You are on page 1of 20

Panitikan Hinggil

sa Uring
Manggagawa
Isa sa mga mahalagang salik ng produksiyon ay
ang PAGGAWA(labor). Lubos na
napakikinabangan ang ibang salik ng produksiyon
sa tulong ng paggawa. Ang mga gawaing pang-
ekonomiya ay naisasakatuparan dahil sa lubos na
paggamit ng mga manggagawa ng kanilang lakas
at kakayahan upang makalikha ng mga produkto at
serbisyo.
MGA URI NG PAGGAWA
 Kapag sinasabing PAGGAWA, ito ay laging kaugnay
ng manggagawa. Ang uri ng paggawa ay naayon sa
uri ng manggagawa. May dalawang klasipikasyon ng
manggagawa, ang manggagawang PISIKAL at
manggagawang MENTAL.
MANGAGAWANG PISIKAL
 Ay inuuri bilang unskilled, semi-skilled at skilled. Ito
ang tinatawag na blue collar job na tumutukoy sa
gawain ng mga mangagawang mas higit na ginagamit
ang kanilang pisikal at inerhiya sa paglikha ng
produkto at serbisyo.
MANGAGAWANG MENTAL
 Ang gawain ng mangagawa na mas
ginagamit ang mental na kapasidad at
kaisipan na nabibilang sa white collar job.
Blue collar job
 Welder, drivers, plumbers, janitors, construction
workers atbp. ay ilan lamang sa mga halimbawa
White collar job
 Supervisor, manager, doctor, nurse, guro at iba pang
propesyunal ay ang mga ilang halimbawa.
International Labor Organization
 Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa o International Labor
Organization (ILO) ay ang ahensya ng United Nations na nakalaan
para magtaguyod ng mga oportunidad ng mga babae at mga lalaki
upang sila’y magkaroon ng marangal at mapagkakakitaang trabaho
sa kondisyong malaya, may pagkakapantay-pantay, ligtas, at may
pagkilala sa dignidad ng tao.
 Ang mga pangunahing layunin nito ay itaguyod ang mga karapatan
sa trabaho, isulong ang mga pagkakataon para sa marangal na
trabaho, pagbutihin ang proteksyong panlipunan, at palakasin ang
mga diyalogo ukol sa mga usaping may kinalaman sa pagtatrabaho.
Mga Mahalagang Karapatan

 Una, ang mga manggagawa ay may karapatang


sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
 Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang
makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na
mag-isa.
 Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho,
lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa rito, bawl ang trabaho bungang
ng pamimilit o “duress”.
 Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong
pangkabataan. Sumakatuwid may minimong edad at mga
kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
 Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa
trabaho, pantay na suweldo para sa parehong na trabaho.
 Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay
dapat walng panganib at ligtas sa mga
manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng
pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
 Ikapito, ang sweldo ng manggagawa ay sapat at
karapat-dapat para sa makataong buhay.
 Ikawalo, nagtatakda ng pagbabayad sa mga
manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho.
Dati rati kami ay simpleng manggagawa lamang
Manggagawang hangad ay trabaho lamang
Trabaho, bahay, trabaho.

Sobrang maamo
Sunud-sunuran sa amo.
Takot na pagkatanggal sa trabaho ang matamo.
 
Ngunit aming napagtanto,
Napagtanto na mali ito.
Mali dahil sa sobrang pagka-maamo
Batak sa trabaho,
Mga ako’y sinamantala ito.
Utos doon, utos dito.
Ngunit tamang sahod at benepisyo pinagkait nito
At minsan pa’y nakupitan nito.
 
Kaya kaming manggagawa sa NutriAsia ay nagkaisa
Para matigil na ang pananamantala.
Nagkaisa, nagsama-sama
Na boses lang ang sandata.
  
Ngunit amo namin ay mayaman
Ginamit ang yaman
Kahit kapulisan ay nasuhulan.
Dinagdagan pa ng mga guwardiyang naglalakihan.
Mga eskerol ay nagdatingan
Anong aming laban?
Sinadya nila kami ay kakaunti lamang.
Kami ay kanilang pinalibutan
Kasagsagan ng matinding ulan.
Kahit kami’y nakadapa at walang laban.
Nanginginig sa lamig sa tindi ng ulan,
Para ipagtanggol ang natitira naming karapatan.
 
Kami ay pinaghihila at kung mahila ang aming kasamahan,
Kanilang ihahagis sa kapulisan at pupusasan.
Dumating na nausog kami sa dakong unahan
Mga supporters ay nagdagsaan.
Nagkaroon ng tulakan,
Dahil sa pagkuha ng video ng aming kasamahan
Pulis ay nakipag-pukpukan,
Sa arnis niyang hawak
Kasabay ng shield na panangga
Kaya’y baro’t nagliparan.
 
Marami sa aming kasamahan ay duguan,
Sugatan at puno ng pasa sa katawan.
Kahit ang sigaw ay “Sir hindi kami lalaban”
Kami ba ay kriminal?
 
Mali ba na ipaglaban ang natitira naming karapatan?
Karapatan na niyurakan.
Para sa amin ito ay hindi mali
Hindi mali na ipaglaban.
Ipaglaban ang karapatan!
At magising sa katotohanan.
 
Kaya aking panawagan,
Manggagawa tayo ay lalaban!

You might also like