You are on page 1of 14

BI N

BI A A
LI
G HAL
N A MA
PI PA DEPARTMENT OF EDUCATION
I I I NG

Schools Division of Bulacan


ND -AAR

City of Malolos, Bulacan


G
PA
HI

SI MARK AT ANG GURO


(MAIKLING KUWENTO)

MGA PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES

UNANG MARKAHAN

SELF - LEARNING KIT


FILIPINO 9
PAUNANG SALITA

Ang pangunahing isinasaalang-alang sa paglikha ng


sanayang aklat na ito na naglalaman ng mga aralin
at mga gawain ay para mapalawig ang kaalaman
ng mga mag-aaral sa Baitang 9.

Naglalaman ito ng mga aralin at mga pagsasanay


patungkol sa maikling kwento at mga pangatnig at
transitional devices.

Sa kabuuan, inaasahang ang mga mag-aaral ay


makapagsunod-sunod ng mga pangayayaring batay
sa kwentong binasa. Gayundin ay magkakaroon
nang lubos na kakayahan na gumamit ng mga
kataga at transitional devices sa pagsasalaysay ng
kwento.

ii
Paksang aralin

SI MARK AT ANG GURO (MAIKLING KWENTO)

MGA PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES

Layunin

Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga


sa maikling kwento at naisasaalang-alang ang paggamit ng mga
pangatnig at transitional devices sa pagsunod-sunod ng mga
pangyayari

Kasanayang Pagkatuto
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari (F9PU-Ia-b-41)
Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (F9WG-Ia-b-41)

I. ANO ANG NANGYARI?

Nakabasa ka na ba ng isang
maikling kwento? Tungkol saan ang iyong
nabasa?
Ngayon ay matututuhan mo ang
isang kwentong kapupulutan ng aral.
Gayundin ang mga salitang ginamit
upang pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa kuwento.
Simulan na natin!
Paunang Gawain

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Tinatawag ding maikling katha.
a. maikling kwento c. nobela
b. tula d. sanaysay

2. Tumutukoy ito sa maayos at kawing-kawing ng mga pangyayari na


kapag nakalas ay tapos na ang kwento.
a. tauhan c. banghay
b. tunggalian d. tagpuan

3. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kwento.


a. gitna c. wakas
b. simula d. tauhan

4. Ito ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay.


a. pangatnig c. panghalip
b. pang-abay d. pandiwa

5. Ang sa wakas, sa lahat ng ito at kung gayon ay halimbawa ng


_______________________.
a. pangngalan c. transitional devices
b. pang-ukol d. pang-uri

2
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Ngayon ay ating basahin at unawain ang


maikling kwentong pinamagatang “Si Mark at
Ang Guro”. Tayo na’t magsimula!

SI MARK AT ANG GURO


Tuwing papasok si Mark sa paaralan ay
katamaran, kalungkutan at pagkapuyat ang
ipinakikita niya. Galing siya sa isang
mayamang pamilya ngunit walang
mababakas na kasiyahan sa kanyang labi at
mga mata.
Unang araw ng eskwela ay napansin
agad ng gurong tagapayo na si Bb.Lyn ang batang si Mark. Dama niya
na may pinagdadaanan ang mag-aaral.
Madalas na nadadala sa guidance office si Mark. Palibhasa’y
natutulog sa klase, hindi nagpapasa ng proyekto at hindi gumagawa ng
takdang-aralin.
Sa mga paulit-ulit na gawaing ito, nawawalan na ng pag-asa
ang mga guro na magbabago pa ang estudyante. Ngunit may isang taong
hindi sumusuko, si Bb.Lyn. Humingi siya ng payo sa mga kasamahan higit lalo
sa kanilang guidance counselor.
“Hiwalay ang mga magulang ni Mark at ang kanyang lolo lamang
ang madalas niyang kasama. Naikwento rin niya na minsan lang umuwi
ang kanyang ama,” salaysay ni Gng.Ellen.
Sa lahat ng ito, naintindihan na ng guro ang sitwasyon ni Mark.
Ilang araw na kinuha ng guro ang loob ng bata. Walang uwian ang
hindi sila nagkakausap dahil sa pagtulong nito sa paglilinis ng silid-aralan
dahil madalas nahuhuli ang kanyang sundo.
Araw-araw nang pumapasok ang bata na mabango ang hininga
at malinis ang kuko sa kamay at paa. Natuto na siyang ngumiti saka
makipagkaibigan sa kanyang mga kaklase. Samantala, nagsikap na rin siya
sa pag-aaral at nagkaroon na ng laman ang kard niyang noong una’y puro
blangko.

3
Walang pagsidlan
a n g t u w a n g
naramdaman ng guro
nang mabasa niya ang
nakasulat sa papel sa
ibabaw ng kanyang
mesa.
“Ipinadama n’yo
po sa akin na ang
pagiging guro ay hindi
tungkol sa mga paksang
dapat naming tandaan o
di kaya’y pagkakaroon ng mataas na grado kundi ang pagtuturo ay
pangunahing tungkol sa pag-ibig. Salamat po sa iyong kabaitan at
pagtitiwala. Ang inyong kabutihan ang babaunin ko hanggang sa ako
naman ang nakaharap sa aking mga mag-aaral.”
Agad na tumulo ang luha ng guro sa kanyang nabasa.

Alam mo ba na…
ang iyong nabasa ang isang halimbawa ng maikling kwentong
makabanghay. Ito ay ang ayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ng isang teksto?
Elemento ng Maikling Kwento
1. Simula - Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay
sa bahaging ito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng
kwento.
2. Tunggalian - Ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kanyang kakaharapin.
3. Kasukdulan - Ang pinakamataas na pangyayari sa kwento kaya’t ito ang
pinakamaaksyon. Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang-solusyon ang
suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing
tauhan o hindi.
4. Kakalasan - Ang takbo sa bahaging ito ay bumababa upang
mabigyang daan ang wakas.
5. Wakas - Ang kinahinatnan o resolusyon ng kwento na maaaring masaya
o malungkot.

4
Muling balikan ang maikling kwentong binasa.
Pansinin ang mga salitang nakasulat nang mariin.
Ang mga salitang ito ay nakatutulong upang
maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ng kwento. Ngayon ay talakayin natin
kung paano ginagamit ang mga salitang ito.

Alam mo ba na…
ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa
pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan
nito, napagsusunud-sunod nang tama ang mga pangyayari sa isang
kwento ayon sa tamang gamit nito?
Mga halimbawa ng pangatnig:
 subalit, samantala, saka, kaya, dahil sa, datapwat
Mga halimbawa ng transitional devices:
 sa wakas, sa lahat ng ito, kung gayon

Subukin natin ang iyong


nalalaman. Sagutan ang mga
sumusunod na pagsasanay.

GAWAIN BILANG 1: Salita’y Bigyang-kahulugan!


Panuto:
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at
tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Walang mababakas na kasiyahan sa kanyang labi at mga


mata.
a. maririnig b. makikita c. maaamoy
2. Hindi na rin siya lutang sa klase.
a. tulala b. inaantok c. nagugutom
3. Walang pagsidlan ang tuwang naramdaman ng guro.
a. paglagyan b. pagkuhanan c. panggalin-
gan
5
4. Ipinadama n’yo po sa akin na ang pagiging guro ay hindi
tungkol sa mga paksang dapat naming tandaan.
a. ipinaranas b. ibinahagi c. ipinaramdam
5. Ang inyong kabutihan ang babaunin ko hanggang sa ako
naman ang nakaharap sa aking mga mag-aaral.
a. kakainin b. dadalhin c. tatandaan

GAWAIN BILANG 2: Natutunan ay Palalimin!


Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Ano ang pamagat ng maikling kwentong binasa?


2.Anong bahagi ng kwento ang iyong nagustuhan?
3.Ano ang mensaheng nais iparating ng kwento sa mga mambabasa?
4.Kung ikaw ang guro sa akda, ganoon din ba ang iyong
gagawin sa iyong mag-aaral?
5. Anong uri ng maiking kwento ang iyong binasa?

GAWAIN BILANG 3: Ikwento Mo!

Batay sa binasang kwentong pinamagatang “Si Mark at Ang Guro”, iguhit sa


kahon ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Gamit
ang 1-2 na pangungusap, ipaliwanag kung ano ang iyong iginuhit sa na kalaang
mga puwang sa ibaba ng story frame. Gumamit ng mga pangatnig at
transitional devices sa iyong talata.

6
Pagyamanin

Salungguhitan ang wastong pangatnig at transitional devices sa loob ng


panaklong upang mabuo ang bawat pangungusap.

1. Si Juan ay nag-aaral nang mabuti ( upang, subalit ) siya ay makakuha


ng mataas na marka.

2. Nais kong sumama sa inyo sa mall ( subalit, dahil ) kailangan kong tapusin

ang proyekto ko.

3. ( Sa wakas, Sa lahat ng ito) nakita ko rin si inay matapos ang ilang taong

pagtratrabaho niya sa ibang bansa.

4. Gigising ako nang maaga bukas ( samantala, para ) maumpisahan ko

agad ang labada.

5. Nagluluto ng adobong baboy si Ate Bea ( habang, ngunit ) nagsasaing si

nanay.

7
III. ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

Mahusay!

Linangin naman natin ngayon ang


iyong kakayahan sa pagguhit at pagsulat. Basahin
at unawain ang aking inihandang pagsasanay.

Pagbutihan ang iyong pagsasagot!

Gumawa ng isang komik istrip na naiiugnay ang sariling karanasan


batay sa aral ng akdang “Si Mark at Ang Guro”. Gawin ito sa loob ng mga
kahon sa ibaba.

8
SANGGUNIAN
AKLAT
Peralta, R.N.et.al (2013,p.11) Panitikang Asyano (Modyul ng
Mag-aaral sa Filipino 9). Pasig City: Vibal Group Inc.
Peralta, R.N.et.al (2013,13) Panitikang Asyano (Gabay ng
Pagtuturo sa Filipino 9). Pasig City: Vibal Group Inc.

INTERNET
Pangatnig at Transitional Devices
(2014, Hulyo 13). Retrieved from
http://prezi.com/m/uu2ngy6s7e6s/pangatnig-at-transitional-
devices/
Pangatnig at Transitional Devices
(2016, Hulyo 28). Retrieved from
http:www.slideshare.net-pepoCancino1/pangatnig-at-
transitional-devices/

SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Gawain
1. a
2. c
3. b
4. a
5. c

GAWAIN BILANG 1: Salita’y Bigyang-kahulugan!


1. b. makikita
2. a. tulala
3. a. paglagyan
4. c. ipinaramdam
5. c. tatandaan

GAWAIN BILANG 2: Natutuhan, Palalimin!


1. Ang pamagat ng maikling kwento ay “Si Mark at Ang
Guro”.
2. Ang nagustuhan kong bahagi ng kwento ay ang
pagbabasa ng guro ng sulat ni Mark dahil dito ipinakita
kung gaano pinahalagahan ng bata ang ginawang
kabutihan ng guro sa kanya.

9
3. Nais iparating ng manunulat na dapat magkaroon ng
maha bang pasensiya at pang-unawa ang mga guro sa
kanilang mag-aaral dahil minsan ay mayroon lamang p a g s u b o k
na pinagdaraanan ang mga ito. Gayundin bilang isang
mag- aaral, dapat ay ipakita sa mga guro ang paggalang at
pagpapahalaga sa kanila.
4. Opo, ganoon din ang aking gagawin dahil ang
pagtuturo ay hindi lamang pagbibigay ng kaalaman sa mga
bata bagkus ito ay isang daan upang iparamdam sa kanila a n g
pagmamahal.
5. Ang akdang aking binasa ay isang maikling kwentong
makabanghay.

GAWAIN BILANG 3: Isalaysay Mo!


*Ang guro ang magbibigay patnubay sa pagwawasto ng
gawain.

Pagyamanin

1. upang
2. subalit
3. sa wakas
4. para
5. habang

III. ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

*Ang guro ang magbibigay patnubay sa pagwawasto ng


gawain.

10
This material was contextualized by the Department of Education
Schools Division of Bulacan
Learning Resource Management and Development Center

JENIELYN SA. AQUINO


Writer
ALBERTO B. CRUZ JR.
Lay-out Artist/Illustrator

FELIPA DL. SANTIAGO


School Principal III
ANASTACIA N. VICTORINO, Ed.D.
Education Program Supervisor-Filipino
AGNES R. BERNARDO, Ph.D.
ADM, Education Program Supervisor

GLENDA S. CONSTANTINO JOANNARIE C. GARCIA


Project Development Officer II Librarian II

RAINELDA M. BLANCO, Ph.D.


LRMDS, Education Program Supervisor
GREGORIO C. QUINTO JR., Ed.D.
Chief, Curriculum Implementation Division
ZENIA G. MOSTOLES, Ed.D., CESO V
Schools Division Superintendent

11
SINOPSIS

Ang sanayang aklat na ito ay naglalaman ng aralin patungkol sa


maikling kwento at mga salitang pang-ugnay na pangatnig at transitional
devices.
Pagkatapos pag-aralan ang mga paksa at sagutan ang mga
gawain at pagsasanay, alam kong malinaw na ang lahat sa iyong isipan.
Nawa ay nalinang ay iyong kaalaman at kakayahan sa paggamit ng
mga salitang pang-ugnay sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari ng
isang kwento. Gayundin ang mga elementong nakapaloob sa isang
maikling kwento.
Hangad ko ang iyong pagkatuto at nawa’y galak ang iyong
naramdaman sa ating mga pinag-aralan.

12

You might also like