You are on page 1of 33

Republic of the Philippines

Department of Education
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
7
PAKSA:
-Paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa motibo ng may-
akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda
-Pagbibigay kahulugan at katangian ng Korido
C
Magandang araw mga mag-aaral. Sa araling ito, matututuhan mong maglahad ng
iyong sariling pananaw tungkol sa motibo ng may-akda sa bisa ng binasang akda.
Matututunan niyo rin ang kahulugan at katangian ng isang Korido. Makalilikha ka nang
iyong sariling pananaw tungkol sa mga sumusunod na tatalakaying akda. Inaasahan ding
kaya mo nang maisagawa ang mga gawaing inihanda ukol sa motibo ng may akda sa
binasang akda at kahulugan at katangian ng isang korido.
.
Layunin

1.Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng


binasang bahagi ng akda. (F7PB-IVa-b-20)
2. Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng
kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninidigan sa
paksa.
A. asal o pag-uugali
B. damdamin
C. layunin
D. tono o Intonasyon
2. Naghihikayat ng mga mambabasa na pumanig sa opinion o paninindigan niya.
Tinutukoy dito ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyunan ng may-
akda.
A. asal o pag-uugali
B. damdamin
C. layunin
D. emosyon
3. Maaring madama muna ng may-akda ang pagpapahalaga bago husgahan ang mga ito.
A. asal o pag-uugali
B. damdamin
C. layunin
D. emosyon
4. Sa pamamagitan nito natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at pananaw ng
manunulat.
A. pagguhit
B. pag-awit
C. pagbabasa
D. pagsusulat
5. Ito ay nababakas sa isang manunulat kapag naglalahad
A. saloobin at karanasan
B. talent at karanasan
C. nilalaman at karanasan
D. paksa at layunin

Paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa motibo ng


Aralin
may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda
1 Pagbibigay kahulugan at katangian ng Korido

Magandang araw!

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makapaglalahad ng iyong sariling


pananaw tungkol sa motibo ng may-akda sa bisa ng binasang akda. Matututunan
mo din ang tungkol sa kahulugan ng korido at mga katangian nito.

Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

2
Gawain I.
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag batay sa binasang Talambuhay ni
Jessie Robredo at Mali kung hindi.

____________1. Si Jessie Robredo ay purong Pilipino kaya’t hindi kataka-takang mahalin


niya nang lubos ang mga Pilipino.
____________2. Siya ay nakapagtrabaho sa San Miguel Corporation at Nestle
Philippines.
____________3. Tatlong termino siyang nanungkulan sa Naga at nag-iwan ito nang
malaking marka sa lungsod.
____________4. Namatay na mayaman at maraming ari-arian si Robredo dahil sa dami
ng posisyong kanyang hinawakan.
____________5. Nasawi siya dahil sa pagbagsak ng eroplano na nagging dahilan ng
pagluluksa ng maraming Pilipino.

Basahin at suriin ang isang uri ng korido

Kamandag ng Mahika (korido)

Sa malayong kaharian
Kung tawagin ay Tabagwan
Lahat ng mga mamamayan
May kapangyarihang taglay

Nababalot yaong pook


Ng mahika sanmang sulok
Katataga’y nasusubok
Ng mga tangkang pag-aamok

Sa gitna ng engkantada
Ang prinsesa’y nakatira
Solong anak ng monarka
Na nagngangalang Aryana

Sanggunian: Reina A. (2016). Kamandag ng Mahika (Korido) 8 pantig/taludtod. Retrieved 27 February 2022,
http://reinaantonette.blogspot.com/2016/01/kamandag-ng-mahika-korido-8.html

Gawain II: Tanong Ko, Sagutin Mo!


Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang binasa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan kadalasang nagsisimula ang isang korido?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Sino ang inilalarawang tauhan sa binasa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3
4. Paano inilahad ng may-akda ang korido?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. Ano ang pananaw ng may-akda batay sa binasa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Upang mas maunawaan at maging maayos ang iyong paglalahad ng sariling


pananaw tungkol sa bisa ng binasang bahagi ng akda at ang kahulugan at katangin ng
korido basahin at suriin ang isang artikulo tungkol sa kaligirang kasaysayan ng Ibong
Adarna.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga dammdamin, tono, layunin


at pananaw ng manunulat sa teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang
saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa
pamamagitan ng mga salitang ginamit sa teksto.
 Damdamin(emotion)- tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa
teksto.
 Tono(tone)- tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa isang paksa.
 Layunin(objective)- tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang
may-akda sa kanyang mambabasa.
 Pananaw (point of view)- tumutukoy sa maluwag na pagtuturing o
masasabing ito ay pagtalakay sa isang bahagi ng akda.
Narito ang ilang halimbawa ng mga pahayag sa pagbibigay ng
sariling pananaw
 Ang masasabi ko….
 Ang pagkakaalam ko ay…
 Ang paniniwala ko ay….
 Ayon sa nabasa ko. ….
 Hindi ako sumasang-ayon dahil….
 Kung ako ang tatanugin….
 Maari po bang magbigay ng aking mungkahi?

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat
na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag.
Mga Katangian ng Korido
1. Mabilis ang pagbigkas ng korido.
2. Ang korido ay may walong pantig.
3. Ang korido ay ikinawiwili ng mga mambabasa at ang kwento o kasaysayang nakapaloob
dito.

4
Gawain III
Panuto: Basahin ang tekstong nasa loob ng kahon at itala sa ibaba ang mga mga
pananaw tungkol sa motibo ng may-akda sa binasa.

Ang “Ibong Adarna” ay isang banyagang panitikan na dinala rito sa ating bansa at
tinanggap ng sambayanang Pilipino. Ito ay isang tulang romansa na nagsasalaysay ng
pakikipagsapalaran, mga pagsubok, paniniwala, at pamamahala sa kaharian. Binibigkas
ito nang paawit bagamat patula ang pagkakasulat. Binubuo ito ng tig-apat na taludtod at
bawat taludtod ay may tigwalong pantig.
Mainam na mabasa ito ng lahat ng mag-aaral lalo na ang mga nasa ikapitong
baitang. Ipinakikita rito na ang isang tao kapag may pananampalataya sa Diyos, tiyak na
hindi ka pababayaan. Nais ding ipabatid sa mga mag-aaral na ang isang gawaing
masama ay hindi dapat pamarisan. Masasalamin din dito ang pagpapahalaga sa
kapakanan ng pamilya, pagmamahal at pagmamalasakit ng mga anak sa magulang at ng
mga magulang sa kanilang anak, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa mga
nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at
dangal ng kababaihan, pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga
pagsubok ng buhay at marami pang iba.
Kapanapanabik basahin ang koridong “Ibong Adarna” sapagakat tunay namang
nakakikiliti ang pakikipagsapalarang maromansa ng mga prinsipe at ng mga prinsesa.
Bagama’t may ilang eksena na hindi kapani-paniwala at punung-puno ng kababalaghan,
ito ay dahil sa layuning aliwin ang mambabasa.

1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________

Panuto: Punan ng wastong sagot ang tsart.

Pahayag na ginagamit
sa pagbibigay ng
sariling pananaw at
gamitin ito sa
pangungusap

5
Katangian ng korido

Panuto:Batay sa mga sumusunod na paksa, isulat ang inyong sariling pananaw


batay dito.

1. Distance Learning ngayong pandemya


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Eleksyon 2022
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Bakuna para sa lahat
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Face to Face Classes para sa mga kolehiyo
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Hindi pagsusuot ng faceshield sa mga open places
________________________________________________________________
_________________________________________________________________

6
Panuto: Suriin ang tula batay sa pananaw ng bisa ng may-akda batay sa
sumusunod.
Sulyap

Sulyapinoy ay dumating sa bansa ng Korea


Dala ay kasiyahan sa puso ng bawat isa
Kababaang-loob at panalangin ang ginamit na sandata
Kaya malayo ang narrating babasahing sinisinta.

Umaapaw ang ligaya sa puso ninuman


Tuwing ito’y makikita mababasa’t mamamasdan
Kawangis ay magandang bulaklak sa parang
Sa pusong nalulungkot nagdudulot ng kasiyahan.

Patuloy man na malagas mga dahon ng panahon


Tag-init man o taglamig taglagas man o tagsibol
Sa bendisyon pagpapala at gabay ng Panginoon
Kaylanman di mawawala nangungunang Sulyapinoy.

 Damdamin __________________________________________________
 Tono _______________________________________________________
 Layunin _____________________________________________________
 Pananaw ____________________________________________________

Panuto: Lumikha ng isang tulang korido na may walong pantig bawat saknong na
tumatalakay sa Paksang: Sistema ng Edukasyon ngayong Pandemya, Epektibo ba?

________________________________
(Pamagat ng korido)
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7
Rubriks sa Pagmamarka:
NILALAMAN LINIS NG GAWA KABUUAN
70% 30% 100%
Naglalaman ng isang mapanuring Maayos ang Magkaroon ng
pagpapakahulugan ng kahalagahan ng pagkakasulat at kawili-wiling
isang napapanahong pangyayari upang nababasa ng malinaw panimula
magbigay –kaalaman at kapani- ang editorial.
paniwala Malinaw at
Iwasan ang magbura. maayos ang
Mahikayat ang mga mambabasa na pagkakalahad ng
pumanig sa isang pananaw o Panatilihing maayos at bawat detalye
paniniwala o makumbinsi ang mga walang gusot ang
nagbabasa sa mensaheng nais ginamit na papel.
iparating ng patnugot.

May walong pantig bawat saknong

Gumamit ng mga matatalinhagang


pananalita

SUBUKIN BALIKAN
6. B 1. TAMA
7. C 2. TAMA
8. D 3. TAMA
9. C 4. MALI
10. A 5. TAMA

AKLAT
o PINAGYAMANG PLUMA 7 Ikalawang Edisyon, Alma M. Dayag et. al. Pahina
205-206
o https://www.slideshare.net/mobile/ajbs/editorial-writing-15120927
LARAWAN
o https://m.youtube.com/watch?v=n7Yze1-YSDU
o www.philstar.com

Inihanda ni:
Jackielou A. Mosqueda
CAA National High School- Annex

8
PAKSA:
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2 7
C
Pagbabahagi ng Sariling Ideya Tungkol sa Kahalagahan
ng Pag-aaral ng Ibong Adarna
Pagsulat nang Sistematiko sa mga Nasaliksik na
Impormasyon Kaugnay ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang makapagbahagi ka ng sarili mong


ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna. Bibigyan ka rin ng ilang
impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasasayan ng Ibong Adarna na makadaragdag
sa mga sasaliksikin mo pa. Matapos mong mangalap ng mga impormasyon ay isusulat
mo naman ito nang sistematiko.

Layunin
1. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna (F7PSIVa-b-18)
2. Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna (F7PU-Iva-b-18)

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng iyong sagot.
1. Saan nagmula ang naunang salaysay-bayan kabilang ang korido na Ibong Adarna
na dinala dito sa ating bansa?
A. Espanya C. Europa
B. Mexico D. Indonesia
2. Nagmula ang salitang korido sa “corido” ng Mexico na galing sa Espanya na
“occurido” na ang ibig sabihin ay …
A. nangyari C. kwento
B. salaysay D. tula
3. Sino ang nagsaayos ng pagkakasulat ng kabuoan ng akda particular ang mga
sukat at tugma ng bawat saknong noong 1949?
A. Pura Santillan-Castrence C. Marcelo P. Garcia
B. Miguel Lopez de Legaspi D. Francisco Balagtas
4. Bakit sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop sa kalinangan at kultura ng mga
Pilipino ang akdang Ibong Adarna?
A. Masasalamin ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino.
B. Masasalamin ang natatanging pagpapahalaga ng mga Pilipino.
C. Masasalamin ang natatanging pananampalataya ng mga Pilipino.

9
D. Masasalamin ang natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino.
5. Bakit mahalagang pag-aralan ang koridong Ibong Adarna?
A. Dahil ito ay puno ng kababalaghan.
B. Dahil ito ay puno ng pakikipagsapalaran.
C. Dahil ito ay puno ng pagmamahal.
D. Dahil ito ay puno ng aral.
6. Isa sa napakahalagang aral ng obrang Ibong Adarna ay ang …
A. paniniwala sa sarili C. paniniwala sa kapwa
B. pananampalataya sa Diyos D. pananampalataya sa anito
7. Itinuturo din ng Ibong Adarna na ang …
A. gawaing masama ay hindi dapat pamarisan
B. gawaing masama ay dapat pamarisan
C. gawaing masama ay napaparusahan
D. gawaing masama ay hindi pinatatawad
8. Masasalamin din sa Ibong Adarna ang…
A. pagpapahalaga sa iniibig C. pagpapahalaga sa pamilya
B. pagpapahalaga sa magulang D. pagpapahalaga sa kapatid

-Pagbabahagi ng Sariling Ideya Tungkol sa Kahalagahan ng Pag-


Aralin aaral ng Ibong Adarna
2 Pagsulat nang Sistematiko sa mga Nasaliksik na Impormasyon
Kaugnay ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Isang makasaysayang araw sa iyo!


Makasaysayang pagtatalakay ang hatid ng aralin natin ngayon, pero bago ang
kasaysayan. Dapat mo ring malaman ang saysay o halaga ng pag-aaral ng akda natin,
ang Ibong Adarna. Handa ka na bang lumipad at lakbayin ang kasaysayan ng Ibong
Adarna?
Halina’t maglakbay at iyo ding alamin ang dahilan kung bakit dapat itong pag-
aralan!

Gawain 1.
Panuto: Ibigay ang pakay o motibo ng may akda batay sa nilalaman ng bahagi ng akda
sa bawat bilang. Piliin ang letra ang letra ng tamang sagot sa ibaba.

A. Humihingi ng patnubay sa ina upang mabuhay na laging nasa tamang landas.


B. Hinihiling sa mga mambabasa na dinggin ang mga aral sa buhay na nilalaman ng
akda.
C. Sinasabi na siya’y isang tao lamang na may kahinaan.
D. Nagsasad ng takot na kung mabuhay na mag-isa ay baka hindi niya makaya.

1.“Akoy isang hamak lamang 2. Kaya, Inang matangkakal 3. At sa tanang nariritong


taong lupa ang katawan, ako’y iyong pantubayan, nalilimping maginoo
mahina ang kaisipan nang mawasto sa pagbanghay kahilinga’y dinggin ninyo
at maulap ang pananaw. nitong kakathaing buhay. buhay na aawitin ko.

10
Gawain 2.
Panuto: Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng mga pahayag hinggil sa
katangian ng Ibong Adarna. Isulat sa bawat bilang ang W kung wasto ang
pahayag at DW kung hindi wasto.

______ 1. Ang Ibong Adarna ay halimbawa ng isang korido.


______ 2. Ang bilang ng pantig ng taludturan nito ay binubuo ng
labindalawang pantig.
______ 3. Ang himig ng akdang ito ay mabilis na tinatawag na allegro.
______ 4. Ang karaniwang paksa ng korido ay tungkol sa pananampalataya,
alamat, at kababalaghan.
______ 5. Ang mga tauhan ng korido ay hindi nagtataglay ng kapangyarihang
supernatural.

Basahin at unawain ang mga teksto sa ibaba at tuklasin mo ang kahalagahan ng pag-
aaral ng Ibong Adarna at alamin ang ilang impormasyon tungkol sa Kaligirang
Pangkasaysayan nito.

Ang “Ibong Adarna” ay isang banyagang panitikan na dinala rito sa ating


bansa at tinanggap ng sambayanang Pilipino. Ito ay isang tulang romansa na
nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran, mga pagsubok, paniniwala, at pamamahala sa
kaharian. Binibigkas ito nang paawit bagamat patula ang pagkakasulat. Binubuo ito ng
tig-apat na taludtod at bawat taludtod ay may tig- walong pantig.
Mainam na mabasa ito ng lahat ng mag-aaral lalo na ang mga nasa ikapitong
baitang. Ipinakikita rito na ang isang tao kapag may pananampalataya sa Diyos, tiyak
na hindi ka pababayaan. Nais ding ipabatid sa mga mag-aaral na ang isang gawaing
masama ay hindi dapat pamarisan. Masasalamin din dito ang pagpapahalaga sa
kapakanan ng pamilya, pagmamahal at pagmamalasakit ng mga anak sa magulang at
ng mga magulang sa kanilang anak, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa
mga nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri
at dangal ng kababaihan, pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga
pagsubok ng buhay at marami pang iba.
Kapanapanabik basahin ang koridong “Ibong Adarna” sapagakat tunay
namang nakakikiliti ang pakikipagsapalarang maromansa ng mga prinsipe at ng mga
prinsesa. Bagamat may ilang eksena na hindi kapani-paniwala at punung-puno ng
kababalaghan, ito ay dahil sa layuning aliwin ang mambabasa.

11
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang


sumulat ng koridong Ibong Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa
dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango lamang sa
kwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark,
Austria, Alemanya, at Finland. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming kritiko ang
nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maitututring na bahagi ng
panitikang Pilipino sa dahilang hiram lamang sa ibang bansa ang kasaysayan nito.
Kung uugatin ang kasaysayan, ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong
panahong Medieval o Middle Ages. Tinatayang noong 1610, mula sa bansang
Mexico, ito ay nakarating sa Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga
Espanyol upang mahimok ang mga katutubo na yakapin ang relihiyong
Katolisismo. Nagmula ang salitang korido sa “corido” ng Mexico na galing sa
Espanya na “occurido” na ang ibig sabihin ay “nangyari.”
Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito,
sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng
mga Pilipino ang nilalaman nito. Bukod sa mga gintong aral na makukuha sa akda,
ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol sapagkat ito ay nagdulot din noon ng kasiyahan o kaaliwan sa kanila. Sa
katunayan ang akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas
sapagkat ang mahihirap na Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit dahil sa kahirapang
kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang
nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood
ang akdang ito at mailagay ang kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan
na siyang pangunahing tauhan sa akda.
Nagsimulang sumikat ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito’y isalin sa
katutubong wika at ilimbag ito. Ipinagbili ang mga kopya nito sa mga perya. Ngunit
marami noon ang di marunong bumasa kaya’t iilan lamang ang mga kopyang
napalimbag. Dumami ang nakaalam sa kweto ng Ibong Adarna nang itinanghal na
ito sa mga entablado.
Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siyang pinag-aaralan sa
mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.

12
Narito ang mga Hakbang sa Pananaliksik.

1. Alamin o Piliin ang Paksa - Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin


siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga
materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng Layunin - Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit
nais isagawa ang pananaliksik.
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi - Ang bibliyograpi ay talaan
ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko,
magasin, at iba pang nalathalang material. Maaari ring gamitin ang Internet.
Maging maingat lamang at suriing mabuti ang talang makukuha sa Internet
sapagkat maraming impormasyong mula rito ang kaduda-duda o walang
katotohanan.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas - Makatutulong ito para sa mas
mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing
patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
5. Pangangalap-Tala o Note Taking - Sa paghahanap ng tala ay
iminumungkahing gumamit ng index card. Hatiin sa 3 ang mga talang nakuha:
Lagom: isulat ang tala sa sariling salita nang walang kahulugan o
impormasyong nawawala
Tuwirang sipi: kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon sa panipi
Hawig: malayang ipahayag ang tala sa pagbibigay-paliwanag sa sinabi sa
orihinal
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline - Sa bahaging ito,
planuhin at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin.
7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft - Tuloy-tuloy na isulat ang mga
kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin ang mga maling
pangungusap.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador - Sa bahaging ito ay bigyang-pansin
ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas at wastong
gamit ng mga salita.
9. Pagsulat nang Pinal na Pananaliksik - Isulat na ang pinal na pananaliksik
batay sa pormat na ibinigay ng guro.

Sa pagsulat nang sistematiko ng mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng


kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna dapat isaalang-alang ang sumusunod:
1. Una, lumikha ng panimula na makatatawag ng pansin sa mambabasa.
2. Ikalawa, talakayin sa katawan ng ang nakuhang impormasyon sa ginawang
pananaliksik.
3. Ikatlo, magbigay ng kongklusyon sa nakitang resulta ng pananaliksik o kaya’y
pangwakas na pananalita.

13
Gawain 3:
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng Ibong Adarna pamamagitan ng pagsulat ng A - E.

1. _______ Nagsimulang sumikat ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito’y isalin sa
katutubong wika at ilimbag ito.
2. _______ Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siyang pinag-aaralan sa
mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.
3. _______ Mula sa Mexico, nakaabot sa Pilipinas ang koridong Ibong Adarna.
4. _______ Nagmula ang salitang korido sa “corido” ng Mexico na galling sa Espanya na
“occurido” na ang ibig sabihin ay “nangyari.”
5. _______ Ang kasaysayan ng akdang ito ay hinango lamang sa kwentong-bayan mula
sa mga bansa sa Europa.

Gawain 4:
Panuto: Magbahagi ng sarili mong ideya sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
Gamiting gabay ang tsart sa ibaba.

Mga kaisipan nakapaloob Bilang bahagi ng panitikang Layunin ng akda


Pilipino

Gawain 5:
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang iyong natutunan at nalaman sa araw na ito.
Gamitin ang mga pahayag na nakatala sa ibaba.
 na ibig sabihin ay nangyari
 hindi sarling atin
 korido na mula sa salitang
 kalinanagan at kultura ng mga Pilipino
 punong-puno ng mga aral

Mahalagang pag-aralan ang akdang Ibong Adarna dahil 1. _______________


_______________ na aking maisasabuhay. Nalaman ko rin na ang akdang ito ay isang 2.
__________________________ “occurido” 3. ___________________________.
Ang koridong Ibong Adarna ay 4. ____________________________ dahil ito ay
halaw o mula sa ibang bansa, subalit naging bahagi ng panitikang Pilipino dahil sa
umaangkop naman ito sa 5. __________________________________.

14
Gawain 6:
Panuto: Isulat nang sistematiko ang mga impormasyong nakuha sa tekstong binasa.
Sagutin ang sumusunod na tanong. Pagkatapos ay isulat ang iyong sagot sa
ayos na patalata sa inilaang mga guhit sa ibaba. (Maaari ding magsaliksik
upang masagot ang mga tanong.)

1. Saan nagmula ang Ibong Adarna?


2. Paano nakarating sa Pilipinas ang Ibong Adarna?
3. Bakit maituturing na kwentong bayan ang Ibong Adarna?
4. Paano nagsimulang sumikat ang ibong Adarna?
5. Paano dumami ang nakaalam sa kwento ng Ibong Adarna?
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________.

Panuto 1: Sumulat ng isang talata na nagbabahagi ng iyong ideya kung bakit


mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna sa kasalukuyang panahon.

Isaalang -alang ang sumusunod sa iyong pagsulat:

1. Sarili mong ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa


kasalukuyan.
2. Ang isusulat mong talata ay binubuo ng limampu hanggang isang daang (50-100)
salita.
3. Isulat nang maayos at malinis.

Rubriks
Mga Pamantyan 5 4 3 2 1
Nailahad ang sariling ideya
Binubuo ng limampung hanggang isang daang salita
Maayos, malinis at mahusay ang pagkasulat
Kabuoang Puntos
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Kailangan
4- Mahusay 2- Sinubukan pa ng Kasanayan

Panuto 2: Isulat nang sistematiko ang mga impormasyon kaugnay ng kaligirang


pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Buuin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng
talata. Ayusin nang tamang sunud-sunod ang mga impormasyon sa ibaba.

15
 Tinatayang noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa
Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol upang
mahimok ang mga katutubo na yakapin ang relihiyong Katolisismo.
 Noong 1949 ay isinaayos ni Marcelo P. Garcia ang iba’t ibang sipi ng Ibong
Adarna sa karaniwang kaanyuan at ito ang pinag-aaralan sa mga paaralan.
 Ang akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas ng mga
Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
 Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat
ng koridong Ibong Adarna.
 Dumami ang nakaalam sa kwento ng Ibong Adarna nang itinanghal na ito
sa mga entablado tulad ng komedya.
 Ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango
lamang sa kwentong-bayan mula sa mga bansang Europa, ayon kay Pura
Santillan Castrence.

Rubriks
Mga Pamantyan 5 4 3 2 1
Naisulat nang sistematiko ang mga impormasyon
Kumpleto ang mga impormasyong nakalahad
Maayos, malinis at mahusay ang pagkasulat
Kabuoang Puntos
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Kailangan
4- Mahusay 2- Sinubukan pa ng Kasanayan

Gawain 7:
Panuto: Maliban sa mga nabasa mo na sa araling ito, magsaliksik pa ng iba pang
impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang
nasaliksik sa sistematikong paraan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba para
maging gabay sa isusulat mo.

 Sa anong panahon unang lumaganap ang koridong Ibong Adarna


 Sino ang manunulat nito o saan ito sinasabing nagmula?
 Ano-anong bansa ang nakaimpluwensya sa nilalaman, paksa, at
estilo ng pagkakasulat ng korido?
 Ano-ano pang mahahalagang impormasyon ang nalaman mo
tungkol sa Ibong Adarna?

TAYAHIN NATIN
Panuto 2:
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong
Adarna. Ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango lamang sa kwentong-
bayan mula sa mga bansang Europa, ayon kay Pura Santillan-Castrence. Tinatayang noong 1610, mula
sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol
upang mahimok ang mga katutubo na yakapin ang relihiyong Katolisismo. Ang akdang Ibong Adarna ay
itinuturing na panitikang pantakas ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Dumami ang nakaalam sa kwento ng Ibong Adarna nang itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng
komedya. Noong 1949 ay isinaayos ni Marcelo P. Garcia ang iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna sa
karaniwang kaanyuan at ito ang pinag-aaralan sa mga paaralan.

16
BALIKAN
Gawain 1 ISAISIP SUBUKIN
1. C Gawain 5 1. B
2. A 1.punong-puno ng mga aral 2. A
3. B 2. korido na mula sa salitang 3. C
Gawain 2 3. na ibig sabihin ay nangyari 4. D
1. W 4. hindi sarling atin 5. D
2. DW 5. kalinangan at kultura ng 6. B
3. W mga Pilipino 7. A
4. W 8. C
5. DW ISAGAWA
SURIIN Gawain 6
Gawain 3 (posibleng sagot)
Nagmula ang Ibong
1. D Adarna sa Mexico. Dinala ng
2. E mga Espanyol dito sa Pilipinas.
TAYAHIN NATIN
3. B Ang Ibong Adarna ay maituturing
4. C na kwentong-bayan sapagkat Panuto 1:
5. A hindi matukoy kung sino talaga Sariling Ideya
PAGYAMANIN ang sumulat nito. Nagsimulang
Gawain 4 sumikat ang Ibong Adarna nang KARAGDANG
(Malayang ito ay isalin sa katutubong wika at GAWAIN
sagot) ilimbag. Dumami ang nakaalam Gawain 6:
sa kwento ng Ibong Adarna nang Malayang sagot
itinanghal na ito sa mga
entablado.

AKLAT
Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailen G., Lontoc, Nestor S., Esguerra, Carmela H.,
Pinagyamang Pluma 7 (K to 12). Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing
House, Inc., 2015

Guimarie, Aida M., Kalinangan 7 Binagong Edisyon, Workteks sa Filipino (Wika at


Panitikan) para sa Hayskul. Manila, Philippines, Rex Book Store, Inc.,2015

Agnes, Wilma D., Ruiz, Florian L., Tiongson, Pat C. Bilasano, Jose B., Marasigan,
Estrelita M., Ang Batikan 1. Quezon City, Philippines, Educational Resources
Corporation, 2011

Inihanda:
Gng. Ronalyn V. Orola
CAA National High School – Annex

17
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
7
PAKSA: Pagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning
narinig mula sa akda. F7PN-IVc-d-19
C
Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsisimula ng kwento ng akdang pampanitikang
Ibong Adarna kung saan ang mga pangunahing tauhan ay isa-isang pinakilala. Sa
pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang malinang ang iyong kasanayan sa
pagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliranin na maaari mong magamit
sa tunay na buhay.

Layunin
1. Nakapagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula
sa akda (F7PN-IVc-d-19)

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang solusyon mula sa mga suliranin na nasa hanay A. Piliin
ang letra ng tamang sagot.

SULIRANIN SOLUSYON
_____ 1. Karamdaman ng ama Umiwas
_____ 2. Kabiguan ng kapatid Pagalitan
_____ 3. Pangangailangan ng kapwa Tumulong
_____ 4. Pag-aalinlangan Makinig sa payo ng iba
_____ 5. Kawalang pag-asa Manalangin
_____ 6. Pagkainggit Maging masaya sa tagumpay ng iba
_____ 7. Pagiging makasarili Gayahin
_____ 8. Takot Wag magpadala
_____ 9. Paghihiganti sa kapwa Patulan
_____ 10. Kahinaan ng loob Magtiwalang muli

18
Aralin Pagmumungkahi ng mga angkop na
solusyon sa mga suliraning narinig mula
3
sa akda.

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makapagmumungkahi ng mga angkop
na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

GAWAIN 1
Panuto: Piliin sa kahon ang waastong sagot upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap.
1. Kung uugatin ang kasaysayan, ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong
panahong ____________.
2. Sa kasalukuyan, ang_________ tinuturing na panitikang pantakas.
3. Ang ibong adarna ay itinatanghal sa mga entablado tulad ng komedya o ________.
4. Mula sa bansang _________ ito ay nakarating sa Pilipinas na ginawang instrument ng
mga Espanyol upang mahimok ang mga Pilipino na yakapin ang relihiyong
5._________.
A. Katolisismo
B. Mexico
C. Moro-moro
D. Medieval o middle age
E. Ibong Adarna

Sa bahaging ito ng Ibong Adarna makikilala ang mga tauhan ng korido, partikular ang
mga kasapi sa pamilya ni Haring Fernando na binubuo ng hari, ni Reyna Valeriana, at ng
kanilang tatlong prinsipe: sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.

19
Pagpapakilal sa Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
Maligaya at masaganang namumuhay ang kaharian ng Berbanya sa pamumuno ng
butihing hari at reyna, subalit ang tahimik at maayos na pamumuhay ng lahat ay
nagambala nang magkaroon ng misteryosong karamdaman ang hari na tanging ang awit
ng Ibong Adarna lamang ang makagagamot.
Nagdesisyon ang tatlong prinsipeng hanapin ang lunas sa sakit ng kanilang ama.
Unang nakipagsapalaran ang panganay na si Don Pedro subalit nabigo siya. Siya ay
napatakan ng dumi ng Ibon na naging dahilan kung bakit siya ay naging bato. Sumunod
ang pangalawang anak na si Don Diego subalit tulad ng panganay na kapatid ay nabigo rin
siya. Ang mga sinapit ni Don Pedro ay kanya ring naranasan. Nang hindi nakabalik ang
nakatatandang kapatid ay sumunod na sumubok ang bunsong si Don Juan. Di tulad ng
dalawang kapatid, si Don Juan ay nanalangin muna. Tumulong at nagbigay siya ng
natitirang nag-iisa niyang tinapay sa nagugutom na matandang ketonging nasalubong sa
kanyang paglalakbay. Ang misteryosong matanda ang nagbigay-payo sa kanya upang
makaiwas sa panganib ng balak niyang paghuli sa mailap at puno ng hiwagang Ibong
Adarna.

Binibigyang pansin sa hulwarang ito ang pagtalakay sa ilang problema o suliranin at


paglalapat ng solusyon o kalutasan. Ang mga problema at solusyon sa teksto ay maaaring
lantad o ipinahihiwatig lamang. Inihahayag dito ang kaisipang dapat malutas at sa dahan-
dahang eskalasyon ng mga pangyayari o sitwasyon ay makikita ang paraan upang ito’y
matugunan o matumabsan ng aksyon.
Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, matutukoy ang problema sa dinaranas
na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa pagkakahawak ng
manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t hindi
niya nakikita kung ano ang nagging kalutasan ng suliranin. Ito rin ang nagbibigay-daan sa
madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari
kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda.
Sanggunian: (Problema, Solusyon at Ang Mga Halimbawang Teksto - TheSilentLearner (thesilentlearner2014.blogspot.com)

Sagutan Natin
1. Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ibigay ang katanguan ng bawat isa.
________________________________________________________________
2. Anong suliranin ang kanilang kinakaharap?
________________________________________________________________
3. Paano nila ito binigyang lunas?
__________________________________________________________________

20
GAWAIN 2
Panuto: Hanapin sa kahon ang solusyon sa bawat suliranin ayon sa akda sa itaas. Isulat
ang letra ng wastong sagot sa patlang.

A. Nagpasya si Don Juan na sumubok sa paghahanap sa nasabing lunas.


B. Nagdasal at humingi ng tulong sa Mahal na Birhen.
C. Nagpasya ang mga Prisipe na hanapin ang lunas.
D. Tinulungan sila ni Don Juan na muling maging tao.
E. Binigyan niya ito ng pagkaing dala.

________1. Nagkaroon ng misteryosong sakit ang mahal sa hari.


________2. Nakasalubong ni Don Juan ang isang matandang gutom.
________3. Nabigo si Don Pedro at Don Diego sa paghahanap ng nasabing lunas.
________4. Napatakan ng dumi ng ibon si don Diego at Don Pedro.
________5. Humarap sa matinding pagsubok si Don Juan.

GAWAIN 3
Panuto: Narito ang ilang mga suliranin na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Bigyan ng
solusyon ang bawat isa. Piliin sa ibaba ang tamang sagot.
1.Basura
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Pandemya (Covid-19)
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3.Kahirapan
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Madalas na pagbaha
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Kawalan ng internet connection
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

A. Sumunod sa safety protocols na ipinapatupad.


B. maghanap ng alternatibong trabaho na maaaring pagkakitaan.
C. Linisin ang mga drainage na maaaring makapagbara sa tubig.
D. Sikapin mag-aral sa tulong ng magulang/nakatatandang kapatid.
E. kooperasyon mula sa bawat kasapi ng barangay.

21
GAWAIN 4
Panuto: Tukuyin ang hinihinging kasagutan sa mga sumusunod.
Tauhan Suliranin Solusyon
1. Haring Fernando

2. Don Pedro

3. Don Diego

4. Don Juan

Panuto: Ibigay ang mga suliraning pinalilitaw sa pahayag at magmungkahi ng solusyon


mula rito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1-2. “Nagsilakad na ang tatlo


Katuwaa’y nag ibayo;
Ngunit itong si Don Pedro
May masama palang tungo.

SULIRANIN SOLUSYON
A.pagtataksil A. maging masaya nalang sa tagumpay ng iba
B.kahinaan B. matutong magparaya
C. kapahamakan C. laging piliin ang kabutihan
D. galit D. gawing inpirasyon
3-4. “Kaya ngayon ang magaling
Si Don Juan ay patayin;
Kung patay na’y iwan natin,
Ang Adarna nama’y dalhin”

S SULIRANIN SOLUSYON
A. Ugalit A. ang tagumpay ng iba ay gawing inspirasyon
B. Linggit B. maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon
C. Iyabang C. sikaping iangat ang sarling kapakanan
D. 5kapahamakan D. matutong magparaya
5

5-6. “Maiiwan siya ritong


Nag-iisa’t lumping-lumpo;
Walang kakainin manga no
Maliban sa mga damo.

22
S SULIRANIN SOLUSYON
A. galit
U A. isipin din ang kapakanan ng ibang tao
L
B. takot B. maglaan ng oras sa iba
I
C. makasarili C. magbigay ayon sa kakayahan
R
D. kapahamakan D. matutong magparaya
A
7-8. “Kaya ngayon ang magaling
Si Don Juan ay patayin;
Kung patay na’y iwan natin,
Ang Adarna nama’y dalhin”

S SULIRANIN SOLUSYON
A. crab
U mentality A. pabayaan natin ang iba na makuha ang gusto
L nila para pabayaan ka rin ng iba sa makukuha
I mong mas maganda
B. diskriminasyon
R B. makontento sa kakayahan ng iba
C. pagtataksil
A C. hintaying purihin ka ng iba
D. kapahamakan D. matutong magparaya

9-10. “Urong-sulong magsalita


Tumutol ay hindi magawa
Sa takot sa mapahamak
Umayon nama’y masama.

S SULIRANIN SOLUSYON
A. crab
U mentality A. wag magpadala sa kasamaan at lagging isipin
L ang magiging bunga nito bago isagawa
B. diskriminasyon
I B. bigyan ng pagkakataon ang ibang tao
C. takot
R C. makontento sa sarili
A
D. kapahamakan D. matutong magparaya
N

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin
Panuto: Bilang isang mag aaral, ano ang pinakamatinding pagsubok ang naranasan mo sa
iyong pag-aaral noong nakaraang taon? Paano mo ito kinaharap upang malagpasan o
binigyan ng solusyon? Isulat ito sa isang malinis na papel.
Pagbibigay ng Pamantayan sa Gawain (RUBRIK)

20 Puntos: Maayos na nakapaglahad ng suliranin at nabigyan ng tamang solusyon


ang bawat isa.
15-10 Puntos: Maayos na nakapaglahad ng suliranin ngunit hindi nabigyan ng
maayos na solusyon ang iba.
1-9 Puntos: Maayos na nakapaglahad ng suliranin ngunit walang naibigay na solusyon
sa bawat isa.

23
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2

Inihanda ni:
Jinggel A. Siasico
CAA National High Sch

24
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
7
PAKSA: Pagsusuri ng mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon (F7PB-IVc-d-21)

C
Paglalahad ng sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-
IVc-d-18)

Ikaw ay naririto ngayon upang talakayin at hasain ang iyong kakayahan sa pagsusuri
ng mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng iba’t ibang suliraning panlipunan na dapat ay
mabigyan ng solusyon at mga paraan ng paglalahad ng saloobin at damdamin sa napanood
na bahagi ng nobela o serye na matutunghayan sa akdang iyong babasahin. Batid naming
makakaya mo ang mga sumusunod na gawain upang matutunan ito.

Layunin
1. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan
na dapat mabigyang solusyon (F7PB-IVc-d-21)
2. Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o
serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18)

I. Panuto: Tukuyin ang mga suliraning panlipunan na nakapaloob sa bawat larawan.


Piliin ang kasagutan mula sa kahon at isulat ang sagot sa patlang.

1.________________ 2.________________ 3.________________

4.________________ 5.________________

KORAPSYON KAWALAN NG DISIPLINA KAHIRAPAN


POLUSYON PAGWAWALANG BAHALA PAGKALULONG SA DROGA

25
II. Panuto: Tukuyin ang damdamin na nais ipahayag ng bawat pahayag. Isulat ang G kung
pagkagalit, S kung kasiyahan, L kung kalungkutan, P kung pananabik, at T kung
pagkatakot. Isulat ito sa patlang.

_______1. Naku! Lagot ako nito kay papa.


_______2. Hay… mabuti naman at pauwi ka na.
_______3. Yehey! Salamat sa regalo!
_______4. Umalis ka na dito at wag ka nang bumalik!
_______5. Hindi na ba kita mapipigilang umalis?

Aralin Pagsusuri ng mga pangyayari sa akda


na nagpapakita ng mga suliraning
4 panlipunan na dapat mabigyang
solusyon

Pagbati!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang sumuri
ng mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
ay mabigyang solusyon pati narin ang kakayahan sa pagbibigay sarililng saloobin at
damdamin sa bahagi ng isang telenobela na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.
Halina at ating simulan ang mga gawain!

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin ang naaayon na suliranin para sa sumusunod na solusyon. Pumili ng
kasagutan mula sa kahon at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Si Jed na isang menor de edad ay nalamang nagdadalang tao ang kanyang nobya.
B. Patuloy ang pagkakalbo ng kagubatan
C. Nalulong sa droga si Miguel na nakasira sa kanyang buhay.
D. Hindi nakapagpasa ng proyekto si Miguel sa ibinigay ng palugit ng kanyang guro.
E. Nagkaroon ng matinding baha sa lugar nina Ken sa Marikina.
F. Bumagsak sa markahang pagsusulit si Ruben.

_______1. Magtanim ng mas marami pang puno


_______2. Mag-aral ng mabuti at iwasan ang pagkahumaling sa social media.
_______3. Sumunod sa payo ng mga magulang at nakakatanda.
_______4. Magkaroon ng mga kaibigang maasahan at hindi masamang impluwensiya.
_______5. Gawin ang mga gawain sa takdang oras.
26
Ngayon ay basahin at unawain natin ang dalawang kabanata mula sa akdang Ang
Ibong Adarna.

Ang Pagkahuli sa Ibong Adarna at ang Pagtataksil kay Don Juan

Hindi matanggap ni Don Pedro ang mapahiya sa buong kaharian kapag bumalik sila at
nalaman ng lahat na si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna at sila ni Don Diego ay
nailigtas niya. sinabi ni Don Pedro kay Don Diego na patayin nila si Don Juan subalit hindi
pumayag si Don Diego. Pumayag lang ito sa mungkahing bugbugin nila ang bunsong kapatid
at saka iwan sa malawak na kaparangan. Iyon na nga ang nangyari. Pagkatapos bugbugin ay
umuwi na sa Berbanya sina Don Pedro at Don Diego dala ang Ibong Adarna at saka iniwan
ang halos wala nang buhay na si Don Juan.

Gayunpama’y hindi na lubos ang tagumpay nina Don Diego dahil hindi umawit ang Ibong
Adarna kaya’t hindi gumaling ang hari. Samantala, isang misteryosong matanda ang tumulong
at nagpagaling kay Don Juan. Nang magaling na’y umuwi siya sa Berbanya at doon lang
umawit ang Ibong Adarna. Ikinuwento niya sa hari ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at
Don Diego kay Don juan. Pagkarinig sa awit ng ibon ay gumaling ang hari. Pinarusahan niya
ang dalawang lapastangan subalit mismong si Don Juan ang nakiusap sa ama na patawarin
at bigyan ng pagkakataon ang dalawa niyang nakatatandang kapatid na pinagbigyan naman
ng butihing hari.

Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan at ang Pagkatok ng Pag-ibig sa Kanyang Puso

Muling napagkasunduan nina Don Pedro at Don Diego na linlangin si Don Juan.
Pinakawalan ng dalawa ang Ibong Adarna habang natutulog si Don Juan na siyang
nakatalagang tagabantay ng Ibong Adarna. Upang maiwasan ang pagtatanong ng hari at
matuklasan ang kasalanang ginawa ng kanyang dalawang kapatid ay nilisan ni Don Juan ang
palasyo at nagtungo sa bundok Armenya.
Hinanap at natagpuan ng dalawang prinsipe ang bunsong kapatid sa bundok Armenya
at napagkasunduang doon na sila manirahan. Naisipan ng tatlong prinsipeng mamasyal sa
kabundukan at doon ay natagpuan nila ang isang mahiwagang balon. Tanging si Don Juan
lang ang nagtagumpay sa paglusong sa mahiwagang balon dahil sa taglay na tibay ng loob at
pananalig sa diyos.
Natagpuan niya sa ilalim ng balon ang isang palasyo. Doon ay naninirahan ang isang
dalagang nagngangalang Donya Juana na agad bumihag sa puso ng binata. Iniligtas ng
prinsipe ang dalaga sa kamay ng higanteng nagbabantay rito. Bago umalis sa ilalim ng balon,
ipinakiusap ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang nakababatang kapatid na si Donya
Leonora na bihag naman ng isang serpyenteng may pitong ulo.
Muling nabighani at napaibig si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora. Habang nag-
uusap ang dalawa ay dumating ang serpyente at dito nagsimula ang paglalaban ng dalawa.
Nagkaroon ng madugong labanan at sa tulong ni Donya Leonora at sa matibay na pananalig
sa Diyos, natalo ni Don Juan ang serpyente at napalaya mula rito si Donya Leonora.

-Baisa-Julian A., et.al.(2014). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc .

27
Upang mas maintindihan natin ang ating aralin, ating tunghayan ang ibig sabihin ng
suliraning panlipunan at kung ano-ano ang mga halimbawa nito?Ano ba ang suliraning
panlipunan?
Ang suliraning panlipunan ay ang mga problemang nangyayari sa lipunan o kung
minsan, sa isang bansa. Ito rin ay tumutukoy sa mga problema o isyung kinahaharap ng mga
taong bahagi ng isang lipunan.

Mga Halimbawa ng Suliraning Panlipunan:


 Kahirapan – Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katauyuan ng isang tao na walang
isang halaga o pag-aaring material at mga salapi.
 Diskriminasyon – Ito ay hindi pantay na pagtingin o pagtrato sa isang tao, dahil
sa kanyang lahi, kulay, at estado sa buhay.
 Pananampalataya – Dahil sa mga halong anomalya humihina ang
pananampalataya ng mga tao, sinisira ng kasamaan ang pananalig sa Diyos.
 Mababang Ekonomiya ng Bansa - Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng
trabaho ng mga tao na depende sa lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa
mga grupong etniko.
 Kalusugang Pampubliko - Ang mababa na kalusugang pampubliko ay bunga nga
mga tinatawag na pandemic o epidemic o ang pagkalat nga mga sakit sa rehiyon o
sa malaking pangkat ng tao.
 Problema sa Edukasyon - Ang edukasyon ay ang isa sa mga pinakamahalagang
dahilan sa pag-asenso at pag-unlad ng lipunan. Kapag kulang ito, ito ay buhat ng
hindi pagkaroon ng sakktong pondo sa mga paaralang pampubliko.
 Pag-iisip Talangka – Gaya na lamang ng mga talangka na naghihilaan pababa,
minsan ay ganon din ang mga tao sa lipunan. Imbis na gawing inspirasyon ang
tagumpay ng iba ay pilit pa itong sisiraan upang hindi makaangat sa iba.
 Pagiging Makasarili at Kasakiman– Marami sa mga tao sa lipunan na mas
uunahin ang kapakanan ng iilan kesa sa nakararami.
Iba pang Suliraning Panlipunan
 Ipinagbabawal na Gamot
 Iba’t Ibang Klase ng Krimen
 Polusyon
 Malaking Bilang ng Populasyon
 Mga Katiwalian at Pandaraya sa Pamahalaan
 Kawalan ng Trabaho at Underemployment
Gawain 2: Sagutin ang sumusunod:
1. Bakit kaya nagawang pagtaksilan nina Don Pedro at Diego ang kanilang bunsong
kapatid na si Don Juan?
2. Batay sa mga pangyayari, anong uri ng pagkatao mayroon si Don Juan?
3. Kung ikaw si Don Juan, mapapatawad mo ba ang pagtataksil sa iyo ng iyong mga
kapatid?

28
GAWAIN 2
Panuto: Ibigay ang suliraning panlipunan ang ipinapahiwatig ng mga pangyayari mula sa
akdang “Ang Ibong Adarna”. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat
ito sa patlang.

a. Kasakiman d. Diskriminasyon
b. Pag-iisip Talangka e. Kataksilan
c. Pagiging Makasarili f. Pag-abuso sa Kapangyarihan

______1. Hindi matanggap ni Don Pedro ang mapahiya sa buong kaharian kapag bumalik
sila at nalaman ng lahat na si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna at sila ni
Don Diego ay nailigtas niya.
______2. Muling napagkasunduan nina Don Pedro at Don Diego na linlangin si Don Juan.
Pinakawalan ng dalawa ang Ibong Adarna habang natutulog si Don Juan na
siyang nakatalagang tagabantay ng Ibong Adarna.
______3. Pagkatapos bugbugin ay umuwi na sa Berbanya sina Don Pedro at Don Diego
dala ang Ibong Adarna at saka iniwan ang halos wala nang buhay na si Don
Juan.
______4. Ang dalawang prinsesa ay ikinulong ng dalawang masasamang halimaw sa
loob ng mahabang panahon.
______5. Hindi tinulungan nina Don Pedro at Diego ang leprosong nanghihingi ng
pagkain at tubig.

GAWAIN 3
Panuto: Magbigay ng isang suliraning panlipunan at ilagay sa tapat nito ang iyong
saloobin tungkol dito at ang solusyon na iyong naiisip bilang isang mag-aaral
upang malunasan ito. Isulat lamang ang iyong sagot sa loob ng graphic
organizer.
Suliraning Iyong Saloobin Solusyon Para Dito
Panlipunan

29
GAWAIN 4
Panuto: Sumulat ng isang pangyayari sa iyong buhay na sa tingin mo ay may kaugnay sa
iyong nabasang akda.

_____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

I. Panuto: Ibigay ang suliraning panlipunan na tinutukoy sa bawat sitwasyon. Piliin ang
letra ng tamang sagot na nasa loob ng kahon.

A. kakulangan sa trabaho
B. kawalan ng pagpaplano ng pamilya
C. diskriminasyon sa kasarian
D. kawalan ng pagkakapantay-pantay
E. kakulangan ng sapat benepisyong pang medikal
F. kakulangan sa kagamitang pang edukasyon

_____1. Si Aling Linda ay may sampung anak. Walang trabaho ang kaniyang asawa at
umaasa lamang sila sa panlilimos sa mga dumadaang sasakyan.
_____2. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Mark. Siya ngayon ay humaharap sa
pagsubok ng paghahanap ng trabaho. Dahil sa kinakailangan niya ng
panggamot sa kaniyang ina, pumasok siya sa pagtutulak ng droga at
pagnanakaw.
_____3. Isang mag-aaral si Maria sa isang pampublikong paaralan. Sa bawat silid aralan
ay umaabot sa walompu ang mga mag-aaral. Masipag mag-aral si Maria ngunit
hirap siya sapagkat walang sapat na libro at kagamitan ang naibigay sa kanya.
_____4. Si Mang Luis ay may kanser sa atay. Sa kasamaang palad ay wala siyang perang
kailangan upang mapagamot ito. Sinubukan niyang lumapit sa pamahalaan

30
ngunit hindi siya sakop ng benepisyo mula rito. Minabuti na lamang niyang
manatili ng bahay at indahin ang sakit na kanyang nararamdaman.
_____5. Si Lea ay isang mahusay na ahente sa kanilang kumpanya. Sa kasamaang palad
ay nagsara na ito. Siya ay nag-aplay sa isang panibagong kumpanya ngunit
dahil sa kanyang pagiging isang ina ay kinuwestiyon ang kanyang kakayahan
upang magampanan ang kanyang tungkulin sa hinaharap.

II. Panuto: Sumulat ng isang pangyayari mula sa iyong paboritong Teleserye. Ilagay ito sa
tapat ng damdamin o saloobin na iyong mararanasan sa bawat sitwasyon.

PAGKAMUHI 1.______________________________________________________

PAGKAGALAK
2. ______________________________________________________
PAGKATAKOT
3. _____________________________________________________
_
PAGKALUNGKOT
4._____________________________________________________

PAGKADISMAYA 5. _____________________________________________________

Panuto: Bilang isang mag-aaral, ano ang isang isyung panlipunan ang iyong nararanasan sa
panahon ngayon? Ano ang sa tingin mong maaari mong gawin upang makatulong
na masolusyonan ito

________________________________________
Suliraning Panlipunan: ________________________________________
____________________ ________________________________________
____________________ ________________________________________

31
AKLAT:
 Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014.

LARAWAN:
 https://brainly.ph/question/1021477
 https://moviegeeksandfandoms.wordpress.com/2018/03/02/mga-suliraning-makikita-sa-
ibong-adarna-hanggang-ngayon/
 https://www.scarymommy.com/wp-content/uploads/2021/04/01/crab-coloring-pages-7.jpeg
 https://image.shutterstock.com/image-photo/hard-drugs-on-dark-table-260nw-
413804086.jpg
 https://media.philstar.com/photos/2020/01/23/gen6-bribe-money-hand2018-04-3022-47-
11_2020-01-23_16-06-4076_thumbnail.jpg
 https://live.staticflickr.com/3262/3187506736_ae3a4eaf15_z.jpg
 https://o.quizlet.com/n8n.iySb9mJGAyE2NIRL8g.jpg
 http://1text2words.weebly.com/uploads/2/3/9/0/23905839/header_images/1418652861.jpg

Inihandan ni:

Steffuny M. Rondilla
CAA National High Sch

32

You might also like