You are on page 1of 1

Kasaysayan ng wikang Filipino

May kasaysayan din ang wikang Filipino, meron itong ama. Bukod sa ama meron itong mga
kinatawan, tagapangulo at iba pa. Pinag-aaralan din ito ng mga bata sa ngayon, upang ibahagi ulit ito
sa susunod na henerasyon. Ito ang kasaysayan ng wikang Filipino na ginagamit ng mga mamamayang
Pilipino ngayon, ano at sino nga ba ang mga bahagi nito? Kilalanin natin.

Si Manuel L. Quezon, ang ama ng wikang pambansa ng Pilipinas at ang pangulo ng Pilipinas,
siya rin ang nagtagubilin sa Asemblea Nasyonal ng paglika sa SWP. Isa siyang pulitiko na nagsilbing
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944. Siya ang kauna-unahang politiko na
Pilipino na isinama ang lahat ng antas ng politika sa isang synergy of power. Namatay siya dahil sa
tuberculosis sa Saranac Lake, New york.

Bukod kay Manuel L. Quezon, meron din ibang pangulo ng Pilipinas at ito ay sila Ferdinand
Marcos na lumagada sa Proklama Blg. 304 noong 1971. Si Ramon Magsaysay lumagda sa Proklama
186 at Proklama 12 noong 1954, at si Fidel Ramos lumagda sa Proklama Blg. 1041. Meron din si Cory
Aquino na lumagda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong 1988. Sila ang mga pangulo ng
Pilipinas noon na kasali sa kasaysayan ng mga Pilipino ngayon, bukod din sa ama ng wikang
pambansa ng Pilipinas, meron din ibang ama, alam niyo ba kung sino? Kilalanin.

Si Lope K. Santos, ang Ama ng Balarilang Filipino, bumalangkas sa Abakada noong 1940. Ang
abakada ay pinag-aaralan ngayon ng mga bata upang matuto. Ang mga batang pre-school at mga
batang hindi pa pumapasok sa paaralan ang nag-aaral nito. Ang alpabetong ito ay isang
“indigenized” na alpabetong Latin na pinagtibay para sa wikang pambansang Filipino na nakabatay
sa Tagalog noong 1940. Bukod dito meron din tayong mga tinatawag na kalihim, kinatawan at
tagapangulo.

Si Jamie De Vera, ang hinirang na Tagapangulo at Kinatawan ng Visayang Samar sa SWP


noong 1937, si Cacilio Lopez na Kinatawan ng mga Tagalog, Kalihim at Punong Tagapagtanggap ng
SWP noon 1937. Si Hadji Butu na kinatawan ng mga Muslim noong 1937, Jose Romero ang Kalihim
ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, Lumagda ng kautusang pangkagawaran Blg. 7 noong 1959.
Ponciano Pineda, Kinatawan ng mga tagalog at tagapangulo ng SWP noong 1971, Juan Manuel ang
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at kultura, lumagda sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 noong
1947. Si Lourdes Quisumbing ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at palakasan,
lumagda sa Kautusan Blg. 52 noong 1987, at si Isidro Carino ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
at Kultura, lumagda sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 noong 1990.

Sila ang mga kasali sa kasaysayan ng mga Pilipino. Kilala sila ngayon sa ating bansa na pinag-
aaralan natin. Ang Wikang Filipino, ang wika natin, ang pambansang wika natin na ginagamit natin
ngayon. Ang Filipino ay tinutukoy bilang pambansang wika ng Pilipinas at ang kataga na ginamit para
sa isang tao na mula sa Pilipinas.

You might also like