You are on page 1of 2

Balita

Kahulugan
- Ang 'balita' o 'news' sa ingles ay isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring
naganap kamakailan lamang, nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang.
- Ang kahulugan ng balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang
kaganapan sa labas at loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay alam sa mga
mamamayan.

Sangkap ng Balita
 Aksyon o Pakikihamok
 Nakakaganyak sa mga Tao
 Kakaiba
 Nagaganap sa Kasalukuyan
 Nagaganap sa Malapit na Pook
 Katiyakan
 Kalinawan
 Pamatnubay
 Kombensyonal
 Binibigyang-Diin ang Tao
 Binibigyang-Diin ang Pamamaraan
 Binibigyang-Diin ang Sanhi o Dahilan
 Binibigyang-Diin ang Lugar na Pinagganapan
 Payak na Pahayag

Mga Uri ng Balita


» Balitang Pambansa
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bansa na mahalaga sa nakararaming mga
mamamayan gaya ng eleksyon, rebolusyon o pag-aaklas, at iba pang paglalahad maaaring
magdulot ng epekto o impluwensya sa mamamayan ng bansa.

» Balitang Pangkaunlaran
Ito ay balitang kapupulutan ng mga aral at halimbawa tungo sa pagpapaunlad ng buhay.

» Balitang Pandaigdig
Ang balitang tulad ng paglulunsad ng mga programa o pagpapasa ng mga batas na sangkot ang
iba't ibang bansa tulad ng United Nations, ASEAN, World Health Organization (WHO) at iba
pang organisasyong panrelihiyon at pampamahalaan.
» Balitang Panlibangan
Ang ganitong balita ay tumatalakay sa mga libangan, hobbies o recreation na karaniwang
kinatatampukan ng mga sikat na personalidad at naglalayong makapagbigay ng impluwensya o
kasiyahan.

» Balitang Pampalakasan
Ang mga halimbawa ng balitang ganitn ay mga ukol sa isports tulad ng basketbol, boksing,
bilyards dito man sa bansa o pandaigdig.

» Balitang Pangkabuhayan
Ang mga balitang ukol sa hanapbuhay gaya ng pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng
mga bilihin at iba pang balita na may tiyak na epekto sa kaunlaran ng bansa.

Kahalagahan ng Balita
1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.
2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.
3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.
4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.
5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

Mga Salik na Mahalaga sa Balita


1. mga pangyayari o detalye nito
2. kawilihan
3. mambabasa

You might also like