You are on page 1of 2

Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 naipaliliwanag mo ang konsepto ng kontemporaryong isyu; at

 nasusuri mo ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan


at daigdig.

 Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?

 Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

Kontemporaryong Isyu
 Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa
sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
 Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.

Halimbawa:

 Mga kontemporaryong isyung panlipunan: halalan, terorismo, at rasismo


 Mga kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser
 Mga kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga polusyon (tubig, hangin, ingay, at
iba pa)
 Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan: globalisasyon, mga online na babasahin.

Pagtingin at Pagpapahalaga sa Kontemporaryong Isyu


 Ang terorismo ay isa sa mga pinakatampok na kontemporaryong isyu. Dito pa lamang sa
Pilipinas, usap-usapan ang walang awang pagpatay o makataong pagpapalaya sa mga
bihag mula sa mga kamay ng mga rebeldeng pangkat. Isyu rin ang pagbibigay
ng ransom sapagkat ang pagtugon dito ay tila pagsuporta na maaaring nagdudulot ng
paglago ng kanilang masamang gawain.
 Sa konteksto naman ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at
impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga
pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at aktibong
partisipasyon. Ibig sabihin, kailangan ng angkop at makabuluhang talakayan o interaksiyon
sa pagitan ng guro at mag-aaral kung saan ang lahat ay nagbibigay ng kani-kaniyang
pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong isyu.

Halimbawa:

Isa sa mga gustong muling ipatupad ng bagong presidente ng Pilipinas ay ang death penalty. Dahil
ito ay mainit na isyu sa pagitan ng human rights advocates at ng death penalty supporters, maaaring
magkaroon ng debate ang mga estudyante ukol dito. Maaaring hatiin ang klase sa pro at anti.
Mahalaga ang paggabay ng guro sa maselang usaping ito.

Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan sa


Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig
 Nalilinang ang kritikal na pag-iisip
 Naiuugnay ang sarili sa isyu
 Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu
 Nahahasa ang iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga

Isa sa mga batis ng mga kontemporaryong isyu ay ang print media.

 Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit nito sapagkat nahuhubog nito ang
kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa.
 Sa pagbabasa, nahuhubog din ang kasanayang pangwika at panggramatika.
 Idagdag pa, nagiging bihasa sa pakikipagtalastasan at pakikinig.
 Sa dulo nito, makabubuo ng lipunang mulat, mapanuri, at matalinong tumutugon sa mga
hamon ng kontemporaryong isyu.

Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu


sa Lipunan at Daigdig
 Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay
nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
 Bukod sa kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan sapagkat mas
maiintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang kasalukuyang konteksto.
 Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. Mapabibilis at
mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa
kasalukuyan.
 Bukod dito, mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat batid na ang mga
kaganapan sa lipunan.

agnilayan
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga kontemporaryong isyu? Paano
mo pa pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?

Dagdag Kaalaman
Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin.
Kabilang din ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang ngayon.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa
sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.

 Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan, pangkalusugan,


pangkapaligiran, pangkalakalan, at marami pang saklaw.

 Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at impormasyon


tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba
pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at aktibong partisipasyon..

 Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay


makakatulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

You might also like