Me Fil 7 Q3 1503 - Ak

You might also like

You are on page 1of 3

\

Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 15.3. Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng


Pangngalan
Simulan

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang napili mong akdang pampanitikan? Halimbawang sagot: Ang
akdang pampanitikan na aking nasaliksik ay, “Ang Hatol ng Kuneho”.
2. Anong aral ang nais iparating ng akda sa mga mambabasa? Ang aral na nais iparating
ng akdang ito sa mga mambabasa ay pagkakarooon ng paninindigan o isang salita.
3. Paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino sa
pang-araw-araw? Ito ay nagbibigay-paalala sa mga Pilipino na magkaroon ng
paninindigan sa pang-araw-araw. Ito ay tiyak na makatutulong para pag-iral ng wastong
sistema ng lipunan.
4. Ano-anong panghalip o panghalili sa pangalan ang paulit-ulit mong ginamit sa
pagsulat ng repleksiyon? Ang mga panghalip na paulit-ulit na ginamit sa loob ng
repleksiyon ay siya, ako, niya, at marami pang iba.
5. Paano nakatutulong ang mga panghalip na ito sa malinaw na pagpapahayag ng
mensahe ng iyong sulatin? Ang mga panghalip ay nakatutulong para maiwasang
maging magulo, nakababagot, at hindi epektibo ng isang pahayag.

Sagutin
Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Ano ang panghalip bilang bahagi ng pagpapahayag ng mga saloobin o idea? Ang
panghalip ay salitang pumapalit o humahalili sa pangngalan sa loob ng isang
pangungusap.

1
\

Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

2. Ano-ano ang mga halimbawang panghalip na salita ang madalas gamitin sa


pangungusap? Ang mga panghalip na karaniwang ginagamit sa pangungusap ay siya,
sila, niya, at marami pang iba.
3. Ano ang kadalasang binibigyang-turing ng mga panghalip na salita sa pagbuo ng
pangungusap o talata? Ang kadalasang binibigyang-turing ng panghalip sa loob ng isang
pangungusap ay pangngalan.

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng panandang anaporik at panandang kataporik? Ang
panandang anaporik ay panghalip na karaniwang makikita sa huling bahagi ng isang
pangungusap. Ang panandang kataporik naman ay panghalip na karaniwang makikita sa
unahang bahagi ng isang pangungusap.
2. Ano ang unang dapat hanapin sa isang pangungusap kung nagbabalak gumamit ng
panandang anaporik o kataporik? Ang unang dapat tandaan sa epektibong paggamit ng
anaporik at kataporik ay sapat na kaalaman sa kahulugan, gampanin, at kahalagahan
ng panghalip sa loob ng pangungusap.

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa anaporik at kataporik ng mga mag-aaral para
epektibong mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paraan ng pakikipagtalastasan sa
pang-araw-araw? Nakatutulong ang sapat na kaalaman sa anaporik at kataporik ng mga
mag-aaral para epektibong makabuo ng mga pangungusap na hindi magulo, nakakabagot, at
hindi epektibo. Ang sapat na kaalaman sa mga panghalip na anaporik at kataporik ay
nagbibigay-pagkakataon sa mga mag-aaral na hindi paulit-ulit gamitin ang isang pangngalan sa
loob ng isang pangungusap.

2
\

Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Pag-isipan Natin

Siya 1. ___ ang pangunahing kaibigan ni Marko, dahil tanging si


Manuel lamang ang nakakaunawa sa kaniya.

siya 2. Si Manuel ang pangunahing kinatawan ng klase, dahil tanging


___ lamang ang bibong nakikiisa sa mga gawain ng klase.

niya 3. Mabilis mag-isip si Nelen, kung kaya, malaki ang tiwalang


makukuha ___ ang tagumpay sa paligsahan.

Siya 4. ___ ang matiyagang nag-aral araw at gabi para lang makapasa,
kaya karapat-dapat si Karen sa parangal.

siya 5. Si John ang unang dumating sa paaralan, kung kaya, laging ___
ang naglilinis ng mga kalat sa silid-aralan.

You might also like