You are on page 1of 27

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

ARALIN 2.1
Katangian at Kalikasan ng Teksto
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 5
Tekstong Impormatibo 6
Dalawang Uri ng Impormasyon 8
Mga Halimbawa ng Tekstong Impormatibo 9
Mga Kategorya ng Tekstong Impormatibo 13

Sagutin Natin 15

Subukan Natin 15

Isaisip Natin 16

Pag-isipan Natin 16

Dapat Tandaan 20

Mga Sanggunian 20
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Aralin 2.1
Katangian at Kalikasan ng Teksto

Lar. 1. Maraming iba’t ibang uri ng babasahing naghahatid sa atin ng iba’t ibang uri ng
impormasyon at ideya.

Introduksiyon
Bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain sa buhay, ang pagbasa ay may malaking
gampanin sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapatalas ng kaisipan ng mga tao. Ang mga
kaalaman at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay na taglay ng tao ay mula sa iba’t ibang
babasahing naghahatid ng datos, impormasyon, at ideya na nakabatay sa pangangailangan
ng mga mambabasa. Nangangahulugan itong may mga tiyak na uri ng babasahin o teksto
para sa iba’t ibang tiyak na impormasyong kinakailangan na malaman at matutuhan ng mga
mambabasa. Isa sa mga uri ng tekstong ito ang tekstong impormatibo. Sa araling ito,
kilalanin, pag-aralan, at unawain ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo.

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● natutukoy at naipaliliwanag ang katangian at kalikasan ng tekstong
impormatibo; at
● natutukoy ang iba’t ibang halimbawa ng tekstong impormatibo.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t
ibang tekstong binasa (F11PB - IIIa - 98).

Simulan

Tukuyin Natin!
Isa sa mga pinagkukuhanan natin ng mga napapanahong impormasyon ang mga
pahayagan o diyaryo na naglalaman ng mga balita. Araw-araw ay iba-iba at bago ang hatid
nitong impormasyon at kaalaman sa mga taon. Bukod sa mga ito, marami nang iba pang
mapagkukunan ng impormasyon gamit ang internet at teknolohiya tulad ng iba’t ibang
website.

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Sa gawaing ito, suriin at alamin ang iba’t ibang impormasyon mula sa mga tekstong
naglalahad ng impormasyon. Upang higit na maunawaan ang gagawin, sundin ang
sumusunod na mga panuto.

Mga Panuto
1. Basahin at unawain ang tekstong may pamagat na “Mark Anthony S. Angeles, Makata
ng Taon 2016.”
2. Itala ang mahahalagang impormasyon na sumasagot sa mga tanong na
matatagpuan sa talahanayan.
3. Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.

Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016

Si Mark Anthony S. Angeles ang hihiranging makata ng taon sa Talaang Ginto 2016 ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa kaniyang koleksiyon ng mga tula na “Sariwà pa’ng
Súlat/Súgat ng Báyan kong Sawî.”

Si Angeles ay nagtapos ng kursong BA Journalism sa Polytechnic University of the Philippines


at naging fellow sa Iowa International Writing Program noong 2013.

Nagsilbing kasapi ng Lupon ng Inampalan ang mga makatang sina Rogelio Mangahas, Victor
Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr., at Jerry B. Gracio. Igagawad kay Angeles ang titulo sa
ika-228 anibersaryo ng kapanganakan ni "Francisco Balagtas" Baltazar sa Orion Elementary
School, Orion, Bataan. Tatanggap rin siya ng PHP 30,000.00 at tropeo mula sa KWF.

Ang Makata ng Taon: Talaang Ginto ay patimpalak para sa mga makata na nagsimula pa
noong 1963. Kabilang na sa mga nagwagi nito ang mga maituturing na haligi ng Panulaang
Filipino na sina Lamberto Antonio, Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario, at

3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Ruth Elynia Mabanglo. Isa ito sa pinakamatagal at pinakaprestihiyosong mga parangal na


makakamit ng sinumang Filipinong makata magpahanggang ngayon.

Sanggunian: “Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino.

Talahanayan
Talahanayan 1: Tukuyin Natin!

Sino? Ano? Saan? Kailan? Paano?

Mga Gabay na Tanong


1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
2. Madali mo bang natukoy ang mga impormasyong sumagot sa mga tanong na
nakasaad sa talahanayan? Bakit?
3. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng tekstong iyong binasa?

4
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang patuloy na magbasa ng iba’t ibang uri ng teksto?
Bakit kailangang maging mapanuri sa impormasyong nababasa?
Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto?

May iba’t ibang uri ng teksto. Bawat uri nito ay may tiyak na kakanyahan at layunin na
naghahatid ng iba’t bang danas at kaalaman sa mga mambabasa. Isa sa mga uri ng teksto
ang tekstong impormatibo.

Alamin Natin
obhetibo purong tiyak na impormasyon o datos; walang halong
opinyon

igagawad ibibigay; ipagkakaloob

anibersaryo taunang pagdiriwang ng isang mahalagang bagay o


pangyayari

talaan listahan

Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon
tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,

5
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

sino, at paano tungkol sa isang paksa.

Masasabing obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na
katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.

Sa binasang lunsarang teksto na “Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016,”


mababasa sa unang pangungusap ng unang talata na ang paksa ay si Mark Anthony S.
Angeles. Sinasagot nito ang tanong na “sino.”

Ano ang nakamit ni Mark Anthony Angeles? Hinirang siya bilang makata ng taon sa Talaang
Ginto 2016. Ang detalyeng ito ay makikita pa rin sa unang pangungusap ng unang talata ng
teksto.

Tungkol naman sa tanong na “kailan,” tumutukoy ito sa petsa kung kailan igagawad ang
parangal. Ang sagot dito ay makikita sa ikatlong talata, “sa ika-228 anibersaryo ng
kapanganakan ni Francisco “Balagtas.”

6
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Sa tanong na “saan,” ang tinutukoy naman ay ang lugar kung saan gaganapin ang parangal.
Nasa ikatlong talata pa rin ang sagot, “sa Orion Elementary School, Orion, Bataan.”

Paano naman pararangalan si Mark Anthony S. Angeles? Sa pamamagitan ng pagbibigay sa


kaniya ng pera at tropeo. Mababasa pa rin ito sa ikatlong talata.

Bukod sa mga naunang detalye, tinalakay rin sa teksto kung ano ang “Makata ng Taon:
Talaang Ginto.” Sinagot ito ng huling talata sa pagbanggit ng kaligiran o background na
impormasyon tungkol sa parangal.

Kung babalikan ang mga detalye ng ating tekstong impormatibo, mapapansin na ang lahat
ng tanong ay may karampatang sagot. Bawat bahagi ng teksto ay tumutugon sa isang
tanong. Kahit pa ang mga detalye sa teksto ay labis sa mga hinihingi, masasabi pa ring hindi
naman ito nagkulang.

Ang tekstong impormatibo ay ay obhetibo, dahil naglalahad lamang ito ng mga tiyak na
impormasyon. Hindi ito naglalaman ng anumang opinyon at walang kinikilingang paniniwala
o ideya.

7
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Dalawang Uri ng Impormasyon

Upang matiyak na obhetibo ang mga detalye


sa loob ng tekstong impormatibo, maaari
itong magkaroon ng dalawang uri ng
impormasyon—tuwiran at hindi tuwiran.

Sa tuwiran, ang impormasyon ay mula sa


orihinal na pinagmulan nito o batay sa
kaalaman ng nagpapahayag o may-akda.
Halimbawa, ang nagsasalaysay ay saksi sa
isang pangyayari.

Sa hindi tuwiran, ang impormasyon ay mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang
sa iba. Halimbawa, isinasalaysay ng may-akda ang isang pangyayaring naikuwento sa kaniya
ng isang kaibigan.

8
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Sa tekstong “Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016,” maituturing na tuwirang


impormasyon ito kung ang nagsulat ay mismong nakasaksi sa pag-anunsiyo ng KWF sa mga
detalye ng parangal para kay Angeles, at hindi tuwirang impormasyon kung ang nagsulat ay
nakipanayam ng isang nakasaksi sa pag-anunsiyo tungkol sa parangal o hindi kaya ay
nagbasa siya ng mga nasulat na tungkol dito at kaniyang nilikom ang mga detalye, at
gumawa ng bagong artikulo. Tandaan, sa tekstong impormatibo, palaging mas matimbang
ang tuwirang impormasyon kaysa sa hindi tuwirang impormasyon.

Sa pagbasa ng tekstong impormatibo na may tuwirang impormasyon, mas makaaasang


makatotohanan ito kaysa tekstong galing lamang sa napagpasahan na ng impormasyon.

Hindi man maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi tuwirang impormasyon, maaari naman
tayong maging matalinong mambabasa na marunong tumimbang ng katotohanan ng ating
binabasa, at isa nang paraan ng pag-alam nito ay sa pagtukoy kung tuwiran o hindi tuwiran
ang ating babasahin.

Mga Halimbawa ng Tekstong Impormatibo


Matapos nating malaman ang mga uri ng impormasyong mababasa sa isang tekstong
impormatibo, mainam ding malaman kung ano-ano ang halimbawa ng tekstong
impormatibo. Ang ilang halimbawa ng tekstong impormatibo ay ang sumusunod:

Balita
● Ang balita ay impormasyon tungkol sa napapanahong pangyayari. Ito ay maaaring
nakalimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online.
Nilalayon nitong makapagbahagi ng makabuluhang impormasyon sa publiko.
● Ang halimbawang tekstong impormatibo sa simula ng ating aralin na pinamagatang
“Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016” ay isang halimbawa ng balita.

9
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Mababasa rito ang pangyayari ng pagkapanalo ng isang kalahok sa patimpalak na


isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino. Naglalaman ito ng makabuluhang detalye
kung saan, kailan, at paano gagawaran ng premyo si Mark Anthony S. Angeles.

Patalastas
● Ang patalastas ay anunsiyo tungkol sa produkto, serbisyo, o okasyong nais ipaalam
sa publiko. Ito ay maaaring inililimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo,
at nababasa online. Nilalayon nitong makabenta ng kaniyang ipinakikilalang
produkto, serbisyo, o okasyong nais padaluhan.
● Kapag kayo ay nanonood ng telebisyon, nakikinig sa radyo, o nagbabasa ng diyaryo,
may bubungad sa inyong mga patalastas matapos ng ilang minuto o sa bawat
pagbuklat ng pahina. Maaari itong naglalaman lamang ng: 1) pangalan ng produkto
2) litrato o larawan ng produkto, at 3) pagpapaliwanag kung ano ang bentahe nito sa
pamamagitan ng islogan.

10
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Anunsiyo
● Ang anunsiyo ay pormal na paglalahad sa publiko tungkol sa isang katunayan,
intensiyon, gawain, o pangyayaring dapat malaman ng mga tao. Ito ay maaaring
inililimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online.
Nilalayon nitong magbahagi ng impormasyon o magpadalo sa isang okasyong
ipinatatangkilik nito.
● Sa halimbawang tekstong impormatibo na isang balita, maaaring isipin natin na ang
pagkakaroon ng patimpalak ay mula sa isang anunsiyo ng Komisyon sa Wikang
Filipino, na may binuksan itong paligsahan. Sa anunsiyo nito, naglaman ito ng detalye
tungkol sa ano ang patimpalak, sino ang maaaring sumali, paano sumali, saan at
kailan ang huling araw ng pagpasa ng mga entry.

11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Memorandum
● Ang memorandum ay dokumentong naglalaman ng impormasyon tungkol sa
kautusang isasagawa, o dapat sundin, o hindi kaya ay naglalaman ng pagbabago sa
isang kautusang dati nang naipatupad. Ito ay mababasa sa nakalimbag na anyo at
maging online.
● Halimbawa ng memorandum ay ang mga memorandum na pangkaragawan mula sa
mga partikular na sangay ng pamahalaan, para sa kanilang mga opisyales at
empleyado. Sulyapan sa kanang bahagi ang halimbawa nito mula sa Kagawaran ng
Edukasyon. Makikita rito ang petsa, memorandum number, tiyak ang listahan ng
mga taong pinararatingan ng impormasyon, at sa ilalim nito ay ang nilalaman ng
memorandum.

12
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Mga Kategorya ng Tekstong Impormatibo


Mula sa ating pagkakilala sa apat na halimbawa ng tekstong impormatibo, maikakategorya
ang mga aspekto nito sa:
● midyum kung paano ito naipararating,
● katangian ng haba nito,
● paksa,
● Pinagmulan ng impormasyon,
● layunin ng pagpaparating ng impormasyon, at
● kung ano-anong detalye ang nilalaman nito.

Malalaman mula rito na ang balita ay komprehensibong pagpaparating ng impormasyon sa


mga napapanahong pangyayari, habang ang anunsiyo ay naiiba rito, dahil ito ay pinaikli at
maging kahit sino ay makapagbibigay nito.

13
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Ang anunsiyo ay pareho sa patalastas na maikli, ngunit ang patalastas ay maaaring magsaad
ng impormasyon tungkol lamang sa produkto, serbisyo, o okasyon, at kung paano ito
nagkakaroon ng bentahe para sa mga tatangkilik nito.

Mapapansin namang na ang patalastas ay may tiyak na layuning makapagbenta. Tulad ito sa
memorandum na may tiyak na layunin, subalit naiiba naman ang memorandum dahil ito ay
nais magparating ng impormasyon na kailangang sundin.

Talahanayan 2. Paghahambing ng mga halimbawa ng tekstong impormatibo

Balita Anunsiyo Patalastas Memorandum

Midyum ● Nakalimbag ● Nakalimbag ● Nakalimbag ● Nakalimbag


● Telebisyon ● Telebisyon ● Telebisyon ● Online
● Radyo ● Radyo ● Radyo
● Online ● Online ● Online

Katangian Maaaring maikli o Maikli Maikli Maaaring maikli o


mahaba mahaba

Paksa Pangyayari Pangyayari, Produkto, Kautusang


intensyon, gawain serbisyo, isasagawa o dapat
okasyon sundin

Pinagmulan ng Mamamahayag Kahit sino Pribadong Pamahalaan o


Impormasyon kompanya pribadong
kompanya

Layunin Makapagbahagi Makapagbahagi Makapagbenta Makapagpasunod


ng makabuluhan ng napapanahong
at napapanahong impormasyon
impormasyon

Nilalaman Sino, Ano, Kailan, Sino, Ano, Kailan, Ano, Paano Sino, Ano, Kailan,
Saan, Paano Saan, Paano Saan, Paano

Sa kabuuan, magkakaiba man ang mga halimbawang ito ng tekstong impormatibo sa iba’t

14
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

ibang aspekto, nagkakaisa naman ang mga ito sa layuning makapaghatid o makapagbigay
ng iba’t ibang impormasyon sa mga mambabasa.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?
2. Ano ang pagkakaiba ng balita at patalastas?
3. Para kanino madalas na ipinatutungkol ang memorandum?
4. Ano ang pagkakaiba ng tuwiran at hindi tuwirang impormasyon?
5. Ano ang madalas na midyum ng mga patalastas at balita?

Subukan Natin
Ibigay ang hinihinging sagot para sa bawat bilang.
A. Dalawang uri ng impormasyon
1.
2.

B. Apat na halimbawa ng tekstong impormatibo


1.
2.
3.
4.

C. Anim na kategorya ng tekstong impormatibo


1.
2.

15
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

3.
4.
5.
6.

Isaisip Natin
Paano napakikinabangan ng mga tao sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa tekstong impormatibo?

Pag-isipan Natin
A. Isulat sa patlang ang T kung tama ang ipinahahayag ng mga pangungusap at M naman
kung mali.

________________ 1. Ang anunsiyo ay isa sa mga uri ng tekstong impormatibo.

________________ 2. Walang ipinagkaiba ang patalastas at anunsyo.

________________ 3. Maaaring ikategorya sa anim ang aspekto ng mga halimbawa


ng tekstong impormatibo.

________________ 4. Hindi tuwiran ang impormasyon kung ito ay mula sa kuwento


ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba.

________________ 5. Tuwiran ang impormasyon kung ito ay mula sa hindi orihinal


na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o
may-akda.

16
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

________________ 6. Sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na paano

________________ 7. Magkatulad lamang ang memorandum at ang mga anunsiyo.

________________ 8. Kabilang sa mga kategorya ng aspekto ng mga tekstong


impormatibo ang layunin ng pagpaparating ng impormasyon.

________________ 9. Madalas na nakalimbag lamang ang mga patalastas at hindi ito


madaling mahahanap online at makikita sa telebisyon.

________________ 10. Naglalaman ng napapanahong mga impormasyon at


pangyayari ang mga balita.

B. Basahin at unawain ang sipi ng tekstong impormatibo na may pamagat na “Jonathan


V. Geronimo ng UST, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2021.” Itala ang
mahahalagang impormasyong sumasagot sa mga tanong na matatagpuan sa
talahanayan. Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.

Jonathan V. Geronimo ng UST,


Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2021

Itinanghal si Jonathan V. Geronimo na KWF Mananaysay ng Taón 2021 pára sa


kaniyang sanaysay na “Isang Dipang Langit: Ang Wika ng Posibilidad sa
Pambansang Pagpapalayà bílang Dalumat sa mga Akdang Piitan.”
Makatatanggap siyá ng PHP30,000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng
Taón,” medalya, at plake.

Nagwagî din si David Michael M. San Juan ng ikalawang gantimpala pára sa


kaniyang sanaysay na “Wikang Filipino Bílang Behikulo ng Dekolonisasyon ng
Pagsulat ng Kasaysayan: Hinabing Danas, Salaysay, Dokumento, Awit, Akda,

17
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Pelikula, at Estadistika Bílang Maikling Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng


Diktadurang Marcos.” Makatatanggap siyá ng PHP20,000.00 at sertipiko.
Hinirang naman si Axle Christien J. Tugano sa ikatlong gantimpala pára sa
kaniyang sanaysay na “Wikang Filipino Túngo sa Kaunawaan at Kakanyahang
Asyano: Gunita ng Isang Pilipinong Manlalakbay sa mga Pronterang Timog
Silangang Asya.” Makatatanggap siyá ng PHP15,000.00 at sertipiko.

Si Jonathan V. Geronimo ay kasalukuyang guro sa University of Santo Tomas.


Nagtapos ng PhD sa Araling Filipino–Wika, Kultura, at Midya sa De La Salle
University-Manila. Nagsilbi siyáng Managing Editor ng HASAAN,
interdisiplinaryong journal sa Filipino ng UST, at Kawing Journal ng PSLLF sa
kasalukuyan. Naging kalahok ng mga pambansang palihan kabílang ang ika-6 na
Palihang Rogelio Sicat, 2nd UST National Creative Writing Workshop, at KRITIKA
National Workshop on Art and Cultural Criticism. Nailathala ang kaniyang mga
pananaliksik sa pambansa at internasyonal na journal. Nagwagî sa Gawad
Sanaysay ng KWF (2012) at Katiting Micro-fiction Contest ng NHCP (2015). Napilì
siyáng maging kalahok sa Performance Studies International Summer School sa
Daegu, Seoul Korea (2017). Kasapi siyá ng mga samaháng pangwika at pangguro
kabílang ang pagiging Kagawad ng PSLLF, Secretary General ng ACT Private
Schools, at naihalal na maging kasapi ng Executive Committee ng NCCA-National
Commission on Language and Translation (mula 2020–2022).

Ang Sanaysay ng Taón ay taunang timpalak ng KWF na naglalayong himukin ang


mga natatanging mananaysay ng bansa na ilahok ang kanilang mga akda.

Sanggunian:

“Jonathan V. Geronimo ng UST, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taon 2021.”


Komisyon sa Wikang Filipino.

18
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Talahanayan 3: Pag-isipan!

Ano ang Paksa


ng Teksto?

Sino? Ano? Saan Kailan? Paano?

19
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Dapat Tandaan

● Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na


impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Sinasagot nito ang
mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
● Obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na
katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
● Maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang impormasyong hatid ng tekstong
impormatibo.
● May iba’t ibang uri o halimbawa ng tekstong impormatibo na maaaring maikategorya
pa ayon sa aspektong kinabibilangan nito.

Mga Sanggunian
Bernales, R. et. al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino II
Antas Tersyarya. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc., 2009.

De Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Lungsod ng
Maynila: Rex Book Store Inc., 2016.

“Mark Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha mula sa
http://kwf.gov.ph/mark-anthony-s-angeles-makata-ng-taon-2016/

Jocson, M. et. al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Lorimar

20
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Publishing Co., Inc. 2005.

“Jonathan V. Geronimo ng UST, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2021.” Komisyon sa


Wikang Filipino. Nakuha sa
https://kwf.gov.ph/jonathan-v-geronimo-ng-ust-itinanghal-na-kwf-mananaysay-ng-ta
on-2021

“Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha sa
https://kwf.gov.ph/mark-anthony-s-angeles-makata-ng-taon-2016/

Pacay, W. III. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik: K to 12


Compliant Worktext in Filipino for the Senior High School. Lungsod ng Pasay: JFS
Publishing Services, Inc., 2016.

21
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 2.1. Katangian at Kalikasan ng Teksto


Simulan
Talahanayan 1: Tukuyin Mo!

Sino? Ano? Saan? Kailan? Paano?

Mark Anthony Hinirang siya Sa Orion Sa ika-228 Sa


S. Angeles. bilang makata Elementary anibersaryo ng pamamagitan
kapanganakan
ng taon sa School, Orion, ng pagbibigay
ni Francisco
Talaang Ginto Bataan. “Balagtas. sa kaniya ng
2016. pera at tropeo

Mga Gabay na Tanong


1. Tungkol saan ang tekstong binasa? Ang tekstong binasa ay tungkol sa
pagkakahirang kay Mark Anthony S. Angeles bilang Makata ng taon sa Talaang
Ginto 2016.
2. Madali mo bang natukoy ang mga impormasyong sumagot sa mga tanong na
nakasaad sa talahanayan? Bakit? Iba-iba ang maaaring maging sagot ng mga
mag-aaral. Halimbawang sagot: Naging madali ang pagtukoy sa mga impormasyong
sumasagot sa mga tanong dahil nagsilbing gabay ang mga tanong sa pagtitiyak ng
impormasyong kinakailangang malaman at ibigay.
3. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng tekstong iyong binasa? Layunin ng teksto na
maglahad ng impormasyon at magsaad ng mga sumusuportang detalye sa
impormasyong inilaad nito.

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Sagutin
1. Ano ang layunin ng tekstong impormatibo? Layunin ng tekstong impormatibo na
magbigay o maglahad ng mga tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, o pangyayari.
2. Ano ang pagkakaiba ng balita at patalastas? Ang balita ay impormasyon tungkol sa
napapanahong pangyayari samantalang ang patalastas ay anunsiyo tungkol sa
produkto, serbisyo, o okasyong nais ipaalam sa publiko.
3. Para kanino madalas na ipinatutungkol ang memorandum? Iba- iba ang sagot ng
mga mag-aaral. Halimbawang sagot: Ang mga memorandum ay madalas na para sa
mga kawani o miyembro ng isang samahan, kagawaran o maging ng isnag
institusyon dahil naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa kautusang
isasagawa, o dapat sundin ng mga kawani o bahagi ng nasabing samahan,
kagawaran o institusyon.
4. Ano ang pagkakaiba ng tuwiran at hindi tuwirang impormasyon? Ang tuwirang
impormasyon ay mula sa orihinal na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng
nagpapahayag o may-akda samantalang ang hindi tuwirang impormasyon naman ay
mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba.
5. Ano ang madalas na midyum ng mga patalastas at balita? Ang mga nakalimbag na
pahayagan, telebisyon, radyo at iba’t ibang online website ang madalas na midyum
ng mga patalastas at balita.

Subukan Natin
Ibigay ang hinihinging sagot para sa bawat bilang.

A. Dalawang uri ng impormasyon:


1. tuwiran
2. hindi tuwiran
B. Apat na halimbawa ng tekstong impormatibo:
1. balita
2. patalastas
3. anunsyo

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

4. memorandum
C. Anim na kategorya ng tekstong impormatibo:
1. midyum kung paano ito naipararating
2. katangian ng haba nito
3. paksa
4. pinagmulan ng impormasyon
5. layunin ng pagpaparating ng impormasyon
6. kung ano-anong detalye ang nilalaman nito

Isaisip Natin
Paano napakikinabangan ng mga tao sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa tekstong impormatibo? Iba- iba ang
maaaring maging sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot. Magagamit ng mga tao ang
kanilang kaalaman sa tekstong impormatibo sa tuwing magbabasa, makikinig, o
manonood ng mga balita, patalastas, at anunsyon. Sa tulong din nito, higit na matutukoy at
mapipili ng mga tao ang mahahalagang impormasyon na dapat nilang malaman at
maunawaan.

Pag-isipan Natin
A. Isulat sa patlang ang T kung tama ang ipinahahayag ng mga pangungusap at M naman
kung mali.

_______T________ 1. Ang anunsyo ay isa sa mga uri ng tekstong impormatibo.

_______M_______ 2. Walang pinagkaiba ang patalastas at anunsyo.

_______T________ 3. Maaaring ikategorya sa anim ang aspekto ng mga halimbawa


ng tekstong impormatibo.

_______T________ 4. Hindi tuwiran ang impormasyon kung ito ay mula sa kuwento


ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba.

_______M_______ 5. Tuwiran ang impormasyon kung ito ay mula sa hindi orihinal

3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o


may-akda.

________T_______ 6. Sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na paano

________M______ 7. Magkatulad lamang ang memorandum at ang mga anunsiyo.

________T_______ 8. Kabilang sa mga kategorya ng aspekto ng mga tekstong


impormatibo ang layunin ng pagpaparating ng impormasyon.

________M______ 9. Madalas na nakalimbag lamang ang mga patalastas at hindi ito


madaling mahahanap online at makikita sa telebisyon.

________T_______ 10. Naglalaman ng napapanahong mga impormasyon at


pangyayari ang mga balita.

B. Basahin at unawain ang sipi ng tekstong impormatibo na may pamagat na “Jonathan V.


Geronimo ng UST, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2021.” Itala ang
mahahalagang impormasyong sumasagot sa mga tanong na matatagpuan sa
talahanayan. Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.

Talahanayan 2: Pag-isipan!
Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral dahil maraming impormasyon ang maaaring sumagot
sa mga tanong. Halimbawang sagot:

Ano ang Paksa Pagwawagi ni Jonathan Geronimo


ng Teksto?

Sino? Ano? Saan? Kailan? Paano?

4
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Si Jonathan V. Itinanghal siya Siya ay Taong 2021 Tatanggap siya


Geronimo ng bilang KWF kasalukuyang (walang tiyak ng medalya at
nagtuturo sa na petsa) plake
UST Mananaysay ng
Unibersidad ng
Taón 2021 Santo Tomas

You might also like