Professional Documents
Culture Documents
Si Emilio Jacinto ay isang rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng Himagsikan (1896) na naging isa sa
mga magagaling na lider ng Katipunan. Ang kanyang katalinuhan ay napakinabangan noong panahon ng
rebolusyon. Siya ang tinaguriang "Utak ng Katipunan". Siya ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan at nag-edit
ngKalayaan--ang dyaryo na ginamit ng Katipunan sa pagpapamahagi ng impormasyon.
Siya ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano
Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang
mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin. Si Emilio ay nag-aral
sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit ito ay
natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896.
Sa edad na 19, siya ay naging isa sa mga pinuno ng Katipunan at naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres
Bonifacio. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi
siya sumali sa puwersa ni Emilio Aguinaldo. Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang
nasugatan at binawian ng buhay sa sakit na malaria noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.
Mga nilalaman
[itago]
1 Mga Isinulat
2 Sanggunian
3 Panlabas na Kawing
4 Pagkilala
[baguhin]Mga Isinulat
Kartilya ng Katipunan
Liwanag at Dilim: itoy katipunan ng mga sanaysay na may ibat ibang paksatulad ng mga sumusunod:
kalayaan,
Ang Pag-ibig,
Ang Gumawa, at
Ang Maling Pananampalataya.
Sa Bayang Tinubuan: ipinalalagay na ang tula niya sa Kastila ang siya niyang Obra-Maestra.
[baguhin]Sanggunian
Emilio Jacinto - Utak ng Katipunan. Sa Mukamo Philippines: Filipino Community. (14 Enero 2009)