You are on page 1of 2

GAWAIN II:

Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw tungkol sa maaaring motibo ng may-akda sa
piling bahaging ito ng akda sa pamamagitan ng pagguhit ng isang simbolismo ukol dito.
Pagkatapos itong iguhit, gawan ito ng pangugusap. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag
ng sariling pananaw. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

Simbolismo - gumagamit ng isang bagay, isang kulay, isang tao o kahit na isang sitwasyon
upang magbigay ng mas malalim na kahulugan kaysa sa literal na kahulugan ng teksto.
Halimbawa ang salitang pagbuhos ng malakas na ulan na ang ibig sabihin ay ang
kababalaghang pagbagsak ng tubig mula sa kalangitan. Ngunit sa panitikan kadalasang ang
ulan ay sumisimbolo sa kalungkutan, pulang rosas-pag-ibig, krus sakit at pagdurusa, puting
kulay, kadalisayan at marami pang iba.

PILING BAHAGI NG IBONG ADARNA

Kabanata I – Panalangin ng May-akda

Oh Birheng Kaibig-ibig
Ina naming nasa Langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layon di malihis.

Ako’y isang hamak lamang


Taong lupa sa katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa
Nang hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa.

Labis yaring pangangamba


Na lumayag na mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya.

Kaya Inang Kadakilaan


Ako’y iyong patnubayan,
Nang mawasto na salaysay
Nitong kakathaing buhay.

At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo,
Kahilinga’y dinggin niyo
Buhay na aawitin ko.
I. RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Pamantayan Pananda Puntos Natamong Puntos


Nilalaman Naipakita at
naipaliwanag nang
mahusay ang
40%
kaangkupan ng guhit sa
maaring motibo ng
may-akda.
Pagkamalikhain at Maliwanag at angkop
Pagkamasining ang mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto na
30%
nagpapakita ng
kaangkupan ng guhit sa
maaaring motibo ng
may-akda.
Kabuuang Malinis, maayos at
Presentasyon mahusay ang
pagpapaliwanag ng 30%
kabuuang konsepto ng
iginuhit na simbolismo.

You might also like