You are on page 1of 4

Talambuhay ni Emilio Jacinto

Disinuwebe anyos lamang si Emilio Jacinto, kinikilalang Utak ng Katipunan, nang maging
rebolusyonaryo.
Ipinanganak siya sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15, 1875. Isang tagatala ang ama niyang si
Mariano Jacinto at masipag na maybahay naman ang ina niyang si Josefa Dizon.
May angking talino si Emilio kaya kahit sapat lamang ang naiipong pera ng mga magulang ay
sinikap siyang pag-aralin. Sa pribadong eskwelahan ni Maestro Pascual Ferrer unang nag-aral si
Emilio. Tinapos niya sa Letran ang kaniyang kursong batsilyer. Ang abugasya ay kinuha naman
niya sa UST.
Nang sumapi si Emilio sa Katipunan noong 1894 ay tinanggap niya ang bansag na pangalang
"Pingkian."
Kahit isa sa pinakabatang miyembro ng KKK, ang katalinuhan ni Emilio ang pasaporte niya
upang igalang ng lahat. Humawak siya sa KKK ng iba't ibang posisyon: bilang kalihim, piskal at
editor. Tinitingala si Emilio bilang Editor ng pahayagan ng Katipunan na kilala sa tawag na
"Kalayaan." Bilang manunulat-pulitikal, siya ang awtor ng pamasong Liwanag at Dilim at ng
tulang A La Patria.
Si Emilio ang utak sa unang paglusob ng mga katipunero sa garisong Espanyol sa San Juan del
Monte noong Agosto 30, 1896.
Tampok sa mga gawain ni Emilio bilang rebolusyonaryo ang pangangalap ng baril, bala, papel at
tinta. Siya rin ang namamahala sa pangingilak ng salaping ginagastos sa pakikidigma.
Minsang nakipagbarilan si Emilio sa mga manunudlang Kastila sa Laguna ay tinamaan siya sa
hita at dinala sa Simbahan ng Sta. Cruz. Matapos gamutin at imbestigahan ng mga Kastila ay
ipinakita niya ang isang pasaporte ng isang espiyang puti na nagngangalang Florentino Reyes.
Ang nasabing pasaporte ay pag-aari ng espiyang nadakip ni Emilio sa sagupaan sa Pasig.
Sa pagpapanggap ni Emilio, naisalba niya ang buhay sa oras ng kagipitan.
Nang pamunuan ni Emilio ang mga rebolusyonaryo sa Majayjay, Laguna ay dinapuan siya ng
malaria. Ito ang naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Sa maraming sundalong pinamunuan ni
Emilio, kinilala ang kaniyang talino, tapang at dangal.
Isang tunay na bayani si Emilio Jacinto na lalong kilala sa tawag na "Pingkian ng Katipunan" at
"Dimas-ilaw ng Literaturang Pandigmaan."

Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia
Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
Edukasyon
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at
pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang
partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo
ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong
1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula
1888
hanggang
1894.
Buhay
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang
nagbibigay-suporta
sa
Kilusang
Pang-reporma.
Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa
kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil
noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga
repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at
nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898,
pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong
noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng
Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang
rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo
bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang
Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay
ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na
kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa
balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat
upang
gisingin
ang
makabayang
diwa
ng
mga
Pilipino.
Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas
si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo
noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23
Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan,
Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na
pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang
muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga

Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.


Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.
Talambuhay ni Antonio Luna
Ang katalinuhan at pagkamakabayan ay mga angking kaugaliang kalakip ng katauhan ni Heneral Antonio Luna.
Ipinanganak si Antonio sa Binondo, Maynila noong Oktubre 29, 1866. Pinakabunso siya sa pitong anak nina Don
Joaquin Luna at Doa Laureana Novicio. Kapatid siya ng sikat na pintor na si Juan Luna.
Una niyang natutuhan ang pagbasa at pagsulat ng alpabeto sa paggabay ng isang gurong nagngangalang Intong.
Bata pa lang ay marunong nang tumugtog ng gitara, piyano at mandolino si Antonio. Bukod sa sining ng musika, may
motibasyon din siyang magpahalaga sa literatura at siyensiya. Ang hilig niya sa pag-aaral ay pinatunayan nang
tapusin niya ang Bachelor of Arts sa Ateneo de Manila; ang Licenciate in Pharmacy sa Unibersidad ng Barcelona at
ang Doctor of Pharmacy sa Unibersidad ng Madrid.
Kung sa Pilipinas ay nagkamit ng unang gantimpala ang komposisyon niyang "Dos Cuerpos Fundamentales de
Quimica", sa Espanya ay hinangaan naman ng mga kilalang bacteriologist ang pananaliksik niyang "El
Hermatozoario Paludismo."
Bilang iskolar, naglakbay si Antonio upang makipagpalitan ng opinyon sa mga kilalang syentista sa Belgium,
Denmark, France, Russia, Japan at Germany.
Saan man siya magpunta ay maraming humahanga sa mga pag-aaral niya sa yellow fever, influenza at iba pang
sakit tropikal.
Bukod sa pagiging matalino, may paninindigan din siyang ipaglaban ang karapatang magbigay ng opinyon sa
alinmang isyung pulitikal na maibigan niya. Ito nga ang ginawa ni Antonio nang sulatin niya sa La Solidaridad ang
obserbasyong satirikal na napapaloob sa kuru-kuro niyang Impressiones. Nang komentahan ito ng Espanyol na si
Mir Deas ay hinarap at hinamon ni Antonio ng espadahan ang puti. Sa takot ng Espanyol ay hindi nito tinanggap ang
hamon. Maraming puti ang lubos na humanga sa tapang ng matalinong Pilipino.
Nang umuwi si Antonio sa Pilipinas noong 1894 ay nagsilbi siya bilang propesor ng Universidad Certifico Literario de
Filipinas at Direktor ng Laboratorio Manila.
Sa mga usapang pulitikal ay malayang pinanindigan ni Antonio na dapat lang maging probinsiya ng Espanya ang
Pilipinas. Kailangan din daw tanggapin ng mga Pilipino ang lahat ng karapatang ibinibigay sa mga Espanyol. Sa
kasamaang palad, inaresto siya ng mga awtoridad sa mga liberal na kaisipang pinaniniwalaan niya. Para sa mga
Espanyol, pasimula ito ng rebolusyong plano ng mga Katipunero.
Ang pagkabilanggo ay ikinairita ni Antonio. Nang palayain ay nagdesisyon siyang mag-aral ng kursong pandigmaang
nagbibigay diin sa estratehiyang pangmilitar. Kung pinagbintangan siyang rebolusyonaryo inisip, ni Antoniong mabuti
ngang magrebolusyon nga siyang totoo.
Nagbalik sa Pilipinas ang syentista. Giyera Pilipinas-Amerika noon. Lalong pinagbuti ni Antonio ang pagiging
propagandista nang itatag niya ang La Independencia. Naging tunay na rebolusyonaryo ang syentista nang italaga
ito ni Heneral Aguinaldo bilang Direktor ng Digmaan. Itinatag ni Antonio ang isang "Academia Militar" na nagsanay sa
mga opisyal ng rebolusyon upang lalong maging mahusay na lider. Bagamat marami ang natuto sa disiplinang

binigyang diin ni Antonio, marami rin ang may balat-sibuyas na nagsusumbong kay Heneral Aguinaldo. Para kay
Antonio, ang hindi makatiis ay dapat lang na umalis.
Bilang gerero, ang katapangan ay angkin ni Antonio. Maraming malalaking labanan ang pinamunuan nito. Ayon sa
mga historyador, habang pinatatakas si Heneral Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo,
si Antonio Luna ang pansamantalang namumuno sa mga sundalong Pilipino upang iligaw ang mga puti. Hinaharap
niya ang mga kalaban. Nakikipagsabayan siya sa digmaan. Sinusunog niya ang mga bukiring dapat makasagabal sa
mga kaaway na sumasalakay. Iba't ibang istratehiyang pandigmaan ang ginamit ni Antonio na lubos namang
ikinatuwa ng Pangulo.
Sa labanan sa Santo Tomas, Batangas, minalas na masugatan si Antonio. Habang nagpapagaling ay nagtataka siya
kung bakit ipinatatawag siya ng Pangulo niya. Bilang masunuring tauhan ay sumunod siya sa Cabanatuan noong
Hunyo 5, 1899 subalit wala sa kumperensiya ang nagpatawag sa kaniya. Sa sobrang galit ni Antonio ay
pinagmumura niya ang mga sundalong dinatnan niya. Nakilala niyang ang mga nabanggit na sundalong taga-Kawit
ang mga rebolusyonaryong tinanggalan niya ng armas bilang pagpaparusa sa kawalan ng disiplina. Habang pababa
sa hagdanan ng kumbento, umalingawngaw ang sunud-sunod na putok. Patay na bumagsak ang mabagsik na
Heneral.
May mga haka-haka na biktima ng intrigang pulitikal si Antonio.
Sa kasaysayang humuhusga, si Antonio Luna na lumaban sa mga kaaway, dumisiplina sa mga rebolsuyonaryo at
nangalaga sa kaligtasan ng Pangulo ay isang tunay na bayaning nag-alay ng buhay alang-alang sa kalayaan.

You might also like