8, 1960 – Hunyo 24, 2021) higit
na kilalá sa paláyaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy, ay Pilipinong politiko
na naglingkod bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kaniyang Batsilyer sa Sining na


Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981, at
sumáma sa kaniyang pamilya nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito
sa Estados Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang
pagpaslang sa kaniyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong
sektor. Noong 1998, nahalal siya bílang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng lalawigan
ng Tarlac.

Siya ang ikaapat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kaniyang
lolo sa tuhod, si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bílang delegado sa
Kapulungan ng Malolos; ang kaniyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod
bílang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang na sina dating
Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si
Aquino ng Partido Liberal ng Pilipinas.

Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak.


Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng
Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad. Noong Nobyembre
2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad. Dati niya ring
sinuyo si Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, at Liz Uy.
RODRIGO ROA DUTERTE
Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak noong 28 Marso 1945), kilalá rin sa kanyang
bansag na Digong, ay Pilipinong abogado at politiko na naninilbihan bílang ika-16
na pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022. Siya ang unang naging pangulo
na mula sa Mindanao. Siya rin ay ang pinakamatandang naging Pangulo ng ating
bansa

Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at saka


naging alkalde ng Lungsod ng Davao, isang urbanisadong lungsod sa kapuluan ng
Mindanao nang pitóng termino o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-alkalde
at kongresista ng lungsod.

Noong Oktubre 2021, inihayag ni Rodrigo Duterte na hindi siya tumatakbo sa


pagka-bise presidente noong 2022 at magretiro sa buhay pampulitika.
Nakaposisyon siya pabor sa Ferdinand Marcos na bigyang-kahulugan ang kanyang
pamahalaan bilang kabayanihan.

Noong Hunyo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Rodrigo


Duterte bílang president-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na
bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong 27 Mayo 2016, na may
16,601,997 boto, mas mataas nang 6.7 milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na
katunggaling si Mar Roxas.
FERDINAND “BONG BONG” MARCOS JR.
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. (ipinanganak noong Setyembre 13, 1957) ay
isang Pilipinong pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. Siya
ay dating nanungkulan bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang ikalawa at ang
tanging lalaking anak ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ng kleptocrat at dating Unang
Ginang na si Imelda Romualdez Marcos.

Taong 1980, tumakbo ang 23-taong-gulang na itong si Marcos Jr. bilang kandidato sa pagka-Bise
Gobernador ng Ilocos Norte nang walang kalaban at nanalo, sa ilalim ng partidong Kilusang
Bagong Lipunan ng kanyang amang namumuno sa buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar
noong panahong iyon. Kinalaunan, naging Gobernador siya ng Ilocos Norte noong 1983 at
nanatili sa opisina hanggang mapatalsik ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kanilang pamilya
mula sa kapangyarihan at lumipad papuntang Hawaii sa pagkakapatapon noong Pebrero 1986.

Pagkamatay ng kaniyang ama noong 1989, hinayaan ni Pangulong Corazon Aquino na umuwi ng
Pilipinas ang nalalabi sa pamilya Marcos upang humarap sa ilang demanda.

Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos
Norte hanggang 1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa pagitan ng
pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at pagsisimula ng isa pang termino noong 2007,
nanungkulan siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang tinakbuhan at
napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Partidong
Nacionalista at naupo hanggang 2016.

Noong 2015, tumakbo si Marcos para sa pagka-Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong


Halalan 2016. Sa pagkakaibang 263473 boto, 0.67 bahagdan, natalo si Marcos Jr. ng kinatawan
ng Camarines Sur na si Leni Robredo. Bilang tugon, nagsampa si Marcos ng protestang elektoral
sa Presidential Electoral Tribunal na naglalaman ng mga akusasyon ng mga pandaraya. Taong
2021, napagsang-ayunang ibara ang petisyon ni Marcos matapos ang isinagawang pilotong
muling pagbibilang sa mga piling lalawigan ng Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur na
nagresulta pa ng pagdagdag pa nga ng 15093 boto sa lamang ni Robredo. Kinalaunan nang
taong iyon, isinapubliko ni Marcos ang kandidatura niya para sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa
Halalan 2022.

You might also like