You are on page 1of 5

Juliah Elyz A.

Tan BSA 1-9

Takdang Aralin

Mga Balbal na Salita

Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng
isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang
mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga
pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

Mga Halimbawa Kahulugan


talon, lonta pantalon
siyo, yosi sigarilyo
‘di/dehin hindi
paki pakialam
tyak tiyak
parak, lespu pulis
iskapo takas
istokwa layas
juding binababae
tiboli tomboy
epal mapapel
spongklong istupido
erpat ama
ermat ina
utol kaputol
Kano Amerikano
tsimay katulong
astig tigas
tomguts gutom
gasmati matigas
tsekot kotse
nalang na lang
paba pa ba
nanaman na naman
parin pa rin
syota, jowa kasintahan
datung pera
olats talo
todas patay
sikyo guwardiya
purita mahirap
ngetpa pangit
meron mayroon
kelan kailan
baket bakit
sakin sa akin
magisa mag-isa
pa’no paano
nasan nasaan
pista piyesta
anu ano
ewan aywan
san ba? saan ba?
isputing nakaputi
waswas asawa
gurang matanda
chibog pagkain
Pinoy Pilipino
petmalu malupit
bonsai maliit
‘pag kapag
kundi kung hindi
Tan, Juliah Elyz A. BSA 1-9

Takdang Aralin

Paghahalintulad ng Talambuhay ni Hen. Antonio Luna gamit ang Kasaysayan ng Pilipinas


at ang Pelikulang “Heneral Luna”

Ang Perspektibong Kasaysayan

Ayon sa Kasaysayan, si Heneral Antonio Luna ay isang pinakamagiting na sundalong


nakipagdigma laban sa mga Amerikano. Sa edad na anim, natutunan ni Antonio Luna na
magbasa, magsulat, at magbilang sa pagtuturo ni Maestro Intong. Nakabisado niya rin ang
Doctrina Christiana, ang unang aklat na nalimbag sa bansang Pilipinas, sa orihinal na baybayin at
sa pakahulugan nito gamit ang titik Latino. Siya ay nakapagtapos sa Ateneo Municipal de Manila
ng kursong Batsilyer sa Sining noong taong 1881 at nakapag-aral ng kursong panitikan at kimika
sa Unibersidad ng Santo Tomas, na kung saan nagkamit ng unang karangalan ang kanyang
sanaysay na pinamagatang Dos Cuerpos Fundamentales de la Quimica. Nakapagtapos din siya
sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang
parmasyutiko. Samantalang natutunan niya kay Don Martin Cartagena, isang Heneral ng
Hukbong Kastila, ang kaalaman ukol sa pakikipagdigmang militar, fencing, at
pakikipagespadahan. Ang pagsusulat ang libangan Antonio Luna. Iniakda niya ang El
Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaki
niyang naiambag sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at
nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.

Sa simula pa lamang ay isa na siyang tagapagtaguyod ng paghingi ng reporma sa


mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan,
dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong. Nang siya ay makalaya,
nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa Pilipinas,
sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng
digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi
ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.

Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng


pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa
Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung
saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang
nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay
naganap sa Caloocan.

Nasawi si Heneral Luna noong 5 Hunyo 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva


Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo
upang dumalo sa isang pulong. Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng
mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina. Sa pagkamatay ni Antonio
Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng
Pilipinas.

Ang Perspektibong Pelikula (“Heneral Luna”)

Masasabi kong pagkatapos kong mapanood ang palabas na ito, marami akog naging
realisasyon na dapat isaalang-alang ang pagmamahal sa bayan. Marami sa atin ang hindi kayang
ipagtanggol ang sariling bansa kaya’t tunay na kahanga-hanga ang ating mga ninuno dahil sa
kanilang katapangan, lalong lalo na si Heneral Luna na sagad ang pagmamahal sa bayan.
Inaamin kong, mula elementarya ay ang alam ko lang na ang bayaning si Heneral Antonio Luna
ay nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa ngunit dahil sa palabas na ito, namulat ang
aking kaisipan sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga
Amerikano. Sobrang hirap ang dinanas nila upang mapalaya lang ang ating bayan. Hindi lang si
Heneral Luna ang bayani, pati na rin ang mga tapat niyang mga tagapagsunod na sundalo na
karamiha’y namatay rin dahil sa pagtatanggol. Makikita rin sa palabas ang kahinaan ng Pilipino.
Sinabi ni Heneral Luna na pinakamatindi nating kalaban ay ang ating sarili. Para sa akin ay tama
siya sapagkat may mga pangyayari sa palabas na tayo mismong kapwa pilipino ang nag-aaway-
away dahil na rin sa impluwensiya ng negosyo at kapangyarihan. Halos wala tayong pagkakaisa
sa panahong iyon. Katulad na lang ng kung sino ang tunay na pumatay sa pinakamagiting na
heneral, kung hindi mismong tayong kanyang kalahi. Maikukumpara ito sa ating kasalukuyang
panahon na kung saan ay nangyayari pa rin ang pagsisiraan sa pagitan ng mga Pilipino lalo na sa
ating gobyerno. Kung sa pelikula ay makikitang pinatay si Heneral Luna ng kapwa Pilipino,
ngayon ay wala pa ring nababago gaya nang patuloy nating nakikita sa mga balita at maging sa
pulitika.

Makikita rin sa palabas ang kathang-isip na karakter na si Joven. Para sa akin ay siya ang
sumisimbolo ng makabagong henerasyon na kung mapapansin niyo’y isa siyang mamamahayag
na gustong italakay ang buhay ni Heneral Luna. Siya rin ang nagsilbing tagapagsalaysay ng
buong kwento sa buhay ni Heneral Luna. Sa isang pangyayari na kung saan nagkaroon ng
pagtatagpo sa mga amerikano, siya’s nabaril sa kamay at nadaplisan sa tenga. Kakaiba ang
naging reaksyon ni Heneral Luna, tila ba’y siya ay nag-aalala para kay Joven. Sa tingin ko’y
nagpapahiwatig ito na, dahil tayong mga kabataan o kaya’y bagong henerasyon ang magiging
pag-asa ng bayan kaya’t para kay Luna ay mahalaga si Joven dahil ito ang magpapatuloy ng
nasimulan ng mga nagbuwis ng buhay para makamit ang ating inaasam na kalayaan. At isa pa ay
sa huling bahagi ng istorya ay makikitang si Heneral Luna na binibigkas ang kanyang
napakagandang tula at sa huli’y si Joven na ang nagsasaad. Maaaring ito ay kumakatawan sa
pagsasalin ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Si Heneral Luna ay magsisilbing inspirasyon
sa bawat isa sa ating mga Pilipino.

You might also like