You are on page 1of 17

Aralin 3.

A.Mga Tulang Panudyo, Awiting-bayan,


Tugmang de Gulong

B. Wika at Gramatika: Mga


Suprasegmental at Di-berbal na
Palatandaan ng Komunikasyon
Ano sa palagay mo ang naging
dahilan kung bakit naging epektibo o
hindi epektibo ang tagapagsalita?
Ano ang ipinapakita ng mga tulang
panudyo, tugmang de gulong at mga
bugtong sa pamumuhay ng mga
Pilipino?
Paano nakatutulong ang kaalaman sa
suprasegmental at di-berbal na
palatandaan ng komunikasyon?
INAASAHANG PAGGANAP
Sa pagtatapos ng araling ito,
inaasahang na makasusulat ng
sariling tulang panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan
PAGBASA NG DAYALOGO
Gabby: Kahapon ay nakinig kami sa
seminar tungkol sa programa ng
pamahalaan sa paglilinis ng paligid. Taglish
ang ginamit sa pagsasalita ng mga
tagapagsalita.
Paula:Kahapon?Ang akala ko ay mamaya pa
ang seminar na iyon?
Gabby:Kasama ko sa pagpunta sa seminar si
Raymond. Marami kaming natutunan kahit
taglish ang pagsasalita nila.
Paula:Ganoon ba? Galing ako sa paaralan
ngayon, ang sabi ni Mr. Cruz, ang guro
naming, hindi daw tama na gumamit ng
taglish kapag formal ang okasyon, tulad ng
seminar. Dapat daw ay purong Filipino ang
gamitin o kaya naman ay purong Ingles.
Para sa akin, tama siya. Ang galing ata niya!
Gabby:Dapat nga, pero buhay naman ang
naging talakayan. Maraming bagay tungkol
sa buhay nating mga estudyante ang
tinalakay doon.
Paula:Mahirap ba unawain ang taglish?
Gabby:Hindi mahirap unawain ang
taglish? Iyon ang opinyon ko, ewan ko
lang ang iba.
Paula:Hindi, mahirap unawain ang
taglish, iyan naman ang opinyon ko.
Gabby: Huwag tayong magtalo.
Anumang salita o lenggwahe ang gamitin,
ang mahalaga ay nagkakaunawaan tayo,
okey?
 Tungkol saan ang usapan?
Ipaliwanag.
 Ang salitang kahapon ay dalawang
beses na inulit sa pahayag. Alin sa
dalawa ang nagpapakita ng
pagdududa at alin naman ang
nagsasalaysay?
 Sa pahayag na “Galing ako sa paaralan
ngayon.” At sa pahayag na, “Ang galing
niya!” Kung lalagyan ang mga salita ng
haba at din ano ang kahulugan sa Ingles ng
“Galing” at “galing” batay sa
pagkakagamit sa pahayag.
 Ibigay o ipaliwanag ang
pagkakaiba sa kahulugan ng
sumusunod na pahayag dahil
ginamit sa pahayag ang antala.
1. “ Hindi, mahirap unawain ang
taglish.”
Kahulugan:___________________
2. “Hindi mahirap unawain ang
taglish.”
Kahulughan:_________________
Tapusin ang pahayag upang
mabuo ang kaisipan ng araling
tinalakay.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
tono, haba, diin at antala sa ating
pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa
sapagkat _________________.
Gawin !!

Lumikha ng usapan tungkol sa buhay


estudyante na gagamitan ng
suprasegmental at di-berbal na
komunikasyon.
Gawin !!

Magtala ng mga dalawang sitwasyon


na magpapaliwanag ng kahalagahan
ng paggamit ng suprasegmental at
mga di-berbal na palatandaan.
Karagdagang Gawain
1. Magtala ng limang salita na may
iba’t ibang haba at diin.Gamitin ang
mga dalawang salita sa isang
makabuluhang pangungusap.

You might also like