You are on page 1of 5

Andrés Bonifacio

(1863-1897)

“Ama ng Rebolusyon”

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong Nobyembre 30, 1863.


Ang mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang
Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don
Guilermo Osmena sa Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya
napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga
nakababatang kapatid. Nagsikap na lang siyang mag- aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng
mga aklat. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio kasama ng ilang kilalang tao ay patago
at lihim na nagtipon sa Azcarraga, Maynila upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan
Kagalang-galang na Katipunan". Subalit noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan
ng mga autoridad at binalak buwagin. Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga
katipunero ang himagsikan noong Agosto 23,1896 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad
Lawin, kung saan pinunit nila ang kanilang mga sedula. Dinakip si Bonifacio sa salang
pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng
Tala, Cavite noong Mayo 10, 1897.
Antonio N. Luna
(1869-1899)

“Dakilang Heneral”

Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila,
Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin
Luna at Laureana Novicio. Nagtungo siya sa Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya.
Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at
Marcelo H. del Pilar. Isa siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa "La
Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon, siya ay ipinatapon sa Espanya, at
ibinilanggo sa Madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga manghihimagsik. Nagbalik siya sa
Pilipinas nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino. Dahil sa kanyang galing
at katapangan ginawa siyang kumander ng Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik. Nagtatag
siya ng Military Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga
Amerikano. Nasawi si Heneral Luna noong 5 Hunyo 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan
ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni
Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong. Habang nasa loob ng simbahan ng
Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo Sa pagkamatay ni Antonio Luna
nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas.
Emilio Jacinto
(1875-1899)

“Utak ng Katipunan”

Si Emilio Jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo Tondo, Maynila.
Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Mahirap lamang ang
kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de Letran sa tulong ng isang
tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan kumuha siya ng
Abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena, Quezon at Sumulong. Hindi siya
nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa Katipunan.
Mula sa una niyang pakikipaglaban sa Balintawak at Pasong Tamo ay pinagkatiwalaan at
hinirang siya ni Andres Bonifacio bilang Heneral sa Hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga.
Isa siyang dalubhasang manunulat. Marami ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio.
Sapagkat hindi ang Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat
niyang 'Kartilya', nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Pebrero 1898, isang taon
pagkaraang mapatay si Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa labanan at nadakip ng mga
kaaway, ngunit nakatakas siya. Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon
ipinagpatuloy ang kanyang pakikibaka, subalit nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899
namatay siya sa sakit na malaria.
Epifanio de los Santos
(1871–1928)

“Unang Akamedisyang Filipino”


“Pinakadakilang Iskolar Na Pilipino”

Si Epifanio de los Santos ay isinilang noong Abril 7, 1871 sa Malabon. Ang kanyang mga
magulag ay sina Escolastico de los Santos at Antonina Cristóbal. Kumuha siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas at nanguna sa bar exam. Itinuturing si De los Santos bilang isa sa mga
pangunahing Filipinong manunulat sa wikang Español ng kaniyang panahon. Siyá ang unang
Filipino na mahirang na kasapi ng Royal Academy of Language, Royal Academy of Literature, at
Royal Academy of History ng España sa Madrid. Katuwang siyáng patnugot ng pahayagang
rebolusyonaryong La Independencia. Bilang iskolar, nag-ambag siyá sa mga unang pag-aaral sa
Pilipinas sa Antropolohiya, Etnolohiya, Arkeolohiya, Lingguwistika, at Demograpiya. Naglakbay
siyá sa mga museo at aklatan ng Europa upang mangalap ng mga pambihirang dokumento at gamit
mula at tungkol sa Pilipinas. Noong 1925, hinirang siyá ni Gobernador Heneral Leonard Wood
bilang direktor ng Pambansang Aklatan at Museo. Binawian ng buhay si Don Panyong noong 28
Abril 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa
kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng
Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala
bilang EDSA.
Melchora Aquino
(1812-1919)

“Ina ng Himagsikan”

Si Melchora Aquino ay kilala sa tawag na Tandang Sora. Ipinanganak siya sa Gulod Banilad
Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang mga magulang niya ay sina Juan Aquino at Valentina de
Aquino. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa kahirapan, subalit taglay niya ang kabaitan at mabuting
ugali ng pakikipagkapwa. Napangasawa niya si Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga.
Nang sumiklab ang himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng magpakita
ng labis na kalupitan ang mga Kastila nang maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio. Maraming
kalalakihan ang hinuli at pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim na samahan ng Katipunan
at kapag hindi umamin ay kanilang pinapatay sa pamamagitan ng pagbaril o di kaya ay pagbitay.
Ang ibang nakatakas ay nagtago sa lugar ni Tandang Sora. Lahat ng taong dumulog kay Tandang
Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain niya ang mga rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot
ang mga sugatan. Subalit hindi niya pinababayaang magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan
niya ang mga ito ng baong pera at pagkain at saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na maaaring
pagtaguan ng mga ito. Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang
Sora sa mga miyembro ng Katipunan. Hinuli siya ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila.
Ipinatapon siya sa pulo ng Marianas. Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng
mapasailalim ito sa kamay ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang
natitirang ari-arian. Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.

You might also like