You are on page 1of 5

1

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON 5 - BICOL
SANGAY NG CATANDUANES
VIRAC, CATANDUANES

FILIPINO 7 - KWARTER 4
GAWAING PAGKATUTO BILANG 1

Paglalahad ng Sariling Pananaw

Pangalan: ________________________________________________________
Antas/Baitang: ______________________________Petsa: _________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Mahalagang bahagi ng pang araw-araw na pakikipagtalastasan ang


pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon. Sa pamamagitan ng
paglalahad ng sariling pananaw o opinyon, naipahahayag ang nararamdaman
at nakapagbibigay ng mga ideya at nabibigyang linaw ang mga bagay-bagay.
Sa kasalukuyang panahon, ang pagpapahayag ng sariling pananaw ay
makatutulong upang mabigyang linaw ang mga panagyayari o usapin. Sa
mga akdang pampanitikan, ang ilang bahagi nito ay nagtataglay ng bisa o
motibo ng may-akda kaya isang salik para maintindihan pang lalo ang isang
akda ay ang pagbibigay o pagpapahayag ng sariling pananaw ng
mambabasa.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

 Ang masasabi ko ay. . . . . . . . . . . . . . . . . .


 Ang pagkakaalam ko ay. . . . . . . . . . . . . . . . . .
 Ang paniniwala ko ay. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
 Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita. . . . . . . . . . . . . . . . .
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
 Kung ako ang tatanungin. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
 Sa aking palagay. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Halimbawa:

 Ang matandang pulubi na humingi ng kakaunting pagkain kay Larina


ay kaniyang tinulak at pinaalis. Nakita ito ni Mangita at tinulungan ang
matanda na makatayo at binigyan ng makakain. Pinagalitan ni Mangita
si Larina dahil sa kaniyang kawalan ng respeto at awa sa matanda.
(Mula sa alamat na; Si Mangita si Larina sa Lawa ng Bai)
Tanong: Ano ang motibo o nais ihatid ng may-akda bakit niya isinama
at binigyang diin ang pangungusap sa itaas na nakaitalisado ang
pagkasulat? Magbigay ng sariling pananaw.
2

Sagot: Sa aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng


bahaging ito sa akda ay upang malaman ng mambabasa ang
kahalagahan ng pagtulong sa kapwa at pagkakaroon ng respeto sa
matatanda.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda


sa bisa ng binasang bahagi ng akda. F7PB-Iva-b-20.

III. MGA GAWAIN

GAWAIN I:

Panuto: Basahin ang mga tagline o islogan sa bawat bilang at ibigay


ang
inyong sariling opinyon o pananaw sa nais ihatid o motibo ng nagsulat.

1. Ugaliin ang puspusang paglilinis ng mga kamay gamit ang sabon at


hand sanitizer o alcohol.
2. Hindi hadlang ang pandemya para sa pagpapatuloy ng edukasyon.
3. Resbakuna, Kasangga ng Bida!
4. Pangalagaan ang Kalikasan, Para sa Kinabukasan ng Kabataan.
5. Frontiners, bagong bayani dahil sa pagsasakripisyo para sa
nakararami.

GAWAIN II:

Panuto: Basahing mabuti ang piling bahagi ng Koridong Ibong Adarna sa


ibaba. Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo o dahilan
ng may-akda sa pagsasama nito sa akda. Gumamit ng mga salita sa
pagbibigay ng sariling pananaw.

1. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari.


Ano ang motibo ng may-akda sa paglagay ng bahaging ito sa akda?
Sagot:
2. Handang humarap sa pagsubok ang mga anak ni Haring Fernando at
ilagay sa panganib ang kanilang mga buhay makuha lamang ang lunas
para sa kagalingan ng kanilang ama.
Sagot:
3. Habang binabagtas ni Don Juan ang parang na malalawak, sa puso ay
nakalimbag ang Birheng Inang Marilag.
Sagot:
4. Ugali ko pagkabata, na maglimos sa kawawa, ang
naipagkawanggawa, bawiin pa’y di magawa.
3

Sagot:
5. Ako’y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang akin ding
matagalan itong matarik na daan. Nang sa Birhe’y makatawag ay
sandaling namanatag, kumai’t nagpasalamat, sa Diyos Haring Mataas.

GAWAIN III:

Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw tungkol sa maaaring motibo ng


may-akda sa piling bahaging ito ng akda sa pamamagitan ng pagguhit ng
isang simbolismo ukol dito. Pagkatapos itong iguhit, gawan ito ng
pangugusap. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng sariling pananaw.
Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

Simbolismo - gumagamit ng isang bagay, isang kulay, isang tao o kahit na


isang sitwasyon upang magbigay ng mas malalim na kahulugan kaysa sa
literal na kahulugan ng teksto. Halimbawa ang salitang pagbuhos ng malakas
na ulan na ang ibig sabihin ay ang kababalaghang pagbagsak ng tubig mula
sa kalangitan. Ngunit sa panitikan kadalasang ang ulan ay sumisimbolo sa
kalungkutan, pulang rosas-pag-ibig, krus sakit at pagdurusa, puting kulay,
kadalisayan at marami pang iba.

PILING BAHAGI NG IBONG ADARNA

Kabanata I – Panalangin ng May-akda

Oh Birheng Kaibig-ibig
Ina naming nasa Langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layon di malihis.

Ako’y isang hamak lamang


Taong lupa sa katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa
Nang hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa.

Labis yaring pangangamba


Na lumayag na mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya.

Kaya Inang Kadakilaan


Ako’y iyong patnubayan,
Nang mawasto na salaysay
4

Nitong kakathaing buhay.

At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo,
Kahilinga’y dinggin niyo
Buhay na aawitin ko.

IV. RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Pamantayan Pananda Puntos Natamong Puntos


Nilalaman Naipakita at
naipaliwanag nang
mahusay ang
40%
kaangkupan ng guhit sa
maaring motibo ng
may-akda.
Pagkamalikhain at Maliwanag at angkop
Pagkamasining ang mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto na
30%
nagpapakita ng
kaangkupan ng guhit sa
maaaring motibo ng
may-akda.
Kabuuang Malinis, maayos at
Presentasyon mahusay ang
pagpapaliwanag ng 30%
kabuuang konsepto ng
iginuhit na simbolismo.

V. SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain I
Guro na ang magwawasto sa naging kasagutan ng mag-aaral.
Gawain II
Guro na ang magwawasto sa naging kasagutan ng mag-aaral.
Gawain III
Guro na ang magwawasto sa ginawa ng mag-aaral.
Ang pagmamarka ay iaayon sa Rubrik na ibinigay ng guro.
VI. SANGGUNIAN

1. https://www.google.com/amp/s/www.wattpad.com/amp/11461670
2. https://brainly.ph/question/4564636
3. Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Inihanda ni:

JESSA A. MATIENZO
Guro sa Filipino
5

Panganiban NHS, CAIC Compound, Panganiban

You might also like