You are on page 1of 14

BI N

BI A A
LI
G HAL
N A MA DEPARTMENT OF EDUCATION
PI PA
I I I NG

Schools Division of Bulacan


ND -AAR

City of Malolos, Bulacan


G
PA
HI

PULO NG MGA LEON


(ALAMAT NG SINGAPORE)

UNANG MARKAHAN

SELF–LEARNING KIT
FILIPINO 9
PAUNANG SALITA

Ang binibigyang-halaga sa paglikha ng aralin at


mga gawaing nakapaloob dito ay ang pagkatuto ng mga
mag-aaral sa Baitang 9.
Ito ay naglalaman ng aralin at mga pagsasanay
patungkol sa Alamat at Pang-abay na Pamanahon.
Sa kabuuan, inaasahang ang mga mag-aaral ay
madaragdagan ang kaalaman at maiuugnay sa totoong
buhay ang aral na makukuha sa alamat na binasa.
Gayundin ay lalawak ang kanilang pagkaunawa sa
pang-abay na pamanahon. Makasusulat din sila ng sariling
wakas batay sa huling pangyayari sa alamat.

Maligayang pagbabasa!

ii
PAKSANG - ARALIN:
Ang Pulo ng mga Leon ( Alamat ng Singapore )
Pang-abay na Pamanahon

LAYUNIN:

Nakasusulat ng wakas ng kuwento sa tulong mga pang-abay na


pamanahon.

KASANAYANG PAGKATUTO:
Naisusulat ang sariling wakas batay sa huling pangyayari o sa naging
wakas ng alamat. ( F9PS-IIIf-55 )

Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamanahon sa alamat.


( F9WG-IIIf-55 )

I. ANO ANG NANGYARI?

Nakabasa ka na ba ng alamat? Nasubukan mo na bang


sumulat nito? Ngayon ay pag-aaralan mo ang alamat, na isang
akdang pampanitikan at kaalinsabay nito ay ang
pag-aaral sa mga pang-abay na pamanahon, iyo na
ngayong simulan!

PANIMULANG GAWAIN: Kaalaman ay Sukatin


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

1. Ang _________ ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
2. Si Prinsepe Sri Tri Buana ay __________ sapagkat iniisip niya ang kapakanan ng
nakararami.
3. Ang ______ ay ang bahaging naglalahad ng resolusyon ng kuwento.
Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
4. Itinapon ng prinsepe ang kanyang ____________ para mailigtas ang kanyang
mga kaibigan na kasama sa barko.
5. Ang pang-abay na _______________ ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

wakas simula korona


mapagmahal alamat pamanahon
Halina’t iyong basahin at unawain ang
alamat na pinamagatang “ Pulo ng mga
Leon”, iyo ngayong simulan!

PULO NG MGA LEON

Daang taon ang nakalipas, may isang kapuluan na tinatawag na


Palembang ay may nakatirang prinsepe, si Sri Tri Buana. Siya ay masayahin,
gustong-gusto niyang kumanta, mangaso at maglaro.
Hanggang isang araw ang prinsepe kasama ang kanyang mga
kaibigan ay nagpunta sa isang pulo at namalagi doon ng ilang oras upang
mangaso, maligo at magpiknik. Samantalang ang iba nilang kasamahan
ay nanguha ng mga lamang dagat at ang iba ay nangaso.
Araw-araw, si Prinsepe Sri Tri Buana ay hindi mapakali, wala siyang
maisip gawin kaya umakyat siya sa pinakamataas na bato at pinagmasdan
ang kapaligiran. Tumanaw siya sa karagatan at buhat sa malayo ay may
nakita siyang bago sa kanyang paningin, dalampasigan na kasimputi ng
tela at mabilis niyang tinawag ang mga kaibigan at nagsiakyat din ang
mga ito sa bato.
Tinanong niya kung ano ang lugar na iyon ? Sumagot ang kapitan,
sinabi niyang iyon ang Pulo ng Temasek?
Gusto kong makita ng malapitan, sabi ng prinsepe. Hindi pa ako
nakakakita ng dalampasigan na ganyan kaputi, pumunta tayo, sabi niya.

Sandali pa’y bumalik sila sa


baybayin sumakay sa kanilang barko at
matulin silang nagpunta sa pulo.
Naglayag sila sa karagatan at
maya-maya pa’y biglang sumama ang
panahon, kumidlat at tumaas ang mga
alon at para silang idinuduyan ng
malalakas na alon na humahagupit sa
kanilang barko kaya ang lahat ay natatakot na baka sila malunod.

2
Sinabi ng kapitan, kailangan nilang pagaanin ang barko dahil
pinasok ito ng tubig, kaya pinatatapon ang kanilang mga dala.
Nagtulong-tulong ang lahat at isa-isa nilang itinapon ang kanilang
mga dala-dalahan at unti-unting umangat ang kanilang barko.
Ngunit ang mga alon ay lumakas na naman kaya napuno na naman
sila ng tubig at naisip nila na lahat sila ay malulunod.
Tumingin ang kapitan sa prinsepe,“ang iyon korona Mahal na
prinsepe, itapon mo na rin iyan dahil masyadong mabigat at walang
galang ang karagatan sa kanyang karangyaan.
Sumigaw ang lahat at sinabing wala na tayong pag-asa at wala ng
saysay ang korona, kaya itapon mo na yan.
Walang pag-aalinlangan ang prinsepe, itinaas niya ang korona at
ihinagis niya ito.
Sa sandaling bumagsak sa tubig ang korona, naging payapa ang
karagatan, muli silang nakapaglayag at maya-maya pa ay narating na nila
ang Pulo ng Temasek na ang dalampasigan ay nagniningning tulad ng
hiyas.
“Ito ang pinakamagandang lugar na aking nakita”, sabi ng prinsepe.
Niyaya niya ang mga kasamahan sa kagubatan para mangaso dahil
nakikita niya na ang pulo ay sagana.
Noong naglalakad na sila sa buhangin ay may biglang lumitaw sa
kung saan, namangha ang prinsepe dahil ngayon lang niya ito nakita, kaya
tinanong niya kung ano iyon?
Isa sa mga taong nakakaalam ng lugar ang ngumiti at sinabing iyon
ay leon.
Tumango ang prinsepe at inulit ang sinabing “ leon”. Sinisiguro niyang
ito ang palatadaan na ang lugar ay sagana at nagtataglay ng
magandang kapalaran. “Sinabi niya na ito ang lugar na gusto niyang
tirahan habangbuhay”.
Tinawag niya itong “ Singapura o Lion
City” na hango sa nilalang na noon lamang
niya nakita.

3
Alam ninyo ba....

Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng


panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay rin ito sa
mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga
kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.

Mga Bahagi ng Alamat


Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.

1. Simula

Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kuwento. Sino-sino ang


gumaganap sa kuwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan.
Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng
insidente ay inilalarawan din sa simula.

2. Gitna

Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan


ng kuwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng
pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang
kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang
tauhan.

3. Wakas

Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kuwento.


Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kuwento mula na maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang
wakas ang bahaging naglalahad ng resolusyon ng kuwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

4
II. ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Tunghayan mo ang mga


pagsasanay na aking inihanda. Ilahad ang iyong
natutuhan sa araling binasa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.
Pagbutihan at pag-isipang mabuti ang
iyong pagsasagot!

GAWAIN BILANG 1: Salita ay Tumbasan

Panuto: Ikahon ang kasingkahulugan ng mga salitang ayon sa


pagkakagamit sa akda.

1. namalagi — huminto dumating pumunta

2. dalampasigan — daan tabing-dagat laot

3. humahagupit — dumadapo pumupukol humahampas

4. korona — putong palamuti gayak

5. sagana — maganda mayaman malusog

GAWAIN BILANG 2: Talakayin Natin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino-sino ang tauhan sa akdang binasa?


_____________________________________________________________________
2. Bakit tinawag na Singarupa o Lion City ang lugar?
______________________________________________________________________
3. Anong aral ang natutuhan mo sa akdang binasa?
_______________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang prinsepe, itatapon mo rin ba ang iyong korona? Bakit?
______________________________________________________________________
5. Ano ang kahulugan ng alamat?
______________________________________________________________________
5
Isaisip Natin...

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap


o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri:
may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

Pang-abay na may pananda– ay nang, sa, noon, kung, kapag,


tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang.

Pang-abay na walang pananda– ay kahapon, kangina, kanina,


ngayon, mamaya, bukas, sandali.

Pang-abay na nagsasad ng dalas– ay araw-araw, tuwing,


taon-taon, buwan-buwan.

Ngayon balikan mo ang binasang alamat, may


mga pang-abay rito na ginamit upang mabuo ang
akda. Para masukat ko ang iyong namamalan may
ihinanda akong mga pagsasanay.

GAWAIN BILANG 3: Ihanay na ang mga Salita

Panuto: Ihanay ang mga pang-abay na ginamit sa akda na nakadiin ang


pagkakasulat ayon sa uri nito.

May Pananda Walang Pananda Nagsasaad ng Dalas

6
GAWAIN BILANG 4: Pang-abay iyong Uriin

Panuto: Kilalanin ang pang-abay na pamanahon na ginamit sa bawat


Pangungusap. Bilugan at uriin ito kung MP-may pananda, WP– walang
pananda at ND-nagsasaad ng dalas.

________1. Kanina lang dumating ang hinihintay niyang panauhin.


________2. Dumadalaw siya buwan-buwan sa kanyang lola na nakatira sa
malayo.
________3. Ipinagdiriwang natin taon-taon ang Malolos Congress.
________4. Noong pasko ay umulan kaya marami ang hindi nakapamasko.
________5. Ibabalik ko bukas ang hiniram kong pera dahil makakasweldo na
ako.

GAWAIN BILANG 5: Ipakita, kaalamang Natutuhan

Panuto: Sumulat ng sariling wakas ng alamat sa tulong ng mga pang-abay


na pamanahon.

___________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
PAGYAMANIN MO PA

Panuto: Punan ng angkop na pang-abay ang bawat pangungusap. Piliin


sa ibaba ang tamang sagot.

1. Ang mga mag-aaral ay kailangan nang magbago ___________ dahil


baka maging huli na bukas.
2. Nagrorosaryo ____________ang mga deboto ng Ina ng Laging saklolo.
3. __________ araw ng Biyernes ay maraming nagsisimba sa Baclaran.
4. Ang mga kawani ng gobyerno ay _____________ nakakatanggap ng
kanilang bonus.
5. Hindi siya nakapasok sa paaralan _________sapagkat siya ay nagkasakit

tuwing ngayon taon-taon

kahapon araw-araw mamaya 7


III. ANO ANG NATUTUHAN?

Ngayon ay aking subukin ang iyong


nalalaman hinggil sa pagsulat ng wakas ng
kuwento.

Galing ay Subukin
Panuto: Sumulat ng wakas ng kuwento sa tulong ng mga pahayag na
nasa ibaba at gamitan ng mga pang-abay na pamanahon.

Mahirap lamang Maraming tiniis na May baon lamang


ang mag-anak hirap ang silang kanin at isda
nina Mang Aries magkapatid. tuwing tanghalian.
at Aling Lucy Madalas silang Sa gabi ay sabay
subalit masisipag walang pera kaya silang mag-aaral at
ang kanilang mga → naglalakad g um agaw a ng
anak. lamang sila sa kanilang
pagpasok. takdang-aralin.


Hanggang
nakatapos sila ng
hayskul at
nagpatuloy sila ng
← pag-aaral
hanggang sa
Kolehiyo.

Lubos akong nasisiyahan dahil naging


mabunga ang iyong pag-aaral at pagsagot
sa mga pagsasanay. Nawa ay ipagpatuloy
mo ang iyong pagsisikap!

8
SANGGUNIAN

AKLAT

Peralta,R.N.et.al (2013). Panitikang Asyano ( Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino 9 ). Pasig City:Vibal Group Inc.

Peralta,R.N.et.al (2013). Panitikang Asyano( Gabay ng Pagtuturo sa


Filipino 9 ). Pasig City:Vibal Group Inc.

INTERNET

( 2019 ). Bahagi-ng-alamat. https://pinoycollection.com/alamat/

Friedman, A. (2004,Nov 14). Island-of-the-lion-a-legend. https://


www.uexpress.com/

SUSI NG PAGWAWASTO

PANIMULANG GAWAIN: Kaalaman ay Sukatin

1. alamat
2. mapagmahal
3. wakas
4. korona
5. pamanahon

GAWAIN BILANG 1: Salita ay Tumbasan

1. huminto
2. tabing-dagat
3. humahampas
4. putong
5. mayaman

9
GAWAIN BILANG 2: Talakayin Natin

1. Ang mga tauhan sa akda ay sina Prinsepe Sri Tri Buana, mga kaibigan,
kapitan at leon.
2. Tinawag na Singapura o Lion City ang lugar dahil hango ito sa nilalang na
noon lamang nakita ng prinsepe.
3. Ang mga aral na natutuhan sa akda ay huwag maging mapagmataas
at basta tulong-tulong ay magiging matagumpay ang mga gawain.
4. Kung ako ang prinsepe ay itatapon ko rin ang aking korona upang
makaligtas sa tiyak na kamatayan hindi lamang ako kundi pati aking
mga kaibigan.
5.Ang alamat ay tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.

GAWAIN BILANG 3: Ihanay na ang mga Salita


May Pananda Walang Pananda Nagsasaad ng Dalas
noon sandali araw-araw
hanggang ngayon

GAWAIN BILANG 4: Pang-abay iyong Uriin

WP 1. kanina
ND 2. buwan-buwan
ND 3. taon-taon
MP 4. noon
WP 5. bukas

PAGYAMANIN MO PA

1. ngayon
2. araw-araw
3. tuwing
4. taon-taon
5. kahapon

10
This material was contextualized by the Department of Education
Schools Division of Bulacan
Learning Resource Management and Development Center

ESTRELITA P. SALI
Writer

ALBERTO B. CRUZ JR.


Lay-out Artist/Illustrator

FELIPA DL. SANTIAGO


School Principal III

ANASTACIA N. VICTORINO, Ed.D.


Education Program Supervisor-Filipino

AGNES R. BERNARDO, Ph.D.


ADM, Education Program Supervisor

GLENDA S. CONSTANTINO JOANNARIE C. GARCIA


Project Development Officer II Librarian II

RAINELDA M. BLANCO, Ph.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

GREGORIO C. QUINTO JR., Ed.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

ZENIA G. MOSTOLES, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

11
SINOPSIS

PULO NG MGA LEON Ang sanayang aklat na ito ay


(ALAMAT NG SINGAPORE ) naglalaman ng aralin patungkol sa
PANG-ABAY NA PAMANAHON alamat at pang-abay na pamanahon.
Pagkatapos mong mabasa ang
aralin at masagot ang mga
pagsasanay , alam kong ang lahat ng
ito ay naging malinaw na sa iyong
isipan. Inaasahan ko rin na lalong
nalinang ang iyong kakayahan sa
pagsulat ng sariling wakas ng alamat sa tulong ng mga pang-abay na
pamanahon.
Hangad ko ang iyong tagumpay at nawa ay marami kang natutuhan.

12

You might also like