Professional Documents
Culture Documents
31. Una: Petty quarrels: the ties that brought them together weakened
32. Una: At the age of eight, Rizal wrote his first poem
entitled "Sa Aking Mga Kabata." The poem was written in tagalog and
had for its theme "Love of One’s Language."
Blumentritt
Paciano
39. Anu-anong bayan ang dinaanan mula Calamba hanggang Tagaytay noong
nag-FT?
Calamba, Los Banos, Santo Tomas, Tanauan, Malvar, Talisay, Tagaytay
(paki-correct/pa-add na lang kung may kulang)
40. Magbigay ng 3 babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ni Rizal.
Ipakilala sila.
1. Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos (1827 – 1911) – ang ina
ni Rizal. Siya ang naging unang guro ni Rizal na nagturo sa kanya ng
abakada noong siya’y 3 taong gulang pa lamang. Nakulong matapos na
mapagbintangang nanlason sa kanyang biyenan
2. Segunda Katigbak – petit na 14 yr old at kaklase ni Segunda sa La
Concordia na sinuyo ni Rizal noong nagaaral siya sa UST.
3. Leonor Rivera (1887) – 2nd cousin ni Rizal na gumamot sa kanya
noong siya ay mabato sa ulo matapos ang isang away sa pagitan ng mga
mestizos at mga kayumangging estudyante. Sinuyo ito ni Rizal sa loob
ng 4 na taon at nagkaroon ng long-distance relationship sa loob ng 7
taon habang si Rizal ay nasa Europa. Sa huli ay ipinakasal din it okay
Charles Henry.
4. Josephine Bracken – unang nakita ni Rizal noong siya’s 14 taong
gulang sa Hong Kong. Nang mabulag ang kanyang ama ay dinala ito sa
Dapitan upang maipagamot kay Rizal. Sumama din si Bracken sa puwersang
rebolusyonaryo sa Cavite kung saan siya’y tumulong na mag-operate ng
isang ‘reloading jig’ sa isang arsenal sa Imus. Nasaksihan niya rin
ang Tejeros Convention bago siya bumalik ng Maynila. Namatay sa Hong
Kong nong 1902.
41. Ikumpara ang bapor tabo sa takbo ng gobyerno noon at ngayon (mga
simbolismo)
o Bilog ang hugis ng bapor hindi akma o ‘streamlined’ sa
pagpapatakbo
o Tumatakbo ‘against the current’ simbolismo ng pagtakbo laban sa
interes ng taong-bayan
o May dalawang paraan ng pagpapatakbo: (1) motor (pamahalaan driving
force); (2) tikil o ‘bamboo pole’ (simbahan para sa ’steering’/ taga-
dikta ng direksyon ng pagtakbo)
o Maputi sa harap, maputi sa likod Lahat ng magaganda lang ang
naipababalita, ang mga failures at kapabayaan ay itinatago malayo sa
mga mata ng mamamayan; Mga proyekto na maganda ang layunin ngunit may
‘ulterior motives’
o Nasa taas ng bapor ang mga mayayaman at mataas ang posisyon sa
lipunan → walang lugar para sa mga commoners kundi sa baba ng barko.
42. Ipakilala si Ferdinand Blumentritt.
• Matalik na kaibigan ni Jose Rizal.
• Si Ferdinand Blumentritt (Setyembre 10, 1853–Setyembre 20, 1913) ay
isang Aleman na etnologo at heograpo, at isa rin siyang punong-guro sa
isang paaralan sa Leitmeritz (ngayong sa Czechia). Ipinanganak siya sa
Praha sa isang pamilya ng mga Alemang Sudeten o sudetendeutsche at ang
isa sa mga pinakanangungunang dalubhasa sa Pilipinas noong kaniyang
panahon bagaman hindi niya nagawang bisitahin ang kapuluan. Isa rin
siyang matalik na kaibigan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si
Jose Rizal
• Lumaki si Blumentritt sa Austria-Hunggarya (Kastila: Austria-
Hungría) at dito niya rin isinulat ang kaniyang mga unang akda. Siya
ay nanirahan at nagtrabaho sa Sudetenland na, matapos ang pagbagsak ng
Ikatlong Reich sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay
naging bahagi ng Czechoslovakia. Sa ganito, siya ay hindi isang
Austriano (tulad ng paniniwala ng maraming Pilipino) o Tseko (Czech),
kundi Aleman, ang pinakamalaking pangkat etniko sa Austria-Hunggarya.
Gayumpaman, maraming dekada ang nagdaang hindi nabanggit o sinugpo ang
katotohanang ito. Mismong ang mga Tseko ang mga nagpabilanggo sa mga
anak at apo ni Blumentritt at tumortyur at pumatay sa kaniyang mga
kamag-anak matapos ang digmaan.
Ang Philippine Commission of 1901 ang pumili kay Rizal bilang pambansang bayani
noong panahon ng Commonwealth. Ang iba pang pinagpilian ay sina Andres
Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, Marcelo H. del Pilar at Antonio
Luna. Ang pamantyan sa pagpili ay ang mga sumusunod: (1)kailangan siya ay isang
Filipino citizen (2) yumao na ng panahon na pinipili ang pambansang bayani, 1901,
dahilan upang maalis sa listahan ng pagpipilian sina Aguinaldo at Mabini na buhay pa
ng mga panahong iyon (3) kailangan siya ay nagpamalas ng di matatawarang
pagmamahal sa bayan
>>Note: Galing to sa lecture ni Sir. Pakidagdagan na lang kung may alam pa kayo.
Thanks!<<
Ang Republic Act No. 1425, mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal, ay
inaprubahan noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong ito ay tinatawag pang House Bill No.
5561 at Senate Bill No. 438. Ito ay nagsasalaysay ng pagsasama sa kurikulum ng lahat ng
paaralang pampubliko, pribado, kolehiyo at mga unibersidad ang kurso tungkol sa buhay,
mga ginawa at sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang mga nobelang “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo”, na pinapahanitulutan ang pagpapalimbag at pamamahagi
ng mga nabanggit sa itaas at para sa iba pang layunin. Ang mga may “exception” sa batas
na ito ay ang pagbasa lamang ng “abridged version” ng mga nobelang ito ng mga
dayuhan na nag aaral sa bansa. Kung ikaw ay isang Pilipino, kinakailangan mong
pagaralan ang buong bersyon ng mga nobelang ito.
- Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong bayan, lalo na ng mga
kabataang Pilipino ang naging buhay, at karanasan ni Rizal noong panahon ng Kastila.
- Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang pambansang bayani, na si Dr. Jose Rizal
at ipaalala sa bawat Pilipino ang kanyang naging malaking bahagi sa kasaysayan ng
Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang kanyang buhay,
mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, ay
magsisilbing inspirasyon sa kaisipan ng bawat pilipino upang magkakaroon ng
pagmamahal sa bayan.
PRO:
Claro M. Recto: Pinaglaban niya upang maipatupad ang bill.
Jose P. Laurel: Kasama ni Recto na ipinaglaban ang batas upang maipatubad ito.
The Spirit of 1896, Alagad Ni Rizal, Freemasons, Booklovers Society, Philippine Public
Scool Teachers Association: mga organisasyong sumuporta kanina Recto at Laurel upang
maipatupad ang batas.
CON:
Archbishop Santos, Sen Tanada, Quitin Paredes, Sen. Rodrigo, Sen. Rosales: Ayaw ng
simbahan na gawin required na reading materials ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Rizal dahil anti-churh ang mga nilalaman nito. Hindi rin nitatanggap ng
simbahan na pwedeng gawing inspiration ng mga kabataan ang mga libro. Kapag binasa
ng Catholic ang isang uncensored version, siya ay papatawan ng heresy.
Pista
-may kinalaman sa patron
-magastos na pagdiriwang nito ng mga Filipino kahit pa magkabaon-baon na sa utang
-simbahan ang nakikinabangwalang naiipon ang mga tao at nababaon sa utang
Bisyo
1. sabong- lulong dito ang karakter sa Noli na si Pedro na asawa ni Sisa
2. opyo- unang ginamit bilang herbal medicine ngunit banding huli ay
inabuso ng mga tao at naging isang uri ng bisyo. Lulong dito ang karakter
sa nobela ni Rizal na si Kapitan Tiyago na kinilalang ama ni Maria Clara
3. alak- dala ng mga pari at mga dayuhang galing sa malamig na bansa.
Mahilig uminom nito ang mga Guardia Civil noon
4. babae
Colonial Mentality/Kaisipang Alipin
-halimbawa nito ay si Donya Victorina na isang karakter sa nobela ni Rizal.Mahilig
siyang maglagay ng kolorete sa mukha at gayahin ang kilos at pananalita ng mga
Espanyol
Imoralidad
Ang tanging solusyon sa kanser na ito ng lipunan ayon kay Rizal ay ang
EDUKASYON
58. Pumili ng isang tula ni Rizal sa mga sumusunod at ipaliwanag ito? 1. Sa Aking mga
Kabata; 2. A Mi Retiro; 3. Huling Paalam.
59. Dalawang dahilan na nagdulot ng kalungkutan kay Rizal noong 1872 at nang
lumao'y naging pundasyon ng kaniyang pagiging makabansa.
62. Anu-ano ang mga kahilingan sa isang rebolusyon o pagbabago ng lipunan ayon sa
usapan nina Elias at Ibarra sa lawa?
Mga reporma tulad ng mga sumusunod:
“radikal na reporma sa hukbong sandatahan, sa mga pari, sa paglalalapat ng katarungan,
sa maikling salita ay makaamang pang-unawa ng gobyerno.”
“ibayong paggalang sa dignidad ng isang tao, karagdagang seguridad, pagbawas sa lakas
ng hukbong sandatahan at pag-alis ng ilang pribilehiyo sa mga organinsasyon na nagiging
sanhi ng kanilang pagmamalabis.”
“reporma ng mga pari…hinihiling ng mga sawimpalad ang ibayong proteksyon laban sa
korporasyon ng mga pati at mga nang-aapi.”