Professional Documents
Culture Documents
LAYUNIN
a. Nabibigyan-katangian ang mga tauhan batay sa napakinggan paraan
ng kanilang pananalita
b. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili,
lipunan, at daigdig
c. Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa
akda
d. Naipaliliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan
e. .Nawawakasan nang pasulat ang maikling kwento sa pamamagitan ng
pagbubuod o pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon
f. Nabibigyang-katangian ang piling tauhan sa maikling kuwento gamit
ang kaantasan ng pang uri
g. H.Nakikipanayam sa mga taong may malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa paksa
A. PANIMULANG GAWAIN
* PANALANGIN
* Pagbati ng guro sa mga mag aral ng isang “Magandang araw”
* Pagtala ng liban
* Pagbalik aral
B. PAGGANYAK
C. PAGLINANG NA GAWAIN
a. Paglalahad
Pagkatapos magbigay ng guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang
mga mag aaral tungkol sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng maikling
kwento.
Pagkatapos marining ng guro ang ilan sa mga kasagutan ibinigay na niya
ang tunay na kahulugan nito.
Maikling kwento- ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na
may layuning magsalaysay ng mga pangyayari at mag iwan ng
kakintalan. Sinasabing ito ay bunga ng malawak na imahinasyon na
maaaring hinango sa isang tunay na pangyayari. Ito ay nagtataglay ng
isang pangunahing tauhan na may suliranin, may tagpuan at banghay.
b. Pagtalakay
Mga Uri ng maikling kwento
1. Kuwentong ng tauhan
- inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag unawa sa kanila ng
isang mambabasa
2. Kuwentong katutubong kulay
- binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay ,at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Kuwentong sikolohiko
- ipidarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang
isulat sapagkat may nkahirapan ang paglalarawan ng kaisipan
4. Kuwento ng katatakutan
- ito ay mga pangyayaring kasindak sindak
5. Kuwentong bayan
- nilalahad ang mga kuwentong pinag uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan
6. Kuwentong ng kababalaghan
- pinag uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
7. Madulang pangyayari
-binibigyang diin ang kapanapanabik at mahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
8. Kuwentong pakikipagsapalarang
- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
9. Kuwento ng katatawanan
-nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
10. Kuwentong ng pag-ibig
- tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
Kaantasan ng Pang-uri
May i’bat ibang kaantasan ng pang-uri. Tinatawag itong lantay,
pahambing , at pasukdol.
1. LANTAY - tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panhalip
na tinuturingan karaniwan itong ginagamit ng panghalip ma-.
Halimbawa:
• Mabait na bata ang pangunahing tauhan ng siya’y walong taong
gulang
• Ang ama ang bata ay matipid
• Masakit ang kalooban ng anak sa ginawang pagtitipid sa kaniya ng ama
Halimbawa:
• Magkasinsipag ang ama at ang anak
• Kamukha niya ang kaniyang ina.
• Kasingtangkad ng ama ang kaniyang anak.
c. Paglalahat
Matapos matalakay ng guro ang mga i’bat ibang kaantasan ng pang-
uri at mga uri ng maikling kwento, kanya ito irerebyu muli upang
malaman o naiintindihan na ba ang mag aaral ito.
d. Paglalapat
Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng ilang
gawain. Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng
guro sa mga mag aaral:
IV. PAGTATAYA
Matapos makapagbigay ng guro ng unang gawain sa mga mag aaral.
Sumunod naman ay magbibigay ang guro ng isang maikling pagsusulit
upang ganap na masubukan ng guro ang kaalaman nga mga mag aaral sa
mga kaantas ng panaguri
Ang mga sumusunod ay mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag
aaral .
V. TAKDANG ARALIN
Sa isang malinis na papel gumawa ng maikling kwento.
ANSWER KEY
Pahambing 1. Si Ken ay mas gwapo kay bamba.
Pahambing 2. Si na Yuri at Torry ay magkasing taas na.
Lantay___ 3. Ang pangkat ni Ramon ay mabilis sa pagtakbo.
Lantay___ 4. Maganda ang mga tanawin na makikita sa Baguio.
Pasukdol 5. Ubod ng linis ang bahay