You are on page 1of 12

Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

ARALIN 11.3
Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Paggamit ng Matalinhagang Pananalita 4
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita 6

Sagutin Natin 6p

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 8

Pag-isipan Natin 8

Dapat Tandaan 10

Mga Sanggunian 11
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

Aralin 11.3
Paggamit ng Matatalinghagang
Pananalita

Lar. 1. Sa pagsulat ng mga tula, mahalaga ang wastong paggamit ng matatalinghagang


pananalita.

Introduksiyon
Sa pagsulat ng tula, isa sa binibigyang-konsiderasyon ang paggamit ng mga salita o pahayag
na nagtataglay ng natatagong kahulugan o kahulugang lampas sa literal na ibig sabihin nito.
Kilala ang mga salita o pahayag na ito bilang mga matatalinghagang pananalita.
Gayunpaman, kailangan pa ring pag-isipang mabuti ng isang manunulat kung paano ang
wastong paggamit ng matatalinghagang pahayag upang angkop na maipahayag ang nais
nitong iparating sa mga mambabasa maging sa mga nakikinig. Kaya sa araling ito, higit
mong makikilala at matututuhan ang paggamit ng matatalinghagang pahayag.

1
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● nabubuo ang mga pangungusap gamit ang matalinghagang pananalita;
at
● nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng maikling tula.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nagagamit ang matatalinghagang pananalita
sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65).

Simulan

Pagbuo ng Halimbawang Pahayag

Materyales
● kuwaderno
● panulat

Mga Panuto
1. Bumuo ng mga pahayag o pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng tayutay na
nakasaad sa bawat bilang.
2. Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong na kaugnay ng gawain.

Talahanayan 1: Pagbuo ng Halimbawang Pahayag

2
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

Uri ng Tayutay Binuong Pahayag/ Pangungusap

1. Pagtutulad

2. Pagwawangis

3. Pagsasatao

4. Pagmamalabis

5. Pagtawag

Mga Gabay na Tanong


1. Madali ka bang nakabuo ng mga pahayag/ pangungusap?
2. Ano ang binigyang-kosiderasyon mo sa pagbuo ng mga pahayag/ pangungusap
gamit ang uri ng tayutay?
3. Sa iyong palagay, may nakatakda at wastong paraan ba ng pagbuo ng mga pahayag/
pangungusap gamit ang matatalinhagang pananalita?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang unawaing mabuti ang isang pahayag na kinapapalooban
ng mga matatalinghagang pananalita? Bakit napakainam gumamit ng mga
pananalitang ito sa pagbuo ng tula? Ano ang pinakalayunin ng paggamit ng
mga ito?

Noong nakaraang aralin ay nalaman mo ang dalawang malimit na gamiting


matatalinghagang pananalita, ito ang idyoma at tayutay. Dahil sa mga matatalinghagang
pananalita ay hindi direktang sinasabi ng manulalat o manunula ang mensahe ng kanyang

3
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

tula. Dahil may kaalaman ka na sa matatalinghagang pananalita, ngayon naman ay


matutuhan mo ang epektibong paggamit sa mga ito.

Alamin Natin
paulanan tuloy-tuloy na pagsasalita

kaakit-akit kanais-nais

lantay tunay o literal na kahulugan

Paggamit ng Matalinhagang Pananalita


Dapat tandaan na ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita ay mayroong
hinihinging pagkakataon. Sang-ayon sa kalikasan ng komunikasyon, mayroon tayong
paghahati sa pagitan ng pagiging pormal at impormal nito. Hindi mo nanaising kausapin at
paulanan ng mga idyoma at mga tayutay ang isang kaibigang kinukumusta mo sa kantina,
sapagkat maaari siyang magtaka sa hindi pangkaraniwan mong pakikipag-usap sa kaniya. Sa
madaling salita, kailangang tingnan ang sitwasyon at pagkakataon kung kailan at saan
gagamitin ang mga matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pananalitang ito ay katanggap-tanggap gamitin at palutangin sa mga


akdang pampanitikan, higit lalo sa mga tula at awit, sapagkat ito ang pinakalayunin ng isang
tula–ang itago ang totoong kahulugan nito–upang maging mas masining at kaakit-akit para
sa mga mambabasa.

Sa naunang aralin, tinalakay ang ilan sa matatalinhagang pananalita na ating malimit


gamitin sa pagpapahayag, lalo na kung ang layunin natin ay upang mapalutang ang sining sa
ating pahayag.

Narito ang halimbawa ng tula na kakikitaan ng matatalinghagang pananalita.

4
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

“Totoo nga ang sumpa ng mukha ng Biyernes Santo


Dala-dala nga nito ang pighati’t bigat ng mundo
Napatunayan ko ito sa ilang Biyernes na pagdurog mo sa akin
Totoo nga ang sumpa ng mukha ng Biyernes Santo
Hatid nito’y luha na lumulunod sa’yong pagkatao
Napatunayan ko ito sa ilang Biyernes na pagtalikod mo sa akin.

Totoo nga ang sumpa, ang sumpa ng lungkot


Na ‘di maiwasang maramdaman, ‘di maiwasang maranasan
Totoo ngang walang kawala,
Kahit na ang pusong binusog sa sakripisyo’t pagmamahal
Dadanas at dadanas pa rin
Luluha at luluha pa rin.”
(Mula sa “Ilang Biyernes ang Puminit sa Akin” ni Kristine Mae Cabales)

Pansinin ang paggamit ng Biyernes Santo bilang isang simbolo na nakabatay sa kulturang
Pilipino, pinaniniwalaan nating hindi tayo dapat magsaya tuwing sasapit ang araw na ito
dahil diumano’y patay si Hesus.

Maaari ka pang magbigay ng iba pang pagtingin sa tulang ito. Makikita mo ang kabuuang
sipi ng tulang ito sa Internet. Maaari ka ring tumingin at magsiyasat ng iba pang tula.

Ang pag-unawa sa matatalinghagang pananalita na inilalangkap sa tula o anomang uri ng


akdang pampanitikan ay makukuha lamang nang buo kung mababasa mo ito nang buo.

Dahil nga ang layunin ng matatalinghagang pananalita ay magtago sa lantay na mensahe,


kailangan mong unawain ang kabuuan ng akda, gayundin sa mga idyoma, at iba pang
matatalinghagang pananalita o rhetorical devices.

5
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita


1. Pumili ng napapanahon at kagiliw-giliw na paksa.
2. Bumuo ng mga pahayag na kakikitaan ng mga tayutay.
3. Gumamit ng angkop na idyoma sa paglalarawan ng ideya.
4. Suriin ang mga nabuong pahayag batay sa kasiningan nito.
5. Magkaroon ng rebisyon kung kinakailangan.

Sa kabuuan, bagaman malaki ang ambag ng paggamit ng matatalinhagang pnanalita sa


ikagaganada at higit na pagiging masining ng isang tula o ng isang akda, kailangan pa ring
maging maingat ang mga manunulat sa pagagamit ng mga ito. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay kailangang ipilit ng manunulat ang paggamit ng mga naturang pananalita,
kailangan itong umangkop sa paksa o tema ng binubuong tula at kailang makasunod ito sa
mensahe na ipinararating ng akda. Samakatuwid, higit na makatutulong ang pagsasa-isip ng
mga gabay at paalala sa wastong paggamit ng matatalinghagang pananalita upang
magampanan nito ang tungkulin nito sa isang tula o anomang akdang pampanitikan.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang matatalinghagang pananalita ang malimit gamitin sa isang akdang
pampanitikan? Bakit?
2. Mayroon bang angkop na panahon at lugar kung kailan lamang dapat gamitin ang
matatalinghagang pananalita?
3. Sino-sino lamang ang maaaring gumamit ng matatalinghagang pananalita?

Subukan Natin
A. Gamitin sa pagbuo ng pangungusap ang sumusunod na idyomang nakasaad sa

6
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

bawat bilang. Tiyaking angkop at makabuluhan ang mabubuong pangungusap.

1. nagbabagang balita
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. suntok sa buwan
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. kaut-utang-dila
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. ilista sa tubig
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
5. lukso ng dugo
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

B. Gamitin sa pagbuo ng pangungusap ang iba’t ibang uri ng tayutay at mga salitang
nakasaad sa bawat bilang. Tiyaking angkop at makabuluhan ang mabubuong
pangungusap.

6. Pag-uyam (kagandahan)
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
7. Pagtawag (araw)
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
8. Pagtutulad (bulaklak)
__________________________________________________________________________________________

7
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

______________________________________________________________________________________
9. Pagwawangis (armas)
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
10. Pagsasatao (sayaw/ pagsayaw)
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Isaisip Natin
Paano magagamit nang mabisa at makabuluhan ang matatalinghagang salita?

Pag-isipan Natin
Sundin ang sumusunod sa pagsulat ng tula
1. Pumili ng magiging paksa ng isusulat na tula. Maaaring pumili sa sumusunod na
paksa/ tema:
● pag-ibig sa magulang
● pag-ibig sa sarili
● kawalan ng kalayaan
● kawalan ng kapayapaan
● hustisya
● kabayanihan sa gitna ng pandemya
2. Bumuo o sumulat ng tatlong saknong na tula gamit ang iba’t ibang matatalinghagang
pananalita. Isaalang-alang ang wastong paggamit ng matatalinghagang pananalita.
Salungguhitan ang mga matatalinghagang pananalitang ginamit sa isinulat na tula.
3. Bigyan ng angkop at kawili- wiling pamagat ang tula.
4. Gamiting gabay ang pamantayan sa pagmamarka sa pagsasagawa ng gawain.
Talahanayan 2: Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka

8
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

Pamantayan Higit na Nangangai- Di Gaanong Mahusay Napakahusay Marka


Nangangai- langan ng Mahusay
langan ng Tulong
Tulong
1 3 4 5
2

Nilalaman Iilang salita/ Hindi Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng


(45%). pahayag nakabuo ng tatlong tatlong tatlong
Kaangkupan ng lamang ang dalawang saknong na saknong na saknong na
nilalaman ng naisulat saknong na tula tungkol tula tungkol tula tungkol
tula sa paksang tula at sa napiling sa napiling sa napiling
pinili. Tamang Hindi nakapagsu- paksa paksa paksa
paggamit ng
angkop at lat lamang
mga
matalingha- walang ng iilang Hindi Nakagamit Nakagamit
gang kaugnayan taludtod gaanong lamang ng ng iba’t
pananalita sa pagsulat angkop ang iilang ibang
ng tula ang Hindi pagkakaga matataling- matataling-
mga nakagamit mit ng ilang hagang hagang
itinalang ng iba’t matataling- pananalita pananalita
datos ibang hagang
matatalinha pananalita Nakapagbi- Nakapagbi-
gang gay ng gay ng
pananalita Nakapagbi- pamagat angkop at
gay ng ngunit hindi kawili-
wiling
Hindi pamagat gaanong
pamagat
nakapagbi- ngunit hindi angkop at
gay ng gaanong kawili- wili
angkop at angkop at
kawili-wiling
kawili- wili
pamagat
ang tula

Kaayusan Walang Hindi Hindi Maayos ang Maayos at


(30%). kaayusang maayos ang gaanong pagkakasu- malinaw
Kaayusan ng ipinakita sa ang maayos ang lat ng tula ang
pagsulat ng ipinasang pagkakasu- pagkakasu- ngunit may pagkakasu-
tula at tamang gawain lat ng tula lat ng tula ilang hindi lat ng tula
paggamit ng agad
gramatika, Wasto ang
Walang Marami ang May mga maunawa-
bantas, at gamit ng
pagbabaybay. kawastuhan nakitang mali sa an
ang mali sa balarila balarila
paggamit ng balarila
balarila

9
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

May ilang
mali sa
balarila

Pagkamalik- Walang Hindi Hindi Nagpama- Lubos na


hain kasiningan nagpama- gaanong las ng nagpamalas
(25%). las ng nagpamalas kasiningan ng
Kasiningan sa kasiningan ng kasiningan
pagbuo ng tula. kasiningan

Kabuoan: /15

Dapat Tandaan

● Ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita ay mayroong hinihinging


pagkakataon.
● Ilan sa mga dapat tandaan sa paggamit ng matatalinhagang pananalita ang
sumusunod: pumili ng napapanahon at kagiliw-giliw na paksa; bumuo ng mga
pahayag na kakikitaan ng mga tayutay; gumamit ng angkop na idyoma sa
paglalarawan ng ideya; suriin ang mga nabuong pahayag batay sa kasiningan nito; at
magkaroon ng rebisyon kung kinakailangan.

Mga Sanggunian

10
Filipino

Baitang 10 • Yunit 11: Tula mula sa Kanluran

Animoza, Imelda V. 2007. Hiyas ng Diwa IV. Quezon City: Abiva Publishing House,
Inc. 2007.
Del Rosario, Mary Grace G. et. al. 2014. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.
Dominguez, Leticia F. 2007. Hiyas ng Diwa III. Quezon City: Abiva Publishing House,
Inc.
Lacano, Diana Gracia L. at Maida Limosnero-Ipong. 2015. Parola. Valenzuela City:
JO-ES Publishing House Inc.
Julian, Ailene Baisa at Nestor S. Lontoc. 2009. Bagong Lakbay ng Lahing Filipino.
Quezon City: Phoenix Publishing House.
Marasigan, Emily. 2016. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix
Publishing House.
Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. 1991. Makabagong Balarilang Filipino.
Manila: Rex Book Store,

11

You might also like