You are on page 1of 38

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
DAANG AMAYA II, TANZA, CAVITE

Grade 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Learner’s Packet

Ikalawang Semestre
Ikatlong Kwarter
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL


Address: Daang Amaya II, Tanza, Cavite 4108
Telephone No.: (046) 450-0253 / (046) 454-5532 (Senior High School)
E-mail: tnchstanza@gmail.com / tnchsshs@gmail.com

Paunang Salita
Mabilis ang pagpapalit ng pilas ng panahon, kasabay nito ang
pagbabagong nararanasan ng mga mag-aaral. Mula sa karunungan at kasanayang kanilang
patuloy na nililinang hanggang sa pamamaraang ginagamit ng guro upang makaagapay sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating paligid. Lahat ng ito ay nagpapalit ng anyo. At sa lahat ng ito,
dapat tayo’y sumabay upang matamo ang lubos na paglinang ng ating kakayahan at magamit ito
sa ikatatagumpay ng ating kinabukasan.
Ang Learner’s packet na ito ay naglalayong mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral
sa paggamit ng wikang sa kanila’y naghasa ng talino at talento, sa paraang pasalita o pasulat
man. Nais nitong malinang ang husay ng mga mag-aaral sa paggamit ng matatalinghagang salita
at maging kagamit-gamit ito sa pang-araw-araw nilang pamumuhay upang muli pang
mapagyabong ang wikang ipinaglaban ng ating mga bayani mula sa paninikil ng mga dayuhan.
Inaasahang makatutulong ang Learner’s packet na ito upang lubos na malinang ang
kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral at mapagyaman pa ang kanilang mga karanasan.

Panimula Ang bahaging ito, ang bagong aralin ay ipapakilala sa


iyo sa iba`t ibang paraan tulad ng isang kuwento, isang
kanta, isang tula, tagapagbukas ng problema, isang
aktibidad o isang sitwasyon

Pagpapaunlad Ang seksyon na ito ay nagbibigay ng isang maikling


talakayan ng aralin. Nilalayon nitong matulungan kang
matuklasan at maunawaan ang bago konsepto at
kasanayan

Pagpapalihan Nagsasama ito ng mga gawain para sa


Independiyenteng kasanayan upang
patatagin ang iyong pag-unawa at kasanayan ng paksa.

Paglalapat Ang seksyong ito ay nagbibigay ng isang aktibidad na


makakatulong sa iyo ilipat ang iyong bagong kaalaman
o kasanayan sa totoong buhay sitwasyon o alalahanin

PAGNINILAY Ito ay isang gawain na naglalayong suriin ang iyong antas


ng master sa pagkamit ng kakayahan sa pag-aaral.

DAPAT TANDAAN

1. Dapat mong ingatan ang Learner’s Packet na ito kung kaya’t huwag mo itong dumihan,
sulatan o itupi man sapagkat maaari pa itong gamitin ng iba pang mag-aaral na tulad mo.
2. Makabubuti rin na sa pag-uumpisa mo ay maihanda mo na ang isang malinis na papel na
susulatan mo ng iyong sagot.

2
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga tekstong iyong babasahin. Iwasang may
malampasang bahagi.
4. Maging matapat sa pagsasagot sa mga tanong upang makasiguro na ikaw ay natuto.
5. At higit sa lahat, anuman ang iyong natutuhan sa modyul na ito, lagi itong pakatandaan at
matutong ibahagi sa iyong kapwa ang anumang kaalaman na makukuha mula rito.

UNANG LINGGO (Unang Aralin):

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng


Pamantayang
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
Pangnilalaman
ibang larangan
Pamantayan sa Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
Pagganap ibang anyo ng sulatin

Pinakamahalagang Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat


Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC)
1. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng akademikong
pagsulat
Specific Learning 2. Nasusuri ang iba’t ibang kahulugan at kalikasan ng
Outcomes akademikong sulatin
3. Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng akademikong
sulatin
Nilalaman Kahulugan at Layunin ng Akademikong Sulatin
Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

PANIMULA

ARALIN 1
Kahulugan ng Akademikong Sulatin

Panuto: Mula sa dati ninyong kaalaman sa pagsulat, suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat
ang titik A kung ikaw ay naniniwala at sang-ayon at Titik B kung pagtutol.

1. Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay nangangailangan ng
disiplinang mental.
2. Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan.
3. Ang bawat indibiwal ay may kakayahang makasulat.
4. May mga yugto ng proseso ang pagsusulat.
5. Ang kaalaman, kasanayan at karanasan ng isang manunulat ay may malaking ambag sa
kalidad ng kanyang isusulat.
6. Ang pagsulat ay isang ehersisyo sa ating isipan.

3
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

7. Sa bawat pagsulat ng isang mag-aaral ay siyang laman ng kanyang saloobin at isipan.


8. Matrabaho at komplikado ang unang pagtatangka sa pagbuo ng isang susulatin, ngunit dahil
ito ay may proseso, madali itong maisagawa.
9. Isang Mental at pisikal na aktibti ang pagsulat.
10. May kapakinabangan ang pagsulat sa ating sarili at napiling hanapbuhay.

Nakatulong ba ang mga kaalamang ito.? Ano sa iyong pagkaunawa ang kahulugan ng
pagsulat? Mahalaga ba na malinang ang kasanayang ito sa iyo bilang isang mag-aaral? Ilahad
mo ang mga konseptong nakapukaw ng iyong pansin sa mga pangungusap sa itaas. Ipaliwanag
ito.

Tandaan:
Ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayan na kailangan sa pag-aaral. Malaki ang papel na
ginagampanan nito upang makatugon sa ating mga pangangailangan sa napiling larang.
Masasabi rin na ang pagsulat ay pakikipagtalastasan sa iba. Ang pagpili ng paksa at pagtuklas
sa ating layuning makasulat ay laging magkasama. Pinauunlad natin ang mga paksa sapagkat
may nais tayong patunayan, magbigay ng karagdagang kabatiran, o maaaring nagpapahayag ng
ating pananaw.
Sa ating mga pagsulat nakikita ang lawak ng kaalamang naaabot sa pagbabasa. Dapat lamang
tayo maging handa, maingat at may sapat na kakayahang maisagawa nto.
Mahalagang mabatid ang mga kahulugan sa akademikong sulatin upang maging malinaw sa atin
ang gamit nito batay sa layon ng ating mga isasagawang panulat.

PAGPAPAUNLAD

Pagsasanay A.

Panuto: Mula sa mga larawan, talakayin ang kahulugan ng pagsulat bilang isang indibidwal at
mag-aaral. Isulat ang inyong pagtalakay sa papel.

4
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Sukatin muna natin ang iyong kaalaman sa konsepto ng pagsulat. Sagutan mo ang pagsasanay
B sa abot ng iyong makakaya.

Pagsasanay B
Panuto: Basahin ang pagsusulit sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Paraan ng interaksyon ng tao sa pamamagitan ng arbitraryong simbolo na minamarkahan
upang makabuo ng isang sistema.
A. pakikinig B. pagsasalita C. pagbasa D. pagsulat

2. Alin sa mga sumusunod ang pananaw ni Freeman (1987) at Lalunio (1990) tungkol sa
pagsulat?
A. Ang pagsulat ay gawaing pisikal at mental.
B. Ang pagsulat ay itinuturing isang sosyo-kognitibong teorya
C. Ang pagsulat ay nakatutulong sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao.
D. Ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip

3. Ang mga kasanayang kailangan sa pagsulat ay….


A. gramatika at masining na pagpapahayag
B. gramatika, pisikal at mental na kakayahan
C. pisikal at emosyong bubuo sa mga mensahe
D. mental na magpapahayag ng iyong mga nalalaman

4. Ang mga kasanayang HINDI kailangan sa pagsulat ay….


A. Paniniwala B. Gramatika C. Impormasyon D. Kasanayan sa pagsulat

5. Maituturing na ang kauna-unahang antas ng pagsulat ay nagsimula sa mga unang panahon


ng pagkakalikha ng mga tao.
A. katotohanan B. paninindigan C. haka-haka D. teorya

Paalala: Laging pahalagahan ang bawat kaalaman na iyong natutuhan.


Ang araling ito ay tatalakay sa kahulugan ng akademikong pagsulat. Mahalaga sa pag-aaral
ang akademikong gawain ang pagsulat. Ngunit kadalasan ay hindi nabibigyan ng linaw ang
konsepto nito sa buhay ng mag-aaral at sa karerang pipiliin sa hinaharap.

5
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Tuklasin
Halina ating tuklasin ang mga ito!
Ang mga kaalamang ito ay hindi napulot lamang. Sa kasalukuyang panahon, ito pa rin
ang nagiging suliranin ng mga maraming mag-aaral. Ang pagkilala sa mga pagpapakahulugan
ng mga dalubhasa ay higit na magpapalalim sa ating kaalaman at ito ay may malaking
pakinabang upang maging mahusay tayo sa kasanayang pagsusulat. Basahin ang mga
kaalaman sa pahina.
Kahulugan Akademikong Pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat ayon sa iba’t ibang Tao:


1. Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. (William
Strunk, E.B. White)
• nakatutulong ang pagsulat upang mabigyan ng kaganapan o maisakatuparan ang mga
naisin natin bilang tao gayundin ang mga responsibilidad natin bilang tao sa ating lipunan.
2. Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat
ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip (Kellogg)
• Mahalaga ang gampanin ng ating kaalaman upang magkaroon ng bagay, saysay at
kalidad ang ating mga sinusulat.
3. Ang pagsulat ay isang biyaya, kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)
• Nakatutulong ang pagsulat sa pagkakaroon ng kaligayahan. Halimbawa, kapag naisusulat
o naipahahayag ng tao ang kanyang mga nararamdaman at ideya ay nakararamdam tayo
ng kakuntentuhan at kaligayahan.
4. Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,
5. pagbuo ng kaisipan, at retorika (Xing Jin)
• Mahalagang bahagi ng pagsulat ay ang sapat nating kaalaman at kasanayan sa wastong
gamit at estruktura ng wikang ating gagamitin sa pagsulat.
6. Isang gawaing uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill getting) hanggang sa ang mga
kasanayang ito ay aktwal na magamit (self using) ((Rivers, 1975)
• Ang gawaing pagsulat ay nag-uumpisa sa pangangalap ng mga datos na maaaring mula
sa naobserbahan, nabasa, napanood, narinig o nasaliksik na siya namang gagamitin niya
sa kanyang pagsulat na gagawin.
7. Sa herarkiya ng sining ng pagsulat ang maituturing na pinakamainam at pinakatampok na
kasanayang nararapat linangin ng mga mag-aaral.
• Isang mahalagang kasanayan ang pagsulat na dapat malinang at matutunan ng mga
mag-aaral na magagamit niya sa karerang kanyang tutunguhin.
8. Ayon kay Freeman (1987) at Lalunio (1990), isinasaad sa teoryang sosyo-kognitibo na ang
pagkatuto ay may batayang panlipunan. Ito ay ay isang prosesong interaktibo.

6
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

• Nangangahulugan, ito na ang kognisyon o pag-unawa ay naaapektuhsan ng maraming


salik gaya ng iskema ng mga mag-aaral at ng konteksto.
9. Ayon kay Villafuerte, et, al, 2005. Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama,
nilalayon at pinapangarap ng tao
10. Ang pagsulat ay isang eksplorasyon, pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma, at kung
paano niya maipahahayag nang mahusay. (Donald Murray)
11. Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa. (Peck at Buckingham)
12. Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman
ng mga mambabasa.
13. Ang akademikong pagsulat ay uri ng pagsulat nangngailangan ng mataas na antas ng
kasanayan, mapanuring pag-iisip, at may kakayahang mangalap, mag-organisa ng
impormasyon at datos

PAG-ARALAN NATIN ITO:

Naipakita ba ng mga dalubhasa ang mga konsepto tungkol sa kahulugan ng akademikong


pagsulat? Alin sa mga pagpapakahulugan na ito ang iyong hindi ganap na naunawaan? Iugnay
ang mga kaalamang ito sa sarili mong kaalaman at karanasan sa mga naging pag-unawa mo sa
akademikong pagsulat.
Sa tulong ng web na ito, punan ang mga impormasyon.

Pagyamanin
Pagsasanay A.
Panuto: Kumpletuhin ang concept map para sa kahulugan ng pagsulat batay sa unang titik.
Bumuo ng pakahulugan sa pagsulat.

7
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay B.

Mula sa bahaging TUKLASIN, Bakit sinabi ni Helen Keller, na ang pagsusulat ay kabuuan ng
pangangailangan at kaligayahan. Magsalaysay ka ng isang karanasan o pangyayari sa iyong
buhay na may kaugnayan sa kanyang pahayag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

PAGPAPALIHAN

Isagawa
Pagsasanay A.

Pagsasanay B.

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa gawaing
akademikong pagsulat

8
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Mahusay (8-10) Katamtaman (7-5) Higit pang paghusayan


(1-4)

Nilalaman Makabuluhan ang Higit masyadong Walang saysay ang


mensahe makabuluhan mensahe

Organisasyon Maayos at mag- Hindi masyadong Maagulo at walang


kakaugnay ang idea maayos at malabo kaugnayan sa isa’t isa

Gamit ng wika Pormal Di pormal lalawiganin

Himig Orihinal at nakakaaliw Halaw at magulo Wala sa tono at magulo

Pagsasanay C.

Panuto: Mangalap ng mga larawan at gawin itong Photoessay tungkol sa kampanyang Stay At
Home. Huwag tayong maging sanhi ng pagkalat ng COVID -19. Pamagat ng photoessay ay

#Taong Bahay, Taong Bayanihan


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Maglagay ng Larawan
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagamamarka

Pamantayan Mahusay (8-10) Katamtaman (7-5) Higit pang pahusayan


(1-4)

Barayti ng mga Gumamit ng lahat ng uri May mga pag-uulit sa Hindi kaakit akit ang
larawan ng shot angulo o shot akuhang shot at kulang

Linaw ng mga Malinaw ang lahat ng May mga malabong Hidi maganda ang shot
larawan nakuhang larawan larawan at sobrang malabo

Naratibo Lantad ang naratibo May mga larawang lihis Magulo at walang focus
sa naratibo sa naratibo

Nilalaman Makabuluhan ang Walang masyadong Walang nilalaman ang


mensahe naibahaging mensahe piyesa

9
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Linangin
Subukan pa natin kung higit na ninyong nauunawaan. Ipagpatuloy at sagutan ang mga
Pagsasanay A at B.
Pagsasanay A.
Panuto: Balikan ang mga larawan sa Gawaing Isagawa, Pagsasanay B at sagutin ang
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang pagpapakahulugan mo sa pagsulat batay sa larawang nakaguhit?
2. Naninwala ka ba na ang pagsulat ay isang pangangailangan?
3. Paano mo ginagamit ang kakayahan mo sa pagsulat sa mga nakaraang antas ng iyong
pag-aaral?
4. Paano ito makatutulong sa iyong pag-aaral? sa iyong sarili?
5. Malinaw ba sa iyo ang kahulugan ng pagsulat?

Pagsasanay B.

Panuto: Dugtugan ng mga pahayag upang makabuo ng isang kaisipan. Paano makatutulong ang
pagsulat sa mga sumusunod:

A. bilang mag-aaral _______________________


B. sa pamilya _______________________
C. sa pamayanan _______________________
D. sa barangay _______________________
E. sa bansa _______________________

Iangkop/ Karagdagang Gawain

Pagsasanay A.
Panuto: Basahin ang teksto. Suriin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

Mahal kong talaarawan,


Heto na naman ako kasama ang aking matapat na pluma. Oras na upang itala ang mga
pangyayari sa loob ng aming klase. Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na gawain. Kailangan
nito ang mental upang makabuo ka ng isang kaalaman at pisikal dahil gagamit ka ng kamay sa
paglilimbag ng mga salita. May maganda at may pangit na dulot din ang pagsulat. Unahin ko
siyempre iyong maganda. Ayaw ko kasing malungkot pa kung ang uunahin ay ang pangit.
Kagaya ng dati, ang bawat guro ko ay pasulat nang pasulat. Minsan nag-iisip at nagtatanong
ako kung ano ba ang dulot nitong kapakinabangan. Bilang pagsunod, mabait naman kasi akong
bata. Kaya sulat na lang. Natatakot akong magtanong baka magalit ang aking guro. At lalong
ayaw kong hindi ako magsulat dahil sasabihan akong tamad at walang alam. Paano nga ba ako
magsulat?
Natatandaan ko noon, lagi kong ginagamit ang dati at bago kong kaalaman para makabuo
ng talata. Isinasaalang-alang ko rin ang mga bagay na napapakinggan, nababasa, mga
nararanasan ko at higit ang turo ng aking guro. Gumagawa muna ako ng burador.

10
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Iyan ang ilang mga ginagawa ko sa pagsulat. Una, sulat lang ako nang sulat hindi ko muna iniisip
kung ito ba ay tamang gramatika o may pagsasaayos ng pagpili ng mga salita. Bawat ideya na
pumasok sa aking isipan, sulat agad. Kapag nakarami na ako, duon ko lang muling babasahin
at pipiliin kung ano ang dapat kong isama, Muli kong isusulat hanggang ito ay maayos na.
Sa murang gulang ko pa lamang, mahilig na akong magsulat. Pakiramdam ko kasi
mailalabas ko ang lahat ng aking mga kaalaman at saloobin bunga nito gumagaan ang aking
kalooban. Natutuwa ako tuwing binabasa ko ang aking mga gawa at itinatago ko pa. Mahal ko
ang gawaing pagsulat. Ito lamang kasi ang tanging libangan ko sa bahay. Mahigpit si Inay, hindi
ko naranasan makipaglaro sa kapwa ko bata. Lagi lang ako sa loob ng bahay. Natatakot kasi si
Inay na baka ako awayin o saktan. Overprotective kasi ang inay ko.
Noong ako ay nagsimula nang mag-aral, natuwa ako dahil may kaklase na ako at kalaro.
Pero hindi rin pala. Kasi hindi ko alam ang mga laro nila. Malaking tulong ang aking guro, sa
kanya ko nalaman ang format, ang estruktura sa pagbuo ng talata, iba’t ibang uri ng teksto at
kung paano talaga magsulat. Siya rin ang aking mahusay na kritiko. Mula noon lagi na akong
nagsusulat. Ang aking kalaro ay ang aking matapat na pluma.
Hindi ko nakita ang aking sarili na mainis, malungkot at mabagot. Para sa akin isa itong
mabuting therapy. Pinalulusog nito ang aking isipan na magamit at nakakalikha ako ng
interaksyon sa iba. Iyan siguro ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Mahilig akong magsulat.
Batid kong marami ang magtataas ng kilay sa aking sinabi pero yun ang nasa kalooban ko.
Pangit na pangyayari. Mayroon din. Nagaganap din minsan ma-reject ang aking mga
awput. Pag nakakita ako ng pulang tinta sa ibabaw ng aking papel alam ko revise or edit yun.
Hindi naman ako nagagalit kasi tanggap ko mali ang aking gawa. Iyon pa pala, dapat matiyaga
at matiisin ka rin sa pagsulat. Bunga nito, magiging maayos din ang resulta
Pinaulit ni mam ang gawa ko. No Choice kaya inulit ko. Binasa kong mabuti at muling
isinulat, Ayaw ko na kasing magkamali uli. Alam mo tapos, WOW! Tama na ang aking gawa. Sa
maghapon kong klase, napagod ako, pati ang aking pluma nauubos na Hindi bali, hindi naman
nauubos ang aking natutuhan.
Ewan lang bukas kung ilang guro ko muli ang magpapasulat. Mahaba-haba na ang aking
tala, bukas muli ubos na tinta ng bolpen ko. Paalam at Magandang gabi mahal kong talaarawan.

Nagmamahalal,

Anjelyn

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano ang paksa sa isinulat na akda?
2. Batay sa karanasan ng may-akda, ano ang kanyang pagpapakahulugan sa pagsulat?
3. Ano ang layunin ng kanyang paggamit sa kasanayang pagsusulat?
4. Ilahad ang magandang aral na napulot sa kanyang talaarawan?
5. Ano ang aral na iyong nakuha? Paano mo magagamit sa sariling mong karansan?

11
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

PAGLALAPAT

Tayahin

Mula sa iba’t ibang pagsasanay ating subukan kung ano na ang iyong natutuhan.

Pagsasanay A

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang


nakalimbag.
A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat

2. Mahalaga ito sa pagsulat ng akademiko.


A. Datos B. Parirala C. Sanaysay D. Pangungusap

3.Ito ang kasanayang nangangailangan ng sapat na kaalamang gramatika.


A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat

4. Mahalaga sa kasanayang ito ang sapat na pagbabasa upang makakalap ng datos na gagamitin
dito.
A. Pagbabasa B. Pakikinig C. Panonood D. Pagsusulat

5. Sa pagsulat, mahalaga na mayroong sinusunod na ___________


A. Format B. Bilang C. Dami D. Numero

Pagsasanay B:
Naalala mo ba ang iyong mga nabasa? kung ito ay iyong naalala tara at tumungo na sa susunod
na pagsasanay.
Panuto: Tukuyin mo kung kanino pananaw ang mga sumusunod sa pagpapakahulugan sa
akademikog pagsulat.

1. Ang pagsulat ay mula sa teorya sosyo konitibo.


2. Ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan hanggang
sa ang kasanayang ito ay aktwal na nagagamit.
3. Ang pagsulat ay bumubuhay at humuhubog sa pagiging isang tao.
4. Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak.
5. Isa itong komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,
pagbubuod ng kaisipan at retorika.

12
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

PAGNINILAY

Batay sa mga pagsasanay na iyong isinagawa, Ano na ngayon ang iyong pag-unawa sa
kahulugan nng akademikong pagsulat?

Paano makakatulong ang modyul na ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Sana’y hindi
lamang magsilbing babasahin ang iyong mga natutunan kundi maging gabay sa pag-unawa sa
iyong kapwa at sa iyong kapaligiran.

Panuto: Ilagay sa sagutang papel ano ang kahalagang kaalaman ang iyong nakamit sa modyul
na ito? Ibahagi ang isang natatanging karanasan tungkol sa pagsusulat?

________________________________________
Pamagat

13
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Susi sa Pagwawasto

Xing Ji

Kellogs
E.B. White

Rivers A

Freeman A
Pagsasanay B A
A
A D A
D A A
D A A
A B B
D D A
Pagsasanay A Pagsasanay B A
Tayahin Pagpapaunlad Panimula

Sanggunian:

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro


• Bandril, Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Laangan (Akademik
at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling LaranganAkademik.
Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

14
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

IKALAWANG LINGGO (Ikalawang Aralin):

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng


Pamantayang
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
Pangnilalaman
ibang larangan
Pamantayan sa Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
Pagganap ibang anyo ng sulatin

Pinakamahalagang Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa


Kasanayan sa Pagkatuto layunin, gamit, katangian, at anyo
(MELC)
• Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin
• Natutukoy ang layuning at gamit ng pagsulat ng
Specific Learning akademikong sulatin
Outcomes • Nasusuri ang iba’t ibang anyo at kalikasan ng
akademikong sulatin

Nilalaman Pagkilala sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin


Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

PANIMULA

ARALIN 2
Pagkilala sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin

Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang Abstrak. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
ABSTRAK

Nang inilunsad ang bagong pamantayan sa pagtuturo sa loob ng klasrum kung paano
isasagawa, itinuring na ang mga guro ay dapat maging malikhain, mapamaraan, at mahusay sa
pagpapatupad ng mga gawain. Nakasalalay sa guro ang ikagagaling ng mga mag-aaral sa
larangan na nakaangkla sa estratehiya, metodolohiya, at dulog na ginagamit.
Marami sa mga mag-aaral ng Senior High School ang nakararanas ng pagkalito sa pag-
unawa sa gamit ng wika at paggamit ng wastong gramatika kaya bumuo ang mga mananaliksik
ng mga gawaing umaayon sa makabagong panahon at bilang pagtugon sa bagong pamantayan
sa pagtuturo sa loob ng klasrum. Kasama sa pag-aaral ang pag-aangkop ng estilo ng mga mag-
aaral sa pagkatuto.
Ang pag-aaral ay tinugunan ng dalawandaan (200) mag-aaral sa Senior High School,
Baitang 11. Limampung bahagdan (50%) ay mula sa Escuela Secondaria Senor de Salinas at
ang limampung bahagdan (50%) ay mula sa Tanza National Trade School. Ginamit sa pag-aaral
ang Paglalarawang Kwantitatibo upang maihambing ang kinalabasan ng dalawang pangkat na

15
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

hinaluan ng Paglalarawang Kwalitatibo upang mailahad ang estilo ng mga mag-aaral sa


pagkatuto.
Malaki ang kaugnayan ng paggamit ng mga dulog sa mabilis at epektibong pagkatuto ng
mga mag-aaral. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang estilo ng pagkatuto ng mag-aaral ay
nagdudulot ng tagumpay sa layunin ng guro sa pagtuuturo. Madali nilang maunawaan ang isang
aralin kung ang dulog na ginamit ay angkop sa aralin. Ang paggamit ng makabagong paraan ay
naggaganyak ng husto sa mag-aaral upang maging interesado sa aralin tuloy nakahihikayat sa
kanilang abangan ang magaganap sa susunod na aralin.

Mga Susing Salita: Estilo ng Pagkatuto, Gamit ng Wika, 2C 2I R, Pagtuturo ng Wika, Paglalarawang Kwantitatibo,
Paglalarawang Kwalitatibo

Sa binasang abstrak, ano ang pag-unawa mo rito?

1.Tungkol saan ang paksa?


2. Ano ang nilalaman ng pag-aaral?
3. Malinaw bang nailahad ang kanyang layunin?
4. Ano resulta at talakayan ng kanyang risert,

Pagsulat ng ng buod.

Ito ay makikita naman sa paglalahad ng mga nakuhang kaalaman mula sa iba’t ibang dalubhasa.
Suriin ang halimbawa sa ibaba.
.
Maraming modelo ng estilo sa pagkatuto kaya ang pinagtuunan ng mananaliksi ay ang modelo
ni David Kolb,1984 na inapdeyt ni Saul Mcleod,2017. Isinaad ni Kolb na ang pagkatututo ay isang
prosesong lilikha ng kaalaman sa pamamgitan ng mga pagbabagong nagaganap mula sa mga
karanasan.

Pinangkat ni Kolb sa apat na estilo ng pagkatuto Diverging, converging, at accomodating. Ginamit


ito ng mananaliksik upang makuha ang estilo ng mga kalahok sa pagkatuto at inilapat sa
pagtuturo ang mga estratehiya sa 2C2I1R.

PAGPAPAUNLAD

Sa pagpapatuloy ng ating aralin, sukatin muna natin ang ating kaalaman sa pagsulat ng abstrak,
sintesis at buod. Sagutin ang mga Pagsasanay A, B, at C sa abot ng iyong makakaya.

16
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay A.

Panuto: Tignan mabuti ang mga titik sa loob ng talahanayan. Tukuyin kong ano ang inilalarawan
ng mga pahayag at isulat sa sagutang papel. Hanapin at bilugan ang mga sagot. Maaari
pahalang, pababa, pahilig o pabaligtad.

P A N I M U L A N M
A B I N B U G G I A
T A T L U S E R B N
U T H E K W B M E A
N A E T R M J I M N
A y S N E D I B E A
Y A I A D A H A T L
A N S M E B T K O I
G U B I B S M D D K
H T U N I T E A O S
Y A O G L R N H M I
U P D M I A B I G K
P D T A D K O T B T
A E H T A N Y O E A
Q F O T D U S E R L
P A G S U S U R I A
.
1. Saligan ng paniniwala
2. Kalidad ng pagiging kapani-paniwala
3. Ibinatay sa mga pangyayari
4. Tagasaliksik
5. Malalim at masusing pag-aaral.
6. Pinaikling nilalaman ng isang pag-aaral.
7. Unang bahagi ng pananalita upang ipakilala ang paksa at layunin.
8. Inaasahang bunga ng isang pangyayari o pag-aaral.
9. Datos mula sa iba’t ibang akda.
10. Pamamaraan sa pagkuha ng mga datos o impormasyon.

Pagsasanay B.

Panuto: Basahin nang malakas at kilalanin ang mga tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin ang
letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay isang paraan ng pagpalalalagom ng mga hinangong kaisipan mula sa ibang


dalubhasa, MALIBAN sa:
A. Buod B. Abstrak C. Halaw D. sintesis
2. Pinakabuod ng isang pananaliksik. Maaaring gamiting batayan ng ibang mananaliksik
A. Bionote B. Abstrak C. Sintesis D. Buod
3. Naglalaman ito ng iba’t ibang batis na kaalaman mula sa nasaliksik na kaugnay na literatura
o isang pag-aaral.
A. Paggamit ng buod C. Paggamit ng bionote
B. Paggamit ng abstrak D. Paggamit ng sintesis

17
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

4. Ito ay buod ng nilalaman ng isang pananaliksik. Mahalaga ito upang matukoy agad ang
resulta ng isang pag-aaral.
A. sintesis B. abstrak C. Halaw D. Lagom
5. ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao. Alin ang madalas na
hindi ginagawa ng mga mag-aaral?
A. nagsusulat upang matuto C. nagsusulat upang makilala
B. nagsusulat upang kumita D. nagsusulat upang mabuhay

Pagsasanay C.

Panuto. Subukan mong ibigay mga hinihiling sa mga sumusunod.


1. Ano ang dapat ingatan ng isang mananaliksik sa paggawa ng isang risert? Ipaliwanag
mo ng ito.
2. Magtala ng mga bahagi ng isang pananaliksik.
3. Ano sa palagay mo ang layunin at katangian ng isang pananalksik?
4. May pagkakaiba ba ang paggawa ng buod sa sinthesis?
5. Paano makatutulong ang iyong kasanayan sa pagsulat sa paggawa ng isang abstrak,
sinthesis at buod?

TUKLASIN
Sa puntong ito, mas mabibigyang linaw ang kaalaman mo hinggil sa abstrak, sintesis at buod.

Ang Abstrak ay buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin.

• Nababatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunud-sunod ng saliksik.


• Naisusulat ito sa ikatlong panauhan at nababatay sa katotohanan at hindi opinyon
lamang ng may akda tungkol sa pananaliksik.
• Karaniwang hindi lalagpas ng isang pahina at umabaabot lamang g 200-250 salita na
nakadoble –espaso ang pagsulat.
• Higit na lumilinaw ang pagbabasa kapag may abstrak. Hindi ito nararapat puno ng mga
salita mahihirap unawain.
• Layunin nitong maipakita sa mga ibang mananaliksik ang resulta ng ginawa niyang pag-
aaral at maging batayan ng susunod pang pag-aaral.
• Itinitipon ito at tinatawag na book of abstrak. Madalas ito ay naipapalimbag at isinasama
sa mga iba-ibang iskolar na babasahin, journal o artikulo ng ibang pamantasan o
organisasyon.
• Maaaring gamitin ang format na imrd (introduction, methods result at discussion) sa
pagkakasulat.
• Ang abstrak ay maikli, madiwa, makatotohanan ang mga datos at madaling unawain ang
pagsulat.

Paano naman ito naiiba sa sintesis at buod? Basahin at pag-aralan ang mga kaalaman sa
ibaba.

Ang Sintesis at Buod ay magkatulad lamang ng gamit.

• Magkaiba ang buod at sintesis sa usapin ng mga ideyang nilalagom.


Sa buod naglalagom ng isang akda may pinupuntong isang ideya. Samantala sa teknikal
na kahulugan ng sintesis, tinatatangka nitong tasahin ang iba’t ibang ideya mula sa iba-
ibang batis ng kaalaman at binibigyan ng integrasyon ang mga magkakaibang ideya.

18
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

• Sa layon ng pagsulat ng sintesis nakatuon ito sa pagtatasa ng iba’t ibang punto,


paghahanap ng pagkakatulad at pagkakaiba at pagbibigay ng sintesis ukol sa nabasang
akda.
• May sariling opinyong makikita sa sintesis, Sa buod may kahilingan ang guro na magsulat
ng sariling opinyon. Saka lamang ito isasagawa. Kung walang kahilingan, isulat lamang
ang pinaka ideya o lagom na walang ibinibigay na opinion.
• Ang pagsulat ng buod at sintesis ay pareho lang ng format, ito ay sinusulat ng patalata.at
maikli lamang.
• Ang gamit ng buod at sitesis ay upang ilagom ang iba-ibang kaisipan mula sa ibang mga
ma-akda. Kapwa ito mahalaga sa paggawa ng isang pag-aaral.
• Naipakikita sa pagsulat ng buod at sintesis na ang manunulat ay may ganap na pag-
unawa sa kanyang mga binabasa.
• Layunin ng sintesis maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaisipan at kung
paano ito makapagpapalawak sa kanyang ginagawang pag-aaral.
• Layunin ng buod na ilahad ang kanyang pag-unawa sa binasang akda. Naipapahayag
nito ang mapanuri niyang pag-iisip sa kanyang ginagawang pag-aaral.,
.
Pagyamanin

Mula sa natutuhan mo, palawakin pa natin ito sa tulong mga nakahandang pagsasanay:
Pagsasanay A. Panuto: Muling balikan ang abstrak na binasa. Hanapin ang mga sumusunod
na bahagi at ilagay sa bawat kahon

Pagsasanay B
Panuto: Sumangguni sa kasama sa bahay, pag-usapan ang mga kahilingan sa ibaba. Sagutin
ang mga tanong.
1. May pagkakaiba ba ang buod at sintesis? Paano?
2. Higit bang nakatutulong ang sintesis kaysa buod sa pag-aaral, pagsusulat, at
pagpapalawak ng kaalaman? Patunayan
3. May mga akda bang mas mabuting ibuod o mabuting sintesis? Magbigay ng ilang mga
halimbawa.
4. Maaari bang pasalita o pasulat ang pagbuo ng buod at sintesis? Bakit?
5. Ilahad ang iyong kapakinabangan sa pagbabasa ng abstrak? Ipaliwanag.

19
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay C.
Panuto: Sa mga nakaraang aralin sa pag-aaral ng El Filibusterismo (nobela) akda ni Dr. Jose
Rizal, Pumili ng isang kabanata na naibigan mo. Isulat ang buod

PAGPAPALIHAN

Isagawa

Pagsasanay A.

Panuto: Gamit ang mga nakuhang kaalaman, isagawa ang mga kahingian. Pumili lamang ng
isang paksa.

1. Pumili ng isang paboritong nobela. Isulat ang buod sa dalawang talata.


2. Makinig ng sermon ng pari sa iba-ibang relihiyosong sector, Isulat ang buod ng
bawat isa. Pagkatapos alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang mga
pahayag.
3. Magbasa ng isang Book of abstrak, Humanap ng tatlong magkakapareho ng paksa
ngunit magkakaiba ang resulta ng pag-aaraI.Isulat ito.

Pagsasanay B.

Panuto: Ilarawan ang iyong mga damdamin sa pagbuo ng isang abstrak Pumili ng isa at
isalaysay kung bakit ito ang iyong nararamdaman.

Linangin

Nakuha mo ba ang tamang sagot. Aling bahagi ng tanong nahirapan ka?


Iugnay mo ang mga salita sa iyong karansan sa pagsulat ng mga ito.
Subukan mo naman ang pagsasanay

Panuto: Magtala ng nakuhang paksa sa isang pananaliksik? Pumili ng mga kaugnay na


literaturang nabanggit at isulat ito sa pabuod na paraan o sintesis. Sumulat ng paksa.
________________________________________
Paksa

20
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

PAGLALAPAT

IANGKOP

Inaasahan kong naging malinaw sa iyo ang ating tinalakay. Nasagot mo nang maayos ang mga
naunang pagsasanay, ngayon naman ating aalamin, ano pa ba ang maaari mong pagyamanin?

Panuto: Muling balikan ang paboritong nobela nabasa na. Itala ang mga kaisipang tinalakay
dito. Ipaliwanag ang mga ito sa anyong pabuod.

Mga mungkahing nobela (Makabagong Manunulat)

1. Alamat ng Gubat ni Bob Ong


2. Ligo n U, Lapit na Me ni Eros Atalia
3. Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar
4. Lila ang Kulay ng Pamamaalam ni RM Topacio Aplaon
5. Kulay rosas ang pintig ng Puso ni Gerardo Torres

ISAISIP

Batay sa lahat ng pagsasanay na iyong isinagawa, ano ang pagkaunawa mo sa salitang


abstrak, sintesis at buod? Paano natin ginagamit ito sa ating pag-aaral? Sa anong
pagkakataon nagagamit ito sa ating gawaing sa klasrum?
Mahalagang mabatid natin ito sapagkat mapapadali nating mailahad ang ating mga nasasaisip
at nararamdaman sa iba’t ibang pagkakataon ng ating gawaing pasulat.
Pagsasanay A.
Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag.
1. Natuklasan ko na ang mga pagbabasa ng abstrak ay
_____________________________________________________________________
2. Mahalagang malaman natin ang paggamit ng sintesis dahil
______________________________________________________________
3. Ang pagbubuod ay mahalaga dahil ito ay
_____________________________________________________________________

Pagsasanay B.
Panuto: Isulat ang mga salitang may kaugnayan sa pagbuo ng isang abstrak, sintesis at buod.
Gawing gabay ang mga susing salita sa loob ng kahon.

21
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay C.
Panuto: Punan ng tamang titik ang mga patlang upang mabuo ang mga salitang binibigyan
kahulugan sa pag-aaral ng abstrak, sintesis at buod.
1. P_K_ _ bagay na pinag-uusapan o tinatalakay.
2. L _ Y_ N _ _ anumang ninanais o adhikain na makakuha ng kasagutan_.
3. MAN _ _ L _ P magtipon o mangoloketa ng mga datos para sa risert
4. T_ l _ maikling rekord o sulat ng mga katibayan gamit sa risert
5. D_T_S kalipunan ng mga talang ginamit na batayan sa pagtitiyak
ng katotohanan sa anumang isinulat.

Tayahin
Mula sa iba’ t ibang pagsasanay na ating isinagawa ay sukatin natin ang inyong mga natutuhan.
Pagsasanay A
Panuto.Tukuyin kung sino ang ipinapahayag sa bawat bilang. Isulat ang mga tugon sa sagutang
papel.
1. Akronim na ginamit sa estilo o anyo ng pagsulat ng abstrak.
2. Haba o bilang ng salita dapat iangkop sa pagbuo ng isang abstrak.
3. Pagbibigay ng lagom mula sa iisang paksa mula sa may-akda.
4. Mga batis ng karunungan mula sa iba-ibang sanggunian maaaring gamitin sa isang pag-
aaral.
5. Sa anong panauhan isinusulat ang abstrak?

Pagsasanay B.
Panuto. Ilahad ang mga katangian sa pagsulat ng abstrak, buod at sintesis, lahat ay
nagsisimula sa titik M. Isulat sa loob ng bawat kahon.

PAGNINILAY

Panuto: Ibigay ang pag-unawa sa salitang PLAGIARISMO. Ito ay isang etika sa pagkuha ng mga
impormasyon mula sa ibat ibang dalubhasa. Paano mo pahahalagahan ito sa iyong gawain sa
pagsulat.
Magbigay ng mga mungkahi o suhestiyon.

22
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Susi sa Pagwawasto

datos

Tala
Metodo
Mangalap
Tala
Layunin
Thesis
Paksa
Panimula
Pagsasanay C
Abstrak
Isaisip
Ikatlong Panauhan Pagsusuri
D
Sintesis Mananaliksik
B
B uod Batayan
D
200-250 Kredibilidad
B
IMRD Patunay
C
Pagsasanay A Pagsasanay A
Pagpapaunlad
Tayahin Pagsasanay B Pagpapaunlad

Sanggunian:

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro


• Bandril, Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Laangan (Akademik
at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling LaranganAkademik.
Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

23
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

IKATLONG LINGGO (Ikatlong Aralin):

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng


Pamantayang
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
Pangnilalaman
ibang larangan
Pamantayan sa Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
Pagganap ibang anyo ng sulatin

Pinakamahalagang Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa


Kasanayan sa Pagkatuto kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng
(MELC) sulating akademiko
• Nakapagsusuri ng kalikasan ng ibang anyo ng
pananliksik
Specific Learning • Natutukoy ang kalikasan at katangian ng anyo
Outcomes ng isang sulatin
• Nakapagsasagawa ng halimbawa ng isang
sulatin
Nilalaman Pagkilala sa Iba’t ibang Akademikong sulatin (BIONOTE)
Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

PANIMULA
Aralin 3
Pagkilala sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin (Bionote)

Panuto: Basahin ang bionote sa ibaba. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa
ibaba.

Kilala si Ma. Theresa K. Austria bilang guro sa asignaturang Filipino sa Senior High
School.Tinapos niya ang Batsilyer ng Edukasyon major sa Communication arts sa Pamantasan
ng Lunsod ng Maynila bilang Scholar. Nagtapos ng Master of Arts Sa Filipino Sa Polythecnic
University of The Philippines, Sta Mesa, Manila. Mahigit dalawampu’t limang taon na nagturo sa
iba’t ibang Pamantasang pribado, katulad ng Concordia College-Paco Manila AMA College-
Dasmarinas Cavite, Dela Salle Unibersidad-Dasmarinas, Lyceum of the Philippines-Gen.Trias at
St. Paul Seminary Foundation sa Lalaan 1, Silang Cavite. Naging masugid na kalahok sa iba’t
ibang palihan sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at aktibong kasapi ng PASATAF, SANGFIL,
RATE at Samahan ng Manunulat sa Dibisyo ng Cavite. Naging hurado, Pangunahing
tagapagsalita, Mananaliksik at manunulat ng isa sa mga teksbuk sa Filipino sa Pangkolehiyo
Taong 2018 nakamit ang Unang puwesto sa Municipality Capability Building on Educational
Research sa kanyang Action Research na pinamagatang 2C2R1R Sa Pagtuturo ng Wika at
Gramatika sa Estilo ng Pagkatuto ng Senior High School. Siya ay isang Master Teacher II sa

24
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Tanza National Trade School, sa Dibisyon ng Cavite. Kasalukuyan siya ang Subject group head
sa Filipino sa Senior high school.

Sagutin ang mga katanungan:


1. Sino ang tinutukoy sa talata?
2. Ano-anong impormasyon ang kanyang binanggit?
3. Maayos ba ang paglalahad ng kanyang tala? Patunayan
4. Saang pagkakataon niya maaaring magamit ang bionote na ito? Bakit?
5. Nakatulong ba ang mga tala upang lalo siyang makilala? Bakit?
6. Maitutuing bang ito ay isang bionote?

Tandaan:

Ang bionote ay isang lagom na tala mula sa may-akda. Ito ay siksik at malaman ang
impormasyon mula sa may-akda. Kinakailangan pangalan ng may-akada ang unang isulat bago
ang ibang komprehensibong detalye tungkol sa kanyang mga tagumpay, ambag, akda at mga
nakamit na tagumpay.
May dalawang uri ang bionote -- isang maikli ngunit siksik at ang isa ay mahaba na
maihahalintulad sa isang entri ng ensayklopedia.
Mahalagang matutunan ang pagsulat nito dahil sa magagamit sa iba”t ibang pagkakataon.

PAGPAPAUNLAD

Subukin

Pagsasanay A.
Panuto: Basahin ang bionote na ito.at sagutin ang mga tanong.

Kilala si Jose Asiado Arrogante bilang manunulat ng mga teksbuk sa pagtuturo ng Wika at
Literatura sa Filipino. Tinapos niya ang Batsilyer sa Literatura sa Unibersidad ng Santo Tomas at
Master of Arts sa Filipino sa Unibersidad ng Pangasinan, lungsod ng Dagupan, May mga naisulat
na rin siyang akda tulad ng tula, dulaan, maikling kuwento at dalawang nobela. Una na siyang
nagwagi ng Unang gantimpala sa pagsulat ng panunuring pampanitikan na itinataguyod ng
Surian ng Wikang Pambansa noong 1981, Karamihan ng kanyang aklat ay makikita sa National
Book Store.Tubong Bikol si sir Prof. Arrogante. Dati ring professor sa Kagawaran ng Sining at
Agham sa De La Salle University, Dasmarinas.

Sagutin ang mga sunusunod na tanong.


1. Sino si Prof. Jose Asiado Arrogante?
2. Ano ang kanyang natapos na pag-aaral?
3. Naging manunulat ba siya ng mga aklat.? Patunayan.
4. May natamo na ba siyang karangalan bilang manunulat?
5. Saang publikasyon madalas nakikita ang limbag niyang aklat?

25
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay B.
Panuto: Ipagpalagay na ikaw ang nasa larawang ito. Ang iyong takdang aralin ay makasulat ng
isang bionote. Ano-ano ang mga impormasyon ang dapat mong isama sa pagsulat ng isang
bionote. Magbigay ng 5 mahalagang impormasyon.
.

1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. _________________________
5. _________________________

Tuklasin
Batid na natin sa mga naunang modyul ang kahulugan ng abstrak buod at sintesis. Tatalakayin
natin ngayon ang tungkol sa bionote. Ang layunin, gamit, katangian at anyo nito
Mahalagang kasanayan ang pagsulat ng mga tala sa may-akda o bionote,
• Ito ay pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, mga
pagsasanay na taglay ng isang akda.
• Karaniwang itong nakasulat sa ikatlong panauhan.
• Kadalasan ito ay hinihiling sa mga sumusunod na mga pagkakataon.
• Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
• pagpapasa ng mga aplikasyon sa palihan o workshop
• Pagpapakilala sa sarili sa website o blog
• Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship
• Tala ng emcee upang ipakilala bilang speaker
• Pagpapakilala ng may akda, editor o iskolar sa ilalathala sa huling bahagi
ng kanilang akda o anomang publikasyon
• ilang maikling impormasyon bilang gabay sa mga mananaliksik
• Dahil ang tala sa may akda ay buod piliin lamang ang mga mahahalagang bahagi sa
kanyang biodata. (hindi ito pagbubuhat ng sariling bangko ng may-akda) Kailangan
siksik, at malaman sa impormasyon ang bionote. Piliin lamang ang mga talang may
kaugnayan sa paggagamitan ng kanyang pagsulat o publikasyon.
• Nagsisimula ang bionote sa pangalan ng taong tinutukoy nito.
• May dalawang uri ang bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon---- ang maikli ngunit
siksik at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedya.
• Mahalaga ito upang ipakilala ang kakayahan ng sarili bilang akda o mananaliksik.
• Iwasan ang paglagay ng mali o pagsisinungaling sa bionote lalo na ang edukasyong
natamo.
• kailangan paunlarin ang sarili upang magkaroon ng laman at ningning ang bionote.
• Siguraduhin madadagdagan ng mga impormasyon ang iyong bionote sa susunod na
panahon.
• maaari ring idagdag ang email address ng may-akda.

26
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Batay sa mga nabatid mong kaalaman, malinaw na ba sa iyo ang layunin, gamit, katangian at
anyo ng isang bionote. Tandaan ito ay ginagamit sa maraming pagkakataon, kaya ang pormat
nito ay ayon sa ano ang layunin ng paggagamitan.

Pagyamanin
Mula sa binasang bionote, gumawa ng sariling halimbawa. Pumili ng isang kakapanayamin at
itala ang mga mahahalagang datos.
Pagsasanay A.
Makipanayam sa mga kasama mo sa bahay o kakilala. Itala ang mga impormasyon tungkol sa
kanilang sarili. Gamiting gabay ang mga natutuhang kaalaman. Pumili lamang ng isa sa mga
larawang nakaguhit.

Pagsasanay B

Panuto: Lagyan ng tsek ang mga gamit ng isang bionote.


____1. Paggamit sa social media
____2. Pagpasa ng mga artikulo
____3. Pagpapalimbag ng akda
____4. Pagpakilala sa website o blog
____5. Pagaaply ng isang hanapbuhay
____6. Paggamit sa isang pananaliksik
____7. Pagpaparami ng mga kaibigan
____8. Pagpapakilala ng emcee sa isang seminar
____9. Pagbubuhat ng sariling pangalan sa mga kaibigan
____10 Paghingi ng rekomendasyon sa isang propesyon

PAGPAPALIHAN

Isagawa
Pagsasanay A.
Panuto: Bumasa ng isang talambuhay ng kilala mong tao. Maaaring manunulat, matagumpay
na personalidad o guro. Gawan ito ng isang bionote na maikli lamang ang gamit at ipapakilala

27
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

siya sa darating na palihan o seminar. Sa tulong ng mga tala sa ibaba. Lakipan ito ng mga
impormasyon bilang batayan sa paggawa ng bionote.

Pangalan

Edukasyong natamo

Trabaho ng akda

Mga karangalang nakamit

Publikasyon

Organisasyong kinabibilangan

Tungkulin sa paaralan/pamahalaan

Kasalukuyang proyekto

Pagsasanay B.
Panuto: Mula sa ginawang bionote sa Pagsasanay A, tukuyin ang layunin at gamit nito.

Pagsasanay C.
Panuto: Humanap ng mga halimbawa ng mga bionote na makikita sa likod ng mga aklat. Sipatin
ang paraan paano naisulat ito. Kumuha ng limang aklat at ipakita ang kanilang anyo ng
pagsulat

A B C D E

Iangkop
Panuto: Basahin at suriin ang halimbawa ng Bionote ng dalawang personalidad sa ibaba. Sumulat
ng maikling ngunit siksik na bionote mula dito.

Bienvinido Lumbrera Virgilio Almario

28
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

PAGLALAPAT
Isaisip
Panuto: Gamit ang hagdanang ito, isulat ang mga impormasyong dapat isama sa pagbuo ng
isang bionote

Tayahin.
Mula sa mga pagsasanay na naisagawa mo, sukatin natin ang iyong mga natutunan. Sagutin ang
mga pagsasanay

Pagsasanay A.

Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag sa bawat bilang ay nagpapahayag ng tama o maling.
Isulat ang TAMA o MALI.

1. Binubuo ng maikli at siksik ang mga impormasyon sa bionote


2. May iba-ibang pagkakataon ang gamit ng bionote.
3. Magkapareho lamang ang bionote at talambuhay.
4. Ginagawa ito upang magbuhat ng bangko at makilala ang kakayahan ng isang may-akda.
5. Mahalagang may kaugnayan ang bionote sa paksain ng isang publikasyon
6. May isang uri lamang ang bionote.
7. Lahat ng detalye ay isinasama sa pagbuo ng isang bionote.
8. Gumagamit ito ng pormal na wika
9. May sinusunod na pormat.
10. Dapat madagdagan ng impormasyon ng mga may-akda sa susunud na panahon.

29
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

PAGNINILAY

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito.
1. Natutunan ko sa araling ito na ___________________
2. Dahil dito, gagamitin ko ito sa ____________________
3. Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil _______________.

Susi sa Pagwawasto

T
M / 10.
9.
M
/ 8.
T 7.
6.
M
/ 5.
M / 4.
/ 3.
T
/ 2.
T 1.

Tayahin Pagyamanin

Sanggunian

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro


• Bandril, Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Laangan (Akademik
at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling LaranganAkademik.
Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

30
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

IKAAPAT LINGGO (Ikaapat na Aralin):

Pamantayang Natitiyak ang nagkop na proseso ng pagsulat ng piling


Pangnilalaman sulating akademiko
Pamantayan sa Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na
Pagganap nakabatay sa pananaliksik

Pinakamahalagang Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin


Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC)
• Natutukoy ang angkop na proseso sa pagsulat ng isang
sulatin
Specific Learning
• Nasusuri ang paraan o anyo ng isang akademikong
Outcomes
sulatin
• Nakasusulat isang akademikong sulatin
Nilalaman Pagkilala sa Iba’t Ibang Sulatin (Panukalang Proyekto
Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

PANIMULA

Aralin 4
Pagkilala sa Iba’t Ibang Sulatin (Panukalang Proyekto)
Suriin

Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Tukuyin ang isyung pumapasok sa iyong isipan kaugnay sa
larawan

Isa lamang ito sa mga malubhang suliranin ng ating bansa. Ang Basura at
Bullying. Mahalagang bigyan ng pansin ito sapagkat nagdudulot ito ng panganib sa ating mga
kalusugan at kaunlaran ng ating bansa. Mula sa larawan, ano ang maaari mong ipanukalang

31
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

pamamaraan upang ito ay masolusyunan. Itala sa ibaba ang mga mungkahing hakbang o mga
proyektong maaari mong ibahagi.

Tandaan:

Ang panukalang proyekto ay isinasagawa upang maging sistematiko ang paglalatag ang
anumang solusyon sa isang suliranin. Ito ay binubuo ng mga maingat, sapat at makabuluhang
hakbangin sa pagpapatupad ng isang pag-aaral o proyekto. Isaalang-alang ang mga layuning
kayang masukat at maisakatuparan, Gawin ang panukalang proyekto na kapaki-pakinabang sa
marami.

Hindi lamang pagtuklas ng mga bagong kaalaman ang hangarin sa pagbuo ng isang panukalang
proyekto, minsan layunin din nitong angkupan ng tamang solusyon ang isang napapanahong
isyu.

PAGPAPAUNLAD

Lahat tayo ay nakararanas ng mga kahilingan. Bahagi na ng ating buhay na magkaroon tayo ng
isang pagpapaplano sa nais na proyekto na makakatulong sa ating pag-unlad. Sagutin mo ang
mga katanungan sa iba.

Pagsasanay A.
Panuto. Basahin at sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
.
1. Kung may nais ipagawa ang iyong guro sa klase, ano ang una mong isinasagawa?
A. Isinasangguni mo sa iyong mga magulang
B. Pinag-uusapan sa loob ng kaklase
C. Ibinabahagi mo sa iyong kaibigan
D. Sinasarili ang pagpapaplano
2. Kung sang-ayunan ng guro ang napiling proyekto sa klase, ano ang susunod mong
hakbang?
A. Balangkasin ang gagawin
B. Maghanap ng makakasama sa proyekto
C. Magsisiyasat ng mga paghahanguang sanggunian
D. Hahayaan ang ibang kasama ang magsagawa ng proyekto

32
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

3. Makakatulong ba ang kolaborasyon ng kaklase sa isang panukalang proyekto?


A. Opo B. Hindi C. siguro D. wala akong ideya
4. Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isa rito ang higit na malilinang sa mga mag-aaral.
A. pag-iisip C. Pagkakaroon ng teamwork
B. Pagtitiwala sa sarili D. Pagmamalasakit sa kapwa
5. Ang pagsulat ng panukalang proyekto ay isang.
A. Akademikong sulatin C. Teknikal na sulatin
B. Referental na sulatin D. Malikhaing sulatin

Pagsasanay B.
Panuto: Buuin ang concept map tungkol sa katangian ng isang panukalang proyekto.

Pagsasanay C

Panuto: Mula sa mga larawan, magbigay ng mga proyekto kaugnay dito na naipatupad na sa
kasalukuyan.

33
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Tuklasin
Sa bahaging ito higit nating palalawakin pa ang iyong kaalaman. Inaasahang ang mga bagay na
natutuhan ay hindi lamang isasantabi. Alamin natin ngayon ang tungkol sa panukalang proyekto.
Ang layunin, gamit, katangian at anyo nito.

Sa klase, ang panukalang proyekto ay inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong
masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihandang proyekto ng isang mag-aaral o grupo
ng mag-aaral.

• Kadalasan ang proyekto ay may kaugnayan sa kanilang interes, pangangailangan at


larang. Ito ay maaaring isang pananaliksik, mga proyekto makakabuti sa isang paaralan,
o komunidad, isang exhibit o anupaman.
• Binabagtas sa panukalang proyekto ang proseso ng pag-aaral mula simula hanggang
katapusan.

34
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

• Sa proseso ng pag-aaral, natitiyak ng mga mag-aaral ang nais niyang saliksikin, ang
ambag nito sa pag-aaral at ang inaasahang resulta.
May mga bahagi ang Panukalang Proyekto o saliksik
• tentatibong pamagat
• Mga layunin ng Pag-aaral
• Halaga ng pag-aaral
• Suliraning tutugunan
• Mga rebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral
• balangkas ng pag-aaral
• Metodolohiya
• Talaan ng gawain
• Sanggunian
• Kung ang panukalang proyekto ay tugon sa isang gawain ito naman ang bahagi:
• Pamagat ng proyekto
• Proponent ng Proyekto
• Deskripsyon ng Proyekto
• Rasyunal/ layunin
• Estratehiya/Pamamaraan
• Implementasyon ng Iskedyul
• Halimbawa ng pormat
• Mga kasangkot sa proyekto
• Makakatulong ang panukalang proyekto upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng
isang pananaliksik
• Masisipat sa pamagat ang pokus ng isasagawang proyekto
• Umisip ng mga layuning kayang makamit at makatotohanan
• Kailangang may kapakinabangan sa lipunan ang isasagawang proyekto
• magbasa ng maraming sanggunian dahil ito ang susi ng nilalaman ng isang pag-aaral.
• Kailangan bukas sa anomang rebisyon mula sa tagapayo ang iyong isusulat.
• Taglay ng metodolohiya ang teoryang gagamitin sa isang pagsusuri.
• Kailangan ang talaan ng gawin upang masistematiko at planado ang isasagawang
proyekto.

Pagyamanin

Mula sa binasang risert, gumawa ng iyong sariling panukalang proyekto. Gawing gabay ang mga
natutuhang kaalaman.
Pagsasanay A.
Panuto: Humanap g isang halimbawa ng panukalang proyekto. Punan ng tamang datos ang mga
nasa loob ng tahanayan
Tentatibong Pamagat
Mga layunin ng pag-aaral
Kahalagahan ng pag-aaral
Mga suliranin
Mga rebyu ng literatura at pag-aaral
Metodolohiya
Talaan ng gawain
Talaan ng Sanggunian

35
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay B.

Panuto: Ikaw ay hihiling ng isang gawain upang malutas ang problema sa inyong komunidad,
ano proyekto ang nais mong isagawa. Itala ito sa ibaba at ipaliwanag ang halaga nto.

Pagsasanay C.
Panuto: Marami nang panukalang proyekto ang ating pamahalaan, pumili ng isang proyekto na
lubha mong naibigan at ipaliwanag ito.

PAGPAPALIHAN

Isagawa
Panuto: Mula sa larawan sa ibaba, bumuo ng isang panukalang saliksik tungkol sa Kalidad ng
Edukasyon sa New Normal System.

Linangin
Tasahin natin ang kabuuan ng inyong kaalaman. Sa mga pagsasanay A, B at C isagawa
ang mga hinihiling.
Pagsasanay A.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Bakit kailangan gumawa ng isang panukalang proyekto?
2. Anong kahalagahan ng pagbuo sa isang panukalang proyekto?
3. Anong kasanayan ang nais malinang sa iyo kung ikaw ay bubuo ng isang panukalang
proyekto? Bakit?
4. Ano-anong paghahanda ang dapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng isang
panukalang proyekto?
5. Paano ito makakatulong sa karerang iyong kukuhanin?

Pagsasanay B.
Magtala ng limang halimbawa ng panukalang proyektong nagaganap sa ating komunidad ang
bilang 1 ay nagawa na para sa iyo. Tapusin ito hanggang ikalimang bilang.
Halimbawa:1. Bayanihan sa panahon ng pandemic

36
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

1. _________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ___________________________
Pagsasanay C.
Panuto Makipanayam sa mga lider ng iyong baranggay, alamin ang kanilang mga naging
proyekto o isasagawa pang proyekto. Suriin ang bawat bahagi ng panukalang proyekto kung ito
ay tumutugon sa iyong napag-aralan.

PAGLALAPAT

Isaisip
Pagsasanay A

Panuto: Sa tulong ng isang graphic organizer, ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng
isang panukalang proyekto.

Tayahin

Mula sa maraming pagsasanay, marahil sapat na ang iyong kaalaman sa paksa. Naririto ang
panukatan kung sapat na bang naunawaan ang mga gawain. Sagutin ang pagsasanay.

Pagsasanay A.
Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag sa bawat bilang ay tama o mali. Isulat kung
TAMA o MALI

1. Binubuo ng tatlong bahagi ang pagsulat ng panukalang proyekto?


2. May iba-ibang layunin sa pagbuo ng panukalang proyekto?
3. Madali lamang ang pagsulat ng panukalang proyekto?
4. Mapanuring pag-iisip at teamwork ang maaaring malinang sa mga mag-aaral.
5. Ipinapagawa ito ng guro at tagapayo sa mga mag-aaral upang sila’y pahirapan.
6. Mahalagang may kaugnayan ang panukalang proyekto sa iyong interes, expertise at
pangangailangan.
7. May dalawang uri ng pagtalakay sa pag-aaral.
8. Lahat ng detalye ay isinasama sa pagbuo ng isang panukalang proyekto.
9. Gumagamit ito ng pormal na wika
10. May sinusunod na pormat.

37
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11 Second Semester 3rd Quarter.

Pagsasanay B
Panuto: Mula sa larawan, umisip ng mga magagandang panukalang proyekto na aangkop
bilang sulusyon sa isang suliranin.

PAGNINILAY

Pagsasanay A.
Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa.
1. Mahalaga ang pagsulat ng panukalang proyekto dahil __________________
2. Pinili ko ang panukalang proyektong ito sa paniwala kong ________________
3. Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil _________________
4. Madali lamang ang pagbuo ng isang panukalang proyekto kapag tao ay may _________.
5. Ang mga panukalang proyekto ay maaaring magbigay din ng _________

Susi sa Pagwawasto

10. T M 5. A 5.
9. T T 4. C 4.
8. T M 3. A 3.
7. T T 2. A 2.
6. T M 1. B 1.

Tayahin Pagpapaunlad

Sanggunian
Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro
• Bandril, Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik
at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling Larangan Akademik.
Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

38

You might also like