Anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa
karaniwan, makatotohanan at walang kinikilingan ay tinatawag na balita. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbabasa ng pahayagan, pakikinig sa radyo at panonood sa telebisyon. Mga Uri ng Balita Panlokal. Mga balita tungkol sa lokal na yunit ng pamahalaan, tulad ng barangay, bayan, lungsod at probinsiya na mahalaga sa mga tao roon. Halimbawa: ang pagpapatupad ng curfew sa Maynila, ang pag apruba ng bagong buwis sa Pangasinan. Pambansa. Mga balitang mahalaga sa buong bansa. Halimbawa: ang pag apruba ng bagong minimun na sahod, ang pagbagsak ng halaga ng piso. Pandaigdig. Mga balitang nagaganap sa ibang bansa na mahalaga sa buong daigdig. Halimbawa: ang digmaan sa Iraq, ang halalan sa Estados Unidos. Pang-edukasyon. Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon. Pampolitikal. Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa politika. Pampalakasan. Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pampalakasan. Pantahanan. Tungkol sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa pamamahala sa tahanan Pangkabuhayan. Tungkol sa mga mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa Panlibangan. Tungkol sa mga mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radio, pelikula, tanghalan at iba pa. 4 na Boksingero, Lalaban para sa Olympic Slot Pampalakasan Biden, Wagi kay Trump sa U.S. Eleksyon Pandaigdig Presyo ng Langis, Tumaas na Naman Pangkabuhayan Maroon 5, Nagdaos ng Concert sa Araneta Panlibangan P2 Bilyon, Inilaan sa Pagsasanay ng mga Guro Pang-edukasyon GARCIA, Tatakbo sa Halalan sa 2025 Pampolitikal Halaga ng Piso, Patuloy na Tumataas Pambansa 3 Carnapper, Inaresto sa QC Panlokal Bakuna sa Pneumonia sa matatanda dumating na sa Bansa Pambansa Pagkain ng Gulay at Prutas, Isinulong Pangkabuhayan