You are on page 1of 11

SeniorHIGH

SENIOR HighSCHOOL
School
Baitang
Baitang 11
11

Filipino – Ikalawang Semestre

MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Un Ikatlong Kwarter – Ikatlong Linggo – Aralin 3

ang Kwarter-Ikalimang Linggo
Tekstong Deskriptibo
Ikatlong Kwarter - Ikalawang Linggo (Aralin 2)

Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Deskriptibo
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan
ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino

Writer: Kattie C. Tagud, Rhyne Mae S. Gales

Illustrators: Roel S. Palmaira, Eladio j. Jovero

Althea C. Montebon

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor

Rhyne Mae S. Gales

Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Nelson A. Cabaluna
Management
Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilches
Dr. Ferdinand C. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Baitang 11.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to
12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto

na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa
mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga
gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing
layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang
nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na

papel.

Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90)
Tekstong Deskriptibo
Ikaw ang bida! Ikinagagalak kong patuloy pa rin ang iyong pag-aaral at umabot ka sa
modyul na ito. Ang kasipagan mo sa pagtamo ng mga kaalaman sa mga nakaraang aralin
ay daan tungo sa iyong pangarap. Madaling gawin di ba?
Kung natutuhan mo na ang magsalaysay ng isang kuwento sa tekstong naratibo, sa
bahaging ito ay tuturuan ka ng angkop na paglalarawan upang tumatak ang imahe ng
paksang iyong tinatalakay. Tulad ng isang larawang iginuhit na may iba-ibang matitingkad
na kulay na siyang nagbibigay buhay dito, ang pagpipinta ng imahe sa isip ng mga
mambabasa na ginagamitan ng mga pang-uri at pang-abay na maglalarawan ng tauhan,
tagpuan at maging ang kilos at galaw na nais bigyang buhay sa imahinasyon ng mga
mambabasa ang siyang pagtutuunan natin sa tekstong deskriptibo.
Dito mo rin malalaman ang tamang paggamit ng cohesive devices o kohesyong
gramatikal ay makatutulong upang magkaroon ng ugnayan ang mga bahagi ng teksto at
maiiwasan ang paggamit ng salita nang paulit-ulit.

Inaasahan na pagkatapos ng aralin iyong:

• nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang teksto (F11WG – IIIc – 90)
At matatamo mo ang mga sumusunod na tiyak na layunin:
• naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo ; at
• nakasusulat ng tekstong deskriptibo
Nasasabik ka na bang simulan ang ating aralin? Sige ipagpatuloy natin.
Mag-enjoy habang natututo.

.
GAWAIN A:
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Magbigay ng mga salitang maglalarawan ng
iyong nakita, naamoy, nalalasahan at nararamdaman.

4
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
Gawain B.
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ang panghalip na ginamit
ay Anapora o Katapora.
_______1. Ito ang bayang ipinagmamalaki kanino man, Pilipinas.
_______2. Sa kanyang pagdating mundo ko’y tila bahaghari kung ituring.Puso’y lumulukso habang
ang mga mata’y namumungay na mga bituin.O, Chubby kong mahal,sa bawat pagkahol
mo’y musika na nagbibigay kahulugan,sa panganib man o kasayahan.
_______3. Pagsuot ng facemask at faceshield, napakahalaga ng mga ito.
_______4. Kung tumaas ang sahod ng mga doktor at nars hindi na sila mangingibang bansa upang
magtrabaho.
_______5.Paglanghap ng sariwang hangin, hindi na ba ito mararanasan?

Tekstong Deskriptibo: Layunin, Katangian at mga Halimbawa

Kalimitan sa mga pag-uusap, nagiging malinaw lamang ito kapag sa pagsasalaysay
ay maayos at mabisa ang paglalarawan. Upang kalugdang basahin ang isang teksto
mahalagang angkop ang paggamit ng paglalarawan o deskripsyon sa katangian ng mga
bagay, lugar, tao, pangyayari o maging ang mga ideya, ito ang layunin ng tekstong
deskriptibo.
Tekstong deskriptibo ang pinakagamiting uri ng teksto dahil makikita ito sa
paglalarawan ng tauhan, tagpuan, damdamin at iba pa sa pagsasalaysay ng tekstong
naratibo. Paglalarawan kung paano gawin ang isang bagay sa tekstong prosidyural.
Paglalarawan sa ipinaglalabang panig sa tekstong argumentatibo at panghihikayat sa
tekstong persweysib. Paglalarawan ang ginagamit sa lahat ng uri ng teksto upang tumatak
sa isipan ng mambabasa ang imahe ng paksang tinatalakay.

Dalawang Uri ng Paglalarawan

Karaniwan Masining

➢ payak ang anyo ng pananalita ➢ gumagamit ng matalinhagang salita o

mga tayutay
➢ nagbigay kaalaman tungkol sa
➢ pumupukaw ng imahinasyon o guni-
katangian ng paksa lamang guni
➢ bumuo ng malinaw na larawan sa ➢ naglarawan ng higit sa nakikita ng
paningin gaya ng masidhing
isipan
damdamin.

5
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
Ang tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto ay nagiging
mahusay at malinaw sa paggamit ng mga cohesive devices o kohesyong gramatikal kung
saan maiiwasan ang paggamit ng isang salita nang paulit-ulit.

Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal

➢ paggamit ng panghalip na tinutukoy sa una o

hulihang pangalan
a. Anapora – panghalip na matatagpuan sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap o
talata.
Hal.
Aso ang aking kinahihiligan. Ito kasi ay
1. Reperensiya o Pagpapatungkol puwedi mong maging kaibigan na kaya kang
ipaglaban.
b. Katapora – panghalip na matatagpuan sa
unahan bilang pananda sa pinalitang
pangalan sa hulihan ng pangungusap o
talata.
Hal.
Ito ang aking kinahihiligan kasi puweding
maging kaibigan ang aso na kaya kang
ipaglaban.

➢ pagtitipid sa pahayag dahil may mga salitang

binabawas subalit naiintindihan at malinaw pa
rin ito sa mambabasa dahil nakatulong ang
2.Elipsis unang pahayag upang matukoy ang nais
ipahiwatig.

Hal.
Narinig mo ba ang balita? Oo, narinig ko.

➢ ginagamitan ng salitang pamalit sa halip na

ulitin muli ang salita.
3.Substitusyon o Pamalit
Hal.
Nasira ko ang faceshield mo. Papalitan ko na
lang.

➢ pangatnig na nag-uugnay sa salita,parirala ,

4.Pang-ugnay
sugnay at pangungusap.

6
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
Hal.
Ang kasarian ay hindi batayan sa trabahong
papasukan at pagiging produktibong
mamamayan.

5.Kohesyong Leksikal
➢ salitang ginagamit sa teksto na maaaring paulit-ulit upang magbigay – linaw sa
mahahalagang detalye.
➢ mayroong kohesyon ang isang teksto kung magkakaugnay ang mga pangungusap
sa isang talata.

Kohesyong Leksikal

Reiterasyon Kolokasyon
➢ Kung ang salita ay ➢ Salitang magkapares
nauulit nang ilang o magkasama
beses.
Guro – mag-aaral
Doctor - nars

Repetisyon o Pag-iisa-isa
pag-uulit
Bago lumabas ng bahay
Sumali si Ana sa magsuot ng facemask,
paligsahan. faceshield at mag-
Nanalo si Ana. social distancing.

Pagbibigay-kahulugan

Ang mahihirap ay mga

kapus-palad na
nanganagilangan ng tulong
ngayong panahon ng
pandemya.

Mayroong kohesyon ang isang teksto kapag nagkakaugnay ang mga pangungusap. Sa
pagbubuo nito ginagamit ang cohesive devices upang magbigay-linaw sa mga mahahalagang
detalye sa pagpapahayag at upang madaling maunawaan ang mga kaalaman mula dito
7
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
Panuto: Basahin at suriin ang teksto, pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba.

ARAW NG MGA PUSO

ni: Joeven A. Baludio

Sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, ang mga puso ng

karamihan ay tigib ng pagmamahal at nababalot ng ibat ibang emosyon.
Ito lang naman ang araw na pinakaaabangan ng lahat lalong-lalo na ng
mga nagpupuyos na damdamin na mga kabataan. Ang iba ay halos hindi
na magkandaugaga sa pag-iisip ng mga pakulo at kaparaanan mapasaya
lamang ang kanilang kaibigan, iniirog at maging ang kanilang kapilas ng
buhay. Ganyan kasarap magmahal…Mapalad ang mga taong may
nagpapaligaya sa kanilang mga puso sapagkat mayroon silang
mapaghihingahan ng problema at higit sa lahat mayroong nagpapaalala
sa kanila na ang pag-ibig ay nandiyan lang kusang dumarating sa
tamang tao at sa tamang panahon.
Sa kabilang banda, may mga tao din namang masasabi nating
pinagkaitan ng tadhana na lumigaya sa Araw ng mga Puso. Sila ‘yong
mga tao na noong nagpakawala ng mga sanlaksang mga palaso si
kupido wala ni isa man na tumama sa kanila. Kaya naman ang
nagdurugong puso ay sinakop ng labis na dalamhati.Tuluyan ng inanod
ang kanilang nalulugaming damdamin dahil sa labis na panibugho sa
mga taong nag-uumapaw ang pag-ibig sa isa’t isa.
Gayumpaman, marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa
tuwing sasapit ang araw na ito. Ang araw na ito ay nagpapaalala sa atin
na kaysarap magmahal. Kaysarap mabuhay ng may minamahal. Ang
ligayang hatid ng araw na ito ay isang patunay na mahal tayo ng Diyos at
kailangan nating ibahagi ang pagmamahal na ito nang sa gayon ay higit
nating mapahalagahan ang ligayang dulot nito.

1. Anong uri ng paglalarawan ang tekstong Araw ng mga Puso?

2. Tukuyin ang mga cohesive devices na makikita sa teksto. Kailan nagkakaroon ng kohesyon ang
tekstong deskriptibo?
3. Bakit ginagamit ang cohesive devices o kohesyong gramatikal sa pagsulat ng nabasang teksto?
4. Paano nakatutulong ang angkop na paggamit ng paglalarawan sa tekstong binasa upang
kalugdang basahin ito.
8
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
Gawain A.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong cohesive device ang
ginamit.
1. Si Rabiya Mateo ang kauna-unahang nanalo sa Miss Universe Philippines. Magaling at
matalino naman talaga siya.
2. May Karapatan ang mga isang kahig isang tuka na makatanggap ng tulong mula sa
pamahalaan dahil sila ay kapus-palad.
3. Ang pagsuot ng facemask ay walang pinipili bata, matanda, babae, lalaki, bakla man o
tomboy.
4. Natapos mo bang panoorin ang bagong Korean nobela? Mamaya tatapusin ko.
5. Para sa kabutihang panlahat maghugas ng kamay at mag-social distancing.

Gawain B.
Ikaw ay sumali sa Lin-ay o Ulitao na patimpalak ng Department of Tourism sa inyong
bayan. Bilang bahagi ng mga kategorya ikaw ay gagawa ng adbokasiya kung paano mo
isusulong o itataguyod ang inyong bayan. Gumawa ka ng isang lathala na nagtatampok sa
magagandang lugar , pagkain, produkto at iba pa sa inyo.
Panuto: Sumulat ng isang tekstong deskriptibo na ginagamitan ng mga cohesive devices o
kohesyong gramatikal.

____________________________
_____________________________________________________________

9
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan 10 7 5 3 Score

Napakahusay Nakagamit ng May Kulang na

at lubhang mga salitang kakulangan kulang at hindi
nakaaakit ang mahuhusay at ang angkop ang
pagkakagamit nakaaakit sa pagkakagamit mga salitang
Husay ng
ng mga salita pagsulat ng ng mahuhusay ginamit sa
Pagkakasulat
sa paglalarawan na salita sa paglalarawan
at
paglalarawan pagsulat kaya kaya’t hindi ito
Paglalarawan
na may kawili- naman hindi nakaaakit sa
wiling paksa. gaanong sinumang
nakaaakit ang makababasa
paglalarawan

Nakagamit ng Nakagamit ng Kakaunting Walang

angkop at mga datos na datos na nasaliksik na
Paggamit ng maraming mula sa nasaliksik ang datos ang
Angkop na datos mula sa pananaliksik nagamit at naisama at
Datos pananaliksik karamihan sa pawing
patungkol sa mga opinyon lang
lugar nakalahad ay ng manunulat
opinyon lang nailahad.
ng manunulat .

Nakagamit ang Nakagamit ng Nakagamit ng Hindi gumamit

angkop na cohesive ilang cohesive ng anumang
cohesive devices o devices o cohesive
Paggamit ng
devices o kohesyong kohesyong devices o
Angkop na
kohesyong gramatikal sa gramatikal kohesyong
Cohesive
gramatikal na pagbuo ng subalit hindi ito gramatikal
Devices o
lalong paglalarawan. sapat para sa kaya’t walang
kohesyong
nagbigay ng maayos na kaayusan ang
Gramatikal
maayos na daloy ng daloy ng
daloy ng paglalarawan. paglalarawan.
paglalarawan.

Total

10
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).
11
Baitang 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG – IIIc – 90).

You might also like