You are on page 1of 46

Modyul sa

FIL ED 211:
Maikling Kwento at Nobelang
Filipino

_________________________________________________________________
(Pangalan, Kurso at Taon ng Estudyante)

Cristy L. Casipe
Propesor
Paunang Salita

Ang panitikan ay isang bagay na karamihan ng mga tao ay nakasalamuha. Ito ay isang

napakalapad at kamangha-manghang paksa. Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng panitikan ay

nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at

pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsusulat dahil sa pagbabasa at

pagsusulat nalilikha ang magagaling na manunulat. Lampas sa mga batayang benepisyo, and

pag-aaral ng panitikan ay nakatutulong upang maranasan na makita ang buong mundo.

Sa gitna ng pandemyang hinaharap ng mundo, hindi kailangang matigil ang pag-

aaral at ang pagsusumikap ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan. Ang modyul na

ito ay sagot sa pangangailangan ng mga mag-aaral at mga guro sa panahon na

maipagpatuloy ang pagkatuto at pinapangalagaan pa rin una at higit sa lahat ang kanilang

kalusugan at kaligtasan.

Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral at pagpapahalaga ng

pangkasaysayang pag-unlad ng maikling kwento at nobelang Filipino na may pagbibigay-diin

sa mga sangkap at pagkabuo nito.

Inayos ang pagkakasunud-sunod ng mga paksa ayon sa yunit sa modyul na ito.

Binubuo ito ng paksa o nilalaman, layunin at talakayan. Napapalooban din ito ng mga

gawain sa pagkatuto na kailangang sagutin at isakatuparan ng mga mag-aaral upang

masubukan ang kanilang nauunawaan sa bawat yunit.

Mga May-akda
Mensahe Para sa Mga Mag-aaral

Ang modyul na ito sa asignaturang Maikling Kwento at Nobelang Filipino na may

tatlong (3) yunits ay sadyang ginawa para sa mga mag-aaral sa BSED Filipino sa Ikalawang

Taon. Sumasaklaw sa pag-aaral at pagpapahalaga ng pangkasaysayang pag-unlad ng

maikling kwento at nobelang Filipino na may pagbibigay-diin sa mga sangkap at pagkabuo

nito.

Inaasahan na pagkatapos ng kursong ito, ikaw ay nakapagpapalawak ang kaalaman


tungkol sa Maikling Kwento at Nobelang Filipino. Nakababasa at nakapagpapahalaga ng
pag-unlad maikling kwento at nobela. Nakasusuri ng halimbawa ng iba’t ibang maikling
kwento at nobela sa iba’t ibang panahon.

Kailangang masigasig kang magbasa at umunawa sa bawat aralin na nakalimbag sa


modyul na ito bago mo masagot ang mga pagsasanay at pagsusulit.

Basahin nang mabuti ang mga panuto at inaasahan ang matapat mong pagsagot sa
mga itinakdang katanungan upang masukat ang lahat ng iyong natutunan sa aralin ng
bawat yunit.

Inaasahan din na matapos mo at maipasa ang modyul na ito sa itinakdang araw.


Yunit I: ANG MAIKLING KWENTO BILANG AKDANG PAMPANITIKAN

Mga Nilalaman/Paksang-aralin
 Ang Maikling Kwento
 Kasaysayan Ng Maikling Kwento
 Mga Ugat Ng Maikling Kwento
 Uri Ng Maikling Kwento
 Sangkap Ng Maikling Kwento
 Mga Salik Ng Maikling Kwento

Layunin:
Pagkatapos ng yunit, ang mga mag-aaral ay kailangang:

1. nakapagtalakaybigay ng halimbawa ng maikling kuwento sa iba’t ibang panahon


2. nakapagtalakay ng pag-unlad ng nobelang Filipino sa iba’t ibang panahon sa
kasaysayan
3. nakapag-isa-isa ng ugat uri sangkap at mga salik ng maikling kuwento

ANG MAIKLING KWENTO SA IBA’T IBANG PANAHON


Bago Dumating ang mga Kastila

Mga Alamat
Ang Pinagmulan ng Lahi
Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig, si Laon (Bathala ng mga Bisaya) ay
umisip ng kaparaanan upang maging mapayapa, masaya at masigla ang daigdig. Ipinasya
niyang lumikha ng tao.
Isang araw, siya ay kumipil ng lupa, inihugis ito at iniluto sa isanmg hurno.
Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y ubod ng itim dahil sa pagkasunog. Ang kinapal
na ito’y siyang pinagmulan ng mga negro natin sa kasalukuyan.
Sa muling pagsalaang sa hurno ay nagkaroon ng agam-agam si Bathala na baka
masunog na naman ito kung kaya’t sa labis na pag-aalala ay hinango agad ang nakasalang.
Ang nangyari ay hilaw ang niluto. Ito ang pinagmulan ng lipi ng mga puti.
Dahil sa kasanayan na ni Bathala sa paghuhurno ang ikatlong salang niya ay naging
kasiya-siya pagkat husto ang pagkaluto, hindi sunog at lalo namang hindi hilaw. Ito ang
siyang pinagbuhatan ng lahing kayumanggi.

Mga Kwentong Bayan


Tinampikan
Masama ang panahon, bumabagyo noon at may taggutom sa lupaing iyon. Kahit
naging kaugalian na sa tribong iyon ang pagpayag sa mga bagong kasal na mamalagi sa
pamilya ng lalaki hanggang bago maisilang ang kanilang unang anak, kaagad na hinihimok ng
mga magulang sina Maison at Tinampikan na magsimula ng buhay mag-asawa nang sila
lamang dalawa ang magkasama sa isang lumang kubo pagkatapos na pagkatapos ng
seremonya at pagdiriwang ng kanilang kasal.
Tatlong araw matapos silang makalipat sa kanilang bagong tahanan ay nagsimulang
umulan. Ang bubungan ay tumutulo, kung kaya’t umakyat si Tinampikan sa tabiki upang
tagpian ang tumutulong bahagi ng bubungan. Sa ganitong kalagayan napagtanto niyang
kailangan niya ang tulong ng kanyang batang asawa.
“Buyag,” ang tawag nito, “ituro mo sa akin kung saang panig ng bubungan ako
kinakailangang matagpi upang hindi tayo mabasa kung muling umulan.”
Sumang-ayon ang asawang babae ngunit nagpatuloy siya ng paghahanap ng pagkain sa
kusina. Nakakita siya ng isang hinog na saging at inilaga iyon.
Nagpatuloy ang lalaki ng pag-atip sa bubungan habang maya’t maya’y itinatanong sa
asawang babae kung mayroon pang dapat tagpian, ang babae naman ay patuloy na
sumasagot na marami pa dahil nais niyang maluto ang saging bago bumaba ang asawa mula
sa bubungan. Natatakot ang babae na klung bumaba ang lalaki ay makihati pa ito sa nilagang
saging na nais niyang masolo.
Pagkakitang ang saging ay puwede nang kainin, binalatan kaagad niya ito at
sinimulang kainin kahit mainit pa.
Ngunit may nangfyaring aksidente- ang mainit na saging ay bumara sa kanyang
lalamunan at nahirapan siyang huminga. Siya ay gumapang patungo sa buho ng kawayang
lalagyan ng tubig upang uminom at mawala ang bara ng kanyang lalamunan ngunit ang
lalagyan ay wala nang lamang tubig.
Sa kabilang dako, ang lalaki namang nasa itaas ng bubungan ay nagsimulang
magtaka kung bakit tila hindi na sumasagot ang kanyang asawa sa kanyang mga tanong. Dali-
dali siyang bumaba at nakita niya ang asawang nakahiga sa tapat ng buho na ang mukha ay
nakalapat sa sahig. Hinawakan ng lalaki ang babae sa magkabilang balikat, itinihaya at
itinanong dito kung ano ang nangyari. Hindi na nakasagot pa ang babae dahil ito ay namatay
na.
Napako ang kanyang pansin sa lagaan ng tubig, nakita niya ang natuyong mantsa ng
katulad hugis ng isang saging. Kahit paano, nahiwatigan ang lalaki kung ano ang nasa likod ng
kalunos-lunos na pangyayari. Ang nagdadalamhating lalaki ay naglatag ng banig sa gitna ng
kubo at binuhat ang katawan ng asawa upang simulan ang kanyang pagluluksa. Habang
nakatingin sa hindi tumitinag na katawan ng asawa ay mapait na nagtanong, “Bakit
nagmadali kang kainin ang maitim na saging na iyon? Hindi ko naman maaatim na saluhan
pa kita sa pagkain sa saging na iyon gayong alam kong nag-iisa na lamang iyong natitira!”
Di kalaunan ay pinagbigay-alam ng lalaki sa mga magulang ng babae ang kamatayan
nito. Ang pamilya ng kapus-palad na babae ay dumating sa libing ngunit ni walang isa mang
lumuha lalo na nang malaman nila ang naging sanhi ng kamatayan ng babae ay ang kanyang
kasakiman.
Sa matinding kahihiyan ang mga kamag-anak ng babae ay hindi na gaanong nagtagal
pa sa lugar na pinaglibingan.

Mga Kwentong Kababalaghan


Isda at Tiyanak
Noong unang panahon, isang kabataang lalaki ang nangisda sa ilog. Walang buwan,
ngunit malinaw o kumikislap ang tubig. Sapagkat napakarami ng mga isda sa ilog, hindi na
niya kailangan gumamit ng salok o lambat. Sapat nang pagewang-gewangin niya ang walang
katig na Bangka at pukpuk-pukpukin ang mga gilid niyon upang ang mga isda ay
maglundagan.
Nang gabi ngang iyon, pambihira ang kilusan ng mga isda sa tubig. Humanda ang kabataang
lalaki sa pagpapagewang ng Bangka. Sa isang pukpok sa gilid ng Bangka, naglundagan nga
ang mga isda at bumagsak sa loob nito.
Isang malaking bangus ang bumagsak sa paanan ng kabataang lalaki. Sa pngambang
makapitalg iyon at makabalik sa tubig, sinunggaban niya ang isda. Ngunit sa panlalaki ng ulo
niya at sa kilabot at pamimilog ng kanyang mga mata ang bangus ay nagsalita.
“A……..a……..huwag mong sunggaban! Hindi ako isda. Ako’y isang bata,” wika ng
isda.
Halos himatayin ang kabataang lalaki sa tindi ng takot nang ang isda ay maging isang
sanggol.
mayamaya, nag-anyo uling isda ang sanggol at lumundag uli sa tubig. Dali-daling
sinunggaban ng kabataang lalaki ang sagwan at mabilis na siyang umuwi.

Pabula
Ang Palaka at ang Uwang
Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na
iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito ng mga dahon, at maingay
ang ugong kundi lubha itong mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinangpagunitaan, ito’y
nagpabenta pang manakit o maminsala.
Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na
lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim.
Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa ilang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.
Minsan naman, gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki
niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit
kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na winasak ni
Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang
naman ay patudyong nagtatawa.
Si Palaka man ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga
siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso nang ilang araw.
Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan ni
Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka.
“payag ako.” Sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. “Kung kayo ay magwagi,
lalayasan ko na ang lugar na ito. Kung ako naman ang magwagi, kayo’y magiging sunud-
sunuran sa akin.”
Nagpalutang sila ng isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina
Palaka at Uwang sa pagsakay doon.
“Tiyak na ako ang magwagi.” Pinagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang
maikakampay ang kanyang pakpak.
Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay
mabilis nang lumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas sumisid si Uwang patungo sa dahon
na inaanod ng agos sa gitna ng sapa.
Ngunit nagkasabay sila ng pag-abot sa dahon. Kasabay ng sakay dito ni Palaka,
dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at nahulog sila kapwa
sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos.
“Tulungan mo ako, Palaka. Umahon ito sa pampang at isinalubong ng mga kaibigang
sina Gagamba at Susuhong.
“Mabuti nga sa kanya,” sabi ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang.
Mula noon, nagbalik ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.
Panahon ng Kastila

Parabula

Ang Sampung Dalaga


Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay itinutulad sa pangyayari ukol sa sampung
dalaga na naghahanda ng kanilang ilawan upang salubungin ang lalaking kanilang magiging
asawa. Lima sa mga dalaga’y matatalino at ang lima ay mga hangal. Ang matatalinong dalaga
ay nagbaon ng langis para sa kanilang dalang ilawan samantala ang mga hangal ay walang
dalang baon.
Nakatulog sa paghihintay ang mga dalaga. Hatinggabi na nang dumating ang kanilang
hinihintay. Nagising at nagsisigayak ang mga dalaga upang salubungin ang mga dumating.
Inihinanda nila ang kanilang mga- ilawan. Ang mga hangal ay naubusan ng langis kaya’t
humingi sila sa mga matatalino pero hindi sila binigyan.
Ikinatuwiran nilang baka hindi magkasya para sa kanilang sariling pangangailangan
ang baong langis. Nagpasya na lamang ang mga hangal na bumili ng langis kaya wala sila
nang dumating ang kanilang mapapangasawa.
Nang sila’y bumalik, huli na ang lahat. Napinid na ang pinto at yaong matatalinong
nangakahanda ay sumamang pakasal sa lalaking hinihintay.
Ang mga hangal ay kumatok sa pinto at nakiusap na kung maari ay papasukin sila,
ngunit sinagot sila ng. “Ah, ang sinasabi ko sa inyo, ay hindi ko kayo nakikilala.”

Halimbawa ng Alamat:
Hinulugang Taktak
Isang araw, ang isang dalaga na ang pangalan ay napapalitan tuwing uulitin ang
kwento, ngunit palaging pinupuri ang kagandahan, ay naglalaba sa batis na dumadaloy
papunta sa talon. Nakasuot lamang ng waring tapis, nakilahok ang magandang katawan sa
pang-umagang sikat ng araw, siya ay tunay na isang napakagandang tanawin.
At dumating ang isang kabataang sundalong Espanyol, isang tenyente sa mananakop
na pwersang Espanyol. Nang Makita niya ang binibini ay namulagat siya sa ganda nito.
Kailanman ay hindi niya naisip na sa sinaunang bayang ito ay kagandahang
makikipagpaligsahan na makikita sa kanyang marilag na bayan, ang Espanya.
Tahimik na minasdan niya ito nang ilang sandal, itinatala ng kanyang mga mata ang
bawat detalye sa buhok nito na dumadalosdus sa balikat tulad ng isang talon, ng mahaba,
katamtamang kayumangging mga braso nito, ng tumatawang kalungkutan ng mga mata nito.
Lumipat siya rito. Mabilis itong tumayo, mailap sa takot ang mga mata pagkakita sa dayuhan.
Nagbantulot ang Espanyol, pagkuwan ay inilahad ang kamay upang makipag-kamay.
“Huwag kang matakot.” Aniya. “Wala akong layuning saktan ka.”
“Nakikiusap ako, lumayo ka,” takot na bulalas nito. “Sino ka? Bakit ka nagpunta rito?”
“Gusto ko lamang makipag-usap sa iyo, magandang binibini,” Umurong ito ng ilang hakbang
palapit sa talon. Sinundan ito ng kabataang sundalo, nakiusap siya rito na mag usap sila sa
loob ng ilang minuto.
“Maniwala ka sa akin,” sumpa n tenyente, “wala akong mapasamang hangarin. Gusto ko
makipag-usap sa iyo.” Nakarating sila sa gilid ng bangin. Tumigil ang binibini. “Kapag lumapit
ka pa ng isang hakbang, lulundag ako sa talon.”
Hindi pinakinggan ang babala nito, humakbang ng isa ang sundalo nang may isang
braso ang layo mula sa binibini. Tapat sa sumpa nito na magiging busilak, tumalon sa bangin
ang binibini bilang pagtatanggol sa karangalan nito. Tinangka ng lalaki na pigilan ito, ngunit
huli na ang lahat. Ang narinig na lamang niya ay isang humalagpos na sigaw habang nakita
niyang bumagsak ang katawan mito sa mga putting bula sa ibaba. Lalong narinig niya sa isip
ang mga huling salita nito, tinitigib ng matinding lumbay at pagsisisi. “Kapag lumapit ka pa ng
isang hakbang……”
Ang kanyang karangalan ay natatakda rin sa isang bagay lamang: na magdusa rin siya
ng iisang kapalaran na hindi niya sinasadyang naitakda sa butihing babae. Tinandaan niya
ang eksaktong lugar na binagsakan nito, at matapos ang isang huling dasal, tumalon siya sa
kanyang kamatayan.
Hanggang sa araw na ito, sa paanan ng talon ay may dalawang baton a katulad ng
dalawang taong wari animo magkayakap nang walang hanggan.
Sa paligid nila ay maningning na sumasaboy ang lagi’t lagi nang maputing tubig, bumubuo ng
mapuputing bula, at pagkatapos ay buong dangal na dumadaloy.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan


Kwentong Bayan
Si Juan Pusong
May mag-asawang sa kabila ng kahirapan ay namumuhay nang mapayapa at
maligaya. Taglay ang pagmamahalan sa isa’t isa kahit na sila’y matanda na. ganap sana ang
kanilang kaligayahan kung mayroon silang kahit isang anak man lamang.
Isang araw ang lalaki ay pumunta sa kagubatan upang mangahoy at ang babae
naman ay pumunta sa ilog upang maglaba. Abalang-abala siya sa kanyang paglalaba nang
bigla na lamang ay may nakita siyang isang lumulutang na bagay na papalapit sa kanya. Ito
pala’y isang napakalaking pakwan. Kinuha niya ito at inilagay sa kanyang batya at dinala
pauwi.
Masayang ipinakita ng babae ang dalang pakwan sa asawa nang umuwi ito kinahapunan.
Natuwa sila sa pagkakatagpo nito. Mayroon silang makakain. Bubukasan sana ng lalaki ang
pakwan nang ito’y biglang bumuka. Namangha sila nang may isang maliit na batang lalaki
ang lumabas at nag salita.
“Huwag kayong matakot, ako ay ipinadala ng Diyos sa langit. Magiging anak ninyo
ako.”
Gayon na lamang ang kaligayahang nadama ng mag-asawa. Pinabinyagan nila ang bata at
pinangalanang Juan Pusong.
Lumaking malakas ang bata. Binuhos ng mag-asawa ang kanilang panahon sa
pagmamahal sa kanya. Lumaki si Juan na mahilig maglaro ng ibon at mga hayop.
Isang araw, inutusan si Juan ng kanyang ina na pumunta sa bayan upang bumili ng alimango
at asin. Dahil sa likas na mahilig si Juan sa kahit anong bagay kung kayat dahil sa nawili siya
sa panonood ng mga bagong bagay na nakikita sa paligid, hapon na nang maisipang umuwi.
Ngunit Makita niya ang mga kalabaw na nagtatampisaw sa tubig ay nakaramdam siya ng init
kaya naganyak siyang maligo. Naalala niya ang bilin ng ina. Kaya nag-isip siya ng paraan kung
paano mapauna sa bahay ang mga binili niya sa palengke. Pinakawalan niya ang mga
alimango at sinabihang, “Mga alimango, mauna na kayo umuwi. Nakalalakad naman kayo.
Sabihin na lang ninyo kay ina na susunod ako. Tuntunin ninyo ang daang ito, sa dulo nito
kayo tumigil. Sa unang bahay, makikita ninyo si ina na naghihintay. Kayo ay tatanggapin niya.
Nagsigapang ang mga alimango. Sa kabilang dako naman, Si Juan ay masayang
naligo. Paakyat-akyat siya sa likuran ng kalabaw at patalon-talon siya sa tubig mula rito.
Ngunit biglang umulan at naalala niya ang biniling asin. Nangamba siyang baka ito ay
matunaw kaya napag-isipan niyang itago ito sa isang guwang na may tubig. Patuloy siya sa
paglalangoy hangga’t sa siya’y napagod. Nagpasya siyang umuwi kaya umahon siya sa tubig
at kinuha ang tinagong asin. Laking gulat niya. Ang asin ay naging tubig.
Panahon ng Amerikano

Halimbawa ng Pasingaw
Mga Pusong Sugatan
ni
Guillermo A. Holandez

Wala na! Ang dating malambing na kundimang inaawit, samantalang nagbuburda at


nananahi sa loob ng kanyang dukha ngunit maayos na tahanan ay hindi naulinigan sa labi ni
Esmeralda. Ang dating masayang pagbibiro sa kapuwa mananahi kung siya ay dinadalaw at
tiwalang pakikipagtawanan dito ay naging parang bulak na tinatangay ng hangin.
Natapos nang lahat! At…..sa libingan na rin ang ligayang pumanaw ay parang halamang
sumupling ang pighati, ang dusa at dalamhati? Si Esmeralda, ay hindi na ang dating
palangiting Esmeralda,” ang kahalikan ng mga bulaklak at katipunan ng bawat tala”… Ganap
ng nagbago si Esmeralda! Kung baga sa bulaklak ay nalagas n asana sa tangkay at ang mga
talulot! Kay lungkot na pagbabago!
Nang mga sandaling iyon, si Esmeralda ay tumatangis.. bawat patak ng luha sa
kanyang matang tumatangis at mapupungay ay isang butyl ng perlas na mahabang kuwintas
ng buntong hiningang namumutawi sa kanyang mga mapuputlang labi.
Esmeralda! Ano ang nangyari sa iyo? Ang sa di kawasa’y tanong na kanyang narinig mula sa
kanyang ina. Wala po- ang marahan, ngunit buong lungkot na isinagot. Wala? Kung ganon ay
ano ang ibig sabihin ng luha sa iyong mga mata? Magtapat ka Esmeralda. Huwag kang
maglihim sa akin dahil ako ang dapat mong pagtapatan ng ano mang iyong lihim.
Ay…inang! Sabay yupyup sa kandungan ng ina, at nanangis na parang bata.
Bakit? Bakit Esmeralda? Ano ang nangyari sa iyo? Hindi parin makasagot si Esmeralda at sa
kanyang nakalulunos na anyo ay naligiran din ng luha ang mata ng butihing ina. Sa malaong
pagmamasid ay namataan ng ina ang lukot na sulat na hawak ni Esmeralda, kinuha at sabik
na binasa:
“Esmeralda,

“Sa pagtunghay mo nito ay hindi na ako ang dati mong giliw, kung di isang sinawi
ng kapalarang dahil sa pagbibigay-loob sa aking magulang ay magiging asawa ng babaeng
hindi ko man lamang iniibig. May suliraning hindi ko masabi ang siyang sanhi ng
pagtalimwang ko sa ating sumpaan.

Ngunit pakaasahan mong ikaw lamang ang may-ari ng aking puso, dangan na nga
lamang at pinaglalaruan tayo ng tiwaling kapalaran. Paalam at patawad.
Artemio”

Noon lamang nabatid ng ina ni Esmeralda ang buong katotohanan. Pagtiisan mo,
Esmeralda at iyan ay atas ng kapalaran. Inang hindi ko yata matitiis, iniibig ko si Artemio ng
walang hanggan! Ngayong siya’y nasa piling ng “Ibang” mapalad pa kaysa akin….. ewan ko,
inang kung ako’y tatagal pa sa buhay na ito.”
Karamay mo rin ako at kahati mo sa iyong pagkasawi. Ang malamlam na takipsilim
ang siyang nagwakas ng gayong malungkot na usapan ng mag-ina. Isang taon ang lumipas sa
loob ng panahong iyan ay himala na nga lamang ang manumbalik pa kay Esmeralda ang
dating kaligayahan sa puso at kalusugan sa pangangatawan, bagama’t nasisinag pa rin ang
katutubo niyang alindog. At… ang sugat ng kanyang puso likha ng nabigong pag-asa, ay
lalong humahapdi!
Kung ang hangad lamang ay “mapagparayang-limot” ay maaari siyang humanap ng
pangalawang kasintahan pagkat hindi rin kaila sa kanya ay marami ang naghahandog ng
kapalaran, ngunit taos puso ang kanyang pag-ibig at ang pagkasawi nito ay hindi maaring
tubusin sa pamamagitan ng paghahanap ng iba!
Ang napangasawa ni Artemio ay kilala sa lipunan at kung palayawan ay Mimi, ngunit
hindi pa nagtatagal ang kanilang pagsasama’y natambad sa kanyang mata ang mapait na
katotohanan. Pinaglaruan at niyurakan ang kanyang karangalan, sapagkat ipinagkanulo ang
kanyang pagtitiwala sa piling ng ibang lalaki.
Sa nasaksihang pagtataksil ni Mimi ay halos ay handa na siyang pumatay kundi
lamang pinigil ng sariling budhi, kaya’t nabitiwan ang hawak na baralaw, na ikinagitla ng mga
taksil. Parang ibinabad na sukang nahintakutan ang dalawa sa pagkatutop sa kanilang
pagtataksil at handa na sanang tumalon sa bintana ang lalaki ni Mimi, ngunit...
Huwag kang tumalon! Ang pigil ni Artemio at hindi ko kayo aanuhin! Maaring
ipanghugas ko ang inyong dugo sa dangal kong inyong dinungisan ngunit hindi ko kayo
aanuhin! Humanda ka Mimi at ngayon din ay isasauli kita sa iyong magulang, yamang
nakatupad na ako sa aking pangako at makapag-bigay loob sa aking ama!
Walang malamang gawin si Mimi, na halos magpatirapa na sa harap ni Artemio.
Patawad, Artemio ang pagatul-gatol na naibigkas ni Mimi.
Hindi kita maaring patawarin!
Sa araw ding iyon ay isinauli ni Artemio ang taksil na asawa sa mga magulang nito. Sa pag-
uwi niya ay nagunita niya si Esmeralda na sugatan din ang puso dahil sa kagagawan ng
kanyang ama at siya rin ang sawi dahil sa ginawang pagtataksil ni Mimi.

Sa wakas ay nanaig din ang banal na nasang magbalik kay Esmeralda, humihingi ng
kapatawaran at magpaliwanag. At siya ngang isinagawa.
Pagdating niya sa tahan nina Esmeralda ay padaluhong siyang lumuhod sa tabi ng higaan ni
Esmeralda dahil dito’y nasa banig ng karamdaman.
Esmeralda, patawad, sabay ng pagdaloy ng luha sa mata.
Artemio! Salamat… at naalaala mo pa akong dalawin!
Oo, hindi kita maaaring limutan kailan man. Pinapatawad kita.
A….ang dalawang pusong sugatan ay muli uling nagduyan sa banig ng ginto ng
pagmamahalan at sa langit- langitan ng kanilang pag-asa ay nahawi ang ulap upang muling
sumikat ang magandang araw ng kanilang kapaligiran.

Mga Unang Kwentong May Banghay


Bunga ng Kasalanan
ni
Cirio H. Panganiban

Si Virginia, ang babaing madasalin, palasimba at mapagluhod sa mga tabi ng


“confesionario” ay may 10 taon nang kasal kay Rodin.
Sampung taon. At sa ganyang kahaba ng panahong kanilang ipinagsama nang buong
tahimik at pagsusunuran, nang pag-ibig at katapatang-loob ay hindi man lamangb nag-ugat
sa tigang na halaman ni Virginia ang masaganang punla sa sangkatauhan. Wala silang anak.
Si Virginia ay hindi lamang nakaramdam kahit minsan ng matamis na kaligayahan ng pagiging
ina.
Nasunod nila ang lahat ng layaw sa daigdig. Mayaman si Virginia, may pangalan sin Rodin, at
silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganaan. Subalit katanghalian na ng kanilang pag-ibig ay
hindi pa dumadalaw sa kanilang tahanan ang anghel, ang magiging mutya ng kanilang
tahanan at ang magmamana ng dakilang pangalan ni Rodin.
Ang mga panalangin ni Virginia sa Mahal na Birhen na sinasalita ni Rodin ng taimtim
ng pagtawag sa Diyos, ang kanilang ginagawang pamimintakasi sa Ubando, alang-alang sa
kamahal-mahalang San Pascual at sa kapinu-pinuhang Santa Clara ay hindi rin nagbigay sa
kanila ng minimithing anak.
At sa puso ng nalulungkot na mag-asawa ay nawala na ang pananalig sa huling
kaligayahan.
Ngunit… ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa panggagamot, ay
nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at ka Rodin.
Nahuhulog na ang araw ng kanilang pagmamahalan sa kanluran at ang mga ulap sa dapit-
hapon ng buhay ay unti-unting nang nagpapaalamsa ilaw ng kanilang pag-ibig.
Higit kailanman ay noon naramdaman ng ulilang mag-asawa ang lalong malaking pananabik
na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang pagsisintahan.
Parang hiwaga, matapos ang matiyagang pagpapagamot ang karunungan ng isang doktor ay
lumunas sa sala ng katagalan. Si Virginia ay nagdadalang- tao at pagkaraan ng mahabang
buwan ng kanyang paghihirap, ay sumilang sa liwanag ang isang maliit na kaluluwang wagas
na ssupling ng kalinisan, isang walang malay na sanggol na nagtataglay ng pangalan ni Rodin
at ng pangalan ng kanilang angkan.
O, na tuwa si Rodin! Nang sabihin sa kanya na siya ay ama ng isang batang lalaki ay
napalundag siya sa malaking kagalakan; tuloy-tuloy siya sa silid ng mag-ina at dala palibhasa
ng malaking uhaw sa kaluwalhatian matapos mapagbalingan ng isang tinging punung-puno
ng paggiliw ang lanta at maputlang mukha ni Virginia, ay napalitan ang kanyang panganay na
anak at sa noon g walang malay na sanggol ay ikinintal ang kauna-unahang halik sa kanyang
pangalawang pag-ibig.
Si Virginia, palibhasa ay madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos,
palibhasa’y mahinag-mahina noon ang katawan at mahina rin ang pag-iisip ay unti-unti nang
nag-aalinlangan sa kalinisan ng kanyang pagiging ina.
Ibig niyang maniwala na siya’y makasalanan, na ang lalong mabigat na parusa ng
langit ay lalagpak sa kanya, sapagkat nilabag niya ang katalagahan at kalooban ng Diyos.
Sampung taong singkad na ang katalagahan ay nagkait sa kanila ng anak at 10 taon ding
inibig ng Diyos na siya’y huwag maging Ina. At sa harap ng Diyos at ng Katagalahan, para kay
Virginia ay kasalanang mabigat ang dahil sa kasakiman nila sa kaligayahan, dahilan sa
panghihinayang mula sa kanilang kayamanan walang magmamana ay papangyarihan pa ang
karunungan ng isang hamak na doktor. Dahil sa ganyang paniniwala ay hinawi nan i Virginia
ang pag-ibig sa kanyang anak. Ang maliit na kaluluwang yaon ay minsan na niyang
pinagkaitan ng matamis na katas ng kanyang dibdib, pinatiklupan ng duyan sa bisig ng
kanyang mga kamay at kusang pinagdamutan sa halik ang kanyang mga labi.
At hindi riyan lamang humangga ang kalupitan ng pag-iisip ni Virginia, nang ganap na
siyang nahuhulog sa paniniwalang ang kanilang anak ay hindi laman ng kanilang laman,
kundi bula lamang ng mga gamut na pinaghalu-halo ng karunungan ay nilimot niyang siya ay
ina at wala nang ginawa kundi manalangin sa altar ng Birhen at humingi ng tawad sa Diyos.
At minsan, nang Makita niyang iniiwi ni Rodin ang kanilang anak, ay pinag-apuyan siya ng
mata, umigting ang kanyang mga bagang at matapos sabukayin ang kanyangnalugay na
buhok ay pasisid na inagaw sa mga bisig ni Rodin ang bungang yaon ng kanilang pag-ibig at
ang nasabing sinundan ng isang mahabang halakhak na tumataginting.
Bunga ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak….
Hindi nila anak ang pinaglaanan ni Rodin ng lahat ng paggiliw, ang hindi miminsang
ipinaghele nito sa kanyang sariling kandungan at inawitan ng matamis na kundiman ng
kabataan, ang halos gabi-gabi ay pinagpuyatan sa pag-aalaga at inalo niya ng maraming
halik!..
Iyan ang sabi ng baliw….ni Virginia.
At kinaumagahan noon, si Rodin, matapos magdanas ng isang gabing walang tulog,
balisa ang puso at lumuluha ang kaluluwa ay sinakitan ng araw sa piling ng kanyang anak.
Nasa higaan pa si Virginia at sa mga sandaling iyon ay nakita niya na parang sisiw na
sinambilat ni Rodni ang kanilang anak; bukas ang nagsisipanginig na daliri ng mabangis na
amang yaon at ang kanyang mga kukong ganid ay ibinaon sa malambot na laman ng sanggol:
pagkatapos ay pinapanlisik ang mga matang may apoy, pinapangalit ang mga ngiping
halimaw at saka walang habag na binigyan ng isang mariing sakal ang kaawa-awang “bunga
ng kasalanan”
Napasigaw ng malakas si Virginia, tumahip sa dibdib na nagising, at nang imulat niya ang
kanyang mga mata at tuluyan siyang magbangon ay nagisnan na niyang nakangiti sa kanya at
naglalaro sa mga bisig ni Rodni ang napanaginipan niyang anak.
At sa walang malay na ngiti ng sanggol na yaon na parang nakipagngitian sa kaluluwa
ng kanyang Ina ay nagliwanag ang pag-iisip ni Virginia, nagbalik ang kanyang puso ang dating
pag-ibig, at Ina palibhasa, ay lumululan ang dalawang mata sa kaligayahan na kinandong ang
kanyang anak, iniyapos sa kanyang dibdib saka pinupog ng halik, ng isang libong halik.
“Ito’y aking anak!” ang pagkuwan ay nasabi ni Virginia nang buong paggiliw.
“Oo, ang punong-puno ng pananalig na sagot naman ni Rodin. “At ako ang ama ng batang
iyan.”
At ang mga pisngi nilang mag-asawa ay nagkadampi ng buong init, samantalang inuugoy nila
ang kanilang mga bisig ang panganay na supling ng kanilang malinis na pag-iibigan, yaong sa
kabaliwan ni Virginia ay tinawag na bunga ng kasalanan.

Ang Pag-unlad ng Maikling Kuwento


Maikling Kuwento:

Ay! Ay!
ni
Rosalia L. Aguinaldo

Damdaming malungkutin at mahinhin- dalawang katangiang nakapananaig sa


maraming Pilipino. Isang impit nguni’t naglalagos na kalungkutang naglatag ng lambong sa
kabuuan ng katha. Maliwanag ang sariling pamamaraan ni R.L. Aguinaldo.
Araw-araw, sa tuwing ikapito at kalahati ng umaga, si Luisito Vasquez Camina ay hindi
maaaring di sumaglit sa tapat ng Instituto de Mujeres.
Ang dahilan?
Upang tanawin lamang sa mga sandaling iyon ang isang maganda at mayuming
mukha ng isang binibining hindi man lamang niya nakikilala.
Sa kabilang dako, si Minda Socorro Luna, na dili iba’t siyang nakababalisa sa dibdib ni
Luisito, ay sa gayon ding oras: ikapito at kalahati ng umaga nagsisikap na makarating sa
paaralan, upang lihim na tapunan ng sulyap ang hinahangaang binatang si Luisito.
Hindi maubos-isipin ni Luisito ang nangyayari sa kanya. Naging kimi na siya at dungo sa
babaing iyon, ay tila hindi pa rin niya maihanap ng daan kung paano niya maaaring mabatid
ang pangalan ni Minda: kung paano niya maipagtatapat ang sugat ng kanyang puso.
Sa ibang binata’y hindi alangan ang ganyang “karuwagan”, ngunit sa isang Luis Vasquez
Camina, mapangahas, mapagmalaki, mapagtagumpay; kinasisilawan ng kapuwa lalaki,
nagiging dahilan ng pagtataniman ng galit ng mga dalagang matalik na magkaibigan, ay
lubhang katakataka. May mga kolehialang kaibigan si Luisito. Maari niyang ipagtanong sa isa
man lamang sa kanila kung sino ang dilag na kanyang sinasamba at pinapangarap. Hindi niya
ginawa ang anumang hakbang sa pag-uusisa. Ang damdaming iniuukol niya kay Minda ay
isang banal na lihim sa kanyang puso. Hindi maaaring pasungawan kanino man, kailan man.
Marahil ay ipaghihintay na lamang niya ng isang pagkakataong lilikhain ng katagalan.
Ganyan dun humigit kumulang ang paghihintay ni Minda. Sa lahat ng sandal ay si
Minda ang nagugunita ni Luisito. Gabi-Gabi, si Luisito ang napapangarap ni Minda. Si
Luisito’y marami ang kasintahan. Ngunit sa mula’t mula pa, hindi pa naman niya nasisislayan
ang kariktan ni Minda, si Luisito’y walang kabalak-balak na “magtotoo” sa sinuman sa kanila.
Kay Minda ay may mga namimintuho rin naman, subalit “wala pa sa loob ko”, ang lagi niyang
naisasagot.
“sino kaya siya?” ang laging bumabalisang katanungan kay Minda. Iya’y sa kanyang sarili
lamang. Kaban ng tipan ang kanyang dibdib; at may susi ang kanyang mga labi sa lihim ng
kanyang puso.
Datapwa’t isang araw, sa maikling sandal ng pagdaraang hinay hinay ng roadster ni
Luisito, ay dalawang kolehiala ang naririnig ni Minda sa ganitong pag-uusap.
-sino bang “Adonis iyang laging dito nagdaraan?- ang tanong ni Maria Silva kay Delfina Agno.
-At bakit? –ang tanong na sagot naman ni Delfina. Hindi mo ba nakikilala ko? Kung gayo’y
sasagutin kita. “Miss Silva”, ang ,may halong biro ni Delfina- siya si Luisito Vasquez Camina.
Magtatapos na siya ng “medicine” sa taong ito. Saka hindi mob a siya namumukhaan? Siya
ang naging konsorte ng “Miss Philippines 19_” walang kaimik-imik si Minda. Isa mang
pangungusap ni Delfina ay walang tumanan sa kanyang pandinig. Natandaan niya ang lahat.
-Luisito Vasquez Camina.
-kung makailan niyang inulit-ulit sa sarili.
Hindi na mangyayaring malimutan ni Minda ang pangalang yaon. Nasa dibdib niya
ang larawan ni Luisito. Nakaraan ang maraming araw, maraming araw ng patitiis sa panig ni
Minda. Sa aklat ng telepono’y sinasalamin niya ang pangalan ni Luisito, at ang bilang ng
telepono nito’y kanyang nababatid.
Makailan na niyang inangat ang receiver at sinimulang pihitin ang dial sa paghahangad na
marinig ang tinig ni Luisito. Ngunit laging napapauntol ang kanyang nais at kakimian ang
nagtatagumpay. Ngunit isang araw ang makapangyarihang puso ang nag-utos kay Minda.
Tinawagan niya ang binata.
-Sino kayo?- anang tinig ni Luisito.
-Isang humahanga sa inyo!- ang hindi na nag-alinlangan ay sinagot ni Minda. Tinig babae;
napangiti si Luisit. Ang mga gayong sandal at pagkakataon ang kanyang hinihintay.
Datapuwat na parang “katalunan” na lamang niya’y ang pagtangging ibigay ang pangalan ng
kanyang kausap.
Ngunit tagumpay pa ring maituturing ang kanyang kinamit, sapagkat sa araw-araw
na kanilang ipinaguusap ni Minda, sila’y saklaw nan g makapangyarihang pagibig.
-Ang hinanakit ko lamang sa iyo- ani Luisito- ay ayaw mong sabihin sa akin ang iyong
pangalan; ayaw kang pakilala sa akin, ayaw mo akong tulutang dumalaw sa iyo.
-Paano naman ang pag-ibig mo- anang matamis na tinig ni Minda- ibig mob a namang
lubusan ko nang itapon ang aking kahihiyan? Alalahanin mong ako’y isang babaing Pilipina,
at ang isang dalagang tagalog ay walang karapatan.
-Ngunit iniibig kita!- ang giit ni Luisito- Walang kailanman ang lahat. Ibig kong malaman ang
iyong pangalan. Ibig kong dumalaw, makausap at Makita ka.
-Tawagin mo akong Pagasa. Ang “lamang mo naman ay ikaw pa ang lagi kong tinatawagan,
at ako ang humirang sa iyo, samantalang…….
-Samantala ano?- anang binata.
-Samantalang ako’y hindi mo man lamang pansin, gayong nakikita mo ako araw-araw.
-Saan?
-Hindi ko sasabihin sa iyo ngayon. Sa ibang araw na
-Ikaw ang bahala! Pinasasakitan mo ako, Pagasa ko. Wala kang awa.
-Mga gayon ang sagutan nila sa telepono. Nag-ibigan sila’y hindi man lamang nakakabot
palad. Hindi man lamang nagkakalapit.
Ngunit sa panig ni Luisito, ang babaing kausap-usap niya at kasintahan sa telepono
ay kanya ring dadayain lamang, gaya rin ng marami at iba pang umasa sa kanyang
pagkasalawahan.
Si Minda lamang, yaong binibining sukdulan nang hinhin, yaong hindi kilalang mayuming
kariktan ang maaaring maging katali ng kanyang puso, wala nang iba.
Malayong-malayo sa akala niyang si Minda na nga ang kagiliwan niya sa telepono; iyon nga
lamang, ang matamis na tinig na kaulayaw ay nagiging aliwan niya sa mabigat na suliraning
di malunasan: ang pag-ibig at pagsamba sa dalagang tinatanawtanaw niya sa pinto ng
Instituto.
Minsa’y dumadalaw si Minda sa isa niyang kaibigan, kay Lourdes Castro. Sa album nito’y
kanyang nakita ang larawan ni Luisito. Kaaway na kaaway si Minda ng kasinungalingan at
pangangahas sa ari ng may-ari, ngunit noon ay nagkasala sia, at ang larawang minamahal ay
lihim niyang tinatanggal sa album.
Lumuluwalhati halos si Minda sa kaligayahan. Isang laket na gintong naliligiran ng
munting brilyante ang kinataguan ng larawan ni Luisito; at ang laket na ito’y nakasaklit sa
isang tanikalang ginto ng magandang si Minda.
Isang araw, ang laket ni Minda’y nauusisa ni Lourdes.
-Ano ang laman ng laket mo?
Hinigpit ni Minda sa kanyang palad ang laket. Mapilit naman si Lourdes sa paguusisa.
-Isang larawan,- ani Minda.
-Kaninong larawan?
-Sa katipan ko,- ang walang alinlangang sagot ni Minda. Nakapangyarihan rin si Lourdes at
ang lacket ay kanyang binuksan.
-Si Luisito!- ani Lourdes, na pinamulahan ang mukha.
-Siya, - ang matatag na sagot ni Minda.
Buhat noon si Minda’y hindi na binate ni Lourdes.
-Tapos na sa atin ang lahat!- ang wika ni Lourdes sa kanyang pinsan at katipan, kay Luisito
Vasquez Camina Magdaraya!
-Bakit kailan kita dinaya?- ang nagtatakang tanong ng binata.
-Kailan?- ang lalong nanginginig na wika ni Lourdes. Huwag mong itanong sa akin. Itanong
mo kay Minda.
-Sinong MINDA?
-Si Minda mo!
At pasok sa kanyang silid ang dalaga; ang pinto ay inilapit. Sa memorandum ni Luisito ay
isang pangalan ang nakatkat.
Walang liwanag ang paninibugho ni Lourdes. Ngunit parang walang anuman kay Luisito ang
kanilang pagkakalayo. Hindi si Lourdes ang magiging dahilan ng kanyang pagkabalisa.
Marami pang kaligayahan ang nasa aklat ng kanynag dibdib.
At ang una sa lahat ay ang maamong mukhang nagiging dahilan ng maaga niyang paggising,
at ang lalong maingat niyang pagmamakisig.
-Kung “siya’y makikilala ko…….. ako na ang mapalad sa lahat ng nilikha.
Lagi siyang nag-iisip. At ang tanging nakagagambala sa kanya ay ang matamis na tinig sa
telepono, ang tinig ni Pagasa.
-Matamis at walang kasingtamis ang iyong tinig, Pagasa ko- ang wika ni Luisito sa kausap- at
nahuhulaan ko, nakikinikinita ko, na lalong matamis ka at napakaganda. Oh, kailan kaya kita
makikilala nang harapan!
-Huwag kang maiinip!- ang sagot ni Minda.
- Mapagpahirap kang lubha. Hindi ko makuro kung gaanong katas na langit ang iyong
kinaroroonan. Hale na. Huwag kang maramot. Ano ang tunay mong pangalan? Saan naroon
ang iyong palasyo?
-Ako’y isang munting dampa, at ako’y si Pag-asa.
-Ako ba’y iniibig mo, gaya nang iying sinasabi?
- Wala kang tiwala, kapag ikaw ay nag-alinlangan.
- Hindi ako makapanalig sa isang pag-ibig na ikanakahiya.
Matagal na hindi sumasagot ang kausap. At nang marinig na muli ni Luisito ang tinig ni
Minda, ang matamis na tinig ay basag at pinuputol ng mga hikbi.
-Ako’y isang babaing Pilipina, mahal ko…… at kungdi makapangyarihang higit sa akin ang
aking puso, marahil…. Ni ang mga sandaling ito n gating paguulayaw ay hindi ko
makakamtan.
-At paano? ……….- ang may pagkamanghang tanong ni Luisito.
-……..marahil, - ang nakikiming sagot na paputol-putol.
-Kailan? Kailan?
- sa sabado ay may idaraos na kasayahan sa aming kolehiyo?
- Sa Instituto de Mujeres.
Nag-ulik-ulik si Luisito. Naiisip niyang pakilala man sa kanya ang kasintahan sa telepono kung
sa paaralang binanggit din lamang makakatagpo, ay hindi mangyayaring masiyahan siya,
sapakat doon- din naroon ang mutyang tangi sa lahat ng mutya, ang bituing hinahanap niya
lagi sa mukha ng langit; ang bulaklak na tinatanawtanaw lamang niya, ngunit hindi
mapangahasang salangin man lamang.
-Ako’y kasama ng aking pinsan,- ang patuloy ng babae.
Nakabalintawak kami kapuwa.
At paano kita makikilala?- ani Luisito.
-Ang suut ko’y pulang-pula. Ang pinsan ko’y bughaw naman ang gagamitin.
-Makikilala kita agad kahit mapahalo ka man sa isang libong kariktan, - ang pagmamalaki
naman ni Luisito sa kanyang kausap.
-Hanggang Sabado kung gayon, ika-apat na hapon.
Ika tatlo pa lamang at kalahati ng hapon, ang sasakyan ni Luisito’y nakatigil na sa tapat ng
pintong malaki ng Instituto de Mujeres.
Hindi siya gasinong nainip. Bago pa dumating ang ika apat na ganap ng hapon, ay isang
magandang berlina ang tumigil sa paharap ng roadstar ni Luisito. Dalawang binibini ang
lulan; isang nakabughaw at isang nakapula sa kasuotang balintawak.
Hindi nalilimutan ni Luisito na nakapula ang kanyang katipan, ang may matamis na tinig sa
telepono.
-Di sasalang siya’y napakaganda!- ang asam ni Luisito bago pa dumating ang berlina ng
dalawang babae.
Mapayapang umibis ang sasakyan ng dalawang bagong dating. Si Luisito naman ay bumaba
na rin roon.
Ngunit saglit na saglit lamang, at si Luis VASQUEZ Camina ay bumalik sa kanyang sasakyan
padabog pang kinabig ang pinto ng roadstar, at matuling lumayo.
-Pag-asa! Sayang na pag-asa!!!- anyang nagngingitngit.
-Nabigo si Luisito at galit na galit.
-Inaglahi niya ako, - ang pakagatlabing nasabi sa sarili.
Sa maikling paliwanag ay ganito ang nangyari:
Si Minda Socorro Luna, na siyang dapat magsuot ng ternong pula, gaya ng kanyang wika at
pangako kay Luisito, na siyang ikakilala sa kanya, nang dumating ang sandal ng pagbibihis
nilang magpinsan, si Minda’y pinanghinaan ng loob, nagapi ng kahihiyan at kayumian, at ang
ternong bughaw ang kanyang isinuot. Ang kasuutang pulay nalapat sa ibang katawan, at si
Luisito Vasquez Camina, tangi na sadyang palahanga sa madla at balanang lkariktan, pusong
salawahan, pangahas at mapagmalaki, nang kanyang Makita ang nakadamit na pula’y, siya’y
parang sinilihan sag alit, bakit ang nakita niyang nakabughaw na sinasabing “pinsan” nang
mayuming binibining walang kapantay sa kariktan sa ganang kay Luisito.
-Talagang sinasama! Maamong nagkapalit na sila ng damit!
Umuwing nanlupaypay ang binata. Isinumpa niya ang tinig na lagi niyang kaulayaw ay hindi
pa naman naging iba., kundi yaong Minda, nang wala siyang kamalaymalay sa mga
pangyayari. Buhat noo’y naging “wala po rito” ang kanyang panagot sa tinig na laging
ipinalalagay niyang gumagambalasa kanya. Hindi na siya nakitalamitan pa sa kinasusuklaman
nang kaulaw sa telepono. Makaisanglibo at isang ulit na tumawag sa kanya si Minda upang
magpaliwanag. Sa gayon ding biglang, ang mayumi at mahiyaing si Minda’y nagbalak
lumiham, nagsimula sa pagsulat, ngunit sa pagtawag sa telepono’y ayaw na siyang sagutin,
at ang kanyang mga liham na sinulat, sa simula pa lamang ay natitigmak na sa luha.
Naging kapatid ng buntonghininga ang kanyang dibdib. Naging malungkot na gayon si Minda.
Si Luisito’y gaya rin ng dati araw-araw ay umaaligid sa Instituto de Mujeres, ngunit wala na,..
ang mukhang langit na kanyang tinatanawtanaw ay hindi na niya nasilayan minsan lamang,
hindi na niya nakitang muli.
Nalimutan na niya ang tinig sa telepono, ngunit sang-ayon sa kanyang tanging
kapatid na dalaga ay lagi nang may isang tinig babaing tumatawag sa kay Dr. Camina, walang
kasala-sala tuwing sabado ng hapon, sa ganap na ika-apat. Natiyak nan i Luisito kung sino
ang tumatawag sa kanya: ang dalagang nakapula, na hindi nakasiya sa kanyang
pagkapihikan. Ang dating araw-araw na pagtawag ay naging tuwing sabado na lamang ng
hapon, sa ganap na ika-apat.
-Pabayaan mo siyang magtawag- ani Luisito sa kapatid!
Sabihin mo wala ako rito tapos!
Anim na buwan ang nakaraan.
At isang sabado ng hapon, na ang matamis na tinig ay hindi na tumawag sa telepono ng mga
Camina.
Nang hapong yao’y balisang gayon na lamang si Luisito. Hindi siya dating gayon. Balisa at
malungkot. Wala sa loob ay nakarating siya kina Lourdes. Malungkot na naupo sa tabi ng
piano. Tinugtog ni Lourdes ang “Remember Me”.
-Dumaramay ako. Nakikidalamhati ako sa iyo, pinsan- ani Lourdes.
-Namangha ang binata. Nangunot pa ang kanyang noo. Ipinatong ni Lourdes sa balikat ng
pinsa ang kanang kamay.
Saying si Minda! Oo, hindi ako nagbibiro!. Kay aga ng kanyang pagkamatay. Kung ikaw’y
maglalamay sa punerarya ngayon, ako’y sasama sa iyo.
-Ngunit, Lourdes, nagbibiro k aba? Sinong Minda ang sinasabi mo?
- Ang nag-aari ng iyong larawan sa laket. Hindi mo siya dapat ipaglihimn sa akin sa mga
sandaling ito. Wala kang puso! Namatay siyang ang pangalan mo ang huling pangungusap, at
ang laket ay mahigpit na nakatago sa kanyang kamay at nakatapat sa manipis na dibdib.
Parang lito si Luisito. Nanaog ng hindi man lamang itinanong kay Lourdes kung saang
punerarya nalalagak ang bangkay ni Minda…
Araw-araw, sa tuwing ika-apat ng hapon, siya’y dumadalaw sa libing ni Minda. Laganap na
ang dilim kung lisanin niya ang puntod na pinakamahal at sa mga sandal ng kanyang
pamamalagi roon ay nakaluhod siya at nananalangin.
Nabatid din ni Luisito ang buong kasaysayan ng kadakilaan ng pag-ibig ni Minda. Isang
memorandum na nakabalot sa sutla ang iniabot sa kanya ng pinsan ni Minda pagkatapos ng
libing bilang pagtupad sa habilin ng namatay.

Mga Antolohiya
Bakya
ni
Hernando R. Ocampo

Si Hernando R. Ocampo ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Abril 28, 1911.
Nahilig na agad siya sa pagsusulat at pagpipinta pagkatapos ng high school kaya hindi na
napapagpatuloy ang pag-aaral sa unibersidad.
Siya’y natatangi sa kanyang mataas na pagkakilala sa suliranin ng karaniwang tao. Sa
pagpapakilala ni Teorodo Agoncillo sa kanya: “Si Hernando R. Ocampo ay nabibilang sa maliit
na pulutong ng mga manunulat sa Pilipinas na naniniwalang “nasa buhay at nag-uugat sa
buhay ang sining.”
Pinili ang kuwentong “Bakya” na nasulat noong 1938 (ang kasiglahan ng kilusan ng
kapisanang Panitikan na kinabibilangan niya) sapagkat taglay nito ang naiibang pamamaraan
ng pagsulat sunod sa mga pamamaraan ng masining na pagsulat ng kanyang mga
kapanahon; bukod pa roon, ang paksa ng kuwentong ito, gaya ng paniniwala ni Agoncillo ay
“mananatiling sariwa at mabisa sa likod man ng mga kuwentong ito sa aklat- katipunang Ang
maikling Kuwentong Tagalog (1886-1948) ni T. Agoncillo.
Isang kapit-bahay ang nagbalita kay Aling Sebya ng nangyaring putukan sa may pabrika ng
tabako kanginang hapon. Ang mga welgista ay hindi raw mapayapa sa kanilang panggugulo,
kaya’t ang mga pulis ay napilitang mamaril.
At ngayo’y kakaba-kaba ang dibdib ni Aling Sebya, nakaupo sa pagpanhik ng kanilang
hagdanan at kunot ang noong nakamata sa kadiliman ng eskinitang tumutumbok sa kanilang
tahanan. Magtatakip silim pa lamang, ngunit ang dilim ay halos laganap na, sapagkat ang
lilim ng nagtataasang gusali sa magkabilang panig ng eskinita ay mga tabing na makapal na di
mapaglagusan ng sinag ng araw sa kanluran.
Tanghaling tapat lamang kung magliwanag ang eskinitang ito, habang ang araw ay
hindi pa natatabingan ng mga nagtataasang gusali, kaya’t sa tanghaling tapat lamang kung
sumigla ang kulay ng nagpapayatang katawan ng mga naninirahan sa mga giray-giray na
dampa sa looban ng eskinita. Habang walang kibong nakamasid si Aleng Sebya sa kadiliman
ng eskinita ay payapa namang natutulog ang isang pasusuhing sanggol sa kanyang
kandungan. At sa makapanaog ng hagdanan ay dalawang batang babae ang naglalaro ng
bahay-bahayan. Ang tatlong anak ni Aling Sebya: marurungis at gula-gulanit ang damit,
namamayat, nanlalalim ang mga mata- na kagaya ng kanilang ina.
Mula pa kanginang makatulog ang pasusuhing bata sa kanyang kandungan ay
binalak ni Aling Sebya na ipasok at ilagay sa duyang ang batang nahihimbing (malamig ang
simoy ng hangin sa may hagdanan; ang malamig na simoy ng hangin ay masama sa batang
manipis ang damit) ngunit hanggang ngayo’y di maiwan-iwan ni Aling Sebya ang makapanhik
ng kanilang hagdanan.
Mula sa kanginang mabalitaan niya ang nangyaring barilan sa may tapat ng pagawaan ay
hindi na makaalis si Aling Sebya sa kanyang pagkakaupo sa may hagdanan, kaya’t
pinabayaan na niyang matulog ang bata sa kanyang kandungan, habang ang noo’y
nangungunot at kakaba-kaba ang dibdib na nakamata sa kadiliman ng eskinita.
Pamaya-maya ay narinig ni Aling Sebya ang yabag ng isang tao dakop pa roon ng
eskinita, at siya’y nagulat kaya’t ang batang natutulog sa kanyang kandungan ay nagising at
umiyak.
“Tulog na, anak,” ang wika ni Aling Sebya. “Tulog na at darating na ang tatay.”
Ang bata ay nakatulog naman uli, at kakaba-kaba ang dibdib ni Aling Sebya na pinakinggan
ang yabag ng taong dumarating, ngunit ito’y di na niya mapagsino (hindi ganoon ang lakad ni
Tonyo; di ganoon ang imbay ng kanyang katawan) kundi noon na lamang mapatapat sa
kanilang tahanan:
“Pareng Milyo,” ang batio ni Aling Sebya, na lalong kumaba ang dibdib nang makilala ang
dumarating. “Hindi ba ninyo namamataan ang inyong kumpareng Tonyo?”
Magandang gabi po; kumare,” ang sagot ng binate.
“Nagkita po kami sa miting ng welgista kaninang hapon. Bakit? Hindi pa po ba dumarating
ang kumpare?”
Hindi nalalaman ni Aling Sebya na mayroon palang miting ang mga welgista kaninang hapon.
Ito’y di nabanggit sa kanya ni Tonyo. “Salamat kumpare,” ang nawika na lamang ni Aleng
Sebya. “Marahil ay di malalaunan at darating din ang inyong kumpare.”
“siya nga, kumara. Marahil ay nasabit lamang ang kumpare sa tabi-tabi,” ang pabirong sagot
ni Mang Milyo, at pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam at nagpatuloy sa kanyang
paglalakad na pauwi sa kanilang tahanan.
Ang dalawang batang babae sa lupa ay huminto sa kanilang paglalaro nang kau-
kausap ni Aling Sebya ang kumpare niyang Milyo. At nang makaalis na si Mang Milyo ay
tuluyan nang pumanhik ang dalawang bata, at sandal ring pinagmasdan ang wari’y
natitigilang anyo ni Aling Sebya, subalit dala marahil ng kadiliman ay di na nila nakita ang
namumutlang mukha at ang nanginginig na labi ng kanilang ina. Kaya’t ang mga bata’y
walang masabi kundi, “Nanay, nagugutom kami.”
Oo, mga anak,” ang marahang sagot ni Aling Sebya. “Sandali na lamang at darating
na ang iyong ama. Sandali na lamang at darating siyang may dalang pagkain.”
Sapagkat bago umalis sa bahay si Mang Tonyo ay nangakong maguuwi ng makakain nilang
mag-anak. Siya’y magsasadya sa himpilan ng mga welgista at doon kukuha ng kanilang
makakain. Kaunting bigas, ilang latang sardinas, ilang panutsa: pagkaing maaaring di
magtatagal sa kanila ng dalawa o tatlong araw, ngunit pagkain din na pansamantalang
maipagtatawid-gutom. “Kaya’t ihanda mo sana agad ang ating lutuan at uuwi akong maaga,”
biro pa ni Mang Tony okay Aling Sebya.
“Uuwi ka sana agad, tatay,” ang wika naman ng mga anak nila.
“Oo, uuwi akong maaga.” Sapagkat alam din naman ni Mang Tonyo na kaninang umaga’y
isinaing ng lahat ni Aling Sebya ang bigas na huli niyang nakuha sa himpilan ng mga welgista.
Ang kalahati ay sinaing ay inalmusal nila kanginang umaga, at ang natira’y naubos sa
tanghalian.
“Wala na tayong maisasaing mamayang gabi,” ang sabi ni Aling Sebya. Ngunit si Mang Tonyo
di rin sumasagot.
“Tingnan mo ang mga anak mo. Di ka ba naawa sa kanila?” At pagkaraan ng ilang sandal , “At
tingnan mo ang sarili mo. Ni ang bakya mong luma ay di mapalitan.” Sapagkat kaninang
umaga ay inayos na naman ni Aling Sebya ang luma’t sira-sirang bakya ni Mang Tonyo. “Bakit
hindi ka pa bumabalik sa pabrika? Ang balita ko’y marami na raw nagsisibalik sa dati nilang
trabaho.”
“Mga walang hiyang iskiro!” naibubulas na lamang ni Mang Tonyo.
“Marahil ay may anak din silang nagugutom,” ang wika naman ni Aling Sebya.
Si Mang Tonyo ay tumitindig at walang kibong tumungo sa kinasasabitan ng lumbo nilang
inuman. Ito’y kinuha at isinalok sa katabing banga ng tubig at walang kibong nagpatuloy sa
kanyang pag-inom. Pagkatapos ay nagbalik si Mang Tonyo at mahinahong nagsalita.
“Alam kong ikaw at ang mga bata’y hirap na hirap sa pagkatigil ng aking trabaho,” ang wika
niya kay Aling Sebya.
“Ngunit ano an gating magagawa! Kung babalik kami ay tatanggapin nga kami ng may-ari ng
pabrika. Ngunit kami’y pagtatawanan sa aming kahinaan, at lalo kaming tatratuhin nang higit
kaysa hayop. Ganyan ba ang gusto mong mangyari sa akin?”
Si aling Sebya naman ang di sumagot.
“Pabayaan mo Sebya’t mga ilang araw na lamang at susuko rin ang mga kapitalistang iyan.
Ang lider naming ay walang hinto sa kanyang paglalakad, at ang wika’y kaunting pagtitiis
lamang at makakamtan na naming ang tagumpay.” Si Aling Sebya ay nasiyahan marahil sa
paliwanag ni Mang Tonyo. “Ang naaalala ko lamang ay kakainin natin. Wala pa tayong
maisasaing mamayang gabi.”
“Pabayaan mo, Sebya, at magsasadya ako sa himpilan. Kukuha ako ng ating maipagtatawid-
gutom, at ilang araw pa’y hindi na tayo maghihirap. Kaunting pagpapasakit lamang at
giginhawa na an gating buhay.”
Kaya’t nang makaalis na si Mang Tonyo ay inutusan ni aling Sebya ang dalawang bata.
“Pagbutihin ninyo ang pangangahoy,” ang wika ni aling Sebyang may himig pagbibiro, “at
nang mailuto natin ang iuuwi ng inyong ama.”
At nang makaalis na ang dalawang bata ay pinatulog naman ni Aling Sebya ang pasusuhin
niyang anak. Pagkatapos ay sinimulan niyang linisin ang kanilang bahay, isang gawaing may
ilang araw ding hindi niya natupad sapol nang magsimula ang aklasan.
Habang siya’y naglilinis ng bahay ay hindi niya malaman kung bakit sumigla ang kanyang
katawan at sumaya ang kanyang kalooban, at di niya alumanang siya’y humihimig ng isang
masayang awitin.
Ngunit ngayo’y narinig na naman ni Aling Sebya ang: “Nanay, nagugutom kami: nagugutom
kami, nanay.”
“Sandali na lamang, mga anak, at darating na ang iyong ama. Sandali na lamang at kakain na
tayo,” ang anas ni Aling Sebya. Ngunit ang dalawang bata ay nagpatuloy rin sa kanilang
pagdating: “Nanay, gutom na gutom na kami. Gutom na gutom na kami, nanay.”
“Huwag kayong maingay, mga anak,” ang sabi ni Aling Sebya, pagkat nang sandaling yao’y
nakarinig na naman siya ng yabag ng mga taong dumarating. (Ito marahil si Tonyo). At
pinagmasdang mabuti ni Aling Sebya kung sino ang dumarating. (Sino kaya ang kasama ni
Tonyo? Sino kaya ang kasama niyang ito? Ngunit hindi ganyan ang lakad ni Tonyo; hindi
ganyan ang imbay ng katawan ni Tonyo.) At pagkaraan ng ilang sandali’y dalawang tao ang
nagdaan sa tapat ni Aling Sebya. Pinag-uusapan ng magkasama ang nangyaring gulo sa tapat
ng pagawaan, at narinig ni Aling Sebya na pito raw welgista ang patay.
Pitong welgista! Pitong welgista ang napatay. Napatay. Pitong welgista ang napatay.
Napatay! Napatay.
“Hindi! Hindi maari ang gayon!” ang biglang naibulalas ni Aling Sebya. “Si Tonyo’y darating
na. ilang sandal na lamang si Tonyo ay darating na.” At sinabayan ng tindig at tuloy pasok sa
kabahayan ng kanilang tahanan na ngayo’y namumusikit na sa dilim. Ngunit ang kadiliman ay
hindi naalumana ni Aling Sebya. Amng gasera ay di na niya nakuhang sindihan.
Binaltak sa sampayan ang lamping ipinabalot sa pasusuhing bata. (Pitong welgista ang
napatay. Napatay. Napatay!) Nagsabit sa balikat ng isang lumang bupunda, at pinagsabihan
ang dalawang anak na babae: “dito muna kayong dalawa at sasalubungin ko ang inyong ama.
Sandali lamang ako, mga anak.”
Ngunit ang dalawang bata’y natatakot marahil sa dilim, kaya’t nagsiiyak at ayaw magpaiwan.
Kaya’t si Aling Sebya ay nanaog na kilik ang natutulog na bata sa isang kamay, at akay-akay
ang dalawang batang babae sa kabilang kamay.
“Dali, dali, kayo, mga anak,” ang wika ni Aling Sebya nang makalabas na sila sa kadiliman ng
eskinita.
(Pitong welgista. Pitong welgista ang patay. Patay!)
“Ngunit baka siya dumating sa bahay ay wala siyang naabutang tao,” ang malakas n asabi ni
Aling Sebya sa kanyang sarili. “Magagalit siyang walang sala.”
At tinangka ni Aling Sebya na magbalik sa bahay, ngunit ang mga paa niya’y patuloy sa
paghakbang na tungo sa may pagawaan ng tabako. Kaya’t pinagbilinan na lamang ang
dalawang anak na babae na kilalanin ang lahat ng masasalubong nila sa magkabilang panig
ng daan upang sila’y di magkasalisi ni Mang Tonyo. Ilang sandal pa at nakarating na ang mag-
iina sa tapat ng pagawaan.
Lilinga-linga si Aling Sebya at di malaman ang kanyang gagawin, sapagkat liban na sa ilang
pulis na nakabantay sa pintuan ng pagawaan ay wala siyang nakitang ibang tao. Nais sana
niyang magtanong sa mga pulis kung hindi na nila namamataan ang kanyang asawa sa pag-
aaala ni Aling Sebya ang narinig niyang pinag-uusapan ng dalawang tao hinggil sa ginawang
pamamaril ng mga pulis na siyang ikinamatay ng pitong welgista. Lalo na’t nang Makita ni
aling Sebya na di lamang batuta kundi baril na mahaba ang dala-dala ng mga pulis ay ibig-ibig
na niyang pandurhan ang mga “hayop na ito.”
Ngunit ang batang kilik-kilik ni aling Sebya ay nagising at umiyak, kaya’t sa halip na
pangdurhan ang mga pulis ay naghanap pa nga si Aling Sebya ng mauupuan upang mapasuso
ang nagising na sanggol.

Sa isang tabi ng daan ay nakakita si Aling Sebya ng isang basurahang latang yupi-
yupi. Dito siya naupo at habang pinasususo ang bata ay iniisip ang…
(Marahil ay nasa bahay na si Tonyo at galit nag alit. Nasabit lang marahil sa isang kakilala
kaya ginabi ng uwi. Ngayon marahil ay nasa bahay na siya. Ano kaya ang sasabihin ni Tonyo
sa pag-alis kong ito? Magalit kaya siya sa akin?)
Ngunit habang pinagmamasdan ni Aling Sebya ang pinasuso niyang anak ay nararamdaman
niya ang luhang nag-uunahang dumadaloy sa kanyang pisngi.
“Hindi! Hindi maaaring mangyari ang gayon,” ang biglang naibulalas ni Aling Sebya; at
pagkaraan ng ilang sandal ay pinilit niyang manalangin. “Diyos ko, huwag mo pong itulot na
mangyari ang gayon. Iligtas mo po si Tonyo sa ano mang kapahamakan. Diyos ko…”
Ang panalangin ni Aling Sebya ay biglang nagambala nang marinig niya ang tinig ng dalawang
batang babae: “Nanay! Tingnan mo ito! Nanay! Tingnan mo ito.” At isang bungkos na
tsinelas at bakya ang buong pagmamalaking ipinakita ng mga bata sa kanilang ina.
“Saan ninyo kinuha iyan?” ang tanong ni Aling Sebya habang pinagmamasdan ang bungkos
ng mga tsinelas at bakya.
“Diyan..” ang wika ng mga bata, sabay turo sa basurahang kinauupuan ni Aling Sebya.
Kagagalitan sana ni Aling Sebya ang mga bata at pagsasabihan kailanman ay huwag silang
kukuha ng hindi ni pag-aari, ngunitb ang balak na ito’y hindi natuloy sapagkat sa sandaling
yaon ay nakilala niya ang isang paang bakya – luma, marumi, at sira-sira.
“Ito ang- ito ang bakya ng inyong ama,” ang sabi niya pagkatapos na mapagbiling-biling ang
bakyang kinuha niya sa mga bata. At nang mapansin ang mga bahid ng dugong tuyo sa bakya
ay biglang napatindig si Aling Sebya at wari’y nahihibang na nagsalita:
“Dugo…Dugo…Diyos ko, ano kaya ang nangyari kay Tonyo? Diyos ko, huwag mo pong idulot
na namatay si Tonyo. Hindi po siya maaaring mamatay. Hindi….hindi siya maaaring
mamatay.
Ang bakya ay nahulog sa kamay ni Aling Sebya, a siya’y muling napaupo sa basurahan. “Ang
tatay ninyo, mga anak,” ang bulong niya. “Dali kayo, mga anak. Dali kayo’t baka hindi na
natin abutin ang inyong ama. Siya marahil ay sugat-sugatang naghihintay sa bahay.” At si
Aling Sebya ay muling tumindig at akmang lumakad. Ngunit ang mga paa niya’y waring may
pataw na tinggang mabigat at hindi man lamang niya maihakbang…….

Panahon ng Hapones
Maikling Kwento:
Uhaw na Tigang na Lupa
Liwayway ni A. Arceo

I
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng
kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit patuloy akong nagtataka sa
malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, sa kanyang
impit na paghikbi…
2
Ilang araw ako nang hindi nadadalaw ang aklatan; ilang araw nang hindi nasasalamin ang
isang larawang mahal sa akin; bilugang mukha, malapad na noo, hati sa kaliwang buhok,
singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos
kasiyahan… Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na
kawangki ng isang loro, at manipis na labi ay kay Ina.
3
Si Ina ay hindi palakibo. Siya ay babing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako
inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakagayon ay maikli ang kanyang
pananalita; Lumapit ka!... At kailangan di na niya ako Makita. Kailangan di ko na masaksihan
ang kislap ng poot sa kanyang mga mata. Kailangan di ko na Makita ang panginginig ng
kanyang mga daliri, ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang
ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw; ang bata kong puso ay tigang na lupang
uhaw na uhaw…
4
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko
mapaniwalang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat
kapwa sila may malawak na kaunawaan; ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nila nalilimot
kailan man.
5
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay ukol sa
mga kapre at nuno ukol sa mga magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at
nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Ngunit sa halip niyon minamalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang
pagmamakinily; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinangungunot ang
kanyang noo; kung paano niya ibubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung
paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga
mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat…
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng punit na damit; kung nag-aayos ng
mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng
aking mga kamison at panyolito- sa galaw ng kanyang mga daliri- ay natutunghan ko ang
isang kapana-panabik na kuwento ngunit ang pananabik na ito ay napapawi.
Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay; isang batang
marahil na nasa kanyang kasinungalingang- gulang o isang sanggol na kalugud-lugod, na may
ngiti ng kawalang malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at labing walang bahid-
kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring
maging katapatan.
6
Sakali mang hindi nagkakagalit si Ina at si Ama, o kung nagkagalit man ay sadyang hindi
ipinamamalas sa akin ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig; ng mga ngiti,
ng mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na “aalis na ako” sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang “naninigil
na ang maniningil sa ilaw o sa telepono.” Upang sakupin ang panahong itatagal ng isang
hapunan. Sapat na ang panakaw na sulyap ni Ama upang may ipadamang naririnig siya.
7
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpapasyal si
ama, si Ina, at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko na nakitang sinasarili nila ang
pag-aaliw.
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi kinapansinan ng kakaibang kilos si
Ina. Nahiga rin siya pagdating ng mga sandal ng pamamahinga at kung nakatulog siya o hindi
ay hindi ko matiyak…
Marahil ay ito ay tunay na nadarama ng kataling- puso ng isang taong inaangkin ang madla…
8
Ilang tao na ngayon ang nakararaan nang minsang may ibinlik na maliit na aklat ang aming
tagapaglaba ; yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni ama. Ibinigay ko
yaon kay Ina; yaon daw ang talaarawan ni ama.
Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang
hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkutin sa aking paningin.
Ano ang nasa isang talaarawan?
9
Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si ama, ngunit kakaiba ang
kalasingan niya ngayong gabi. Hinilamusan siya ni Ina ng mala- hiningang tsa, ngunit wala
itong naibigay na ginhawa.
Hindi rin kumukibo si Ina. Nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.
Sapagkat may isusulat ako… sapagkat ikamamatay ko ang pighating
ito…sapagkat….sapagkat….sapagkat…..
10
Idinadaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo; hindi raw siya makahingang mabuti.
Marahil ay may sipon ka, ani Ina. Sinisinat ka nga.
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa
aking ginawa; sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.
Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang mga palad, at ang kanyang binti, buhat sa
tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kung buhusan ng tubig na mainit na
inaakala kong matatagalan niya- tubig na pinaglagaan ng mga dahong alagaw. Kinulob ko
siya ng makapal na kumot nang inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng
kalamansi.
Nakangiti si ama: manggagamot pala ang aking dalaga!
Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon; hindi ako dating binibiro ni
Ama.
Sana’y ako si Ina sa mga sandaling yaon; sana;y lalo kong ituturing na mahalaga ng nadarama
kong kasiyahan…
11
Nabigo ako sa aking pag-asa; nakaratay ng may ilang araw si Ama. Halos hindi siya
hinihiwalayan ni Ina; sa ilalim ng kanyang mata ay may nababakas na namang maiitim na
guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakya. Ngunit ayaw niyang
ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.
12
Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nilinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko
ang kagupitgupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa
kanyang kahon.
Ang pang- ilalim na kahon sa dakong kaliwa ng kanyang hapag ay nagbibigay sa akin ng hindi
gaanong pagtataka; may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham.
Maliliit ang bilugang titik sa bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang
nasa may sobre.
13
Ang larawan sa kkahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng
isang loro, may maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliit at bilugang mga titikj
sa bughaw na tinta; sapagkat ako’y hindi makalimot…. Ang larawan ay walang lagda ngunit
nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya, at sa sandaling yaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.
14
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinagpalit ng pangyayari? Higit marahil ang aking
katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagama’t hindi ko rin marahil matitiis
na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang
kalagayan ng tao sa buhay ay malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan.
15
Naiwan natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaring dayain ng ating nadarama.
Ngunit nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa
kaligayahan; ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala.
Panatilihin na lamang natin sa diwang katamisan ng isang pangarap, sana’y huwag tayong
magising sa katotohanan….
16
Nakita ko siya kagabi nsa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit hindi ko balak ang
magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi
ko mapapabayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sinumang bahagi ng iyong buhay ay
mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain.
17
Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumanap ng pangunang tauhan; sapagkat ako
ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang isang nasimulang
tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising.
Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos ay pumatay sa akin…
18
Ngunit, bakit napakahirap ng lumimot?
19
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat; noon ko lamang namalayan na may
pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghayan
niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni ama.
Si ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga; ngunit nasa kanyang palad ang
aking balikat na nadarama ko pa ang salat ng kanyang mga daliri; ang init ng mga ito, ang
bigat ng kanilang pagkakadantay….
20
Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniwasan ko na ngayon
ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa
mga paninging yaon.
21
Hiningi ni ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Ngunit nang mapaniwala ko siyang
masama sa kanya ang bumangin ay kaniyang sinabi; Ngayon ay ang aking anak ang susulat
ng ukol sa akin… at aniya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol.
Ngunit hindi ko marinig sa tinig ang pagtutol na halos ay pamugto sa aking hininga.
Nasa kamaligan ng lupa ang kaluwalhatian ko!
Kailan man ay hindi ko aangkining likha ang aking mga daliri ang ilang salitang ito.
22
Huwag kang paninlag sa mga simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi
pag-ibig sa tuwi-tuwina…
Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso naming ng iyong ina…. Mura pang
lubha ang labing walong taon… Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili sa mga
kalungkutang magpapahirap sa iyo habang buhay…
23
Kinatatakutan ko ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama. Si Ina ay patuloy sa kanyang
hindi pagkibo sa akin; patuloy sa kanyang hindi pag-idlip; patuloy sa kanyang pagluha kung
walang maaring makakita sa kanya…
24
Ang kaliwang kamay ni Ina ay idinatay sa noon ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais
tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop sa kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay ikinulong niya sa kanyang
palad. Magaling na ako, mahal ko…..magaling na ako…tayo’y maaaring tumungo… ang moog
na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin… sa anumang paraan….
Ang malalabubog na tubig na bumabakod sa mga paningin ni Ina ay nabasag at ilang butil
niyon ang pumapatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pilit na inimulat ni Ama at
gumuhit sa manunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pag-asa, muling nalapat
ang mga durungawang yaon ng isangb kaluluwa at hindi niya namasid ang matang
binabalungan ng luha! Ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.
25
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko na
maaangkin ko na ang kaligayahan ko.
Kinagat ni Ina ng mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naming kay Ina
ang tinig na yao. Maaangkin mo na, mahal ko?
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at
nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay ay wala
nang luhang dumadaloy sa mga yaon: natiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang
kaluluwa.
Panahon ng Kalayaan

Ang Paglunsad ng Timpalak ng Palanca


Maikling Kwento:
Kuwento ni Mabuti
Ni
Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroon pa siya sa dating
pinatuturan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinikitaan sa kanya. Sa isa sa
mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat
hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero,
naroon pa siya’t nagtuturo ng ,mga kaalamang pang-aklat – at bumubuhay ng isang uri ng
karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng Buhay. Saan man may kagandahan: sa isang
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit
walang ano mang maganda sa kanyang anyo at sa kanyang buhay.
Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro noon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng
pansin. Mula sa kanyang mananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga
pananagutan sa paaralan, walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon
ang bukangbibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at
nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Sa isang paraan hindi malirip, iyon ay
naging salaminan ng uri ng paniniwala niya sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama’t umabot tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito….. Mabuti…..
mabuti….!”
Hindi ako kailan man magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya
akong minsang lumuluha: nang hapong iyo’y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata
ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik
na. sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha.
Doon niya akonatagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig.
“Tila may sulinarin ka…. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailan man. Sa bata kong
isipan ay ibinilang kong kahihiyan at kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit hindi ako nakakilos sa sinabi niya
pagkatapos. Napatda akonat napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kaniyang labi.
Tiningnan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa
pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin,
at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya
ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya’y nakinig nang buong
pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panulukang maghihiwalay sa ami’y
natatanaw na nang bigla akong makaalaala.
“Siya nga pala. Ma’am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na
iyon na….iniiyakan ko?”
Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon: “ang sulok na iyon
na…..iniiyakan natin….nating dalawa.” Nawala ng marahang halakhak sa kaniyang tinig:
“Sana’y masasabi ko sa iyo, ngunit…sa suliranin ko’y hindi para sa mga bata pang gaya mo.
Mabuti sana’y hindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin….kailan man. Ang ibig kong
sabihi’y maging higit na mabuti sa iyo ang… buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pagngiti niya ng mababagal at
mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Ang sulok na iyon na …..”iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang
tumataginting sa silid namin ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko kung
nagtutungio pa siya roon, sa sulok na iyong….amking dalawa.
At sapagka’t natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula
akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit sa
tuwina, kasiyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng
maririkit na guniguni an gaming isipan at ng mga kaaya-ayang tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawa’t aralin naming sa Panitikan ay
naging isang pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan. At ako’y humahanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa
amin ang kagandahan ng Buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa
kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, ay isa sa
pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang
iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan lamang sa amin.
Iyong marahil ang nagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-kahulugan sa mga bagay na
para sa ami’y walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng amuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng
pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa anak niyang babae, sa tangi
niyang anak…..nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailan man tungkol sa
ama ng batang iyon. Ngunit dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y
hindi balo.
Walang pag-aalinlangang ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa
batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang palaking mga
pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyan sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpahayag ang aming guro ng isag pangamba: ang pagkatakot niyang baka siya hindi
umabot sa matatayog na pangarap ng kaniyang anak. Maliban sa iilan-ilan sa aming pangkat,
ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa kaniyang anak ay isa lamang sa mga bagay na
“pinagtitiisang” pakinggan sapagka’t walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawa’t
pagbabanggit na iyo’y nagkakaroon ng bagong kahulugan sapagka’t noon pa ma’y nabubuo
na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang mga pagsalaysay ay nalaman naming ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang anak, ang bagong kasuutan niyang may malaking lasong pula sa baywang, ang mga
kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong
gulang na. sa susunod na tao’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming
maging manggagamot ang kaniyang anak – at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang ang isa sa mga batang lalaki
sa aking likuran ay bumulong: “Gaya ng kaniyang ama!”
Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya nga ng kaniyang ama,” wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may
kaarawan.
Natiyak ko noong may isang bagay ngang nalisya sa buuhay niya. Nalisya nang
ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang
ang layo sa kaniya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang
kaniyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at
hilinging magbukas ng dibidb sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may
mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit walang ano mang malasakit sa
kaniyang sinabing, “Oo, gaya nga ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang
mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko na malilimutan kailan man. Tiningnan niya
akong buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito:
“Mabuti….mabuti! gaya ng sasabihin nito si Fe – iyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsisimula tayo sa ating aralin……”
Natiyak ko noon, gaya ng pagtitiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na
iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig
siya sa akin nang umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama
kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakararanas ng mga
lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan….
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumalik ang dating kulay sa
kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa amin ang nakatagong kagandahan sa aralin namin
sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay
ng Buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakaraan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol
sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon marahil ay magiging isang
manggagamot din baling araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang nakalilipas.
Namatay at naburol ng dalawang araw at dalawang gabi sa isang bahay na hindi siyang
tinitiarahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na
katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyo’y naunawaan ko ang lahat…..
Panahon ng Pambansang Krisis
Maikling kwento:
Tata Selo
Ni
Regelio S. Sikat

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit
nang tumaas ang araw, at dumami na ang umuwi at nagkalat ng balitang tinaga at napatay si
Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuranng bahay-pamahalaan. Naggigitgitan ang mga tao,
nagsisiksikan, nagtutulakan – bawat isa’y nagnanais makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha na tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris
na suot, sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya ang
isang magbubukid – isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa mga nagkakagulong tao.
“Hindi ko po mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng magbubukid. “Talagang
hindi ko ho mapaniwalaan.”
Hinaplos-haplos ni Tata Selo ang gadaling natuyuan nan g dugong putok sa noo. Sa
kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig
makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito; walang humihihip na
hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang alikabok na nasasalisod.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong na muli ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba
siya sa anihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi
ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil ayaw kong magbigay ng kahit isang pinangko
kung anihan?”
Mahina ang tinig ni Tata Selo. Hindi pa rin siya umaalis sa harap ng iskated;
nakahawak pa rin siya sa rehas niyon.
“Hindi na sana ninyo tinaga ang kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo sa San Roque, na tila isang pinunong-bayang malayang nakakalakad sa pagitan ng
maraming tao at ng istaked. Maputi ito, nakasalaming may kulay, nakapulang mamahaling
iskriper at nakapamaywang habang nagsisigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” tugong ni Tata selo. “Saan pa po ako pupunta
kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan upang tagain mo ang
kabesa,” anito. “Ari niya ang lupang sinasaka mo; kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka
niya kahit anong oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas nang magpaliwanag siya.
“ Ngunit ako po’y hindi ninyo nauunawaan.” Nakatingala niyang wika sa binatang
noo’y nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating
amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa. Naembargo
lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po ako hindi
nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. At kung hindi ko naman po mababawi,
masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kanina. Kung maaari po sana,
Besang Tano, sabi ko po, ‘huwag na ninyo akong paalisin. Kaya ko pa po namang magsaka.
Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako pa nama’y malakas pa. ngunit tinungkod po niya
ako ng tinungkod. Tingnan n’yong putok sa aking noo?”
Dumukot ng sigarilyo ang mayamang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tuluyan nang
tumalikod at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po bang talaga ang nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas ay napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na nakalapit sa istaked. Bahagyang nangiti si Tata Selo, marahil ay dahil sa
nakakita siya ng isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maaaring maniwala sa kanyang
sinabi. Nakataas sa noo ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito,
ang mga bisig at binti ay may halas at di-mawari kung kaliskis, na nakukuha lamang sa
pagbababad sa linang at pagsasakate ng pagpakain ng kalabaw. May sukbit na lilik ang bata.
“Pinuntahan niya ako sa aking saka, Bilyong,” paliwanag ni Tata Selo, “Doon ba sa
may sangka. Pinaalis ako sa aking saka, at nang makiusap ako ay tinungkod ako. Nakikiusap
ako, sapagka’t kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
Hindi kumibo ang bata. Tahimik lamang nitong tiningnan si Tata Selo.
“Patay po ba ang kabesa?” walang anu-ano’y tanong nito. Humigpit ang
pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas’ namuti ang kanyang mga kamao sa higpit ng
pagkakahawak na iyon. Napadukmo siya sa balikat, at sa kanyang nanlalalim at waring lagi
nang may inaaninaw na mata ay pumuslit ang luha.
“Paano po niyan si saling?” tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabing anim na
taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Nakikitulong ito kina Kabesang Tano at
kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Maganda si Saling. Minsan na ito ginagawang
reyna sa pista ng mga magbubukid nguni’t hindi lamang pumapayag si Tata Selo. “Pa’no po
niyan si Saling?”
Lalaong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Mariin siyang napapikit
at habang nakayupyop ang mukha sa bisig ay hindi malaman kung umuungol, dumaraing o
humahagulgol.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. At mag-aalas onse na nang dumating
ito. Galing sa bahay ng kabesa. Abut-abot ng busina ng diyip, na sinasakyan ng alkalde upang
mahawi ang hanggang noo’y hindi pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayuan sa istaked. “Patay po ba? Saan po ang taga?”
tanong ng mga tao sa hindi pa nakababang alkalde.
Muling naggitgitan at nagtulakan ang mga tao. Pinagpapawian ang mga ito. Itinaas
ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay.
“Saan po ba tinamaan?” tanong ng isang lalaki sa alkalde.
“Sa bibig,” anang alkalde. Inilarawan pa nito ang pagkakataga ni Tata Selo sa
kabesa: ipinasok nang patagilid ang kanang kamay sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod
hanggang sa kanang punong tainga.
“Lagas ang ngipin,” sabi ng alkalde.
Muling nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan. May mga pulis nang nanghahataw ng
batuta sa mga lumalapit sa istaked. Dahil sa gayong pangyayari, ipinasiya ng alkalde na
ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dakwang pulis ang kumuha
kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan, Selo,” anang alkalde kay Tata Selo pagkapasok nila sa
tanggapan.
Pinaupo ng alkalde si Tata Selo sa silyang nasa harap ng hapag nito. Namumutla si
Tata Selo at kumakatal ang kamay nang ipatong iyong sa salaming lamesa.
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit ng tanong ng alkalde sa gayong
nakita na ang bangkay ng kabesa ay parang hindi makapaniwalang tinaga ito at napatay.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente” tugon ni Tata Selo. “Ayaw ko pong
umalis doon. Mahal kop o ang lupang iyon. Dati pong amin iyon. Naisangla lamang po at
naembargo ng kabesa.”
“Alam ko na iyan, Selo,” kumukumpas na putol ng nabubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa alkalde, may nakasungaw na
luha sa kaniyang nanlalalim at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, malakas pa,” wika ni Tata Selo. “ Kaya ko pa pong
magsaka. Ayaw ko pang umalis sa aking sinasaka. Makatwiran po bang alisin ako? Malakas
pa po naman ako, Presidente. Malakas pa ako!”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
“Sa…….nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Inaayos ko po noon
ang dadaluyan ng tubig para sa isang pinitak. Nanonood po ang kabesa kung kaya po naman
pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko
pa pong magsaka. Walang anu-ano po tinawag niya ako at pagkaraa’y sinabing makaaalis na
ako sa aking saka sapagka’t iba ang magsasaka. ‘Bakit po naman, Kabesa? Sabi’y umalis na
lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besang Tano?’ tanong ko po uli ‘Malakas pa po naman
naman ako, a…’ Nilapitan po ako ng kabesa. Nakiusap pa po ako sa kanya ngunit ako po’y
tinungkod. Hindi na po ako nakapagpigil.”
Lumukob ang katahimikan sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng paningin – may mga
empleyado pa ng munisipyo na nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo na nakayuko at
gagalaw-galaw ang tila mamad na mga daliri sa ibabaw ng kutod. Sa pagkakatapak sa
makintab na sahig ng tanggapan, hindi mapalagay ang may putik at maalikabok na paa ni
Tata Selo.
“Ang iyong anak, kina Kabesa raw,” walang anu-ano’y usisa ng alkalde.
Hindi nakibo si Tata Selo. Nanatili siyang nakayuko; bumabaon ang pinag-pupusang
mga daliri sa kutod na nalalahiran ng putik.
“Nasaan ang iyong anak Selo?”
Yumanig ang balikat ni Tata Selo. Lumunok siya at ang ano’y tila humihingal.
“Umuwi na po si Saling, Presidente,” makasandali’y basag ang tinig na sagot ni
Tata Selo.
“Kailan umuwi?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Hindi ba’t kinakatulong siya roon?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang napaangat ang mukha ni Tata Selo. Tumigas ang kanyang mukha at
pumintig ang kanyang mga pilipisan. Walang anu-ano, kinuyom ang mga palad na napayuko
siya.
“May sakit po siya, Presidente,” mahina at maikling sagot ni Tata Selo.
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon sa sunod-sunod na pagtunog ng
kampanasa simbahan, na halos katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang
mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang tatlong pulis.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat pa ang
mga papel nang sinundang araw. Hindi naalis ang mga alikabok, at kung may humihihip na
hangin, may mga mumunting ipu-ipong nagkakalat niyon sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabisera, Selo,” anang bagong bihis na alkalde sa matandang
nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Ni papag ma’y wala sa loob ng istaked, kaya sa maruming semente nakaupo si Tata
Selo. Nakaunat ang dalawa niyang paa. Nakatukod ang tila walang butong mga kamay.
Bahagyang nakakiling ang ulo, nakadilat at walang kakurap-kurap ang mga mata. Sa kanyang
paanan, naroon ang isang sartin ng kape at isang losang kanin. Hindi iyong nagagalaw.
“Habambuhay siguro ang ibibigay sa iyo, Selo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng
sigarilyo at lumapit sa rehas.
“Patayin na rin ninyo ako, Presidente,” paos at nagmamakaawa ang tinig ni Tata
Selo. May luha na namang nakasungaw sa tila lagi nang may inaanaw niyang mata.
“Napatay ko po ang kabesa, Presidente, kaya patayin na rin ninyo ako. Barilin na
ninyo ako.”
May mga tao nang dumarating sa isktaked. Kakaunti iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng istaked, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang
magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga
bayan. Hanggang noon, bawat isa’y nagtatanong pa rin, tila hindi makapaniwala, gayong
kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nakahanay ang mga bagong dating sa
labas ng istaked. Nakatingin sa labas ng istaked. Nakatingin kay Tata Selo na tila tumitingin
sa isang di-pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit naman. Nang magdadakong tanghali na,
dumating ang anak ni Tata Selo, si Saling. Pagkakita sa lugmok na ama’y napahawak iyon
nang mahigpit sa rehas at malakas na humagulgol.
Nang mabatid ng alkalde na dumating si Saling ay ipinatawag ito sa kanyang
tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay
kay Tata Selo patungo sa tanggapan ng alkalde. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo kung
kaya halos buhatin na siya ng dalawang pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ng alkalde, saglit na tila nagkaroon ng lakas si
Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng punong-bayan. Si Saling
iyon, ang kanyang anak.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka n asana naparito, Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod at nabuwal.
“May sakit ka. may sakit ka!”
Tila tulala ang anak ni Tata Selo. Nakalugay ang walang kintab na buhok nito.
Ang damit na suot ay tila yaong suot na nang nagdaang dalawang araw.
Nakaalampay ito. Matigas ang namumutlang mukha at walang kakurap-kurap ang mga mata
habang pinapaglilipat-lipat ang tingin mula sa nakaupong alkalde sa mga nakamatyag na
pulis.
Pinisil ni Tata selo ang palad ng anak.
“Umuwi ka na Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na akong mabilanggo. Umuwi
ka na. Huwag, huwag ka nang magsabi ng ano pa man. Hindi na sila maniniwala. Bayaan mo
na akong mabilanggo, Saling. Bayaan mo na akong mabilanggo….”
Papahina nang papahina ang tinig ni Tata Selo hanggang sa tuluyan na siyang
malungayngay. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
“Kinabog iyan kagabi,” wika ng isang tagabayan. “Binalutan ng sako para huwag
mahalata.”
“Bakit kakabugin?” tanong ng isa.
“Pinatay niya ang kabesa.”
“Ang anak dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo si Tata Selo ng dalawang pulis. Halos hindi na
humihinga si Tata Selo. Ngunit pagkarinig niya na muling napinid ang istaked, gumagapang
siyang nagtungo sa rehas, mahigpit na humawak doon at ilang sandali ring tila iyo’y
huhugutin. Nasa ganito siyang kalagayan nang may marinig siyang isang tinig na tumatawag
sa kanya. Tumingala siya at nabanaagan niya ang isang bata. Yaon ang batang dumalaw sa
kanya kahapon; yaon ang batang magbubukid na dumalaw sa kanya.
“Bilyong!” tawag ni Tata Selo sa bata. “Mabuti’t dumating ka!”
Umupo ang bata at hinawakan ang kamay ni Tata Selo na lumalabas sa rehas.
“Nando’n si Saling kay Presidente,” wika ni Tata Selo, “Yayain mo nang umuwi.
Umuwi na kayo. Puntahan mo siya, Bilyong. Daliin mo!”
Saglit na nagpaulik-ulik ang bata at pagkaraa’y bantulot pa ring sumunod ito.
Gumagalaw-galaw naman ang labi ni Tata Selo habang inihahatid ito ng tanaw. Walang anu-
ano, napadukdok na naman siya, hindi malaman kung umiiyak o umuungol.
Mag- iikaapat na ng hapon at bagama’t pahadilig na ang sikat ng araw ay mainit
pa rin ang sihalis niyon. May kapirasong lilim sa istaked, nguni’t wala roon si Tata Selo. Nasa
init siya, walang kurap ang titig at tila nakikipaghamunan sa mapulang araw. Ngayo’y tila
lalong Malabo ang mandi’y lagi nang may inaaninaw niyang mata. Nakahawak siya sa rehas.
Nakasandig ito sa istaked, nakabuka ang bibig, at ang mga mata’y lipos ng pagkahabag.
Umiiyak si Tata Selo. Pinanood naman siya ng mga taong nakasilong sa garahe ng
diyiy’s ng alkalde, na katapat lamang ng istaked.

Panahon ng Protesta at ng Panitikang Mapanghimagsik

Kuwento ng Isang Pag-ibig


Ni
M. Abdon Balde, Jr.

1
-Upo ka….beer?
-Ladies’ drink!
-Ilan?
-Isa, ilan pa?!
-Biro lang ‘yon. Meron kasi d’yan nakakasampu….
-Ano, ipampapaligo?
-Ipinaghuhugas ata…
-Ng ano?
-Ng k’wan..
-Linawin mo…
-Wala… ‘yang iba kasi d’yan magkaporsyentolang lagok na lagok…
-Baka ‘ala kang pera?
-Kung wala, di sa restoran na lang ‘ko uminom. Sisenta lang ang beer. Dito peso. Pero ayoko
kong magtapon. Gusto ko lang sulit kung gagasta ako. Ba’t ba tayo nag-aaway?
-Ikaw e, masamang pasok mo..
-Sorry, nadulas lang. mainit kasing ulo ko. Paminsan-minsan lang ‘yan. Pero me isang parteng
malinis ako pumasok. Salpak!
2
-Ayos ba ang pasok?
Ang lamukos na kumot ay umaalon sa malusog na dibdib ni Elena. Sambulat sa
maputing unan ang malago niyang buhok. May isang hiblang umiilandang sa bawat tama ng
kanyang hapong paghinga. Hindi pa nananauli sa dating kaputian ang namumula niyang
pisngi. Sinuyod ng mga daliri ni Ding ang buhok ng babae. Kumiling si Elena. Inapuhap ni Ding
ng likod ng tainga nito. Napapikit si Elena.
-Tigilan mo ‘yan. Kinikilig ako.
-Ba’t kung kiligin ka’y nawawala’ng itimng mga mata mo?
-Bastos!
Tumagilid si Elena patalikod kay Ding. Maagap na hinawakan ni Ding ang balikat nito at
muling itinihaya. Pumatong siya sa ibabaw ng hubad na katawan ng babae at mahigpit na
hinawakan ang mapuputing braso nito.
-Gusto mo bang ibahay kita?
-Para talian ako?
-Para me kasama ka…me katulong…
-H’wag mo ‘kong demonyohin. Kabuti-buti’t tahimik ang buhay ko….
-‘Yang kung saan ka maisipang itihaya ng lalaki mo do’n ka na lang gigising at babangon?
Madalas parang eta pa na patago kung iwanan ka..
-O, e, ano? Nagbabayad naman!
-Ayos na ba sa’yo ‘yon? Gaga!
Isinalya ni Elena si Ding. Taob si lalaki sa kama. Hinagilap ni Elena ang gusot na kumot at
hinatak hanggang balikat.
-Me aral na ‘ko d’yan. Si Myrnang Bisaya. Nagpapakabit ke Boy Kirat. Ipinasada. Boundary si
Loka. No’ng malaspag, iginarahe s’ya!
3
Ang Quiapo pagkagat ng dilim ay isang kagubatang puno ng mababangis na hayop. Ang
mga hayop na ito’y mahirap iwasan sapagkat paiba-iba sila ng anyo. Bawat litaw ay ibang
balatkayo ang pulubing bulag at uugod-ugod sa bangketa ay naging mandurukot na mabilis
pa sa lintik kung sumibat. Ang ginang na nagtitinda ng mga medalyon ng Nasareno sa
simbahan kung umaga ay ahente rin ng kalapati sa gabi. Pagsara ng mga basar ay may mga
mahihinhing tindera na papasada sa Misericordia o sa Dewey sa Avenida kinagabihan;
aalukin ka ng relos o singsing – pawang huwad! Hindi mo pagtatakhan kung ang sakristan sa
simbahan ngayong umaga’y lumitaw sa gabi sa Ongpin at alukin ka ng – babae, tsip!
Si ding ay shineboy sa Hidalgo pero hindi sa Avenida, ang litaw niya sa Dewey. Bugaw.
Taga-alok ng ligaya, ‘ika nga, doon sa mga “gutom” na gustong “magparaos.” Noong una’y
ang mga puta na mismo ang dumidisplay at nanghahatak sa bangketa. Ang mga bugaw ay
nalaos. Isa pa’y mahina ang “taga” dito; malakas ang kikil ng pulis.
Sa Dewey ang masusupungan mo’y mga kostomer na handing magtapon ng k’warta.
Tagain mo man ng malaki’y hindi aangal. Mga kostomer na palihim na tumatakas ng bahay,
ng trabaho, ng pasumandalinjg aliw. Pag-alok mo’y kunwari’y alinlangan sila.
Nagdadalawang isip. Kaunting karinyo. Kapag nakuha mo sila’y magbibigay kahit mataas.
Waring ipinahihiwatig sa iyo na ang kalahati sa kanilang ibinibigay ay suhol sa iyo para huwag
mabunyag ang kanilang lihim.
Marami sa kanila’y hindi sa kasa mismo ang bira kundi sa labas, sa mga motel, sa mga
tagong hotel. Paglabas ng babae’y kasama ka hanggang motel, kunwari’y “class” ang benta
mo. Alaga. Pagpasok sa kwarto’y me taga ka na sa motel, okey ka pa sa taxi driver.
Kanina’y malakas ang kayod ni Ding sa bangketa. Shine at buston. Pista sa Lealtad at
dagsa ang mga tao sa umaga. Namimintog ang bulsa niya nang maalala niya ang tatanga-
tangang lalaki kaninang tanghali na nagpakabit ng buston. Nalibang si tanga sa katitingin sa
nangangdaraang babae sa bangketa. Tinadtad niya ng buston ng sapatos nito.
-Sais trenta?
-Boss, labingwalo ‘yan. Tig-trienta’y singko kasamang kabit.
-Ba’t mo tinadtad?
-Sobra ba? Tanggalin natin….
-Di nawakwak ‘yan…!
Nakasimangot na umalis ang lalaki. Ang sais treinta ay ginto sap alas ni Ding. Tiyak,
hindi na babalik sa kanya ang lalaking iyon. Nagkibit lamang siya ng balikat. Ang Quiapoay
sagana sa mga taong handing magpaloko. Kailangan lamang ay tamang hakbang sa tamang
t’yempo para ‘ika nga ay “patok.”
Nagbuhos si Ding. Nangangagat sa balat ang lamig ng tubig.
Malinis at pustura nang iluwa ng makitid na daang bato si Ding. Ang kulot na nuhok
ay makintab sa pomade. Amoy sa malayo ang kanyang pabango. Ang malusog na pisnging
nababakod ng mahahabang patilya ay sariwang-sariwa. Pagluwa ng kalsada’y wala sa loob na
nilingon niya ang kanyang pinanggalingan.
Kung anong puti ng kaminsadentro niya’y siyamg dungis ng kapaligirang kanyang
pinamumugaran – kabit-kabit na kwadra-kwadradong barung-barong na binuo sa tagpi-
tagping yero’t mga placard na labi ng nakaraang eleksyon. Sa silong ng mga barungbarong na
ito, ang estero’y dumanak ng dugo ng karukhaaan na tumatagos sa bunganga ng isang
makipot na imburnal sa tabi ng daan. Mula nang maulila sa magulang at mga kapatid ay
natutuhan na ni Ding ang matapon sa kung saan may estero sa Bangkusay, sa Malibay, sa
Santa Ana at ngayon ay sa Dakota. Batang estero, yan ang dapat itawag sa kanya. Madungis.
Busabos. Pero hindi, sa loob-loob niya, aahon din siya baling araw. Baling araw.
Pinara niya ang isang dyipning papunta ng Harrison.
Nalalanghap niya ang malamig na simoy ng hanging galing sa dagat nang bumaba siya
sa Antipolo. Mababaw pa ang gabi at may mga bata pang naghahabulan sa kalye. Ang
saklaan ay hitik pa sa miron at mga may bahay na nagpapalipas ng antok. Sa tindihan ni Ah
Tong ay isang matandang lasenggero ang maagang nagduduwal. May dalawang asong
magkasumping sa balisbisan ng bahay saklaan at isang batang lalaki ang humahagikhik sa
panonood. Pagpasok niya ng kasa ay sinalubong siya ng tingin ng nakahilerang babae na
nagsisipaghintay ng kostomer. Nakaharap sila sa isang TV at nanonood ng drama. Naglilibang
para huwag mabagot, kung di man antukin. Sinuyod niya ng tingin ang mga mukha nito.
Matitigas na mukha. Matatalim na matang pinalalalim ng maputlang liwanag ng lamparang
sa likod ng isang artipisyal na halaman. Wari’y iisa ang mukha ng mga babaeng ito. Aywan
kung guniguni lamang niya iyon subalit nakita niyang ang galaw ng mga kamay nila, ang
masuyong haplos sa matitigas na buhok, ang panakanakang padyak ng mga paa ay tila
sabay-sabay na wari’y kumukumpas sa iisang tugtugin. Nagsindi siya ng sigarilyo.
-Si Cris?
-Nasa itaas. Kausap ni Manang – hindi iiisang tinig ang narinig niya.
Umakyat siya sa itaas. Nakatindig si Cris sa tabi ng bintana. Si Manang ay
nakasalampak sa sopa. Tumutungga ng beer.
-O Ding, kanina ka pa hinhintay ni Cris. May programa sa Cultural Center. May mga
Amerikanong panauhin. Dalhin n’yong sad yip.
Hindi na naupo si Ding. Si Cris ay walang salitang tinungo ang hagdanan pababa.
Nasa pangatlong baiting na si ding nang humabol si Manang.
-May dalawang bago tayong darating mam’ya. Dala ni Pareng Bert. Parehong Bikolana. Si
Nila nga pala’y wala. Si Tina’t si Dalisay ay akupado na. Pul haus ang Viceroy at Sea Breeze;
sa West Lodge ang open.
4
Si elena ay tubong Polangui, sa Albay. Bata pa siya nang maaksidente ang kanyang tatay.
Pauwi ito buhat sa bukid sakay ang kalakian nang matisod ang kalabaw sa hangganan ng
dike. Sumabay sa bulusok na kalabaw ang kanyang tatay. Pagbagsak sa pampang ng ilog ay
tuhog ang dibdib nito sa sungay ng kalabaw. Hindi na nakarating ng buhay sa bahay ang
kaniyang tatay. Wala pang isang taon pagkalibing ng kanyang tatay ay sumama na sa isang
matadero ang kanyang ina. Ang dalawang kapatid niyang lalaki ay naglayas. Siya ay sumama
sa Manang Puring niya sa Santa Ana. Tupok ang bahay nila. Ang Manang Puring niya’y
bumalik sa Bohol. Siya’y sumama sa isang kaibigan sa Dimasalang.
Dalawang restoran at apat na cocktail lounge ang kanyang pinagdadaanan bago siya
makarating sa Dewey. Isang waiter at dalawang konsehal ang humawak sa kanya bago siya
nakapasok sa Sky Palace. Ni minsan ay hindi niya natutuhang umuwi sa probinsya. May mga
gabing naaalala niya ang kapaligirang kanyang kinamulatan at may lungkot na dumadalaw sa
kaniyang isipan. Napakalayo nan g kanyang narrating. Subalit ang kapalaran ay patuloy na
walang katiyakang pag-inog. Hindi abot ng kaniyang isip ang kanyang hangganan. Pero
balang araw, naisasaloob niya, magbabago rin ang kaniyang landas. Baling araw.
Isang gabi, isang lalaki ang pabarumbadong sumalampak sa harap ng isang bakanteng
mesa. Sumulyap sa kaniya ang floor manager. Lumapit siya sa tila bugnuting lalaki.
-Upo ka… beer?
-Ladies’ drunk
-Ilan?
5
Ilang linggong si Ding ay naging suki ni Elena. Ilang gabing ang makalalaking pagnanasa
ni Ding ay nagpakalulong sa pagpapaubaya kay Elena. Malimit na sikatan sila ng araw sa kung
saang motel. Misan ay sa lilim ng isang lumuting guwang sa Intramuros. Nang tumagal ay
nagsawa si lalaki. Si babae ay tila gayon din. Dumalang ang punta ni Ding sa club. Si Elena ay
nawili sa ibang kostomer.
May mga pitong buwang hindi sila nagkita. Isang araw ay nabalitaan ni Ding na nagsara
ang Sky Place. Bagsak ang negosyo. Nakibit lamang siya ng balikat. Sandaling gumitaw sa
kanyang isipan ang mukha ni Elena.
Disyembre nang madaan si Ding sa El Nino, isang maliit na cocktail lounge sa Del Pilae
sa Malate. Sagad nag loob sa mga marinong Amerikano. Ngunit nagkataong may isang
bakanteng mesa sa isang sulok na bahagyang naikukubli ng isang haligi. Naupo siya at
umorder ng beer. Buhos ang loob niya sa pag-inom at hindi niya napansin ang paglapit ng
isang hostess sa kanyang mesa.
-Long taym no si.-Nagulantang siya.
-Oy, kamusta!
-Me ka-tebol ka?
-‘Ala
Naupo si babae.
-Nag-iisa ka….
-Oo, ‘alang makasama. Naghahapi-hapi sila sa kasa. Naguluhan ako.
-Ba’t tahimik ba dito?
-Basta’t ‘alang uupo d’yan, tahimik sa mesa ko.
-Naistorbo ata kita- tumayo si babae.
-Maupo ka.
-Me ka-taibol ako.
-Maupo ka!
Matagal na nagpatuloy ng pagkukuwentuhan ang dalawa sa karimlan ng sulok na iyon,
sa pagitan ng mahabang lagok ng beer, ng panaka-nakang buga ng usok ng sigarilyo, ng
nakatutulig na kalansing ng pamyang at- ng tila ipit na boses ng pandak na manganganta.
Pamaya-maya’y tumayo si Ding.
-Labas tayo…
Hindi gumalaw sa pagkaupo si Elena. Bahagyang inangat ang tingin. Inapuhap sa
karimlan ang mukha ni Ding.
-Sori. Hindi p’wede. May nagbabawal…. Magagalit sa’kin iyon…
Natigilan si Ding. Hindi niya inaasahangh ganoon ang isasagot ni Elena. Nahubaram ng
pakiramdam ang kanyang mukha. Ang nakaraan ay tila palasong gumuhit sa karimlan. Ilang
araw, ilang gabi, ilang ulit na hiningi ko’t walang salitang ibinigay mo sa akin ang aking gusto.
Ibinigay mo sa akin ang iyong sarili ng walang alinlangan. Ng walang atubili. Iniukit mo sa
aking isipan na ikaw ay maaaring maging akin anumang oras na naisin ko. Hinayaan mong
mawili ako. At ngayon…. Bigla….. bakit?
Nang wari ay panumbalikan ng malay si Ding, ang unang nagawa niya dumukot ng
limang pisong buo at inilapag sa ibabaw ng mesa. Walang salitang tumalikod si lalaki.
6
Isang gabing tikatik ang ulan ay maagang naisipan ni Elena ang umuwi. Nag-abang siya
ng taxi sa panulukan ng Dolores at del Pilar nang biglang pumarada sa harap niya ang isang
dyip na itim. Matipuno ang mga kamay na walang pakundangang humablot sa kanya.
Nagtangka siyang sumigaw ngunit maagap na natutop ng isang malapad na kamay ang
kanyang bibig. Ibinulagta siya sa sahig ng dyip. Sinubukan niyang bumangon. Nakipagbuno
siya. Ngunit malakas ang lalaki. Isang suntok ang dumapo sa kaniyang pisngi at walang malay
taong sumadsad siya sa sahig.
Nang magkamalay siya, ang una niyang naramdaman ay ang anggi ng ulan sa isang
bahagyang nakaawang na bintana. Iminulat niya ang kanyang mga mata. Unang nagkahugis
sa kanyang paningin ang pangit na pagkakatagpi-tagpi ng mga sunog na yero at placard sa
bubungan at butas-butas na dingding. Ang basag na salamin na nakasabit sa isang baluktot
na haligi. Ang bombilyang tila perlas na umiindayog sa bawat putok ng kulog.
Bumalikwas siya; buhat sa kung saan ay bigla may bumunggo sa kanya at muling
sumadsad sa lapag. Sa siwang ng tagpi-tagping sahig ay nasilip niya ang makintab na agos ng
estero. Sinalubong siya ng masangsang na amoy nito. Pilit siyang bumangon uli. Subalit
malakas ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang kamay. Isa pa uling balikwas sabay tadyak
ng paa patalikod. Nakabangon si Elena.
Subalit halos kasabay niyon ay naramdaman niya ang biglang pagkapunit ng kaniyang
damit sa likuran. Maagap niyang tinutop ang kanyang dibdib. Ang kamay ng lalaki’y mabilis
na nanulay sa kanyang baywang at pumulupot na bigla ang mga braso nito sa kaniyang hita.
Biglang itinaas ang kanan niyang paa. Bagsak ang ulo niya sa sahig. Ang pangharap na damit
niya’y nahagilap ng lalaki. Hinablot. Sumama ang kanyang bra. Gumulong siya.
Ang kanyang panty ay tila papel lamang na kay-daling napunit. Itinihaya siya ng lalaki.
Ang mainit na katawan nito’y naramdaman niyang lumulan sa kanya. Pilit siyang kumawala,
ngunit ang mga kamay niya’y nakagapos sa mahigpit na pagkakahawak ng kaliwang kamay
ng lalaki. Ang kanang kamay nito ay malikot na naglalaro sa kanyang hubad na dibdib.
Pumikit siya.
Ang tikatik ng ulan sa labas ay kumalansing sa manipis na yero. Isang kawing ng
dingding na hindi maayos ang pagkakapako ang kumakalampag sa tabi ng bintana. Ang agos
ng estero sa silong na nasa-sala ng masisinsing bakod ay lumikha ng ingay na kahintulad ng
mga nabasag na salamin….
Ang nakababagang init na mapusok na lumulusong sa kailaliman ng kanyang
katauhan ay isinusuka ng kanyang utak subalit buong kasiyahang tinatanggap ng kanyang
laman. Nakalutang siya sa hangin o nakaduyan sa matitigas na braso ng lalaki? May kating
sumisigid sa kanyang katawan. Sa kalamnan? Sa balikat? Sa dibdib? Sa pagitan ng kaniyang
mga hita? Sa kailaliman ng kanyang utak? Ibig niyang gumulong: ibig niyang mamaluktot. Ibig
niyang itadyak ang kanyang mga paa. “Kailangan kong gumalaw! Mamilipit! Kailangang
maapuhap ko ang naninigid na kati sa aking katawan! Pero nasaan? Nasaan? O diyos ko
nasaan?
Mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Ibig niyang manatili ang karimlan ng gabi.
Ayaw niyang Makita ang nasisiyahang ng mukha ng lalaking nagdudulot sa kanya ng kanyang
nararamdaman sa mga sandaling ito. Isinisigaw ng kaniyang isip na dapat niyang
kasuklaman ang lalaking ito.
“Ang walang-hiya! Pinagbuuhatan ako ng kamay! Binugbog ako! Ang pasa ko sa
mukha! Ang hita ko! Porke’t hostess ako! Hahayupin ak….ugh! ang walang –hiya!” pilit
niyang iniiwas sa maagap na kamay ng lalaki ang kanyang dibdib. Ngunit hindi siya
makagalaw. Ayaw gumalaw ng kanyang katawan. Kinagat niya ang mga labi ng lalaki.
Sandaling inangat ang mukha nito.
Nang muling yumuko ang lalaki ay hindi niya napigilan ang pagsalubong ng kanyang
bibig. “Hindi lamang ikaw! Hindi lamang ikaw! Marami nang nauna! Pagkatapos mo’y
marami pang susunod! Ugh! Hindi ka masisiyahan sa akin! Hindi kita paliligayahin! Walang-
hiya…. Oh!”
Tinangay siya ng agos ng kaligayahan! Umahon siya buhat sa napakalalim na balon.
May mga kamay na naglalaro sa lalim ng kanyang laman. Sumabay siya sa indayog ng
katawan ng lalaki. Tinangay siya ng alon! Nahagilap niya ang isang tablang nakausli sa sahig.
Mahigpit siyang kumapit doon. Hindi siya dapat magka-ganito, sigaw ng kanyang utak. Kahit
noong una pa man – noong kauna-unahan. Matagal nang patay ang init ng kanyang
pagkababae. Naipagbili na niyang lahat. Naubos na. nasaid.
Pero bakit ngayon…? Saan galing ang init na ito? Sa pagitan ng nag-aalimpuyong
pagtatalo ng kaniyang utak at ng kanyang katawan ay nakakaramdam siya ng kasiyahan.
Itulak mo ang walang-hiya!, sigaw ng kanyang utak, ngunit ang kamay niya’y kumakabig.
Nakapanguyapit! Bakit?
Ngayon lamang niya naranasan ang sapilitang pagbibigay. Ngayon lamang niya
naranasan ang gahasain. Ngayon lamang! Tumututol siya o nagpapaubaya? Nasusuklam o
nasisiyahan? Hindi malaman. Ngunit ang init na ito na umaagos sa kanyang kalamnan! Saan
nanggagaling ito? Saan ga….o-o-oh! Doyosk...ang walang hiya! Huwag! S-s-ige-e-e….oh!
dimmmoonnyooo-o-o-o.. walang-hiya!..o-o-oh-h…a-m-p-u-t-a-n-g-i-i-i-n-a-a-a-m-m-m-o-o-o-
oh-h!
Parang nauupos na kandilang humandusay sa tabi niya ang lalaki pagkatapos
maibuhos lahat ng katas ng kaniyang pagnanasa. Hindi tuminag sa pagkakahilata si Elena.
Naglaro ang kanyang tingin sa mga butas ng bubungan. Tila na ang ulan. Ang buwan ay
iniluluwas ng karimlan. May matutulis na liwanag na naglalagos sa mga butas na yero. May
isang patak na ulan na lumikha ng liku-likong landas sa basag na salamin sa baluktot na hiligi.
-Dito ka nakatira?
-Oo….baboy,ano? –Tumango si Elena. Tumango rin si Ding.
-Ito lamang ang kaya ko. ‘Ala tayong s’werte sa magulang. Mahihirap na’y maaga pang
nagsilisan. Pero ayos din…
-No’ng sabi mo ibabahay mo ‘ko…dito mo ‘ko binalak dalhin?
-Oo… pero noon, klahit hindi moa lam, hindi ka rin sasama..
-Hindi.
-Ngayon, di na natin p’wedeng pag-uasapan pa ‘yon…
Bumangon si Elena. Hinagod ni Ding ang pasa sa pisngi ng babae. Tinungo ng lalaki ang
kalan at nag-init ng tubig. Pagkatapos ay tinungo ang isang kahong nakahandusay sa ilalim ng
basag na salamin. Naglabas ng damit niya – at itinapon sa kinauupuan ni Elena.
-Ding – naudlot sa pagsasalin ng mainit na tubig sa puswelo ang lalaki. Noon lamang niya
narinig ang pangalan niya na binigkas ng babae – nagkagusto ka na ba sa isang babae?...
“yong talagang gusto mo… “yong hindi bale maski ano’ng mangyari basta gusto mo siya…?”
Sandali lamang na hindi gumalaw si Ding. Hindi sumagot pagkatapos ay ipinagpatuloy
ang pagsasalin ng mainit na tubig sa puswelo. Hindi rin umimik si Elena. Alam niyang alam ni
Ding na hindi niya kailangan ang sagot – na ang tanong niya’y hindi talaga katanungan.
Nagsimulang magbihis ang babae.
Tahimik na tahimik ang paligid nang lumabas ng barung-barong ang dalawa. Ang dyip
na itim ay nakaparada sa tabi ng imburnal. Kinalas ni Ding ang kadena sa manibela. Sumakay
sila. Umuungol ang makina. Ang tambutso’y bumuga ng usok.
-Sino siya?
-Sino?
-‘Yong nagbabawal sa’yo…
-Si Totoy Lopez.
-‘Kala ko ba’y me aral ka na sa gano’n..
-Nang bumagsak ang Sky Palace ay naguipit ako. Kinalangan ko ang makapitan. Siya ang una
akong nasumpungan…
-Gaga!
7
Pagkaraan ng ilang araw ay muling pumasyal sa El Nino si Ding. Parang nagkataon,
bakante uli ang mesa sa sulok, sa likod ng haligi. Pag-upo niya’y ‘yong dating waiter na
nagsilbi sa kanya noon ang siya ring lumapit.
-Ikaw si Ding – nagulat siya.
-Oo!
-Ilang gabi na kitang inaabangan. May sulat sa iyo si Elena, teka…
Tinungo ng waiter ang likod ng bar. Nang magbalik ay iniabot sa kanya ang isang piraso
ng papel.
-Asan siya?
-Noong kamakawala pa wala. Aywan. Tila hindi na babalik. Alang paalam e. ‘yan, kung bata
mo siya – pero kung hindi, sa bangis ni Totoy Lopez hindi mo mababata ‘yon. Pero sakali,
kung bata mo nga siya, t’yak goodbye ‘yan!
Sa maputlang liwanag ng ilawan sa likod niya ay inaninag ni Ding ang laman ng sulat.
“Nalaman ni Totoy. Pero hindi niya alam na ikaw. Huwag ka nag babalik. Huwag mo na
rin akong hanapin. Mapapahamak ka.”
8
Kapag linggo ng umaga ang Quiapo ay tila ulyaning matandang tanghali gumising. Hindi
pansin ng tao ang atungal ng kampana sa simbahan. Ang mga tao sa kalsada’y yaon ding mga
nilipasan ng magdamag. Mapula ang hasang. ‘ika nga. Makukuoad gumalaw. Mabibigat ang
talukap ng mata. Wari’y kasipanggaling sa kung saang lamayan, kung saan may patay.
Alas nuwebe kung magsidatingan ang mga bagong paligo. Ang mga dispatsadorang
papasok ng trabaho. Ang mga balong hahabol sa panghuling misa. Ang mga magaala-
suwerte sa karera. Ang mga tatao sa takilya. Magsisipag-inat ng buto ang mga pulubi sa
underpass. Magliligpit ng dyaryong pinahigan ang mga batang bangketa. Si Bertang
magpupusit ay magsisiga sa parilya. Si Tulume ay mag-aahon ng umuusok na balut. Sa
Carriedo’y maglalatag ng mga paninda si Misis. Susulpot sa Evangelista si dalaginding na may
‘sangkaterbang tuhog na sampaguita. Ang mga restoran ay magkakaamoy pansit. Kakalat sa
bangketa ang hininga ng siopao. Ang mga kariton ng mansanas ay papasada sa Plaza
Miranda. Amoy isda uli sa Exchange.
Bagong paligo rin nang iluwa ng isang bus si Ding sa harap ng underpass. Ang kupas na
maong na halatang nakipaglaguyo sa plantsa ay magara ang tindig. Ang guhitang
kamisadentro’y hapit sa katawan. Umuusli ang mapipintog nitong dibidb. May sigarilyong
nakasubo sa bibig. Ang malanding usok nito’y naglalaro sa nakalugay na buhok sa noo at
naglalaho pagdapyo ng hanging tangay ng rumaragasang mga sasakyan. Pumasok siya sa
isang maliit na tindahan ng swipstick. Paglabas ay bitbit ang kanyang shine box.
Sa may dulo ng Arlegui sa tagiliran ng tulay ay isang pulang dyip ang walang dahilang
nakahimpil. Tatlong lalaking matitigas ang mukha ang sakay. Ang nasa manibela’y
nananabako. Mabilis ang hithit nito. Sa tabi niya ang payat na lalaking balbas-sarado ay
nagpapalagutok ng mga buto sa daliri. Ang lalaking nasa likuran ay malamig ang mukhang
nakatingin sa unahan – sa may bungad ng underpass.
Pamaya-maya’y tila naalimpungatang aso na umatungal ang makina ng dyip. Itinapon
ng lalaking nasa manibela ang kanyang tabako. Ang dyip ay dahan-dahang umusad.
Pagdating sa panulukan ng Barbosa at Hidalgo ay naudlot si Ding. Naalala niyang wala
na siyang sigarilyo sa bulsa. Dumukot ng singkuwenta at bumili sa isang sidewalk vendor. Sa
dulo ng Hidalgo ay nasulyapan niya ang isang pulang dyip na lumiko pakanan. Tumawid siya
ng daan. Ang rebolusyon ng makina ng dyip ay biglang lumakas.
Bago nakasampa si Ding sa kabilang bangketa ay tila palasong gumuhit sa kasikipan ng
Hidalgo ang dyip na pula.
Isang batang namumulot ng dyaryong luma at papel na punit ang naudlot nang isang
shine box na naligo ng dugo ay tumilapon sa tagiliran ng kanyang kariton. Mabilis siyang
humagilap ng malapad na diyaryo, binalot ang shinebox, binaon sa salansan ng papel sa
kariton at kumaripas ng takbo palayo sa mga nagkakagulong tao.
9
Ang bangkay na iyon ay dumarating sa Ospital ng Maynila kanginang alas diyes. Walang
umangkin kaya naimbak sa morgue. Kung walang aangkin nito, iaabuloy ng ospital ang
katawan sa isang pamantasan upang mapag-aralan ng mga kumakarera sa medisina.
Alas-singko ng hapon nang dumating ang isang babae, naghahanap sa bangkay ng isang
lalaking naaksidente sa Quiapo kanginang umaga. Ipinakita ng isang interna ang bangkay na
iyon na walang umangkin. Tumango ang babae pagkakita sa bangkay.
-Kaanu-ano ba ninyo ang patay? Tanong ng intern.
-Kaibigan - sagot ng babae.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Maikling kuwento:
Pagyuko ng Kawayan
Ni
Dolly Dy

Arugain at mahalin ang mga matatanda lalo’t higit ang sariling magulang.
-o-
“Ate Cedes puwede bang sa’yo muna si Inay? May isang linggo lang naman.
Magbabakasyon kasi kaming mag-anak kina Poldo sa Cebu. Wala akong mapag-iiwanan kay
Inay. Alam mo naman, kaaalis lang ng katulong ko makalawa,” sabi ko, tangan-tangan ang
telepono habang nagpupunas ng kamay sa basahan.
“Naku Ruby, baka hindi ko maasikaso ang Inay. Busy ako sa negosyo ko, aba. Ma’nong
isama mo nalang,” pagalit na sagot ni Ate Cedes.
Uminit ang ulo ko. “Isasama ko? Nagbibiro ka, Ate. Natatandaan ko pa nu’ng huling
sumama si Inay sa amin sa Cebu. Walang tigil ng kare-reklamo. Kesyo kahaba-haba naman
daw ng byahe, nahihilo siya sa eroplano, maalinsangan at kung anu-ano pa. kala ko, gano’n
lang, ‘yun pala, kahit nu’ng nasa bahay na kami ng mga biyenan ko, hindi pa rin tumigil. Pati
pagkain pinupuna. Hiyang-hiya nga ako.
“E, sa akin mo naman ipapasa?”
“Isang linggo lang naman.”
“Pa’no, susunduin’yo ba siya ni Kuya Bong?”
“Bukas. Alas-siyete ng umaga.”
“Tamang-tama. Alas-osto ang alis namin.”
“Sige.”
Halos mabingi ako sa alingawngaw ng likha ng pagbagsak ng telepono ni Ate Cedes.
Nagngingitngit kong ibinaba ang telepono.
Sa totoo lang, hindi naman namin kailangan mag-anak ang bakasyon sa lalawigan. Gusto
lang naming. At si Inay ang dahilan. Hirap na hirap nang pakibagayan ni Poldo si Inay. Kahit
ano yatang kabutihan ang ipakita ng aking asawa, hindi mapahalagahan nito.
Si Boboy naman ay napupundi na sa kapapangaral sa kanya. Palibhasa’y tinedyer, maikli
ang pasensya, kaya’t ayaw man niya’y nasasagot na rin ng pabalang ang kanyang lola
paminsan-minsan. Ako man na mismong anak niya, nahihirapan na rin. Bawat kilos ko’y
pinupuna. Bawat salita ko’y may nakahanda siyang panagot.
Pakiramdam ko ba’y ako, nahihirapang huminga. Kaya bago pa lumubha ang sitwasyon,
nagpasiya kaming kahit isang linggo man lang ay makalayo naman kami.
Hindi naman sa ako;y walang utang na loob na anak. Mahal na mahal ko si Inay. Dangan
nga lang at magmula nang pumatak ng sitenta ang edad niya, naging reklamador at
mapamuna. Ang gusto niya’y nalalaman niya ang lahat ng nangyayari sa bahay at kasali sa
paggawa ng desisyon, maliit man o malaki.
Makakalimutin na rin si Inay. Madalas iyong pagmulan ng away sa bahay. Iyon din ang
dahilan kung bakit walang katulong na tumatagal sa amin. Nakakalimutan ni Inay kung saan
niya tinago ang pera’t mga kagamitan niya. Kapag hindi naman niya ito matagpuan sagsag
siya sa katulong, pagbibintangan itong nagnakaw at pagsasalitaan nang masasakit.
Dadalawa kaming magkapatid ni Ate Cedes. Sa akin puminsan si Inay dahil ako ang mas
malapit sa kanya at kasundo niya. Isa pa’y delikado ang bayaw kong si Kuya Bong at ayaw na
ayaw nitong may nakakapisang kamag-anak sa kanila. Palibhasa’y mayaman at nag-iisang
anak, nasanay ito sa tahimik na kapaligiran. Ngunit maunawain naman si Kuya Bong.
Kapag kinakailangan ay tinatanggap naman ito sa kanilang tahanan si Inay. Ang kaso ay
good for one week lang ang pasensya niya. Kapag tumagal doon si Inay ay hinaharapna niya
si Ate Cedes.
Naputol ang aking pagmumuni-muni nang padabog ng itulak ni Boboy ang pintuan sa
kusina at maupo sa aking tapat.
“O bakit?” tanong ko.
“Si lola kasi, kinukulit na naman ako. Para lumabas lang kami ng barkada, hindi ko na raw
pinaghahandaan ang kinabukasan ko. Kung anu-ano pa’ng sinasabi. Nay, talagang nauubos
na’ang pasensya ko,” anito.
“Pagpasensiyahan mo na lang. Lola mo ‘yun, e.”
“E, hindi nga ba?”
Tinapik ko si Boboy sa balikat. “Tama na ‘yan. Hala, mag-ayos ka nan g mga dadalhin mo
sa Cebu. Alas-otso ng umaga tayo aalis bukas.”
Nagliwanang ang makulimlim na mata nito. “Ayos!” tumindig ito at anyong lalabas na,
nang biglang humarap uli sa akin. “Alam na ba ni Lola?”
“Hindi pa. Mamaya ko pa sasabihin.”
Bago matulog ay pinuntahan ko sa kaniyang silid si Inay. Nadatnan kong nagsusuli siya ng
kamisadentro. Matindi ang tampo niya nang sabihin ko sa kaniya ang pag-alis naming mag-
anak.
“Hindi mo man lang ako tinanong… paalis ka nab ago mo sinabi sa akin,” aniya.
“Nay, biglaan lang kasi. Anyway, isang linggo lang naman ho. Doon muna kayo kina Ate
Cedes.”
“Alam mong hirap akong tumira ro’n. hindi ko kasundo ang Kuya Bong mo.”
“Pagtiisan n’yo na. bago n’yo mamalayan, ‘andito na kami.”
Sa tindi ng hinanakit niya ay hindi niya kami kinibo hanggang sa kinabukasan. Paalis na
lang siya’t pinagbilinan ko’y tango at iling lang ang isinasagot.
Nakarating kami ng maluwalhati sa Cebu. Pinagkaabalahan naming doon ang
pamamasyal. Pagkaraan ng isang linggo ay bumalik kami sa Maynila, sa kabila ng pagtutol ni
Boboy. Sinundo naman si Inay kina Ate Cedes bago kami tumuloy sa bahay. Sinikreto ako ni
Ate Cedes.
“Alam mo bang muntik na kaming mag-away ni Bong dahil sa Inay? Pati ba naman mga
gamit ni Bong sa kuwarto, pinakialaman. Nakalimutan lang isusi’y..”
“Baka naman gusto lang ayusin?”
“Naroon na ako. Pero personal na gamit ng asawa ko yon, e.”
“Iuuwi ko na’ng Inay.”
Matindi pa rin ang hinanakit ni Inay sa aming mag-anak. Hindi kami kinikibo. Pagdating
naman sa bahay ay panay ang dabog at parunggit sa amin, lalung-lalo na kay Poldo. Mabuti
na lang at mahaba ang pasensiya ng aking asawa.
Ngunit may nangyaring hindi inaasahan sa kadadabog ni Inay. Nasagi niya ang
mamahaling piguring antigo na minana ni Poldo sa kaniyang yumaong ama. Tahimik lang si
Poldo, ngunit nakita ko sa kanyang mga mata ang galit. Nagmatigas pa si Inay ngunit nang
magtama ang kanilang paningin bigla siyang tumahimik. Magmula noon ay hindi na
nagkaayos si Inay at ang asawa ko.
“Mabuti siguro’y doon na sa Ate Cedes mo ang Inay. Ayoko na!” aniya.
“Poldo! Alam mong ayaw na ayaw na ni Kuya Bong kay ina..”
“Paano naman ako?”
“Hindi tatanggapin ni Ate Cedes si Inay.”
“Bahala kayong mag-usap na magkapatid. Basta ang alam ko isa lang sa amin ni Ina
yang dapat mong piliin.”
Balisang-balisa ako noon at di ko alam ang aking gagawin. Mahal ko si Inay, ngunit kung
mawawala naman si Poldo, hindi lang ako ang mawawalan ng asawa. Mawawalan din ng
ama si Boboy. At paano kung magpasiya si Boboy na pumanig sa kaniyang ama?
Pinuntahan ko si Ate Cedes at kinausap. Hindi siya pumayag na lumipat sa kanila si
Inay. Aniya, hindi nga mawawasak ang pamilya ko pero ang pamilya naman niya ang
mabubuwag kung tatanggapin niya si Inay.
Isang bagay na napag-usapan naming. Waring iyon lang ang solusyon sa aming
priblema. Mabigat man sa loob naming ay nagkasundo kami, na iyon na lang ang talagang
nalalabing paraan. Tumuloy ako sa silid ni Inay at sinabi sa kanya ang pinagkasunduan
naming ni Ate Cedes.
Nayanig si Inay. Matagal siyang natulala sa akin. Hindi makapaniwala. Pagkatapos ay
dahan-dahan tumango at walang patid na lumuha. Alam ko, masamang-masama ang
kaniyang loob. Nabagbag ang aking damdamin sa kanyang reaksiyon. At sa kauna-unahang
pagkakataon nakita ko si Inay sa kaniyang paninimdim.
Ilang buwan nang wala rito si Inay, ngunit hindi pa rin ako nasanay. Katulad nang dati
ay nakatulala na naman ako sa pagkakaupo sa sopa, nag-iisip at nalulungkot.
Wala sa loob na natuon ang aking paningin sa larawang iyon sa bukas na magasing
nakapatong sa mesa. Napakaganda! Larawan iyon ng tanging kawayang hindi yumuyuko
bagaman malakas ang unos. Ang ibang katulad nito’y nangagsiluhod na sa lupa. Sa
pagkakatitig ko rito ay may kakaiba akong nabanaag. Ang sumunod ay isang realisasyon.
Si Inay. Ang aking Inay. Siya ang tanging kawayang iyon. Nang mamatay si Itay ay mag-
isa niyang binalikat ang responsibilidad sa amin ni Ate Cedes.
Para siyang kawayan na hindi alintana ang mga bagyong nagdaan sa kanyang buhay.
Nagpilit manatiling matatag, hindi yumuyuko.
Matanda na si Inay. Ngayon pa bang yumuyuko na ang kawayan, saka pa naming ito
iiwan at ilalayo sa tahanang nararapat lamang para sa mga walang nagmamahal?
Naramdaman ko na lang na tumutulo ang aking luha. Sabay sa pagpahid ko nito ang
pagbuo ng pasiya.
Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Inay. Nagulat siya sa aking biglang pagdating.
“Inay, iuuwi na kita. Hindi na tayo magkakahiwalay uli,” sabi ko, at niyakap ko siya.
Parang biglang nawala ang bigat na nakadagan sa aking pagkatao. Doon, sa init ng
kaniyang dibdib sa higpit ng kanyang yakap, nadama ko ang isang damdaming kailanman ay
hindi mapapantayan. Alam ko, sa kaibuturan ng aking puso, na tama at marapat ang aking
naging pasiya. Marahil kapag naipaliwanag ko itong mabuti kay Poldo, mauunawaan niya
ako.
Tumuloy ako sa sala at dumayal sa telepono.
“Hello, Poldo?” Damdam ko’y may kakaibang sigla at kaligayahan sa aking puso.

A. Kumpletuhin ang tsart na makikita sa ibaba.

Panahon Halimbawa Kwentista Pangunahing Pangyayari Damdaming Aral


ng Kwento Tauhan sa Kwento namamayani mula sa
kwento
Bago
Dumating ang
mga Kastila
Kastila
Propaganda at
Himagsikan
Himagsikan
Amerikano
Kalayaan
Pambansang
Krisis
Protesta
Bagong
Lipunan at
Bagong
Kaayusan

NOBELA

Ayon kay Aguilar sa pagkakabanggit nina Alcantara, ang salitang nobela na hiram
natin sa Kastila ay hiram din sa Italyanong novella. Ito raw ay isang katha na nagsasalaysay
ng anumang bagay na sa kabuuan o sa isang bahagi ay hinango sa isang pangyayari at sinulat
upang makabigay kasiyahan sa mambabasa dahil sa magandang paglalarawan ng tagpo, ng
ugali at gawi ng mga taong pinagagalaw na nagiging salaminan pagkatapos sa
pagkamarangal at pagpapakasakit nang dahil sa isang dakilang bagay o layon.
May tatlong sangkap ang mahusay na nobela ayon kina Alcantara:
1. Ang kwento o kasaysayan
2. Ang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng sangkatauhan
3. Ang paggamit ng malikhaing guniguni
Uri ng Nobela
Ang nobela ay may anim na uri ayon kina Sauco. Ang mga ito ay:
1. Nobela ng romansa. Ang nobelang ito ay tumutukoy sa pag-iibigan
2. Nobelang makabanghay. Ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang siyang
ikinawiwili ng mga mambabasa sa nobelang ito.
3. Nobela na salig sa kasaysayan. Ang binibigyang diin sa nobelang ito ay ang
kasaysayan o ang makasaysayang pangyayari.
4. Nobela ng tauhan. Nangingibabaw sa uring ito ang mga pangangailangan,
kalagayan at hangarin ng mga tauhan.
5. Nobela ng layunin. Ang mga layunin at simulaing lubhang mahalaga sa buhay ng
isang tao ang binibigyang diin sa uring ito.
6. Nobelang masining. May mahusay na pagkakatalakay at pagkakahanay ng mga
pangyayari at pagkakalarawan ng pagkatao ng mga tauhan at gumawa ng isang
makatuwirang pananawagan sa damdamin ng mambabasa.
Sa masusing pagbabasa at pagpapahalaga sa nobela ang mga mambabasa ay makatatagpo ng mga
sumusunod na tradisyon:
1. Tradisyong katutubo. Ang nobela ay kasasalaminan ng katutubong ugali ng mga Pilipino.
Marahil naipapahiwatig ito sa nobelang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peňa. Sa
nobelang ito ay ipinahahayag ang katapatan ng isang kaibigan ng mga taganayon. Ang
pagpapahalaga sa puri at dangal ng isang dalagang Pilipina at iba pa.
2. Tradisyong panrelihiyon. Sa nobela nababasa ang tungkol sa pananampalataya, ang pagkilala
sa kapangyarihan ng Panginoon ang mga pagmimilagro at tungkol sa kagandahang asal.
Ang nobelang Barlaan at Josaphat bagama’t salin lamang sa wikang Filipino ay nagsasaad ng
tradisyong panrelihiyon.
3. Tradisyong romantisismo. Sa nobela, pinag-ukulan ng pansin ang emosyon, ang damdamin,
inilalarawan ang magandang bagay at ng lungkot, at kaligayahan, ang pantasya tulad ng mga
inilalarawan sa nobelang Sampaguitang Walang Bango ni Iňigo Ed Regalado.
4. Tradisyong realismo. Ang pagbabagong bunga ng pag-unlad ng agham at teknolohiya
kasabay ng pagkagising ng mga Pilipino sa pagpapahalaga sa demokrasya at nasyonalismo ay
nakaimpluwensiya sa pagbabago ng himig at paksa ng mga nobela. Nabaling ang mga paksa
sa mga makatotohanang pangyayaring nagaganap sa paligid sa lipunan sa pamahalaan at
pulitika.

Ang Kasaysayan ng Nobelang Pilipino


Buod ng Barlaan at Josaphat
Ang haring Abenir ng Indiya ay malakas at makapangyarihan. Ipinauusig niya ang mga
kristiyano sapagkat siya’y sumasamba sa mga diyus-diyusan. Ang mga pari ay ipinakulong
niya at pinahirapan ngunit ang mga iyon ay hindi nangatakot at patuloy sa kanilang
pangangaral. Ipinag-utos ng hari na ang mga tao’y magsibalik sa pagsamba sa mga diyus-
diyusan.
Hindi naglaon, ang Haring Abenir ay nagkaanak. Ang sanggol ay lalaki at pinangalanan
niyang Josaphat. Pinatanurang mahigpit ng hari ang anak at upang maging lubusan ang pag-
iingat ay ipinagpatayo ito ng isang palasyo sa isang malayo at ligtas na pook. Mahigpit na
ipinagbabawal ng hari ang pagbanggit ng anumang bagay tungkol sa Kristiyano. Pinaalis ng
hari ang ilang natitirang pari sa kaharian sapagkat may humulang ang prinsipe ay magiging
Kristiyano pagsapit nito sa sapat na gulang.
Pamisan-minsan ay nakahihingi ng pahintulot si Josaphat sa Haring Abenir na
makalabas upang makapaglibang-libang. Mahigpit na pinagbilinan ng hari ang mga utusang
kasama ng anak na iwasang Makita ni Josaphat ang mga kahirapan ng kanyang mga
nasasakupan ngunit kahit anong pag-iingat ang ginawa ng mga utusan ay nakakita pa rin ang
prinsipe ng isang taong lubhang kalunos-lunos ang kalagayan. Inusisa niya ang mga kasama
at kung gayon ang kapalarang sasapitin ng lahat. Tinugon siya ng mga kasama na gayon nga
ang mangyayari. Pinanabikan niyang lubha na malaman ang tungkol sa lumalaganap na mga
aral ng mga Kristiyano dahil sa nakita niyang kahirapan ng mga mamamayan.
Isang matandang paring nagngangalang Barlaan ang naninirahan sa isang malayong
bayan sa Indiya. Ipinarating sa kanya ng Diyos ang mabuting kalooban ni Josaphat kaya’t
ipinasiya ni Barlaan na paroonan si Josaphat. Nagtungo siya sa Indiya at nakapasok sa
palasyo ni Josaphat sa pamamagitan ng pagbabalatkayong mangangakal. Sinabi niya sa
guwardiya na may ipakikita siyang bato kay Josaphat.
Itinuro ni Barlaan kay Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo at ipinaliwanag niya ang
kahalagahan ng kabanalan. Naging Kristiyano si Josaphat. Ang madalas na pagdalaw ni
Barlaan kay Josaphat ay napansin ni Zardan, isang kabalyerong kabilang sa mga bantay na
itinalaga ng hari. Ipinagunita ni Zardan sa prinsipe ang kanyang magiging gipit na katayuan
kapag nalaman ng hari ang malimit na pagdalaw roon ni Barlaan. Sinabi ni Josaphat kay
Zardan na huwag mag-aalaala sapagkat wala silang ginagawang masama at tuloy
inanyayahan niya si Zardan na making sa susunod na pagtungo roon ni Barlaan. Pinakiusapan
din ng prinsipe si Zardan na huwag ibubunyag ang lahat sa hari at hintayin ang
pinakamabuting pagkakataon.
Nang dumalaw na muli si Barlaan ay nagpaalam, siya kay Josaphat na hindi na muling
makadadalaw rito sapagkat siya’y tutungo sa malayong pook. Iniwang alaala ni Barlaan kay
Josaphat ang kaniyang damit-ermitanyo sa kahilingan ng prinsipe. Ang kanyang buong
panahon ay iniuukol ni Josaphat sa pananalangin at paghingi ng awa sa Diyos.
Naligalig nang gayon na lamang si Zardan kaya’t siya’y nagsakit-sakitan. Umuwi siya sa
kanilang bahay. Ginamot si Zardan ng isang manggagamot sa utos ng hari kaya’t natuklasang
wala siyang karamdaman. Ipinagtapat nan i Zardan ang buong katotohanan. Galit na galit
ang hari at humingi siya ng payo sa pinakamatapat niyang tagapayong si Araquez. Ipinayo
nito na ipadakip si Barlaan at hiyain sa isang pakikipagtalo sa mga pantas ng kanilang
kaharian. Kapag natalo si Barlaan ay mawawala ang pananalig dito ni Josaphat.
Ipinahanap si Barlaan ngunit hindi siya natagpuan. Nang mabigo ang hari sa pagdakip
kay Barlaan ay si Nacor na bantog na astrologo ang ipinadakip niya. Pumayag si Nacor na
magkunwaring si Barlaan. Gayon na lamang ang kalungkutan ni Josaphat nang makarating sa
kanya ang balita. Nanalangin siyang saklolohan ng Diyos ang kanyang maestro.
Dumalaw ang hari sa anak at hinikayat itong manumbalik sa pagsamba sa mga diyus-
diyusan. Hindi niya nabago ang kalooban ng anak kaya’t umisip na naman sila ni Araquez ng
ibang balak. Ipinabando niyang siya at ang buong kaharian ay magpapabinyag, kapag nanalo
si Barlaan. Ito’y parang hamon kay Josaphat. Tinanggap ni Josaphat ang hamon sapagkat
hindi niya nalalamang hindi tunay na Barlaan ang makikipagtagisan ng talino kundi si Nacor.
Nang dumating ang araw ng pagtatalo ay tanging si Barachias ang Kristiyanong
naparoon kahit na nanawagan ang hari sa mga pagano at mga Kristiyano na magsisali sa
debate. Pinagbalaan ng hari na tatanggap ng parusang kamatayan ang mga paham, kapag
hindi tinalo ng mga ito si Barlaan. Si Nacir naman ay kinausap ni Josaphat (nalaman niyang
hindi ito si Barlaan ngunit hindi siya nagpahalata) at sinabi niyang mamamatay sa kanyang
mga kamay si Barlaan kapag ito’y natalo sapoagkat iisa lamang ang magiging kahulugan,
isang manlilinlang si Barlaan.
Nang sumapit ang oras ng pagtatalo ay kataka-takang bagay ang naganap. Sumagot sa
mga tanong si Nacor na tila siya’y pinagkalooban ng langit ng hiwagang karunungan.
Ipinahintong pansamantala ang debate upang ipagpatuloy kinabukasan. Humingi ng
pahintulot si Josaphat sa hari na maisama niya si Nacor. Nagalak naman ang hari sapagkat
makapaghahandang mabuti ang kaniyang mga paham.
Kinausap nang masinsinan ni Josaphat si Nacor at sinabi niyang alam na niya ang
katotohananng si Nacor ay nagpapanggap na si Barlaan. Itinuro niya kay Nacor ang mga aral
ng Kristiyanismo at iito’y naging Kristiyano. Sumama si Nacor sa mga mongheng nanirahan sa
isang monasteryong nasa labas ng lungsod. Nagalak nang gayon na lamang ang prinsipe. Si
Haring Abenir naman ay poot na poot sapagkat nawalan siya ng pagkakataong talunin si
Barlaan. Pinarusahan niya ang mga paham at nawalan na rin siya ng pagsampalataya sa mga
diyus-diyusan. Sa kabila ng mga pangyayari ay ayaw pa rin niyang yumakap sa kristiyanismo.
Nagdaos ng pista ang kaharian. Ayaw na sanang makialam ang hari sa pagpapasigla ng
pista ngunit pinagkausapan siya ni Theudas na tumulong sa ikasisigla ng pista at si Theudas
ang iisip ng paraan upang mapagbago ang isip ni Josaphat. Ipinayo ni Theudas sa hari na
lahat ng mga utusan sa palasyo ay palitan ng magagandang babaeng tutukso kay Josaphat.
Pinaglabanan ni Josaphat ang tukso. Nanalangin siyang ilayo siya sa tukso. Isang nakakatakot
na pangitain ang naging dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Dinalaw ni Haring Abenir ang anak at sinabi ni Josaphat ang kanyang malabis na
pagtataka sa ginagawa ng kaniyang ama na pagbubulid sa anak sa kasamaan. Hiniling niya
rito na payagan siyang makalabas upang hanapin si Barlaan at mamuhay sa piling nito.
Huminging muli ng payo si Haring Abenir kay Theudas at sinabi nito na ang mabuti ay
magtalo sila ni Josaphat. Ang naging wakas ay ang pagbabalik-loob ni Theudas sa malaking
pagkabigo ng hari. Ipinayo ni Theudas sa Haring Abenir na hatiin ang kaharian at ibigay ang
kalahati kay Josaphat. Pumayag naman si Haring Abenir at ipinahayag niya sa mga
nasasakupan na maaaring sumama kay Josaphat ang lahat ng may ibig nang hindi
magtatamong parusa.
Nakilala ni Haring Abenir ang kanyang pagkakamali at sinulatan niya si Josaphat na
aralan siya ng anak sa pananampalatayang Kristiyano. Malugod na tinupad ni Josaphat ang
kahilingan ng ama. Nagpabinyag ang hari at si Josaphat ang naging inaama niya. Ang
kaniyang kaharian ay ipinagkatiwala niya kay Josaphat at tinungo niya ang ilang. Pagkaraan
ng apat na taong pagpapakasakit at pagsisi sa kanyang mga kasalanan ay namatay si Haring
Abenir. Nasa tabi niya si Josaphat nang malagutan siya ng hininga.
Matapos maibigay ang kaukulang parangal sa kamatayan ng ama ay tinipon ni Josaphat
ang mga nasasakupan. Sinabi niya ang balak niyang lumigpit sa malayong pook at iiwan niya
ang kaharian kay Barachias, ang kaisa-isang kristiyanong dumalo at pumanig kay Nacor na
nagpanggap na Barlaan sa pakikipagtalo sa mga paham.
Hinanap ni Josaphat si Barlaan at maraming hirap ang dinanas niya bago niya natagpuan
ang kanyang maestro. Sila’y nagsamang namuhay at ang panahon ay iniukol sa pananalangin
at pagpapakasakit. Isang araw ay sinabi ni Barlaan kay Josaphat na siya ay malapit nang
mamatay kaya’t inuutos niyang tawaging lahat ni Josaphat ang mga mongheng
nagsisipanirahan na malapit sa kanilang pook. Nag-alay ng misa si Barlaan at pagkaraan ng
mga sandali ng panalangin ay namatay si Barlaan.
Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Nang siya’y mamatay, ang kanyang bangkay ay
inasikaso ng mga kalapit niyang monghe. Ang kanyang bangkay ay inilibing sa pinaglibingan
kay Barlaan. Isang monghe ang nagpakita sa pangitain kay Barachias at isinalaysay niya ang
buong buhay ni Josaphat hanggang sa kamatayan nito, sa mga bulubundukin sa Senaar.
Ipinag-utos ni Barachias na hanapin ang bangkay ni Josaphat. Ang dalawang bangkay ay
natagpuan ng mga tao at gayon na lamang ang kanilang pagtataka sapagkat hindi nabulok
ang mga ito. Napansin din nila ang mahinhing samyong ng halimuyak. Ang mga bangkay ay
dinala nila sa kauna-unahang simbahang ipinatayo ni Josaphat. Doon inilagak ang dalawang
bangkay at maraming himala ang nasaksihan ng mga tao kaya’t maraming nangagbalik-loob
sa Diyos.

You might also like