You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Impormatibo
Ikatlong Kuwarter - Modyul 1

Junalyn C. Mayo
Manunulat

John Albert B. Colle


Tagasuri

Marissa S. Muldong
Quality Assurance Chair

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Sa araling ito ay higit na magiging malalim ang pagtingin mo sa
kahalagahan ng pagbabasa sa ating buhay. Mas maipamamalas mo pa ang
iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagbasa na maaaring dalhin ka nito
sa realidad ng buhay. Sa pamamagitan ng mga gawain, bukod sa
maipapahayag mo ang iyong sarili ay mahahasa mo pa ang iba mo pang
kasanayan. Nawa’y lagi mong tingnan ito bilang bagong paraan ng
pagkatuto at maging masaya ka sa bawat bahagi.

Sa araling ito, hindi lamang mahahasa ang iyong isipan sa pagbabasa.


Inaasahang magagamit mo ang kabatirang ito sa iyong pagsulong sa
susunod na aralin.

a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa


F11PB-IIIa-98
b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa F11PT-III-a-88

Tukuyin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung tama


ang mga pahayag at M naman kung mali ang mga pahayag.
______1. Ang ekspositori ay may layuning magpabatid, maglarawan,
maglahad ng mga impormasyon, gumanyak, at iba pang gawaing
pagpapahayag na nangangailangan ng pagpapaliwanag.
______2. Mayroong iba’t ibang uri ng pagbibigay ng impormasyon batay sa
estruktura ng paglalahad ng isang manunulat.
______3. Ang pagbibigay ng impormasyon ay kailangang masagot ang ano,
kailan, saan, sino at bakit.

2
______4. Ang papel-pananaliksik ay maaaring pagkuhanan ng tamang
impormasyon.
______5. Kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong
upang gabayan ang mga mambabasa na hanapin ang iba’t ibang
impormasyon.

Sa milyong impormasyong makikita sa social media, mahalaga ang


matalas na pagtukoy ng isang mambabasa kung ang impormasyong
nababasa ay tunay o huwad. Isang mahalagang kakayahan sa pagbasa ang
diskriminasyon ng datos, kung saan tinutukoy kung makatotohanan o hindi
ang hindi kailangang pagtuunan ng pansin. Ibahagi ang isang karanasang
pinaniwalaan ang isang impormasyong nabasa sa Facebook o Twitter ngunit
kalaunan ay natuklasang hindi naman pala totoo. I-screen shot at I-print
ang larawan, mensahe, o paskil na nakuha sa anumang social media site.
Idikit ito sa loob ng kahong nasa ibabang bahagi.

3
Ang tekstong impormatibo ay tekstong kung minsan ay tinatawag
ding ekspositori. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang
mga batayang tanong na ano, kailan, sino at paano. Layunin ng
impormatibong teksto na magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang
paksang matatagpuan sa tunay na pangyayari at sa daigdig.

Halimbawa: biyograpiya, mga impormasyong matatagpuan sa


diksyunaryo, encyclopedia o almanac, papel-pananaliksik, journals,
siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo:

Sanhi at Bunga. Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng


pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan
ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.

Paghahambing. Ito ay kadalasang nagpapakita ng pagkakaiba at


pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.

Pagbibigay-depinisyon. Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng


isang salita, termino, o konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang
kongkretong bagay gaya ng uri ng isang hayop, puna, o kaya naman ay sa
abstraktong mga bagay gaya ng katarungan, pagkapantay-pantay, o pag-
ibig. Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang
mga kahulugang denotatibo o konotatibo.

Paglilista ng Klasipikasyon. Ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang


malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon
ng sistema sa pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtatalakay sa
pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at
halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

4
Tukuyin ang pagkaiba ng bawat uri ng tekstong nabasa. Isulat ang
iyong puna sa angkop na kolum.

Sanhi at Bunga Paghahambing Pagbibigay- Paglilista ng


Depinisyon Klasipikasyon

 Ang tekstong impormatibo o ekspositori ay isang anyo ng


pagpapahayag ng kaalaman. Ang pangunahing layunin nito ay
makapagbigay ng maayos, at tamang impormasyon. Tinutulungan nito
ang mambabasa na alisin ang mga agam-agam sa kaniyang isipan at
tuluyan nitong bibigyang-linaw ang mga ito.

 Mga journal, papel-pananaliksik, encyclopedia, almanac, mga balita sa


diyaryo ay isa sa mga halimbawa ng mga tekstong impormatibo.

5
Nalaman mo na ang kahulugan at katangian ng isang tesktong
impormatibo, subukin natin ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan
ng isang pangyayari.
Isang hapon ay kasalukuyan kang naglalaro ng isang online game sa
iyong cellphone nang biglang lumapit sa iyo ang nakababata mong kapatid
at biglang nagtanong nang ganito. “Kuya ano ‘yung virus na covid-19? Bakit
tayo walang pasok? Paano mo ito sasagutin? Ilahad ang iyong tugon sa
ibaba, batay sa iyong natutuhan sa paksang impormatibo.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahayag sa sumuunod


na pangungusap at M kung hindi. Kung M ang sagot, ipaliwanag sa patlang
sa ibaba kung bakit mali ang pahayag
__________1. Hindi mahalaga ang malawak na karanasan sa pag-unawa ng
tekstong impormatibo dahil sapat na ang pananaliksik upang
maunawaan ito.
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

6
_________2. Bukod sa katumpakan, mahalagang maging kapaki-pakinabang
ang paksa ng isang tekstong impormatibo.

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
_________3. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong
impormatibo.

_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________
_________4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa
komprehensiyon ng mga tekstong impormatibo.

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________
_________5. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na “bakit”

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Mga Sanggunian
Sicat- De Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Tekto Tungo sa
Pananaliksik: Manila: Rex Book Store., 2016

Bernardino, Elyria C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Tekto Tungo


sa Pananaliksik: Malabon City: Mutya Publishing House., 2016

You might also like