You are on page 1of 14

Senior HIGH

SENIOR High SCHOOL


School
Baitang
Baitang 11
11

Filipino: Ikalawang Semestre

MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
IkatlongIkalawang
Kwarter –Kwarter- Linggo–1Aralin
Unang Linggo (Aralin
1 1)

Tekstong Impormatibo

Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88).
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino

Writers: Joeven A. Baludio, Kattie C. Tagud


Rhyne Mae Gales

Illustrators: Roel S. Palmaira, Althea C. Montebon


Eladio J. Jovero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Rhyne Mae S. Gales

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon
Nelson A. Cabaluna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez


Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Tungo sa Pananaliksik, Baitang 11.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto


ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na
mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:


Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa
mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain
sa kagamitan na ito.

Para sa mag-aaral:
Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing
layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang
nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.
Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na
papel.

Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88).
Tekstong Impormatibo
Magandang araw !
Naging kaugalian na nating mga Pilipino ang magbasa ng diyaryo o di kaya’y
makinig ng mga balita sa radyo at telebisyon. Isa itong paraan upang makakuha
tayo ng tiyak at tamang impormasyon tungkol sa kung ano ang mga nangyayari sa
loob at labas ng bansa.
Mahalagang magkaroon tayo ng sapat ng kaalaman tungkol sa mga bagay-
bagay upang tayo ay hindi mahuli sa mga bagong impormasyon na makatutulong sa
atin sa ating pang-araw araw na buhay. Ngunit kailangan nating maging mapanuri sa
bawat impormasyong nakukuha, kung kaya’t sa bahaging ito ng ating modyul ay
lilinangin natin ang inyong kakayahan sa pagtukoy ng tama at sapat na impormasyon
sa tulong ng tekstong impormatibo.
Sa bahaging ito, kikilalanin natin ang tekstong impormatibo bilang isa sa mga uri
ng teksto at tutugunan natin ang mga sumusunod na kompetensi:
• natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
(F11PB – IIIa – 98) ; at
• natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
iba’t ibang uri ng tekstong binasa
(F11PT – IIIa – 88 )
Bilang tugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang mga
tiyak na layunin:
• natutukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong impormatibo;
• nakapagsusuri ng isang tiyak na halimbawa nito
• nakasusulat ng isang halimbawa ng tekstong impormatibo batay sa mga tiyak
na elemento nito.

TUKLASIN NATIN!

Gawain 1
Panuto: Bilang isang estudyante, mahalagang malaman mo kung saan ka makakuha
nang tama at mapapanaligang impormasyon na pwede mong magamit sa
araw-araw. Kung kaya’t bilang panimulang gawain ay kailangan mong
tukuyin kung anong midyum sa pagkuha ng impormasyon ang tinutukoy sa
pamamagitan ng pagpuno ng nawawalang letra sa loob ng kahon. Gawing
gabay ang kuhulugang ibinigay.
1. Isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita at mahahalagang
impormasyon sa araw-araw na kadalasang binibenta sa murang halaga.

Y R O

1
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
2. Isang aklat o libro na naglalaman ng mga salita na may kahulugan

I S U N Y
3. Isang aklat na naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba’t ibang larangan.
E S K O Y
4. Isang uri ng teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga
hudyat sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may
mga frequency.
R D O
5. Isang sistema ng telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap
ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
T L B S O
6. Isang kalipunan ng mga mapa partikular na ng daigdig o rehiyon ng mundo.
T A S
7. Pinagsama-samang mga nailimbag na salita sa papel
A L T
8. Isang peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo at
kalimitang pinopondahan ng patalastas.
M G S N
9. Aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa punto ng
kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, pulitika at iba pa.
A L A C
10. Uri ng dyaryo na mayroong mas maliit na sukat at pahina kaysa broadsheet.
B O D

Naisagawa mo na nang maayos ang unang gawain, natitiyak kong mayroon ka


nang sapat na kaalaman para magpatuloy sa susunod na mga gawain, ngayon naman
ay alamin natin kung ang iyong mga naisulat ay tama sa pamamagitan ng pag-aaral
ng araling ito. Upang subukin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin, sagutin
muna natin ang gawaing ito.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
TAMA sa patlang kung ang pahayag ay naglalarawan sa tekstong
impormatibo at MALI naman kung hindi.
_______1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng sapat at wastong
impormasyon na makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay.
_______2. Ang tekstong impormatibo ay sumasagot sa tanong na ano, sino, saan,
bakit at paano.

2
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
_______3. Ang iba’t ibang uri ng graph ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo.
_______4. Nakabatay sa mga sariling karanasan ang mga impormasyong inilalahad
sa teksto.
_______5. Gumagamit ng personal na opinyon sa pagsulat ng tekstong impormatibo.
_______6. Mahalagang matukoy ang pangunahing paksa sa isang tekstong
impormatibo para matukoy ang nilalayon nito.
_______7. Sa kongklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing ideya at
patatagin ang introduksiyon at katawan ng papel.
_______8. Kinakailangang lohikal at nasa ayos ang mga kaisipang inilalahad sa
tekstong impormatibo.
_______9. Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng tekstong
impormatibo.
_______10. Hindi isinasaalang-alang ang mga mambabasa sa pagsulat ng
tekstong impormatibo.

LINANGIN NATIN!
Naging mahirap ba ang pagsubok? Huwag kang mag-alala at tutugunan
natin sa pamamagitan ng aralin ang mga konseptong kinakailangan mo pang
matutuhan.

Sa puntong ito, ating alamin ang mga konsepto ng tekstong impormatibo at


mga tiyak na katangian nito.

Kahulugan ng Tekstong Impormatibo


✓ Isang uri ng babasahin na nakabatay sa katotohanan na naglalayong magbigay
ng impormasyon at magpaliwanag sa iba’t ibang paksa ng walang kinikilingan.
✓ Babasahing di-piksyon na naglalayong magbigay ng impormasyon at
magpaliwanag sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, siyensiya, teknolohiya,
paglalakbay, heograpiya at iba pa.
✓ Karaniwan itong sumasagot mga tanong na ano, sino, saan, kailan at paano
tungkol sa paksa o mga impormasyong may kinalaman sa isang tao, bagay,lugar
o pangyayari.
✓ Gumagamit ng mga respetado at mapagkakatiwalaang sanggunian.
✓ Tinatawag din kung minsan na tekstong ekspositori.

3
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
Uri ng Tekstong Impormatibo

Pagbibigay- Paghahambing
Enumerasyon o
Katuturan o at
Pag-iisa
Depinisyon Pagkokontrast

Sikwensyal- Problema Sanhi


Kronolohikal at at
Solusyon Bunga

Elemento ng Isang Tekstong Impormatibo


1. Layunin ng May-akda
➢ Ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad
ng impormasyon.
2. Pangunahing ideya at pantulong na kaisipan.
➢ Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi-tinatawag din itong educational markers na nakatutulong upang
agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin.
3. Pantulong na Kaisipan
➢ Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong kaisipan o mga
detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mga mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
4. Estilo sa pagsulat,kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay
o impormasyon
➢ Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na pag-unawa
sa binasang teksto.
❖ Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
❖ Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
❖ Pagsulat ng mga talasanggunian
Mga Konseptong Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo
✓ Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na
impomasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay
✓ Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng
kaugnay na paksa dapat na makita ito sa kasunod na talata.
✓ Sa pagbasa ng tekstong impormatibo magkaroon ng pokus sa mga
impormasyong ipinapahayag. Isulat ito kung kinakailangan.
✓ Sa pagsulat ng tekstong impormatibo tandaang ihanay nang maayos ang
mga salita, piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
✓ Gumagamit ang tekstong impormatibo ng mga teksto mula sa mga respetado
at mapapanaligang sanggunian kaya kaugnay sa intellectual property rights
nararapat na banggitin ang may-akda nito.
4
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong.
1. Ano-ano ang mga mga mahahalagang konsepto ang makikita sa binasang
sulatin?
_________________________________________________________________
2. Ano-anong mga klase ng impormasyon ang nakapaloob sa tekstong impormatibo?
_________________________________________________________________
3. Paano nakatutulong ang mga pantulong na ideya sa pagpapatibay ng isang
paksa?
_________________________________________________________________
4. Ano ang pangunahing layunin ng isang tekstong impormatibo?
_________________________________________________________________

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto at sagutin ang mga


katanungan na makikita sa susunod na pahina.

Virtual Learning
ni: Patrocinio Villafuerte

Ang Virtual Learning na kilala rin sa tawag na e-Learning o Digital Learning ay


matagal nang nakilala sa larang ng edukasyon ilang dekada na ang nakalipas.
Ngunit sa paglaganap ng Covid-19 virus ay muling naging bukambibig ang
terminong ito dahil sa kahilingan ng Kagawaran ng Edukasyon na ito’y maipagamit
hanggang hindi pa nakakapasok sa paaralan ang mga mag-aaral. Sa pagkatuto ng
mga mag-aaral nang naaayon sa virtual learning, malaking tulong sa guro at mga
mag-aaral ang paggamit ng computer software o internet. Naipahahatid ng guro sa
kaniyang mga mag-aaral ang mga araling kaniyang itinuturo nang hindi sagabal
ang pagtungo sa paaralan matapos ang mahabang preparasyon. Hindi kailangang
magtagpo ang guro at mag- aaral dahil nasusunod ang physical distancing bilang
pagsunod sa alituntuning ipinag-uutos ng pambansang pamahalaan at ng Local
Government Units, katuwang ang mahigpit na pagpapaalala ng Kagawaran ng
Kalusugan (Department of Health) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan. Walang
silid-aralan o klasrum na pagkakaabalahang ayusin ng guro upang makapagturo.
Walang gagamiting mga suplementong gamit sa pagkatuto na manggagaling sa
paaralan gaya ng tsart, mapa, globo, graphic organizer at iba pa na makikita lamang
sa loob ng silid-aralan o klasrum dahil ang bawat aralin ay computer-based,
internet-based o remote online.
Malaking pagbabago ang nagaganap sa sistema ng edukasyon sa
kontemporaryong panahon. Hindi na gaanong naipagagamit ng guro ang ilang
kagamitang pampagtuturo. Parang sumasabay ang guro sa mga mamamahayag

5
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
sa pangangalap ng mga balita na ang gamit dati’y (1) makinilya na napalitan ng
computer, laptop, ipod at cellphone, nasundan ang mga ito ng paggamit ng Viber,
WhatsApp at Messenger. Sa mga mamamahayag, mas kilala na sila ngayon sa
tawag na online reporters. Ang guro naman na dating bihasa sa paggamit ng chalk
sa pagsusulat ng aralin sa pisara ay napalitan ito ng paggamit ng marker sa white
board.
Ngunit sa pagtuturong gamit ang virtual learning ay hindi na makapalag ang
guro sa puspusang paggamit ng computer, laptop at internet.

Mga Anyo ng Virtual Learning


1. Computer-based. Ang teknolohiya ay mabisang link sa pagtatamo ng bagong
kaalaman, resources, at high order thinking skills, Ang personal na gamit ng
computer ay nagpayaman sa kurikulum ng K-12. Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga
mag-aaral sa larang ng pagkatuto, ang paggamit ng teknolohiya at inobatibong
perspektibong pananaw ng guro ay ilan lamang sa mga napapanahong tugon sa
pangangailangang global para sa makalidad na sistema ng edukayon. Ang mabilis
na pakikipag-ugnayan ng guro sa networking ay mabisang natatamo sa tulong ng
teknolohiya. Sa paggamit ng computer, may nagaganap na interaksyon ang guro
sa kaniyang mga mag-aaral dahil siya’y nagiging modelo at tagasanay.
2. Internet-based. Halos magkatulad ng layunin ang paggamit ng computer-based
sa internet-based bilang anyo ng virtual learning. Nagkakaiba lamang ang internet-
based dahil ginagamitan ito ng software sa pagtuturo ng guro. Maraming
programang matatagpuan sa internet na makatutulong sa pagtuturo ng guro at
pagkatuto ng mga mag- aaral. Kabilang dito ang Knowledge Integration
Environment (KIE) na nagtuturo sa mga mag-aaral na makapag-isip sa tulong ng
web information, ang GLOBE Program (Global Learning and Observations to
Benefit Environment) ay nagbibigay ng di-matatawarang datos tungkol sa lokal na
kapaligiran at paglikha ng database sa GLOBE Community. Samantala, ang
Kagawaran ng Edukasyon ay muling nagpapaalala sa mga mag- aaral ng paggamit
ng internet upang panoorin ang mga programang nakalilikha ng mataas na antas
ng pagkatuto kabilang ang Once Upon A Time.
3. Remote Teacher Online. Dahil hindi pisikal na nagtatagpo ang guro at ang
kaniyang mga mag-aaral, nagaganap ang lunsarang pagtuturo-pagkatuto sa tulong
ng remote teacher online. Ano naman ang ibig sabihin ng openline? Kapag
openline, magagamit pa rin ang old phone, facebook, internet at instagram basta
may internet sa bahay. Ang ilang guro na nagtuturo sa ibang bansa ang nagsabi
na kapag napalitan na ang sim card sa Pilipinas, magagamit na ang open line.
Kapag ang iphone ay galing sa ibang bansa, ito ay naka-lock sa service provider
kaya hindi magagamit ang sim card sa Pilipinas.

6
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
4. Blended Learning. Ito ay integrasyon o pinagsanib na pagtuturong gamit ang
harapang pagtuturo (face-to-face) ng guro at ang kaniyang mga mag-aaral at / o
pagtuturong ( 3 ) ginagamitan ng computer, o internet o remote. Ang mga araling
ituturo ng guro ay nakabatay pa rin sa mga kaalaman at kasanayan na nakasaad
sa Most Essential Learning Competencies ng K-12 kurikulum.
5. Facilitated Virtual Learning. Mas malawak ang saklaw ng pagkatuto ng mga mag-
aaral sa Facilitated Virtual Learning sapagkat ito ay kombinasyon ng computer-
based, internet-based at remote-based na pagtuturo ng guro. Ang gurong
gumagamit nito ay hindi lamang nagiging huwaran ng kaniyang mga mag-aaral
kundi nagiging tagapagdaloy, tagapagpalaganap ng inobatibong kaalaman at
tagapayo at gabay sa mga gawaing pang-akademiko. Bukod sa mga kaalaman at
kasanayang nakalahad sa Most Essential Learning Competencies ng K-12
Kurikulum ay nagdaragdag ang guro ng iba’t ibang proseso at estratehiya gamit
ang kaniyang masining, malikhain at epektibong paggamit ng wika sa
komunikasyong pasalita at pasulat. Malaya ang gurong gumamit ng iba’t ibang
pamamaraan sa pagtuturo gaya ng brain storming, panel discussion, forum, at iba
pa na nakatutulong sa mga mag-aaral na maging malikhain at magamit ang kritikal
na pag-iisip.

Mga Tanong sa Paglinang ng Kaalaman


1. Ano ang pangunahing paksa ng binasang teksto?
_________________________________________________________________
2. Ano ang pangunahing layunin ng tekstong binasa?
________________________________________________________________
3. Ano-anong katangian ng tekstong impormatibo ang makikita sa teksto?
________________________________________________________________
4. Ano-anong mga impormasyon ang nakuha mo tungkol sa paksa ng teksto? Anong
naging kahalagahan ng virtual learning sa panahon ngayon? Ano-ano ang mga
anyo ng virtual learning na nakatutulong sa pagbabagong nagaganap sa larangan
ng edukasyon ngayon?
________________________________________________________________
5. Paano nakatutulong ang mga impormasyong nabanggit sa pagbibigay nang sapat
at tamang impormasyon sa mga mambabasa?
________________________________________________________________

7
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
Gawain 1
Panuto: Ngayong alam mo na ang mga konsepto hinggil sa tekstong impormatibo,
balikan ang tekstong binasa at suriin ito batay sa mga tiyak na
impormasyong napapaloob dito tungkol sa iba’t ibang uri ng Virtual
Learning. Gawing gabay ang talahanayan na makikita sa ibaba.

Uri ng Virtual Kahulugan Katangian


Learning

Gawain 2

Panuto: Gawing gabay ang graphic organizer bilang paghahanda sa pagsulat ng


talumpati na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa tamang pag-
iwas at pagsugpo sa pagkalat ng Corona virus.

Layunin sa Pagsulat

Pangunahing Ideyang Tatalakayin

Mga Susuportang Mga Susuportang Mga Susuportang


Ideya sa Ideya sa Ideya sa
Pangunahing Ideya Pangunahing Ideya Pangunahing Ideya

8
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
Naging mahirap ba ang mga gawain o mas naging madali dahil napag-aralan
mo na ang mga konseptong tungkol sa mga tekstong impormatibo? Gayumpaman,
binabati kita dahil naipakita mo ang iyong pagiging malikhain, at pagiging masinop.
Upang tayahin ang iyong nalalaman hinggil sa araling natalakay, sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang uri ng tekstong impormatibong nakatala sa kahon batay sa
paglalarawan nito sa bawat bilang.

Impormatibo Sanhi at Bunga Paghahambing

Paglalahad ng Pangyayari Pangunahing ideya Kronolohikal

Pantulong na kaisipan Pagpapaliwanag Sanggunian

Ekspositori Problema at Solusyon Enumerasyon

____________ 1. Babasahing nagbibigay ng impormasyon, kaaalaman at paliwanag


tungkol sa isang tao,bagay,lugar, hayop o pangyayari.
____________ 2. Ibang katawagan sa tekstong impormatibo.
____________ 3. Tawag sa pangunahing pinag-uusapan sa isang teksto.
____________ 4. Tumutukoy sa mga detalye o kaisipan na makatulong sa mga
mambabasa para makabuo ng pangunahing ideya.
____________ 5. Tawag sa mga aklat o babasahin na maaaring mapagkunan ng
impormasyon.
_____________6. Uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay-diin sa pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawa o higit pang ideya.
_____________7. Layunin ng tekstong ito na ipakita ang maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga idea o konsepto.
_____________8. Uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng ugnayan ng mga
pangyayari.
_____________9. Teksto na nagbibigay ng paliwanag sa isang partikular na
konsepto.
____________10. Layunin ng tekstong ito na maglahad ng mga pangyayari sa
totoong naganap sa isang panahon o pagkakataon.

9
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
Gawain 2
Panuto: Nagkaroon ng pagpupulong sa iyong baranggay tungkol sa pagsugpo sa
pagkalat ng COVID19. Bilang SK Chairman ng inyong baranggay ikaw ay
naatasang gumawa ng talumpati na naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa tamang pag-iwas at pagsugpo sa pagkalat ng virus na siyang
ipapamudmod sa mga kabahayan sa inyong lugar. Gawing gabay ang
nabuong impormasyon gamit graphic organizer sa Pagyamanin Natin
Gawain 2. Batayan ang rubrik na makikita sa ibaba.
Rubrik sa Pagmamarka ng Tekstong Impomatibo
Katangian 5 3 2 1 ISKOR
May isang May isang May isang Hindi
malinaw at tiyak malinaw at tiyak paksa. Hindi malinaw ang
na paksa na na paksa, ngunit gaanong paksa at ang
Nilalaman sinusuportahan hindi detalyado malinaw ang mga
ng mga ang mga mga suportang suportang
detalyadong suportang impormasyon impormasyon
impormasyon impormasyon
Kawili-wili ang May May Hindi
introduksyon, introduksyon, introduksyon, malinaw ang
naipakilala nang mahusay na pagtalakay at introduksyon,
mahusay ang pagtalakay, at pagtatapos o pagtalakay
paksa. Mahalaga may konklusyon. sa paksa at
ang nauukol sa karampatang ang
Organisasyon paksa ang mga pagtatapos o pagtatapos o
impormasyon na konklusyon. konklusyon.
ibinahagi sa isang
maayos na
paraan. Mahusay
ang pagtatapos o
konklusyon.
Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang
paggamit ng mga paggamit ng manunulat ang paggamit sa
salita. Angkop at mga salita nais sabihin, mga salita.
Pagpili ng
natural at hindi bagaman sa bagaman
angkop na
pilit. ilang walang
salita
pagkakataon ay baryasyon sa
hindi angkop at paggamit ng
natural. mga salita.
Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi
pagkakayos ng pagkakayos ng ng mga maayos ang
mga salita at mga salita at pangungusap mga
pangungusap. pangungusap. na may pangungusa
Walang May kaunting saysay. p at hindi
Estruktura,
pagkakamali sa pagkakamali sa Maraming mga maunawaan.
Gramatika,
gramatika, bantas gramatika, pagkakamali Lubhang
Bantas,
at baybay. bantas at sa gramatika, maraming
Pagbaybay
baybay. bantas at pagkakamali
baybay. sa gramatika,
bantas at
baybay.

Kabuuan

10
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIA-88)
(F11PB-IIIA-98) at natutukoy ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang
Kompetensi: Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat-ibang tekstong binasa
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
11
Susi sa Pagwawasto
Tekstong Impormatibo
Ikatlong Markahan – Unang Linggo – Aralin 1
Tuklasin Natin!
Gawain 1
1. dyaryo
2. diksyunaryo
3. ensayklopediya
4. radyo
5. telebisyon
6. atlas
7. aklat
8. magasin
9. almanac
10. tabloid
Gawain 2
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
Linangin Natin!
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Pagyamanin Natin!
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Tayahin Natin!
Gawain 1
1. Impormatibo
2. Ekspositori
3. Pangunahing Ideya
4. Pantulong na kaisipan
5. Sanggunian
6. Paghahambing
7. Kronolohikal
8. Sanhi at Bunga
9. Pagpapaliwanag
10. Paglalahad ng Pangyayari
Gawain 2
Batayan ang rubrik sa pagtataya.

You might also like