You are on page 1of 2

Ma. Theresa D.

Jandugan BSEd-Filipino III

Panitikan 1: Sosyedad at Literatura

“Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Candelabra”

Base sa pangyayaring naganap sa buhay ni Julian, tila hindi siya natuto mula palang doon

sa unang pagkakamali na nagawa niya. Sa halip na magsisi at magtanda, ay muli itong nagpadala

sa tukso.

Doon sa una at pangalawang kwento, napapansin ko sa katauhan ni Julian na nagpapadala

siya sa tukso hindi niya kayang labanan ito kahit alam niya mismo sa sarili na mali ang kaniyang

ginagawa. Pinili parin niyang gawin ang maling bagay na mas lalong nagpahamak sa kanya. Sa

pangatlong kwento naman ng buhay ni Julian, tama naman na pinaglaban niya ang kanyang

karapatan bilang isang empleyado dahil nakikita niyang hindi na tama ang pagpapasweldo sa

kanila. Kaya lang, nagpadala siya sa kaniyang timpi at galit sa kaniyang Amo, dahilan ng

pagkahantong nito sa malagim na insidente.

Ang maipapayo ko naman sa mga kabataan unang-una, huwag tayong magpadala sa

tukso, dahil isa yan sa magpapahamak sa atin. Pangalawa, kung alam nating masama o mali ang

gagawin nating kilos, huwag nang ituloy pa. Isiping mabuti ang mga posibleng mangyari kung

itutuloy natin ang ating mga binabalak. Panghuli, hindi masamang ipaglaban an gating karapatan

lalo na kung wala na ito sa tama at naaapakan na an gating reputasyon. Ngunit, gawin natin ito sa

makataong pamamaraan, dahil minsan sa kagustuhan nating makakuha ng patas na laban, hindi
natin napapansing hindi pala tama ang nagawa nating solusyon sa problema, at sa huli tayo pa

ang kawawa.

You might also like