You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION I
Pangasinan II Division
MANGALDAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

Pangalan:________________________________ Pangkat: __________


Guro: _________________________________ Petsa ng Pagsumite: ___________

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik
Kuwarter 3
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa at ang kahulugan, katangian ng mahahalagang salitang
ginamit
( Most Essential Learning Competency 1 )
Talaan ng Gawain Blg. 1

3rd Quarter
Week 1

Matapos na maunawaan ang modyul ikaw ay inaasahang:

a. Natutukoy ang layunin at kahulugan ng mapanuring pagbasa.


b. Nakikilala ang pagkakaiba ng scanning at skimming; at
c. Naibibigay ang paksang tinalakay sa isang teksto.

Panimulang kaalaman

Ang isang taong naghahangad ng mataas na kurunungan ay nangangailangan ng madalasang pagbabasa ng maraming
uri ng babasahing pumapaksa sa iba’t ibang disiplina.
Batay sa mga nabanggit na katotohanan hinggil sa mahikang nagagawa ng pagbasa sa paghasa sa karunungan ng tao,
maitatanong natin sa ating kamalayan ang ganito, “ Ano nga ba ang pagbasa? Bakit ba tayo nagbabasa? Paano ba ang
epektibong pagbabasa?” Tugunin natin ang mga katanungan ( Gonzales et. al., 2005 ).

Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa


Tinalakay sa aklat ni Sicat et. al (2016) na “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa upang
mabuhay”, ito ay winika ni Gustave Flaubert, isang manunulat na siyang nagpaunlad ng
reyalismong pampanitikan sa Pransiya at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary (1857).Ang
pananaw na ito ay nagpapahiwatig na bukod sa mga layunin ng pagbasa upang malibang at
matuto, mas malalim at malawak pa ang naibibigay ng gawaing ito. Natutukoy natin ang kaisipan
sa pamamagitan ng analitikal na pagtingin sa iba’t ibang karanasan ng lipunan at tao dahil sa
nababasa.
Kahulugan ng Pagbasa
Ayon kay Anderson et al.(1985), sa aklat na Becoming a Nation na sinipi naman sa aklat ni Sicat et
al.(2016),na ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na
1
teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang
magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon. Tiniyak nina Wixson et al. (1987) sa artikulong
“New Directions in Statewide Reading Assessment” na nailathala sa pahayagang The Reading
Teacher, na sinipi rin sa aklat ni Sicat et al.(2016), na ang mga pinanggalingan ng mga kaisipan sa
pagbasa, at tinutukoy nila ito bilang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng 1.) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa,2.) impormasyong ibinibigay ng
tekstong binabasa 3.) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Sinabi rin na ang pagbasa ay isang makrong kasanayan na kognitibong hakbang ng pagtukoy
sa kaisipan ng bawat simbolo upang makahango at makakuha ng kaalaman. Ipinapakita sa
komunikasyon sa bawat teksto at mambabasa na inuukit ng mga kasaysayan, karunungan,
kasanayan ng bumabasa, tradisyon at kontekstong panlipunan na kinaroroonan niya.
Intensibo at Ektensibong Pagbasa
Ayon sa aklat ni Sicat et.al (2016), nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang
mapanuring pagbasa: intensibo at ekstensibo.
Tinutukoy din ng may-akda na ang intensibong pagbasa ay kinapapalooban ng malalimang
pagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa
mahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng
kahulugan.
Sa gawaing ito ng pagbabasa, nakapagbibigay ang estruktura o pagbuo ng malikhaing
paglalarawan upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang isang babasahin. Habang ang
ekstensibong pagbasa naman ay may layuning makuha ang “gist” o pinakasensiya at kahulugan
ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teskto
at hindi ang mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
Scanning at Skimming na Pagbasa
Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari rin
itong ikategorya bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown(1994) sa aklat ni Sicat et al.(2016),
ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
Ayon sa nasabing may akda na ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang
pokus ay upang hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago magbasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa
ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Samantalang ang skimming naman ay mabilisang
pagbasa na ang layunin ay upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng
manunulat.

Tekstong Impormatibo

Ito ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing
layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na
daigdig.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa
diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.

Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri,
at pagpapakahulugan ng impormasyon.

2
Upang mas madaling maunawaan ang ano mang tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t
ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. Kabilang dito
ang talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o
iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph, at talahanayan.

Halimbawa:
1. Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo sa bansa. Dumarami ang mga turistang
bumibisita rito.

2. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay ng
isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi
lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutuhan sa paaralan.

Tekstong Impormatibo

Lockdown special: Duterte babawi sa Vaccination

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pag-arangkada ng Covid-19 vaccination program ng gobyerno
para makabawi ang ekonomiya na nalugmok dahil sa pandemya.

Sa eksklusibong panayam ng Abante Tonite para sa unang taon ng anibersaryo ng COVID-19 pandemic, sinabi ng
tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ang unang karanasan ng Pilipinas at ng buong mundo na humarap sa
isang global health emergency sa loob ng isang siglo.

“ Hindi man naging perpekto ang naging aksyon, sa nakalipas na isang taon ay ginawa natin ang lahat na mas maayos
at mabilis ang ating COVID response”, sabi ni Roque.

“ Pabibilisan natin ang implementasyon ng vaccination program at higit sa lahat ay gagawin natin ang lahat ng ating
makakaya para manumbalik ang sigla ng ekonomiya at magbalik na tayo sa normal,” pahayag pa ng kalihim.

Subalit lahat aniya ng pagsisikap ng gobyerno para matugunan ang krisis pangkalusugan ay kinakailangan ang
kooperasyon ng lahat.

- Abante Tonite ( March 15, 2021 )

Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang tema o mensahe sa tekstong binasa? 2 pts

2. Batay sa binasang teksto sino ang Spokesperson ng Pangulo? 1 pts

3. Sa papaanong paraan matutugunan ng gobyerno ang krisis pangkalusugan? 2 pts

4. Sa binasang teksto papaano mapanunumbalik ang sigla ng ekonomiya? 2 pts

5. Ano ang pinakalayunin ng Tekstong binasa? Paano ito matutulong sa mambabasa? 3pts
3
Gawain B
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng bawat pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
A. Ekstensibo
B. Scanning
C. Pagbasa
D. Intensibo
E. Skimming

_____1. Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin


ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago magbasa.
_____2. Ito ay kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso
_____3. Ito ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan
ng kabuoang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya.
_____4. Ito ay may layuning makuha ang “gist” o pinakaesensiya at kahulugan ng binasa.
_____5. Isang prosesong pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

Sanggunian
Gonzales, Corazon C. et al ( 2005 ) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Villa, Jerwin G. ( 2020 ) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
https://tonite.abante.com.ph/lockdown-special-duterte-babawi-sa-vaccination/

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil
wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

― Bob Ong

Gabay sa Pagwawasto sa Gawaing B

1. B 3. E 5. C
2. D 4. A

You might also like