You are on page 1of 25

Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng

Kontemporaryong Isyu
Ang salitang ‘’kontemporaryo’’ ay ginagamit sa iba’t-ibang konteksto.
Ito ay naglalarawan sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 daangtaon
hanggang sa kasalukuyan.
Samakatuwid ang mga pangyayari nanangyari sa nakalipas na mga dekada
at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay maituturing na kontemporaryo.

Angsalitang ‘’isyu’’ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning naka


aapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate
salipunan, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Hindi lahat ng isyu ay negatibo dahil may mga isyu na may positibong epekto sa
mga tao sa lipunan.
• Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at
impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan,
mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na
pagdukal at aktibong partisipasyon

• Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan


at daigdig ay makakatulong sa paglinang ng kritikal at malawakang
kaisipan.

• Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.


• Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya,
opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.

• Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan,


pangkalusugan, pangkapaligiran, pangkalakalan, at marami pang saklaw.

• Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga


pangkasalukuyang isyu o usapin. Kabilang din ang mga napag- usapan
na noon subalit buhay pa rin hanggang ngayon
KONTEMPORARYONG ISYU
1. Kontemporaryong isyung Panglipunan
2. Kontemporaryong isyung Pangkalusugan
3. Kontemporaryong isyung Pangkapaligiran
4. Kontemporaryong isyung Pangkalakalan
• Kontemporaryong isyung Panglipunan
halalan; terorismo; rasismo

• Kontemporaryong isyung Pangkalusugan


sobrang katabaan; kanser; hiv/aids; drug addiction

• Kontemporaryong isyung Pangkapaligiran


global warming; earthquake; typhoon; polution

• Kontemporaryong isyung Pangkalakalan


export/import; online shopping; free trade; samahang pangdaigdigan
Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na
kontemporaryong isyu, ito ay:

• mahalaga at makabuluhan sa lipuan ang ginagalawan


• may malinaw na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan
• may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
• mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan
Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu
Maaaring pag-aralan ang isang isyu sa pamamagitan ng pagsusuri at ilang
aspeto nito

• pinagmula
• iba’t-ibang pananaw
• mga pagkakaugnay
• kahalagahan
• epekto
• personal na damdamin
• maaaring gawin
Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu

1. Pagkilala sa Primarya at Sekondaryang Sanggunian


2. Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon
3. Pagtukoy sa Pagkiling “Bias”
4. Pagbuong Paghihinuha Interferences, Paglalahat Generalization at
Kongklusyon
1. Pagkilala sa Primarya at Sekondaryang Sanggunian

Ang Primaryang sanggunian o pinagkunan ng impormasyon ay mga orihinal na


talang mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito.
Halimbawa ay mgasulat, journal, legal nadokumento, guhit, at larawan. Ang mga
Sekondaryang Sanggunian ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa mga
primaryang pinagkunan o ibang sekondaryang sanggunian at inilahad o isinulat ng
mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala
2. Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon

Ang Katotohanan ay mga totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa


tulong ng mga aktwal na datos. Ang Opinyon ay mga kuro-kuro, pala-palagay,
sabi-sabi o haka-haka na nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol
sa inilahad na katotohanan
3. Pagtukoy sa Pagkiling “bias”

Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan,


kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. Ang paglalahad ay dapat
balance
4. Pagbuong Paghihinuha “Interferences”, Paglalahat
“Generalization” at Kongklusyon

Ang Hinuha ay isangpinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay. Ang
pagbuo sa hinuha ay tulad ng pagbuong hypothesis. Ang Paglalahat ay ang hakbang
kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon
bago makagawa ng kongklusyon. Ang Kongklusyon ay angdesisyon o opinyong nabuo
pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng mga mahahalagang ebidensya
o kaalaman
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating mga pansariling
kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito ang ilan:

1. Paggamit ng mga malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa mga mahahalagang kaganapan na naka iimpluwensya sa
tao, bansa, o mundo
2. Pagsusuri o pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari
3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’tibang sanggunian para makakalap ng mga impormasyon
4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuring kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan
5. Pagsisiyasat, pagsusuri, ngdatos at iba’tibang sanggunian, at pagsasaliksik
6. Mapanuring pag-iisip, Matalinong pag-papasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang
pananaw
7. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdig ang suliranin
8. Paggalang sa iba't ibang paniniwala,pananaw o punto de bistakahitito ay naiiba o salungatsasarilingpaniniwala o pananaw.
9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad
at karapatang pantao.
10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba.
Mga halimbawa ng Kontemporaryong Isyu:

Kahirapan kakulangan sa bigas paninigarilyo


human trafficking kawalan ng malinis na tubig illegal mining
Droga pagtaas ng pasahe illegal logging
Terorismo basura polusyon sa tubig
Korupsyon kawalan ng trabaho
alitan sa gobyerno el nino phenomenon
anti - dengue vaccine kidnapping ng mga bata
presyo ng mga bilihin pagsusugal
Ang kahirapan na sinasabing ugat ng lahat ng masasamang gawain ng
tao. Sa pagnanais ng tao na mabago ang kanilang kinasadlakang
kahirapan, marami sa kanila ang nauuwi sa mga masasamang gawain.

Kaakibat ng kahirapan, ang ilan sa mga Pilipino pati ang mga menor de
edad ay napipilitang magtrabaho. Sa kasamaang palad, ang ilan sa kanila
ay nagiging biktima ng human trafficking at naloloko ng ilang
mapagsamantala at mapanlinlang.
Kakabit pa rin ng kahirapan, ang mga Pilipino lalo na yaong mga
mahihirap ay natutong magbenta ng droga. Kapansin - pansin na sa
kabila ng patuloy na kampanya ng pamahalaan ukol sa pag - iwas sa
paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay lalo pang tumataas ang bilang ng
mga taong nasasangkot dito.

Ang terorismo ay umiiral na rin sa bansang Pilipinas. Katunayan, ang


siyudad ng Marawi ay hindi pa halos nakakabangon matapos na gawing
kuta ng mga terorista.
Ang mga terorista ay sinsabing galit sa korupsyon. Ang korupsyon na
direktang iniuugnay sa mga nanunungkulan sa pamahalaan kaya naman
ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ay karaniwang kumukuha ng
mga bihag upang tawagin ang pansin ng pamahalaan.

Ang alitan sa pamahalaan ay isa rin sa mga malawakang isyu. Taun -


taon bago ang eleksyon, maraming buhay ang ibinubuwis. Kabi - kabila
din ang mga black propaganda upang isiwalat ang di - umano ay mga
kasiraan ng bawat kandidato. Ito ang karaniwang larawan ng pulitika dito
sa bansa.
Taong 2017 nang unag pumutok ang balita ukol sa anti - dengue
vaccine na di - umano ay sanhi ng pagkamatay ng daang mga kabataan na
may edad siyam hanggang labintatlo. Maraming magulang ang tumangis sa
pagpanaw ng kanilang mga anak na hanggang ngayon ay naniniwalang
ang bakunang ito ang siyang dahilan.

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin partikular na ang gasolina at bigas


ay isa rin sa mga kontemporaryong isyu. Taun-taon ay nagkakaroon ng
kilos protesta ukol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin idagdag pa ang
pagtaas ng pasahe dulot ng paggalaw ng presyo ng gasolina.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng balita na ang bigas sa merkado ay unti -
unti nang nauubos. Bunsod nito, maraming tao ang naniniwala na ang
pagkaubos ng bigas ay dapat ituring na isang pangmalawakang isyu ng
pamahalaan sapagkat ito ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ito lamang taong ito ay nagkaroon ng malawakang kakulangan sa supply


ng malinis na tubig. Ang ilan sa mga lugar sa Metro Manila ay labis na
nahirapan sapagkat hindi nila magawa ang ilan sa mga gawain na
nangangailangan ng sapat na tubig tulad ng paglalaba at paglilinis ng bahay.
Ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong sasakayan ay bunsod
ng pagtaas ng krudo sa merkado. Hindi lamang ang mga mananakay ang
apektado higit ang mga drayber sapagkat mas maliit ang kanilang kinikita
sa pasada.

Ang problema sa basura ay malawakan sapagkat hindi lahat ng lugar ay


may tamang tapunan ng basura.
Hindi lahat ay nabibigyan ng maayos na trabaho sapagkat karamihan sa
mga Pilipino ay hindi nakapag – aral kaya marami ang nagiging tamabay at
kalaunan ay nananamantala ng iba sa pamamagitan ng pagnanakaw at
panghoholdap.

Ang ilan sa mga probinsya ng Pilipinas ay nakakaranas nang El Nino


Phenomenon. Ang mga pananim lalo na ang mga palay ay nabulok at
namatay dahil sa kakulangan ng sapat na patubig.
Kamakailan lang ay kumalat ang balita tungkol sa mga batang kinukuha ng
puting van o iyong mga kinikidnap. Totoo man o hindi ay kinakailangan na
mag – ingat ng mga kabataan sampu ng mga magulang.

Ang pagsusugal na itinuturing na libangan ng ilan ay isa na ring


kontemporaryong isyu sapagkat may ilang dayuhan at Pilipino ang pinatay
dahil sa kawalan ng kakayahan na magbayad ng utang dulot ng labis na
pagkagumon sa sugal.
Ang paninigarilyo na isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa baga ay
isa ring kontemporaryong isyu na kamakailan lamang binigyan ng pokus ng
pamahalaan.

Ang illegal mining na nagdulot ng landslide sa mga probinsya ng Benguet


at Baguio na nagbunga ng pagkamatay ng ilan sa mga Pilipino.
Ang illegal logging na karaniwang ginagawa sa mga probinsyang may mga
matataas na punung kahoy ay kontemporaryong isyu rin sapagkat apektado
nito ang mga naninirahan sa siyudad.

Ang mga dumi na itinatapon sa mga ilog at dagat ng mga malalaking


kumpanya ay hindi lamang suliranin ng lokal na pamahalaan kundi ng buong
sambayanan sapagkat ang mga tunig na ito ay hindi lamang sa isang lugar
dumadaloy.

You might also like