You are on page 1of 2

Ang Talambuhay ni Benigno “ Ninoy” Aquino Jr.

Si Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr (November 27, 1932 - August 21, 1983)
ay isang Pilipinong senador, Gobernador ng Tarlac, at isang lider ng oposisyon
laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos. Siya ay pinatay sa Manila
International Airport (na tinawag na NAIA kalaunan, bilang karangalan kay Ninoy)
sa pagbabalik nya sa bansa mula sa paninirahan sa Estados Unidos. Ang kanyang
pagkamatay ang naging dahilan ng pagpasok sa pulitika ng kanyang naiwang
asawa, si Corazon Aquino, na kalaunan ay naging pangulo at pumalit sa
administrasyong Marcos. Si Ninoy Aquino ay pinanganak noong November 27,
1932 sa Tarlac, Luzon, sa isang mayaman na pamilya. Sa edad na 22 sya ang
naging pinaka batang mayor ng kanyang bayan sa Concepcion. Pagkalipas ng anim
na taon, sya ay naging gobernador ng Tarlac. Noong 1967, gumawa na naman sya
ng kasaysayan noong sya ang maging pinakabatang senador sa Pilipinas. Naging
asawa nya noong mga panahon ito si Corazon Cojuangco; at sila ay nagkaroon ng
limang anak. Naging sikat si Ninoy sa kanyang angking galing sa
pakikipagtalastasan at sa kanyang katalinuhan. Sya ang naging pangunahing
kandidato para sa pagkapresidente noong 1973, samantalang si President Marcos
ay patapos na ang dalawang termino bilang presidente. Sa panahong ito,
nagsimulang siraan si Aquino ng administrasyon at ikinalat na sya ay isang
Komunista dahil sa kanyang pakikipagusap sa mga rebelde sa Central Luzon.
Gumuho ang ambisyon ni Ninoy na maging president noong ideklara ni President
Marcos ang Martial Law at inalis ang konstitusyon. Kinuha ni Marcos ang lahat ng
kapangyarihan at pinakulong lahat ng kanyang mga kaaway sa politika, kasama na
si Ninoy, na nakulong sa loob ng pitong taon, at dineklarang may sala sa krimen na
pagpatay, paglaban sa gobyerno, at pagkakaroon ng ilegal na baril. Pinabulaanan
lahat ito ni Ninoy at sinabi nya na sya ay inosente. Noong 1980, pinayagan sya ng
gobyerno na lumabas sa Pilipinas at magpagamot sa Estados Unidos para sa
kanyang operasyon sa puso. Nanatili sya dito at nagturo sa Harvard University
hanggang sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas noong 1983, kung kailan sya ay
binaril at namatay sa paliparan. Pagkatapos ng pagkamatay ni Ninoy napilitan si
Pangulong Marcos na paimbestigahan ang krimen sa ilalim ng pamamahala ni
Judge Corazon Agrava. Sinabi ni Marcos na ang pumatay kay Ninoy ay tauhan ng
mga Komunista. Ang pangunahing suspek, si Rolando Galman, ay pinatay din sa
paliparan pagkatapos nyang barilin si Ninoy. Sa inilabas na report ng gobyerno,
walang kinalaman ang militar sa pagkamatay ni Ninoy. Pero ayon sa inilabas na
ulat ng mga opisyal na imbestigador, si Ninoy ay hindi pinatay ng mga Komunista,
kung hindi isang biktima ng militar sa ilalim ni Gen. Fabian Ver, ang pinakamataas
na opisyal ng militar, na matalik na kaibigan at pinsan ni Pangulong Marcos.
Marami ang nabigla sa mga inilabas na ulat. Halos lahat ng Pilipino ay
naniniwalang hindi papatayin si Ninoy ng militar kung walang utos na
nanggagaling sa itaas mula sa Pangulong Marcos. Gayunpaman, walang nailabas
na matibay na ebidensya na magpapatunay na si Pangulong Marcos ang
nagpapatay kay Ninoy. Si Ninoy ang syang pinakamalakas na kalaban ni Marcos,
ngunit sa kanyang pagkamatay, lalo pa syang naging malakas at malapit sa puso
ng mga Pilipino. Ang pagpatay sa kanya ang nagpagkaisa sa mga Pilipino. Sa
kanyang pagkamatay, lalong lumubha ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa at
noong 1985, ang bansa ay nasa matinding politikal na pighati. Noong panahon
ding ito nagsimulang magkalakas ng loob ang media na lumaban sa
administrasyon. Noong 1985, pinawalang sala ng mataas na hukuman si Gen. Ver
at ang iba pang myembro ng militar sa pagkamatay ni Ninoy. Madaling ibinalik ni
Marcos si Ver sa kanyang posisyon sa militar. Ngunit gayunpaman, sa konting
nalalabing panahon, lumakas ang oposisyon sa pamumuno ni Cory at ito na ang
nagpasimula ng People Power sa Edsa.

You might also like