You are on page 1of 1

Fatima Mhay R.

Villanueva G-SOSC001

ARC 25

1. Ipaliwanag ang naging kahalagahan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa kasaysayan ng


Pilipinas.

Itinuturing ng mga kapwa Katipunero bilang isang “military genius”, si Emilio Jacinto ang
naging kanang kamay ni Andres Bonifacio sa pagpapalakad ng Katipunan. Si Emilio ang
tinaguriang “Utak ng Katipunan” kaya hindi naging hadlang ang kanyang edad para siya ay
humawak ng mga importanteng puwesto sa Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan. Pingkian ang naging bansag sa kanya ng sumapi siya sa Katipunan. Siya ang
naging patnugot ng Kalayaan – ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Sa kanyang pagsusulat ay
ginamit niya ang sagisag na Dimasilaw. Siya ang naging patnugot ng Kalayaan, ang opisyal na
pahayagan ng Katipunan. Sa kanyang pagsusulat ay ginamit niya ang sagisag na Dimasilaw. Si
Emilio Jacinto ay naging heneral sa edad na 21.

Si Andres Bonifacio ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na


naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang
Pilipino. Kinikilala rin siya ng mga ilang dalubhasa sa kasaysayan bilang unang Pangulo ng
Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala. Bilang Supremo ng Katipunan, napunta rin kay
Bonifacio ang responsibilidad na pamunuan ang ilang libong kasapi ng Katipunan. Sa loob ng
lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nil ani Emilio Jacinto, na naglingkod bilang kanyang tagapayo
at katiwala, at bilang kasapi rin ng Kataastaasang Lupon.

Sa pagsiklab ng himagsikan noong August 1896, si Bonifacio at Jacinto ang namuno sa


mga unang pakikipaglaban ng Katipunan sa mga Espanyol, kabilang na ang mga tagumpay sa
Pasong Tamo at munisipyo ng Mandaluyong at ang Labanan sa Pinaglabanan sa umaga ng 30
August 1896 na ikinasawi ng maraming Katipon.
Nang ipapatay si Bonifacio ni Emilio Aguinaldo noong Mayo 10, 1897, si Jacinto ang
humalili sa Supremo. Tinanggihan niya ang alok ni Aguinaldo na umanib sa kanyang grupo.
Nilabanan niya ang mga Kastila sa Magdalena, Laguna.

You might also like