You are on page 1of 67

Pagbibigay Reaksyon at Puna sa

mga: tauhan, istilo ng awtor,


pagkasunod-sunod ng
pangyayari, at uri ng telenobela

Ikatlong Pangkat
Dekada 70
Lualhati Bautista
Bantog na babaeng
manunulat at nobelista
Ipinanganak sa Tondo,
Maynila noong ika-2 ng
Disyembre 1945 .
Ang kaniyang mga akda ay
kakikitaan ng pag-ibig at
Lualhati bautista pagmamalasakit sa bayan.
Naging instrumento niya ang
pagsulat upang maipakita ang
mga maling kalakaran sa
lipunan na nagpapahirap sa mga
Pilipino.
Kadalasan sa kaniyang mga
akda ay na sa anyong nobela,
maikling kwento ngunit
Lualhati bautista nakapaglikha na rin siya ng mga
akdang pampelikula.
Jason Bingo
Mga Tauhan
Gani
Emannuel PAMILYA
BARTOLOME
JULIAN
Amanda
Jules
ANTAGONISTA
Julian Bartolome Sr.
[Christopher de Leon]
Siya ang haligi ng tahanan
Naniniwala siyang ang mundo ay
ginawa para sa lalaki, na ang lalaki ay
mas may karapatan sa pamilya at ang
babae ay tagasunod at tagapakinig
lamang. Ngunit sa huli ay nalinawan din
ang kaniyang isip.
ANTAGONISTA
Julian Bartolome Sr.
[Christopher de Leon]
Siya ay maituting na antagonista
sapagkat siya ay mahigpit na ama.
Subalit sa huli ay nalinawan din sa tunay
na sitwasyon ng lipunan.
ANTAGONISTA
Amanda Bartolome
[Vilma Santos]
Siya ang ilaw ng tahanan ng mga Bartolome.
Inilalarawan niya ang isang malayang babae
na hindi natatakot na ipaglaban kung ano ang
tama at nakabubuti para sa lahat. Bukas ang
isip sa mga ideyang dala ng nagbabagong
panahon
ANTAGONISTA
Amanda Bartolome
[Vilma Santos]
Buong buhay niya ay hindi siya naging
masaya kahit nagkaroon na siya ng pamilya.
Maituturing siyang antagonista sapagkat sa
nobela ay naging tutol siya sa mga naging
pagsali ni jules sa mga kilusan ngunit
kalaunan ay natauhan at sumang-ayon na rin
sa ipinaglalaban ng kaniyang anak.
PROTOGANISTA
Julian bartolome jr. (Jules)
[Piolo Pascual]
Panganay na anak sa pamilya.
Bininyagan sa pangalang Julian sa
panahong ang uso ay pangalang
kolonyal.
Itinuturing na pinakamatapang at buo
ang loob sa magkakapatid at may
malalim na pagmamahal sa bayan.
PROTOGANISTA
Julian bartolome jr. (Jules)
[Piolo pascual]
Nasa sekundarya pa lamang ay aktibo
na sa mga campus activities si jule.
Siya ay kumandidato at nanalo sa
pagkapangulo ng student council.
Mulat ang isipan tungkol sa tunay na
nangyayari sa lipunan kahit nasa
murang edad pa lamang.
PROTOGANISTA
Julian bartolome jr. (Jules)
[Piolo pascual]
Miyembro siya ng isang kilusan na naglalayong mag-aklas
para sa malayang lipunan.
Sa kaniya madalas nagmumula ang mga usaping pulitikal
at kapuna-punang siya ay may sariling paninindigan,
malakas ang loob at tunay na makabayan kahit na
madalas ay sinasalungat niya ang paniniwala ng amang si
julian.
Pantulong na Tauhan
Isagani "Gani" bartolome
[Carlos Agassi]
Siya ay nagtrabaho bilang isang U.S. Navy.
Kung titignan mo ang kanyang karakter maaari
nating masabi na siya ay may paninindigan din
sapagkat kahit alam niya sa sarili niya na hindi
pa siya handang mag-asawa pinakasalan parin
niya si Evelyn, at siya ay kumayod para sa
kanilang anak na si Annaliza.
Pantulong na Tauhan
EMMANUEL "EM" BARTOLOME

Ikatlo at pinakamatandang
anak
Iskolar sa Unibersidad ng
Pilipinas at ang
nakahiligang gawin ay ang
pagsulat.
Pantulong na Tauhan
Jason Bartolome
Ikaapat at
pinakapaboritong anak ng
kanilang ama.
May magiliw na
personalidad, palabiro at
sinasabing sa ama niya
namana ang mga ito
Pantulong na Tauhan
benjamin "bingo" bartolome

Bunso sa magkakapatid at nang


lumaki ay pinili niya ang kursong
inhinyero bilang pagsunod sa
yapak ng kanilang ama ngunit
kalaunan ay nakitaan ng
kagustuhang maging pulis.
URI NG NOBELA
Ang nobelang ito ay isang uri ng nobelang
pampulitika.
Tinatalakay nito ang mga naging kalupitan ng
rehimeng Marcos at ang mga maling kalakarang
nangyari sa lipunan na ugat ng maling nangyari sa
gobyerno.
Ipinapakita nito ang baho ng gobyerno upang
mapagtakpan ang kanilang maling pamamalakad.
URI NG NOBELA

Ang gobyerno ang representasyon ng lipunan.


Ang mahinang lipunan bunga ng mahinang
gobyerno.
Ang masamang gobyerno ay magbubunga ng isang
pag-aaklas sapagkat hindi kailanman matatahimik
ang lipunang nagnanais ng payapang buhay.
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
SIMULA- Nag-uumpisa ang nobela sa pagpapakilala sa
mga tauhan at nabigyang-pansin na ang
nagkukwento na si Amanda ay isang uri ng alipin ng
makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at
lalaki. Una'y di niya binibigyang pansin ang mga
pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng
magsimula nang manaig ang damdaming aktibista ni
jules at ang pagka-mapusok ni Gani ay nabahala siya
ng lubusan.
ISTILO NG AWTOR

Maliwanag at maayos ang pagkakasulat ng mga


tagpo sa nobela.
Gumamit ng mga paglalarawan ang may akda kung
kaya't mas naging masining ang pagkakasulat nito.
Hindi naging maligoy ang mga pangyayari at
nakatuon sa iisang layunin ang mga tauhan, ito ay
ang pagkamit ng kalayaan.
ISTILO NG AWTOR

Malalim at makabuluhan ang mga salitang ginamit


sa nobela angkop sa paksang poampulitika na
nangangailangan ng malalim na pag-unawa.
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
PATAAS NA AKSYON - Unti-unti ay nagkaroon ng
kuryusidad si Amanda kong ano nga ba ang dahilan
ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan
nga'y tuluyan ng sumapi sa kilusang kalaban ng
pamahalaan. Bunga nito'y nagkaroon ng lamat ang
relasyong magpapamilya. Pati na rin ang iba pang
anak na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng
suliranin bunga ng batas militar.
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
KASUKDULAN - Ang pagpatay kay Jason ay
pampagising kay Amanda sa mga bagay na
ayaw niya pabayaan ang mga anak nila at ito ay
naagbigay sa kanya ng lakas para kausapin si
Julian sa paningin niya kay Amanda na hindi siya
isang housewife lang at gusto niya kumilos para
kay Jason. Si Jules at Emannuel ay kumilos sa
kanilang pagiging aktibosa rebolusyon at sa
pagsulat. Sinundan ng nobela ang mga kilos nila.
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI

PABABANG AKSYON - Nakalaya si Jules sa


kulungan. Si Amanda naman ay natamo niya ang
kaganapan ng kanyang pagkatao sa pagtulong
na kanyang ginagawa sa mga sugatang dinadala
ni jules. Pagtulong na bukal sa kanyang puso,
tungkulin na hindi naman iniatas sa kanya
ninuman o obligasyon, na kahiot gaanu man
kapanganib ay nagawa parin niyang gampanan.
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI

WAKAS - Bumalik si Jules at ang kanyang asawa


sa rebulusyon. Ang paghihiwalay nla Julian at
Amanda ay natuloy at pinag-usapan ni Amanda
ang balak niya gawin at yan ay magparinig ng
boses rin sa rebolusyon pagkatapus sa
pagpatakay ninoy. Nagsama sama rin ang buong
pamilya nila para mapanuod ang dula ni
Emmanuel.
Bisang
Pampanitikan
1.Bisa sa Isip
Nagbubunsod sa mga mambabasa na
mag-isip upang umunlad ang diwa at
kaisipan.
Gumaganyak sa mambabasa upang
alamin ang mga pahiwatig at tunay na
kahulugan ng mga salita.
1.Bisa sa Isip

Ano ang kaisipang nakapaloob sa isang


akda?

Ano ang mga natutunan mo sa nabasa?


2. Bisa sa Damdamin
Tumutukoy sa naging epekto o
pagbabagong naganap sadamdamin ng
mambabasa.

Ano ang naramdaman mo sa binasa?


Bakit ito ang naramdaman mo?
3. Bisa sa Asal

Nilikha upang magbigay dunong


magbigay-aral athumubog ng katauhan.

Nagtuturo ng wastong pag- uugali, moral


o kung ano ang tama at mali.
3. Bisa sa Asal

Ano ang aral na nakuha mo?

Ano ang mga wastong pag- uugali at


moral na natutuhan mo?
BISANG
PAMPANITIKAN NG
NOBELANG DEKADA 70
BISA SA ISIP
Pagiging pamilyar sa kasaysayan partikular sa
paahon ng pangulong Marcos.
Pagkamulat ng isipan sa mga pangyayari sa
nakaraan
Pagkakaroon ng kamalayan sa miserableng
karanasan ng mga Pilipino sa kapwa- Plipino.
Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa tungkulin bilang
kabataan sa pagsasaayos ng gusot sa lipunan
maging sa gobyerno.
BISA SA DAMDAMIN
Pagkaantig ng damdamin sa mga naging
pakikipagsapalaran ng mga tauhan
Pagkahabag sa naging kalagayan ng mga Pilipino at
pagkagalak dahil sa kaalamang may mga Pilipinong
nanindigan upang ipaglaban ang ating kalayaan.
Pagkamangha sa tapang na ipinamalas ng mga
tauhan sa nobela sa pagharap ng mga suliranin
Pagkakaroon ng inspirasyon upang mas maging
mabuting Pilipino
BISA SA KAASALAN

Pagkakaroon ng matibay na prinsipyo at


paniniwala
Karunugan sa kung papaano maging
makabayan, ito ay ang lumaban at
isakripisyo maging ang sariling kaligayahan
para sa kapakanan ng inangbayan.
BISA SA LIPUNAN
Kamulatan sa pagiging makabayan
Ang nobela ay nagsilbing paalala na huwag nating
hayaang masakop muli tayo ng dayuhan.
Maging matatag ang prinsipyo at huwag iasa sa
Amerikano o Tsino ang kaligtasan ng ating bansa.
Pagkakaroon ng kaispang panahon na para tayong
mga Pilipino ay tumayong mag-isa sa ating mga
sariling paa.
Mga Ibong Mandaragit
ni: Amado V. Hernandez
I. Amado V. Hernandez
Si Amádo V. Hernandez ay hinirang na Pambansang
Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973.
Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang mga
kaibigan at kasáma sa kilusang paggawa.
Kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at
nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at
dahil sa kaniyang totoong paglahok sa
organisasyong pampolitika.
Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga
pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa
mga kilusang makakomunista.
Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging
kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago
nagwakas.
PAGSUSURI
SA NOBELA
II. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN
A. PROTAGONISTA

Mando Plaridel - Pangunahing


tauhan sa kuwento. Siya ang
nakahanap sa kayamanan ni Simoun
na itinapon ni Padre Florentino sa
Karagatan ng Pasipiko. Sa tulong ni
Tata Matyas, ang punong patnugot
ng kampilan.
II. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN

Dolores Montero(Dolly) - Siya ang


bugtong na anak ng pamilyang
Montero na naging karelasyon ni
Koronel Moto noong panahon ng
mga Hapon. Nabuntis siya ni
Tinyente Whitey sa panahon ng
liberasyon, makakarelasyon ni
Mando sa Paris.
II. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN
Tata Matyas - Ama-amahan ni
Mando na isang rebolusyonaryo sa
tatlong panahon ng pananakop
mula sa Kastila, Amerikano
hanggang Hapones. Nagmanman
siya sa mga lugar na maaaring
pinagtapunan ni Padre Florentino
sa mga kayanman ni Simoun.
II. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN

Magat - Isang lider sa Kalayaan


ng namumuno sa isang
disiplinadong pangkat ng gerilya
spagkat hawak niya ang gobyerno,
siya ay magiging pangunahing
editor ng Kampihan.
II. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN
B. Antagonista

Don Segondo Montero - Ang madugas


na negosyante at nagmamay-ari ng
Hacienda Montero.

Donya Julia Montero - Asawa ni Don


Segondo na nahuhumaling sa dating
karelasyong si Gobernador Doblado.
C. Pantulong na Tauhan

1. Karyo - Isa sa mga kasamahan ni


Mando na nakatakas sa paglusob ng
mga Hapon sa huling kuwartel ng mga
gerilyang Pilipino sa may Tayabas,
ang Sampitan. Siyang naging tulay
nina Martin at Mando upang maging
mabuting magkakasama. Namatay
nang ito’y inatake ng pating sa
karagatang Pasipiko habang
sumisisid.
C. Pantulong na Tauhan

2. Martin - Kasamahan nina Karyo at


Mando na mapanlinlang at madaling
nasilaw sa kayamanan ni Simoun na
naging sanhi ng kamatayan nito.
3. Andres - Lider ng mga Makapili sa
bayan nina Magat na nagawang
makipagtalastasan kay Magat kaya’t
naging kasamahan nila ito sa paglimbag
ng pahayagang Kampilan.
C. Pantulong na Tauhan

4. Iman - Batang reporter ng Kampilan

5. Rubio - Lider ng mga manggagawang


bumuo ng union sa lungsod. Dating
magtitinda ng sigarilyo na sinubukang
papugutan ng ulo ng mga espiya ng
Hapon, ngunit nakatakas at piñata ang
mga espiya.
C. Pantulong na Tauhan

6. Gobernador Oscar Doblado -


Kumpadre ni Don Segundo na siyang
bumabaluktot sa mga batas sa lalawigan
kung nasaan ang Hacienda Montero.

7. Obispo Dimas - Isang obispong


pokerista na nakatalo sa istilo sa poker
ni Heneral Bayoneta
C. Pantulong na Tauhan

8. Heneral Bayoneta - Heneral na


bantay-salakay sa army, pagkat siya ay
kasama nila Don Segundo sa ilegal na
bentahan ng mga armas. Manugang ni
Son Tua.

9. Son Tua - Milyonaryong Insik na


Kumpadre ni Don Segundo at katipan
niya sa pagpopondo ng mga negosyo
nila, legal man o hind.
C. Pantulong na Tauhan

10. Senador Bonti - Makatiyan na


mambabatas at ang layon lamang ay
manatili sa poder ng kapangyarihan.

11. Judge Pilato - Pokeristang Husgado.

12. Pastor - Tiyuhin ni Mando sa ina.


Ama ni Puri. Naging katiwala ng
hacienda ni Don Segundo.
III. Paglalarawan sa mga
Tagpuan

Marami ang naging tagpuan ng


nobelang ito. Nagsimula ang kwento sa
kagubatan. Narito ang ilan sa mga
tagpuan.
Sampitan - Ito ang lugar kung saan
pinupuntahan at tinutuluyan ng mga
gerilyang lumalaban sa mga Hapon
katulad ni Mando.
III. Paglalarawan sa mga
Tagpuan

Sierra Madre - Dito matatagpuan ang


bahay-kubo ni Tata Matyas na nasa
bulubundukin

Atimonan - Ito ang lugar kung saan


namatay at inilibing si Martin Karyo.
Dito rin nakatago ang mga ginto ni
Simoun.
III. Paglalarawan sa mga
Tagpuan

Europa at Estados Unidos - Ito ang


mga lugar na nilakbay ni Mando
Plaridel kung saan niya ibinenta ang
mga kayamanan ni Simoun.
IV. PAGSUSURI SA TEMA/PAKSA

Ang nobela na pinamagatang "Mga


Ibong Mandaragit" ay isinulat ni Amado
V. Hernandez upang kumakatawan at
tumugon sa matagal nang panawagan
ng mga makabayang Pilipino para sa
katarungan, kalayaan, at katotohanan
laban sa pagmamaltrato at hindi
makatarungang gawain ng tinatawag na
"Ibong Mandaragit" sa lipunang
Pilipino.
Ang kwento ay naglalarawan sa
buhay ng bawat Pilipino na
nahaharap sa maraming problema
sa lipunan na humahantong sa
pagkamakabayan, kabayanihan, at
makataong pagkilos nang nga tao
sa komunidad ay pinailalim sa
kapangyarihan at kontrol ng
matataas na lipunan.
Ang mga taong ito ay nagsagawa ng
kanilang banal na misyon sa pamamagitan
ng pag-aalay ng kanilang nga sarili upang
maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng
katauhan ni Mando at ng kanyang
kaibigang si Karyo para sa karaniwan
kabutihan ng mga Pilipino.
Ipinapakita ng konteksto ang pagtutol ng
nasabing nga karakter upang itaguyod ang
dignidad ng mga inaapi at supilin ang mga
problemang kinakaharap ng ating inang
bayan.
Sa tulong ng tungkulin ni Mando, unti-
unting nakamit ng mga tao ang hustisya
laban sa insulto at pang-aabuso ng
kapangyarihan ng mga naghaharing elite.
Katotohanan, pangako, at pagmamahal sa
bayan naging sandata nila upang magdala
ng kapayapaan at kaayusan sa lupang
sinilangan. Bilang tugon sa mga isyu,
naging natural na sa mga mamamayan na
ipaglaban ang kanilang mga karapatan na
hindi nila tinatamasa dahil sa talamak na
katiwalian sa kanilang komunidad.
V. Pagsusuri ng
Kabisaan ng Nobela
sa mga Mambabasa
Bisa sa isip
Ang tumatak sa aming isipan habang binabasa ang
1. nobela ay ang pagkamulat ng aking kamalayan sa
tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng Hapon.

Tumatak din sa aming isipan ang kung paano


2. tayo tinulungan ng mga Amerikano na muling
bumgangon.
Bisa sa isip
Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang
tagpong ninais ni Martin na masarili ang
kayamanan ni Simoun dahil pinatunayan
nito na kahit saan mang lugar at
pagkakataon ay may taong gahaman at
sakim kung kaya't kailangang maging
maingat tayo sa pagtitiwala.
Bisa sa damdamin
Habang binabasa ang nobela,
makakaramdam ka ng pagkamangha,
pagkaawa at pagkagalit.
Namangha ako sa katapangan ng
pangunahing tauhan na si Mando Plaridel.
Naging maingat siya sa mga plano ng
paghihimagsik at pagaaklas.
Bisa sa damdamin
Kilangan ng Pilipinas ang kaugalian ni Mando
Plaridel upang tayo ay muling makabangon.
Gayunpaman, nakakaawa ang sinapit ng karamihan
sa mga Pilipino na nakatikim ng mapait na buhay sa
palad ng mga hapon. Lalo't higit sa lahat ay ang
pagkagalit sa karakter na Martin na hindi natin
maitatangging namana ng maraming Pilipino, iyon ay
ang panlalamang at pagiging sakim lalo na sa
panahon ng kaguluhan.
Bisa sa asal
Masasabi kong ang nobelang ito ay ipinapakita sa atin
ng may akda na tayo at tayo rin ang magtutulungan
upang masugpo ang lahat ng problemang kinakaharap
ng ating bansa.
Walang ibang kikilos para sa ating bansa kundi tayo rin
kung kaya tayo'y magkaisa at magtulungan patungo sa
kaunlaran.
Walang matinding problema kung tayo ay nagkakaisa. .
Bisa sa asal
Huwag hayaang muli tayong masakop ng mga dayuhan
sapagkat ang Pilipinas ay atin.
Ito ang ating tirahan, dito tayo isinilang at dito rin tayo
mamamatay. Subalit walang nang mas sasarap pa sa
pakiramdam na mamatay nang may ginaga kang
mabuti para sa bayan
Maraming
Salamat!

You might also like