You are on page 1of 5

BALITAAN

SA
ARALING
PANLIPUNAN-7

NAME: RAFAELLA A. EMPLEO


YR. & SEC: GRADE-7-LAUREL
TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO, JR.
TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO, JR.

SI Benigno Aquino, JR. ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa Concepcion, Tarlac
isa isang mayamang pamilya na may malawak na lupain. Siya ay pinatay noong Agosto 21,
1983.

Ang kaniyang lolo ay si Servillano Aquino, isang heneral noong himagsikang pinamumunuan
ni Aguinaldo. Ang kaniyang ama ay na Benigno Aquino, Sr. (1894-1947) ay isang mataas na
pinunoo noong Ikalawang Digmaan sa pamahalaan ni Jose P. Laurel Namatay ang kaniyang
ama noong siya ay bata pa. Ang kaniyang ina ay si Dona Aurora Aquino.

Siya ay nag-aaral ng ng Bachelor of Arts ng siya ay huminto upang maging isang mamahayag
sa Manila Times at ipinadala sa Korea upang isulat ang balita sa giyerang nagaganap sa bansa.
Sa edad na labigpitong taong gulang, siya ang pinakabata sa mga mamamahayag.

Tumanggap siya ng medalya na kaloob ni Pangulong Elpidio Quirino. Kumuha siya ng Law sa
Unibersidad ng Pilipinas nguni't tumigil siya at sa halip ay kumuha siya ng Journalism.

Noong 1954, siya ay ginawa siyang emisaryo ni Ramon Magsaysay upang kausapin si Luis
Taruc ang lider ng Hukbalahap.

Si Luis Taruc ay sumuko pagkatapos ng apat na buwan na negosasyon. Siya ay naging alkalde
sa Concepcion, Tarlac sa edad na 22. Pinakasalan din niya si Corazon"Cory" Aquino nang
taong yaon. Sila ay nagkaroon ng limang anak; si Maria Elena, Aurora Corazon, Benigno
Simeon III (Noynoy), Victoria Eliza (Viel), and at ang TV host na si Kristina Bernadette (Kris).

Noong 1961, sa edad na 29, siya ay nging pinakabatang bise-gobernador ng Tarlac. wiyq qy
nahalal na senador noong 1967 sa edad na 34.

Siya ay naging mahigpit na kritiki ni Pangulong Marcos at ang asawa nitong si Imelda Marcos

Naging popular siya na maging kalaban ni Pangulong Marcos pag nagkaroon ng halalan.

Nang ideklara ang Martial Law, si Benigno Aquino ang isa sa mga unang dinampot ng militar
upang ikulong.

Noong abril 1975, siya ay naghunger strike nang 40 araw.

Nang 1978, nagkaroon ng eleksiyon para sa Interim batasang Pambansa.Kahit nakakulong


siya ay tumakbo sa partidong Laban.

Natalo siya sampu ng kaniyang mga kasama dahil sa malawak na dayaan.

Noong 1980, siya ay naatake sa puso at kailangang magkaroon ng bypass.

Pinayagan siya ni First Lady imelda Marcos na umalis ng bansa para magpagamot sa
kundisyong siya ay babalik at hindi siya magsasalita tungkol sa pamahalaan ni Marcos.

Si Aquino ay namalagi sa Estados Unidos ng tatlong taon. Siya ay sumusulat ng aklat


para sa Harvard University at Massachusets Institute of Technology.
Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Marcos, ipinasya niyang umuwi upang bigyan ng pag-
asa ang mga taong nawawalan na ng pag-asang mabago ang pamamahala.

Dahil ayaw siyang payagang bumalik ni Marcos, siya ay kumuha ng pasaporte sa pangalan ni
Bonifacio Marcial.

Binalaan ng gobyerno ang mga eruplano na hindi sila hahayaang lumapag kung sakay si Ninoy
Aquino.

Lumipad siya nang Agosto 13, dumaan ng Los Angeles, Malaysia, Hongkong, at Taipei.

Noong Agosto 21, siya ay binaril sa ulo ng lalaking inakusahan ng militar na siyang pumatay.
Si Rolando Galman. Siya rin ay binaril sa tarmac.

Ang mga militar na nilitis at hindi naman umamin ay nakakulong pa habang ang iba ay
nangamatay na.

Ang libing ni Ninoy Aquino ay inabot mula 9 ng umaga hanggang siyan ng gabi. Siya ay
inilibing sa Manila Memorial Park. Mahigit dalawang milyong tao ay nasa kalsada upang
abangan ang pagdaan ng karosa kung saan nakasakay ang kabaong ni Ninoy.
Talambuhay ni Marcelo H. Del Pilar

Si Marcelo H. Del Pilar (1850-1896) ay isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang

itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol.

Si Marcelo Del Pilar ay ipinanganak sa Kupang, Bulacan, noong Agosto 30, 1850, sa may pinag-aralang mga

magulang. Nag-aral siya sa Colegio de San José at sa bandang huli sa Unibersidad ng Santo Tomas, kung saan

natapos niya ang kanyang kursong abogasiya noong 1880. Sa kagustuhang makamit ang katarungan laban sa mga

pang-aabuso ng mga pari, inatake ni Del Pilar ang pagkapanatiko at pagkukunwari at ipinagtanggol sa korte ang mga

mahihirap na biktima ng diskriminasyon dahil sa kanilang lahi. Ipinangaral niya ang ebanghelyo ng trabaho, paggalang

sa sarili, at dignidad sa kapwa tao. Dahil kanyang pagkadalubhasa sa Tagalog, ang kanyang katutubong wika, ay

nagawa niyang pukawin ang kamalayan ng masa para sa pagkakaisa at matagal na paglaban sa mga malulupit na

Espanyol.

Noong 1882 itinatag ni Del Pilar ang pahayagan ng Diariong Tagalog upang ipalaganap ang mga demokratikong liberal

na ideya sa mga magsasaka at magbubukid. Noong 1888, ipinagtanggol niya ang mga kasulatan ni José Rizal sa

pamamagitan ng pagbibigay ng polyeto laban sa pag-atake ng isang pari, na nagpapakita ng kanyang matalas na pag-

iisip at malupit na panlilibak sa mga kahangalan ng mga pari.


Noong 1888, tumakas mula sa pag-uusig ng mga pari si Del Pilar at pumunta sa Espanya. Noong Disyembre 1889,

pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad, isang pahayagan ng mga repormistang Pilipino

sa Madrid. Itinaguyod niya ang mga layunin ng pahayagan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa mga liberal na

Espanyol na pumapanig sa kapakanan ng mga Pilipino. Sa ilalim ni Del Pilar, ang mga layunin ng pahayagan ay

pinalawak upang isama ang pagtanggal ng mga prayle at ang sekularisasyon ng mga parokya; Aktibong pagsali ng

mga Pilipino sa mga gawain ng pamahalaan; Kalayaan sa pagsasalita, ng pamamahayag, at ng pagpupulong; Mas

malawak na kalayaan sa lipunan at pampulitika; Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; Asimilasyon; At

representasyon sa Espanyol Cortes, o Parlyamento.

Ang mga paghihirap ni Del Pilar ay nadagdagan sa kadahilanang ang pera upang suportahan ang pahayagan ay

naubos na at walang anumang palatandaan ng agarang tugon mula sa makapangyarihang Espanyol. Bago siya

namatay dahil sa tuberculosis na dulot ng kagutuman at napakalaking kawalan, tinanggihan ni Del Pilar ang posisyon

ng mga gusto ng asimilasyon o paglagom at magsimulang magplano ng isang armadong pag-aalsa. Malakas niyang

pinagtibay ang paniniwala na ito:

"Ang paghihimagsik ay ang huling lunas, lalo na kapag ang mga tao ay naniniwala na ang mapayapang paraan ay
walang saysay upang masiguro ang mga lunas sa kasamaan."

Ang ideyang ito ay naging inspirasyon ng Katipunan ni Andres Bonifacio, isang lihim na rebolusyonaryong

organisasyon. Namatay si Del Pilar sa Barcelona noong Hulyo 4, 1896.

You might also like