You are on page 1of 3

Amerikanisasyon ng Isang Pilipino ni Ponciano B.

Peralta Pineda Kyle: Ang de-amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling dapat nating gampanan sa ating kasalukuyan. Ang Amerikanisasyon ay isang sakitna tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan.Isang simulaing cardinal, katotohanan palibhasa, na ang isang Pilipinoy mahalagang sangkap ng buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama-samangindibidwal, ang katipunan ng lahat ng mga mamayan ng bansang ito, ang bumubuong Sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang di ganap ang pagka-Pilipino ngkabuuang ito ay di tayo makapagtatayo ng isang lipunang tunay na Pilipino, ni ngpamahalaan at pangasiwaang tunay na Pilipino. Ang ugat ng dahilan ay nasa uri ng edukasyon ng isang Pilipino.Tignan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang isangbatang Pilipino. Ang kanyang pamilyay kabilang sa mga may kaunting pribilehiyosa buhay. Bagay na isinisiwalat ng kanilang katayuang ekonomiko. Ang batangpaksa ng kwentoy nakarinig sa unang pagkakataon at nanggaya sa unangpagkakataon, sa pabulol na pamamaraan, ng mga salita ng kanyang inat ama. "Thats the light," sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisameng bahay. "Now," sasabihin ng bata, "wheres the light." Ituturo ng bata. "There!" sasabihin ng ina. Paulit-ulit. "Thats your Mommy" , sasabihin ng ama. "Say,Mommy." Gagayahin ng bata. "Hes your Daddy," sasabihin ng ina. "Say, Daddy." Gagayahin ng bata. Ganyan ang simula.Ang batang ito, pagsapit ng isang panahon, ay ipapasok sa kindergarten. Doon aymaririnig din niya ang wikang naririnig sa kanyang Daddy at Mommy. Bibigyan siyang manipis na aklat na may malalaking drowing at nandidilat na mga letra. Ituturosa kanya ng titser. "Apple" . Epol, wika ng bata. "Snow" sasabihin ng guro. "Isno,"wika ng bata. "Eagle," ang wika ng titser. "Igel," gagad ng bata. Ang paaralang ito,nais kong idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may kayang magbayad ng malaki.Ari ng dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso.Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan;pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga liubrongbumabanggit ng mga daan sa New York at sa Washington, D.C. Mamamasid niyaang Central Park , at Central Square . Ang batang ito na nagsisimula pa lamang aymay guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa kanyang tinubuan.

Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa. at nagkakaisip. Tuwingkakausapin siya ng kanyang Daddy at Mommy ay saw wikang Amerikano. Ngunitmay mga ibang tao sa kanilang tahanan: ang mga taong iyon ay alila o utusan kungtawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakikita niyang ang mga itoy tagapaglinisng bahay, tagapagluto sa kusina, tagapamili sa palengke, tagapagpaligo niya, atmalimit na inaalimura ng kanyang mga magulang. Ang mga taong ito, kungkausapin ng

kanyang Daddy at Mommy ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sawikang iyon ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak aytila mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles angginagamit ng kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog sapakikipag-usap sa mga alila o utusan. Itoy kanyang mapagkakalakhan at kahit natumanday iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na ang wikang Tagalog ayginagamit lamang sa mga alila.Ang batang itoy patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang kanyang binabasa,palaging InglesAmerikano, pagkat mga Amerikano ang awtor. Dahil dito'y ayaw narin niyang bumasa ng ano mangsinulat ng kanyang mga kababayan sa wikangkanyang kinagisnan. Ang librong nasusulat sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklamsa kanya. Sa tahanan ay exposed siya sa telebisyon sa mga programang ginaganapsa wikang kanyang pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood sa mga sine.Kahit Class B ,o Class C sa kanyay pinakamagaling pagkat mga artistangAmerikano ang nagsisiganap. Samantala, ang pelikulang Tagalog ay bulok sa kanya,walang pasubali.Siyay isang ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang pananagutan sabuhay. Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na kinikislapan ng pumikit-dumilatna samut-saring kulay ng ilaw-dagitab sa piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayosa kanya ang ibang daigdig, ang lalong malaking dagidig. Itoy ang lipunan ng mganakabakya, ng nagsisipagsalita ng katutubong wika. At sa ganyan ay sumilang angmalaking pagitan ng mga Pilipinong pribilihiyado sa buhay at ang masa ng atingbayan.Totoong humaba ang simpleng kwentong aking isinalaysay. Ngunit gaya ng inyongnapansin, itoy naglalarawan ng yugtu-yugtong pagkahubog ng isang batang Pilipinosa pagiging Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa. Ang trahedyang itoy nakaturosa ating sistema ng edukasyon. Nang pumasok ang mga Amerikano sa Look ngMaynilay dala na nila ang sistema ng paturuang Amerikano. Ayon sa kasaysayangsinulat ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong gumagamit ng salaming dayuhan pumarito ang mga... upang hanguin tayo sa barbarismo. Bibigyan daw nila tayo ngedukasyon. Binigyan nga, edukasyong popular pagkat sa simulain ay bukas sa lahatng mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano. Ang mga asignaturay hulwad saKano. Malayo na ang panahong iyon ng pagdaong ni Dewey sa ating pasingan,ngunit narito pa rin ang mga bakas. Isa tayong kolonya hanggang ngayon. Angsistema natin ay tunay na kolonyal. Marahil ay 'di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo mannaman ay may kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaangpampulitika, tayo namay pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko atedukasyonal. Sa panahon ay humihingi tayo ng pag-aaral sa ating mga suliranin sapagtuturo. Ang hinihiling nating gumawa nitoy ang ating dating panginoon, angmga Amerikano. Sila rin ang nagmumunyi sa atin ng mga kalutasan. At kung 'dimagbunga nang maigi, tayo ang nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit 'di natinggustong magkaganito. Biktima tayo ng kasaysayan. Ganito an gating palad.Gayunman, ang tanong koy di na ba tayo bubulas,di na ba tayo magiging ganapna lalaki at ganap na bansa sui juris sa lenggwahe ng batas.Sa sinundang brodkast ay sinabi na namin sa inyo kung ano ang paraang ginagawasa pagpapalaganap dito ng wikang Amerikano. Ang wika at edukasyon aymagkaugnay. Ngayon ay marami pang tulong sa edukasyon na kaloob ng EstadosUnidos. Hindi natin matiyak ang mga tali ng tulong na ito. Sa kawalan ngmapanghahawakang kongkretong ebidensya'y makapagbibigay lamang tayo ng mgahinuha. Maaaring sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng damdaming altruistiko ngating dating panginoon. Ito kayay kapani-paniwala? Hindi bat sa maramingpagkakataon ay lumilitaw ang katotohanang sa kapakanang Amerikano lamang angpaglilingkod na ginawa rito ng mga Amerikanong kinatawan ng PamahalaangAmerikano at pati ng kanilang mga ahenting na"brain wash" pagkataposmagtamasa ng kwalta ng iskolarsyip at grant ?Isang kababawan, kung di man katunggakan ang mag-akalang tunay nanagbubuhos dito ng salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lamang sakapakanang Pilipino. Sa katunayay naglilingkod sila sa kapakanan ng EstadosUnidos at sa kalwalhatian ng Union. Ito ang hinahangaan ko sa mga Amerikano,kahit sila saan magtungo, kalian mang panahon, ay nananatili silang Amerikano.Kapos tayo sa bagay na ito. Tayo pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila, napara bagang kailangan pa nating ipagtanggol sila. Ang isang Pilipino, lalo na angkabilang sa pamilyang ginawa kong halimbawa sa simula ng komentaryong ito, aymedaling maging Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito!Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay mabibigohabang dayuhan ang sistema ng ating paturuang pambansa. Tunay na kailangan angpagbabago, ang rebolusyon sa laranang ito. Ngayon ay may isang Komisyong nilikhaang Pangulo upag pag-aralan ang sitwasyon ng edukasyon sa ating bayan. Sanaymaging tunay na Pilipino ang ibubunga ng Komisyon. Huwag sanang

kaligtaan nitoang kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa kamay na ng komisyonang maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Paaralang Bayan tungkol sa bagay na ito.Nababatid na rin nito marahil ang tagubilin ng Lupon sa kurikulum, pati na angpaninindigan ng Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang manghuhula, ngunitmasasabi ko nang walang alinlangan; na habang nabibidbid ang ating paturuangpambansa sa sistemang Amerikano, at habang tinatagikawan tayo ng wikang

You might also like