You are on page 1of 5

IBA’T IBANG SEKSYON NG PAHAYAGAN AT MGA BAHAGI NITO

Mukha ng Pahayagan
 Makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahin o mahahalagang balita.

Balitang Pandaigdig
 Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Balitang Panlalawigan
 Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-ibang lalawigan ng
bansa.
Editoryal o Pangulong Tudling
 Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag
tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.

Balitang Komersyo
 Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may kaugnayan sa
industriya, kalakalan, at komersyo.
Anunsyo Klasipikado
 Makikita rito ang mga anunsyo patungkol sa iba’t ibang hanapbuhay at bahay, lupa, at
ibang kagamitang ipinagbibili.

Obitwaryo
 Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga taong
pumanaw na.

Libangan
 Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga
mambabasa.
Lifestyle
 Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay. Tulad ng
tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

Isport
 Naglalaman ng mga balitang pampalakasan.
SANGGUNIAN:
Fil2 - Modyul 1 Ang Pamamahayag . Studocu. (n.d.). Retrieved February 19, 2023, from
https://www.studocu.com/ph/document/don-honorio-ventura-technological-state-university/
kontekstwalisasong-komunikasyon-sa-filipino/fil2-modyul-1-ang-pamamahayag/27579697
Espinosa, G. (2019, November 9). Bahagi ng Pahayagan. Share and Discover Knowledge on
SlideShare. Retrieved February 19, 2023, from
https://www.slideshare.net/gilbertespinosa2/bahagi-ng-pahayagan-191812252

You might also like