You are on page 1of 49

Aralin 4: Kaligirang

Pangkasaysayan ng
Maikling Kuwento
Inihanda ni: G. Fernald C. Secarro, LPT
Ano nga ba ang maikling Kuwento?
ay isang katha na nagsasalaysay o naglalahad.
Isa itong masining na anyo ng panitikan na
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.
Isa itong masining na anyo ng panitikan na nag-iiwan ng
mga aral at kaisipan sa mambabasa.
Mga Elemento ng Maikling
Kuwento
Banghay
wastong pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kuwento.
(Simula, gitna at wakas)
Kaisipan
ang tuwirang pangangaral ng
manunulat sa mga mambabasa.
Tagpuan
sa bahaging ito nakasaad ang
lugar na pinangyarihan ng mga
aksyon o mga insidente, gayundin
ang panahon kung kailan nagana
pang kuwento.
Saglit na Kasiglahan
sa bahaging ito inilalahad ng may-akda
ang masayang pangyayari. Kakikitaan
ito ng saglit na kasiglahan.
 Ito ang nagpasigla na himukin ang mga
mambabasa na ipagpatuloy ang pagbasa
Kakalasan
sa bahaging ito nalulutas ng
pangunahing tauhan ang mga
pagsubok at hamon. Tinatawag din
itong kalutasan ng problema.
Uri ng Maikling Kuwento
1. Kuwento ng Tauhan
Nakapako sa pangunahing tauhan
na nagbibigay-buhay sa kuwento
ang pansin ng uring ito.
2. Kuwento ng Madulang Pangyayari

Binibigyang pansin dito ang isang


pambihirang pangyayaring may
kinalaman sa biglang pagbabago ng
buhay ng mga tauhan.
3. Kuwento ng Pakikipagsapalaran

Hindi binibigyang halaga ang mga


tauhan sa uring ito. Ang interes o
kawilihan ng kuwentong ito ay nasa
balangkas ng pangyayari.
4. Kuwento ng Katatawanan

Nagpapatawa at nagbibigay-aliw
sa mga bumabasa ang pangunahing
layunin ng uri ng kuwentong ito.
5. Kuwento ng Talino
Ang kuwentong ito ay nagtataglay ng
masalimuot at masuliraning mga tagpo na
tumitimo sa isipan ng mga mambabasa
hanggang sa magkaroon ng
pagpapahayag ng kalutasan.
6. Kuwento ng Kababalaghan
Binibigyang-pansin sa kuwentong ito
ang mga hindi kapani-paniwala at
mga kataka-takang pangyayari at mga
katatakutang bagay.
7. Kuwento ng Sikolohiko
Mga tauhan ang inilalarawan at
ikinikintal sa isipan ng bumabasa,
ipinadarama ng manunulat sa mambabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan.
8. Kuwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang-buhay sa uring ito ang
matapat at masusing paglalarawan ng
kapaligiran at kaugalian ng mga tauhan
sa kanilang natatanging pook o lugar.
8. Kuwento ng Katatakutan
Ang tuon ng kuwentong ito ay nasa
mga nakagigimbal na mga bagay o
pangyayari na gumigising sa
damdamin ng mga mambabasa.
Aralin 4: Maikling
Kuwento ng Mindanao
(Tinampikan)
Inihanda ni: G. Fernald C. Secarro, LPT
Tinampikan
Ang “Tinampikan” ay maikling kuwento mula sa mga
Mansaka, isang pangkat etnikong matatagpuang naninirahan
sa Rehiyon XI, partikular na sa Davao del Norte at
Compostela Valley.
 Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga Mansaka. Ang mga
lalaki ang nag-aasikaso sa bukid, ang mga babae ay
tumutulong lamang sa panahon ng pagtatanim at pag-aani.
Tinampikan
Isa sa mga tradisyon o kaugalian ng mga Mansaka sa
paggawa ay ang pagbibigay ng dote. Ang mga magulang ang
naghahanap ng mapapangasawa ng kani-kanilang anak.
Inaasahan ang mga lalaki na tumulong sa sakahan ng mga
magulang ng lalaki. Sa araw ng kanilang kasal, kabilang sa
seremonya ang pagpapalitan ng pagkain ng mga ikinasal.
TINAMPIKAN
Masama ang panahon, bumabagyo noon at may taggutom
sa lupaing iyon. Naging kaugalian na sa tribung iyon ang
pagpayag sa mga bagong kasal na mamalagi muna sa
pamilya ng lalaki hanggang maisilang ang kanilang unang
anak. Subalit dala ng kahirapan ng mga magulang ng lalaki,
pagkatapos ng seremonya at pagdiriwang ng kanilang kasal,
kaagad na hinimok ng kanilang mga magulang sina Maison
at Tinampikan na magsimula na ng buhay mag-asawa nang
sila lamang dalawa.
Tatlong araw matapos silang makalipat sa kanilang
bagong tahanan ay nagsimulang umulan. Ang
bubungan ay tumulo, kung kaya’t umakyat si Maison
sa tabiki upang tagpian ang tumutulong bahagi ng
bubungan. Sa ganitong kalagayan napagtanto niyang
kailangan niya ng tulong ng kanyang batang asawa.
“Tinampikan,” ang tawag nito, “ituro mo sa akin
kung saang panig ng bubungan ako kinakailangang
magtagpi upang hindi tayo mabasa kung muling
umulan.”
Sumang-ayon ang asawang babae ngunit sa halip,
nagtuloy siya sa kusina upang maghanap ng pagkain.
Nakakita siya ng isang hinog na saging at nilaga
iyon.
Nagpatuloy ang lalaki sa pagtagpi sa bubungan maya’t
maya itinatanong sa asawang babae kung mayroon pang
dapat tagpian, ang babae naman ay patuloy na sumasagot
na marami pa dahil nais niyang maluto ang saging bago
bumaba ang asawa mula sa bubungan. Natatakot ang babae
na kung bumaba ang lalaki ay makihati pa ito sa nilagang
saging na nais niyang masolo.
Pagkakitang ang saging ay puwede nang kainin,
binalatan kaagad niya ito at sinimulang kainin kahit mainit
pa.
Ngunit may nangyaring aksidente- ang mainit na
saging ay bumara sa kanyang lalamunan at nahirapan
siyang huminga. Siya ay gumagapang patungo sa
buho ng kawayang lalagyan ng tubig upang uminom
at mawala ang bara ng kanyang lalamunan ngunit ang
lalagyan ay walang tubig.
Sa kabilang dako, ang lalaki namang nasa itaas
ng bubungan ay nagsimulang magtaka kung
bakit hindi na sumasagot ang kanyang asawa.
Nang siya ay bumaba, nadatnan niyang
nakahiga sa tapat ng buho ang kanyang asawa at
hindi na humihinga.
Nagdalamhati si Maison sa pagkawala ng asawa.
Nang makita niya ang nilagang saging, sinabi niyang
“Bakit kailangan mong kainin ang mainit na nilagang
saging? Alam mo namang ipauubaya ko sa iyo iyan
sapagkat alam kong nais kong nag-iisa lamang iyan
at hindi maaatim ng puso kong hatian ka.”

Wakas!
Anong Uri kaya ng Maikling
Kuwento ang Tinampikan?
Bakit?
Aralin 4: B. Wika
(Pangatnig)
Inihanda ni: G. Fernald C. Secarro, LPT
Pangatnig
ang tawag sa salitang nag-uugnay ng
salita, parirala, sugnay, at
pangungusap.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Pamukod
Ginagamit upang itangi ang isang bagay
o isipan
Mga Salitang Ginagamit:

Mga Halimbawa:
o kaya maging
ni man
2. Paninsay
Ginagamit ito sa pangungusap na ang isa
ay sinasalungat ng ikalawa.
Mga Salitang Ginagamit:

Mga Halimbawa:
kahit subalit habang
datapwat
3. Panubali
Nagsasaad ng pasubali o
kawalan ng katiyakan o
kundisyon
Mga Salitang Ginagamit:

Mga Halimbawa:
pag/kapag kung disin sana
sakali
4. Pananhi
Nagsasaad ng pasubali o
kawalang katiyakan o kundisyon
Mga Salitang Ginagamit:

Mga Halimbawa:
kasi paano dahil sapagkat
5. Palinaw o
Panlinaw
Ginagamit ito upang linawin ang
nasabi na.
Mga Salitang Ginagamit:

Mga Halimbawa:
anupa’t kung gayon kaya
samakatuwid
6. Panapos
Pagsasaad ng wakas ng
pagsasalita
Mga Salitang Ginagamit:

Mga Halimbawa:
sa lahat na ito nang upang
at sa wakas
Mga Katanungan?
Gawain:
Gumawa ng tig-iisang
pangungusap gamit ang mga uri
ng pangatnig at ilahad ito sa
klase.
Mga Katanungan?
Paalam sa Lahat!
Hanggang sa Muli.

You might also like