You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV-A CALABARZON
Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal
Email: deped_ro4a@yahoo.com Fax: (02)682-2114

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG-10

INIHANDA NINA

G. NORMAN BRYAN D. BANAAG


at
G. JUN DE MESA

PARA SA

PANREHIYONG PAGPAPAKITANG TURO SA ESP- BAITANG-10


( MAYO 8-9, 2015 )

Pamagat ng Aralin: Modyul 13- Mga Isyung Moral sa Buhay

I. Mga Layunin

A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standard)

1. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)

Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos


at sa kasagraduhan ng buhay.

2. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)

Nakagagawa ang mag-aaral ng sariling pahayag tungkol sa mga gawaing taliwas sa


batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay.

3. Batayang Konsepto

Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa paninindigan


ng tao sa pagmamahal niya sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang
mapatibay ang ating pagkilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan
ng tao bilang nilalang ng Diyos.

Nilalaman ng Aralin : Mga Isyung Moral tungkol sa Buhay

Mga Kagamitan

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10


Gabay ng Guro sa Pagtuturo at Gabay ng mga Mag -aaral
Mga Makukulay na Papel, Gunting, Plastic Cover
Mga Video at larawan na may kaugnayan sa Isyung Moral
Power point presentation at Video Recorder
B. Mga Layunin/ kasanayang Pampagkatuto( Learning Competencies)

1. Pangkaalaman

Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay.

2. Pangkakayahan o Pangkasanayan

Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay

3.Pag-unawa

Napapatunayan na : Ang Pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa


paninindigan ng tao sa pagmamahal niya sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan
upang mapatibay ang ating pagkilala sa kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at
kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.

4. Pagsasabuhay

Nakagagawa ng sariling pahayag tungkol sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa


kasagraduhan ng buhay.

PANIMULANG GAWAIN

1.Pagbati

2.Pananalangin

3. Pagtatala ng liban

II. Paunang Pagtataya

Sa pagsasagawa ng pagsasagot ng paunang pagtataya ang guro sa saliw ng isang


masiglang musika ay magpapaikot ng isang bagay at kapag tumigil ang musika ang matapatan
ng bagay na ito ay siyang sasagot sa isa sa mga katanungan.

III. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto

A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman

1. Hahatiin ang lahat sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga
kakailanganing kagamitan.
2. Magbibigay ang guro ng ibat ibang gawain sa bawat pangkat na naglalaman ng ibat
ibang isyu tungkol sa buhay.
3. Bubuuin ang mga ito ng bawat pangkat at susuriing mabuti ang larawan kapag kanilang
nabuo na.
4. Sa pagbuo ay gagawin ng ibat ibang pangkat ang ibat ibang pamamaraan upang
matuklasan ang dating kaalaman tungkol sa temang tatalakayin bigbigyan sila ng 10
minuto upang gawin ito.
Unang Pangkat-Pagbuo ng Puzzle ng larawan ng Euthanasia
Ikalawang Pangkat- Pagmomolde ng Clay – Drug Addiction
Ikatlong Pangkat-Pagguhit ng Aborsiyon
Ikaapat na Pangkat-Paggawa ng Plastic Mural tungkol sa alcoholism
5. Tutukuyin ang mga isyu ng buhay na tumutugon sa mga ginawa ng bawat pangkat.
6. Pagkatapos ng bawat grupo ay kanilang sasagutin ng bawat pangkat ang bahaging
pagsusuri gamit ang mga gabay na tanung.
7. Gagamitin ang Rubrics sa pagmamarka.
Pagsusuri:

1.Anung isyu sa buhay ang nakita mo sa larawan?


2.Alin sa mga isyung ito ang madalas mong nababasa at naririnig na pinag uusapan?
3.Kung ikaw ang tatanungin, bakit sinasabing mga isyu sa buhay ang mga gawaing
ito?

B. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa

1. Panonoorin ang video na may kaugnayan sa mga isyung moral sa buhay


2. Pagkatapos ng Video mapanood ay Ipababasa ang isang sitwasyon na nasa
presentasyon ng guro.

Pagsusuri:

Sa bahaging ito ng pagsusuri ay gagamit ang guro ng isang Analysis Cube.Sasagutan ang
analysis cube ng bawat isang mag-aaral at bubuuin itong isang maliit na kahon.Pagkatapos ay
tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ibahagi ito sa kanilang klase.

Mga gabay na tanong para sa Pagsusuri

1.Ano ang mahalagang mensahe na tinutukoy sa palabas?

2.Paano natin matutukoy na ang isang gawain ay taliwas sa kasagraduhan ng buhay?

3.Ilarawan ang isyu sa buhay na tinutukoy sa sitwasyong binasa.

4.Ibigay ang iyong sariling konklusyon sa sitwasyon.

C. Pagpapalalim:

1. Sa bahaging ito ng Pagpapalalim ay magkakaroon ng malayang talakayan ang


mga Mag-aaral tungkol sa mga Isyung Moral, mga Kahuluigan nito, Dahilan at
epekto.
2. Sa Pagtatalakay ay gagamit ang guro ng voice recorder.
3. Tutuklasin ang batayang konsepto gamit ang Graphic Organizer at bubuuin ang
mahalagang konsepto na nahinuha mula sa nagdaang talakayan.

D. Pagganap, Pagninilay at Pagsasabuhay:

A. Pagganap

1. Sa bahaging paganap ang mag aaral ay magpapakita ng malikhaing


pamamaraan ng mga natutunan at nahinuha mula sa mga isyung tinalakay.
2. Isasagawa ito sa pamamagitan ng Pagpapangkat ng mga mag-aaral
3. Ang pagpapakita ng kanilang mga kasagutan ay sa pamamagitan ng isang
awit,tula,Skit at Rap.
4. Bibigyan ng limang minutong paghahanda at 3 minuto para sa presentasyon.
5. Ang mga Gawain ay mamarkahan sapamamagitan ng Rubrics.

B. Pagninilay

1.Gamit ang mga gabay na tanung sa pahina 277 ng Modyul para sa mga mag aaral
ng Baitang 10 ay gagawa ang mga mag aaral ng pansariling Repleksyon mula sa aralin.
2. Tatawag ng mga piling Mag-aaral na siyang magbabahagi ng kanyang sariling
repleksyon.

C.Pagsasabuhay

1.Ang mga mag aaral ay Maghahanap at Magtatala ng mga organisasyon sa kani-


kanilang lugar nanagsusulong ng kasagraduhan ng Buhay.

2.Ang mga Mag-aaral ay makikipag-ugnayan sa mga ito at pipili ng isang samahan na


ang itinataguyod na paniniwala ay katulad ng sa kanila. Aalamin kung papaano sila
makakatulong sa mga ito.

Inihanda nina:

G. Jun De Mesa
Guro ng Itlugan National HS
Sangay ng Batangas
Para sa Pangrehiyong Pagpapakitang turo sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang-10

G. Norman Bryan D. Banaag


Guro ng Maximo T. Hernandez MNHS
Sangay ng Batangas Province
Para sa Pangrehiyong Pagpapakitang turo sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang-10

Iwinasto nina:

Gng. Faith B. De Leon G. Jericho Alberto


Gurong Tagapagsanay Gurong Tagapagsanay

You might also like