You are on page 1of 34

Manuel L.

Quezon
Pangulo ng Pilipinas mula 1935 hanggang
1944

Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (19


Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto
1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang
pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio
Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi
kinilala ng ibang bansa sa mga panahong
iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo
sa mga kapisanang internasyunal).
Manuel L. Quezon

Ika-2 Pangulo ng Pilipinas


Unang Pangulo ng Komonwelt
Panunungkulan
15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944

Pangalawang Sergio Osmeña


Pangulo

Sinundan si Emilio Aguinaldo


(position restored.
1935)

Sinundan ni Jose P. Laurel

Kapanganakan 19 Agosto 1878


Baler, Aurora

Kamatayan 1 Agosto 1944


Saranac Lake, New
York, Estados Unidos

Partidong politikal Coalición
Nacionalista (1935–
1938); Nacionalista
Party 1938–1944

Asawa Aurora Aragon

Hanapbuhay Abogado

Relihiyon Katoliko
Manuel L. Quezon

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler,


sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na
ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878.
Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis
M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon
at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro.
Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa
Colegio de San Juan de Letran noong
1893.[1] Bilang isang binata, nakilahok siya
sa pag-aalsa laban sa mga Kastila.
Nakipaglaban din siyang kasama ng mga
Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng
Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang
katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong
siya dahil sa gawaing ito. Makaraang
palayain, nanumpa siya ng katapatan sa
Estados Unidos.[1]

Naging manananggol si Quezon sa Baler.


Noong 1906, nahalal siya bilang
gobernador ng lalawigan ng Tayabas,
ngunit nagbitiw upang makapangampanya
para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan
nakamit niya ang pagiging pinuno ng
Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916,
nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos
bilang naninirahang komisyonero para sa
Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang
Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa
Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos
at nagbibigay ng mas mataas na antas ng
pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito,
itinuring na bayani si Quezon nang muli
siyang magbalik sa Pilipinas.[1]

Sa sumunod na dalawang taon,


naglingkod siya bilang pangulo ng Senado
ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si
Manuel L. Quezon sa unang halalan ng
pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng
bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban
kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio
Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1]

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa


Pilipinas sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, tumakas siya
papuntang Australya, at pagkaraan
nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang
bansang ito niya pinamunuan ang
pamahalaan ng Pilipinas habang malayo
sa bansa.[1]
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at
namatay sa Saranac Lake, Franklin
Country, New York noong 1 Agosto 1944
sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang
kanyang labi sa Arlington National
Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay
inilibing muli sa Maynila, sa Manila North
Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa
loob ng monumento sa Quezon Memorial
Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng


Quezon sa Kalakhang Maynila at ang
lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag
bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'
Talambuhay
Maagang buhay

Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa


distrito ng El Principe. Ang kanyang mga
magulang ang mga Espanyol na sina Lucio
Quezón at María Dolores Molina. Ang
kanyang ama ay isang guro ng panimulang
baitang mula sa Paco, Maynila at isang
retiradong sarhento ng hukbong Espanyol
samantalang ang kanyang ina ay isang
guro ng panimulang baitang sa kanilang
bayan.

Siya ay nag-aral sa mga panimulang


baitang sa mga libreng pampublikong
paaralan na itinatatag ng mga Espanyol sa
Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-
aral sa Colegio de San Juan de Letran sa
mataas na paaralan. Noong 1898, ang
kanyang ama at kapatid na si Pedro ay
tinambangan at pinaslang habang pauwi
sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si
Quezon ay huminto sa kanyang pag-aaral
ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas
sa Maynila upang sumali sa pakikibaka
para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio
Aguinaldo. Noong Digmaang Pilipino-
Amerikano, siya ay isang ayuda-de-campo
kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa
ranggong Major at lumaban sa Bataan.
Pagkatapos niyang sumuko noong 1900,
si Quezon ay bumalik sa unibersidad
upang tapusin ang kanyang pag-aaral at
nakapasa sa mga eksaminasyon sa batas
noong 1903 na naging ikaapat sa mga
kumuha nito.

Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at


surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong
pampamahalaan bilang hinirang na piskal
ng Mindoro at kalaunan ng Tayabas. Siya
ay naging konsehal at nahalal na
gobernador ng Tayabas noong 1906.

Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang


pinsan na si Aurora Aragon noong 17
Disyembre 1918. Sila ay may apat na anak.

Kongreso

Kinatawan

Si Quezon ay nahalal sa unang


Asembleyang Pilipino noong 1907 na
kalaunang naging Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas. Siya ay naglingkod
na majority floor leader at chairman of the
committee sa mga apropriasyon. Mula
1909–1916, siya ay nagsilbing isa sa
dalawang mga komisyoner sa Kapulungan
ng mga Kinatawan ng Estados. Siya ay
naglobby para sa pagpasa ng mga
kinatawan ng Estados Unidos ng
Philippine Autonomy Act o Jones Law.

Senado

Si Quezon ay bumalik sa Maynila noong


1916 at tumakbo at nahalal sa Senado ng
Pilipinas. Siya ay kalauanng naging
Pangulo ng Senado sa 19 taon hanggang
1935. Pinamunuan niya ang unang
Indendiyenteng Misyon sa Kongreso ng
Estados Unidos noong 1919 na nagpasa
ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934.
Noong 1922, siya ay naging pinuno ng
Partido Nacionalista.
Bilang Pangulo

Inaugurasyon ni Manuel L. Quezon bilang pangulo


noong 15 Nobyembre 1935.

Noong 1935, Si Quezon ay tumakbo at


nahalal na pangulo ng Pilipinas. Nakamit
niya ang 68% laban kina Emilio Aguinaldo
at Gregorio Aglipay. Siya ang ikalawang
pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni
Aguinaldo.

Unang Termino

Ekonomiya

Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas


na nasa ilalim ng Estados Unidos ay
matatag. Ang kalakalang pandayuhan ay
umabot sa kasagsagang 400 milyong
piso. Ang pagluluwas ng mga pananim ay
maganda maliban sa tabako. Ang halaga
ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot
ng 320,896,000 piso na pinakamataas
simula 1929. Ang mga kinita ng
pamahalaan ay umabot ng 76,675,000
piso noong 1936 mula 65,000,000 piso ng
nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto
ay tumaas ng mga 37% at ang bakal sa
halos 100% samantalang ang produksiyon
ng semento ay lumaki ng 14%. Ang
National Economic Council ay nilikha ng
batas. Ito ay nagpapayo sa pamahalaan sa
mga tanong na pang-ekonomiya at
pangsalapi kabilang ang pagtataguyod ng
mga industriya, dibersipikasyon ng mga
pananim, mga taripa, pagbubuwis at
pagbuo ng programang pangekonomiya.

Pambansang wika
Ang isang probsiyon sa kontitusyong
ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil
sa pambansang wika ng Pilipinas.
Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang
Surian ng Wikang Pambansa na itinatag
noong 1936 ay nagrekomiyendang ang
wikang Tagalog ang gawing basehan ng
pambansang wika. Ang mungkahing ito ay
mahusay na tinanggap sa kabila ng
pagiging katutubong Bisaya ng unang
direktor nitong si Jaime C. de Veyra.
Noong Disyembre 1938, si Quezon ay
naglabas ng proklamasyon na
nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng
Surian at naghahayag na mangyayari ang
pagtangap ng pambansang wika sa
dalawang taon mula nito.

Karapatang pagboto ng mga


kababaihan

Sinimulan ni Quezon ang karapatang


pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935
konstitusyon ay nag-aatas na ang
karapatan ay maipagkakaloob kapag ang
hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa
plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay
nag-utos ng isang plebisito noong 3 Abril
1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-
ayon ng 447,725 laban sa pagtutol na
44,307
1940 plebisito

Kasabay ng mga lokal na halalan noong


1940, ang isa pang plebisito ay idinaos
upang pagtibayin ang iminungkahing mga
susog sa Konstitusyon hinggil sa
pagpapanumbalik ng lehislaturang
bikameral, ang termino ng pangulo na
itatakda sa apat na taon na may isang
muling paghalal at ang pagtatatag ng
independiyenteng Komisyon sa Halalan.
Ang mga susog ay pinagtibay at sina
Speaker Jose Yulo at Assemblyman
Dominador Tan ay tumungo sa Estados
Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni
Pangulong Franklin D. Roosevelt na
ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940.
Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay
prinoklama ni Quezon.

Ikalawang termino

Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon


na muling tumakbo sa halalan ng
pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga
susog noong 1940 ay pinagtibay na
pumapayag sa kanyang muling pagtakbo.
Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng
pagkapangulo noong 1941 na may halos
82 porsiyento laban kay Juan Sumulong.

Pananakop ng mga Hapones at


pagkakatapon ni Quezon sa
Estados Unidos

Paglapag ng mga Hapones sa Corregidor noong 5


Mayo 1942.

Si Quezon kasama ni Pangulong Franklin D. Roosevelt


sa Washington, D.C. sa Estados Unidos noong 13 Mayo
1943.
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng
Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre
1941, sina Heneral Douglas MacArthur at
Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24
Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan
ni Macarthur na lumikas sa Corregidor
kung saan isinagawa ang kanyang
inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas
noong 30 Disyembre 1941. Ang mga
Hapones ay pumasok sa siyudad ng
Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito
bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon
ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942
pagkatapos ng Labanan ng Corregidor.
Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa
Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng
pamahalaan ng Estados Unidos ay
lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay
sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay
itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt
ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may
mga headquarter sa Washington, D.C..
Doon ay nagsilbi siyang kasapi ng Pacific
War Council at lumagda sa deklarasyon ng
United Nations laban sa mga
kapangyarihang Aksis. Kanya ring isinulat
ang kanyang sariling talambuhay.

Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang


Komonwelt ng Pilipinas at itinatag ang
Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas
bilang nangangalagang pamahalaan na si
Jorge B. Vargas ang unang chairman
noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o
Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang
109 ng Komisyong Tagapagpaganap
noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal
sa lahat ng mga umiiral na partidong
pampolitika at paglikha ng mga bagong
alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo
ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng
Hapon ng opsiyon na isailalim ang
Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte
na ibinalik ng mga Hapones mula sa
Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng
Komisyon na nagpasyang gawing
republika ang Pilipinas. Sa unang
pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro
Hideki Tōjō noong 6 Mayo 1943 ay
nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng
Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo
nito o Asya para sa Asyano. Ito ay
nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng
komiteng paghahanda para sa kalayaan
ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang
isang draptong konstitusyon ay binuo ng
komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula
sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P.
Laurel na nagtanghal ng draptong
konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at
pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng
pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI.
Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga
pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa
mga probinsiya at siyudad mula sa
kanilang sarili ang 54 kasapi ng
Pambansang Asemblea ng Pilipinas na
may 54 gobernador at mga alkalde ng
lungsod bilang mga kasaping ex-oficio.
Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng
Pambansang Asemblea ay humalal kina
Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika
ng Pilipinas at Benigno S. Aquino bilang
unang speaker nito. Itinaas nina Aguinaldo
at Ricarte ang watawat ng Pilipinas.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng


1935, ang termino ni Manuel L. Quezon
bilang pangulo ay magwawakas noong 30
Disyembre 1943 at ang pangalawang
Pangulo na si Sergio Osmeña ang
automatikong halili sa kanya. Ito ay
ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit
naniwala si Quezon na hindi matalinong
ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang
Batas dahil sa mga kasalukuyang
sirkunstansiya ng pamahalaan ng
Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at
hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney
General Homer Cummings na umayon kay
Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi
tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay
Pangulong Franklin D. Roosevelt ng
Estados Unidos na magbigay ng desisyon
ngunit ito'y tumangging manghimasok at
sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga
opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni
Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong,
hiniling ni Osmena sa Kongreso ng
Estados Unidos na suspindihin muna ang
pagpapatupad ng tadhana ng 1935
Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng
pangulo hanggang pagkatapos mapalaya
ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay
inayunan ni Quezon at ng kanyang
Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng
Senado ng Estados Unidos at mga
Kinatawan ng Estados Unidos noong 10
Nobyembre 1943.

Kamatayan
Libingan ni Quezon sa Quezon Memorial Circle.

Si Quezon ay nagkasakit ng tuberkolosis


at gumugol ng kanyang huling taon sa
cottage sa Saranac Lake sa New York
kung saan siya namatay noong 1 Agosto
1944. Siya ay inilibing sa Arlington
National Cemetery sa Estados Unidos.
Ang kanyang katawan ay kalaunang
muling inilibing sa Sementeryong Norte sa
Maynila noong 17 Hulyo 1946 bago inilipat
sa Quezon Memorial Circle noong 19
Agosto 1979.

Sipi
Si Quezon ay nahirang na residenteng
komisyoner ng Pilipinas sa Kapulungan ng
mga Kinatawan ng Estados Unidos noong
1909-1916. Kanyang masiglang
ipinaglaban ang pagkakamit ng kalayaan
ng Pilipinas mula sa pamamahala ng
Estados Unidos at nagkaroon ng
mahalagang papel sa pagpasa ng
Kongreso ng Estados Unidos ng Batas
Jones noong 1916 na nagkakaloob ng
kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados
Unidos.

Sinambit ni Quezon na:

“ Mas nanaisin kong magkaroon ng


bansa na pinapatakbong tulad ng
impiyerno ng mga Pilipino kesa sa
bansa na pinapatakbong tulad ng
langit ng mga Amerikano dahil
gaano man kasama ang
pamahalaang Pilipino, palagi natin
itong mababago.[2] ”

Mga sanggunian
1. "Manuel Quezon". The New Book of
Knowledge (Ang Bagong Aklat ng
Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
2. I would rather have a country run like hell
by Filipinos than a country run like heaven
by the Americans, because however bad a
Filipino government might be, we can
always change it.

Silipin din
Kasaysayan ng Pilipinas

Inunahan ni: Pangulo ng Sinundan ni:


Emilio Pilipinas Jose P.
Aguinaldo 1935–1944 Laurel
Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Manuel_L._Quezon&oldid=1662653"

Last edited 1 month ago by WayKurat

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like