You are on page 1of 50

Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Una at ikalawang araw
Pangalawang Linggo
Pagganyak:
Panuto: Basahin ang
teksto. Tuklasin ang
mahahalagang kaisipan at
impormasyon na nakapaloob
dito.
MANILA, Philippines - Pinamamadali nina Buhay party-list Reps. Irwin
Tieng at Mariano Michael Velarde ang pagpasa ng panukalang
cyber bullying upang matugunan ang lumalang problema na may
kinalaman sa internet at mga social networking sites. Sinabi
nina Tieng at Velarde, dapat madaliin ng Kamara ang pagpapasa ng
House Bill 6116 dahil na rin sa mabilis na development ng
information and communication technologies na bagong uri ng
pang lipunang sakit na mabilis na kumakalat o mas kilala sa
tawag na cyber bullying. Sa pamamagitan lamang umano ng
paggamit ng cellphones at social networking sites ay
nakakapaglagay na ng hindi magagandang komento sa mga litrato na
nakikita ng publiko. Paliwanag ng mga mambabatas, ang “cyber
bullying attacks” ay mas masakit dahil hindi kaagad ito nabubura sa
internet kayat napapaaway ang mga biktima ng ilang buwan o halos taon
na. Ang cyber bullying ay pagkakasangkot ng isang indibidwal sa
pagmamalupit sa pamamagitan ng paggamit ng internet o iba pang
digital technologies at paulit-ulit na pagpapadala ng mga
nakakahiya, pambabastos, malalaswa, pang iinsultong mensahe at
pananakot sa biktima.
Gabay na tanong:
● Ano ang layunin ng teksto?
● Ano ang intensiyon ng may-akda sa
kabuuan ng teksto?
● Ang kabuuang nilalaman ng teksto ay
nakapokus sa Cyber Bullying.
● Anong impresyon ang gustong ibigay
ng teksto sa mambabasa?
TEKSTONG IMPORMATIBO
● Ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
● Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa.
● Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita
sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,
aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang
websites sa Internet.
● Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon
upang alisin o linawin ang mga agam-agam na
bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang
paksa o isyung tinatalakay.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
01 | Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa
pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak ang
kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad
ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng
insekto o hayop at iba pang nabubuhay.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
02 | Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang
inilalahad ng tekstong impormatibo ang
pangunahing ideya sa mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi o tinatawag na organizational markers na
nakatutulong upang agad na makita at malaman ng
mga mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
03 | Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga
angkop na pantulong na kaisipan o
mga detalye. Nakatutulong ito na
mabuo sa isipan ng mga mambabasa
ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin:
01 | Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon.

02 | Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto


Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat
nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o paglagay
ng “panipi” upang higit na madaling makita ang mga
salitang binibigyang-diin sa babasahin.

03 | Pagsulat ng mga Talasanggunian Inilalagay ng mga


manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang
katotohanang naging batayan ng mga impormasyong
taglay nito.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Paglalahad ng Pag-uulat pang- Pagpapaliwanag


totoong
pangyayari / impormasyon
kasaysayan Ito ang uri ng
Ang uri ng tekstong
Ito ay uri ng impormatibong ito ay tekstong
tekstong impormatibo naglalahad ang impormatibong
na naglalahad ang mahahalagang kaalaman o nagbibigay
impormasyon patungkol
mga totoong
sa tao, hayop iba pang paliwanag kung
pangyayaring naganap bagay na nabubuhay paano o bakit
sa isang panahon o gayundin sa mga
mpagkakataon.
naganap ang
pangyayari sa paligid.
isang bagay o
pangyayari.
Pagtataya:
Panuto:” Batay sa sariling
paghihinuha, isulat sa inilaang
patlang ang salitang Tama kung
tama ang pahayag at isulat
naman ang salitang MALI kung
mali ito.
_____1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong
magbigay ng impormasyon.
_____2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa
tekstong impormatibo ay nakabatay sa sariling opinyon
ng may-akda.
_____3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang
tekstong impormatibo.
_____4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang
balita o sulating pangkasaysayan.
_____5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang
ginagamit sa tesktong impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit
ng estilo sa pagbibigay-diin sa mahalagang salita tulad ng
pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga
mahahalagang impormasyong patungkol sa tao, hayop at iba
pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon
tungkol sa paborito mong isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag
kung paano at bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga
palarawang representasyon.
_____11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng
babasahing di-piksyon.
_____12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula,
mga facebook post at sanaysay.
_____13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay
o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop,
isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba
pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong
impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang
sanggunian tulad ng encyclopedia at sa ibat’ ibang
websites sa internet.
_____15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang
tekstong impormatibo.
Aplikasyon
Panuto:”Basahin ang balita sa ibaba
at gumawa ng isang reaksyong papel.
Isaalang-alang sa pagsulat ang
mabisang paraan ng pagpapahayag at
ang kabuluhan ng teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.
Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human
Rights (CHR) ng Negros Occidental na ang isang
mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain
Demafeliz ng Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa
Cyberbullying.
Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros
Occidental na si G.Vincent Parra, napag-alaman
nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng
Computer Tablet ng kanyang kaklase. Ipinakita ng
gurong-tagapayo ang larawang kinuha mula sa
isang social media site kung saan may mga
mensahe ng pag-akusa kay Demafeliz.
Halaw mula sa https://www.sunstar.com.ph/article/404657
Pamantayan sa Pagmamarka 5 4 3 2 1
Malinaw ang pagpapaliwanag
ng may akda
Malikhain ang pagkakasulat ng
akda
May kaisahan o organisasyon
ang kabuuang sulatin
Maayos ang istruktura at gamit
ng wika
Kabuuan
Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Una at ikalawang araw
Pangalawang Linggo
Pagganyak:
Panuto: Mahalagang kilalanin ang sarili at
alamin ang sariling kahinaan at kakayahan
bago gumawa ng anomang desisyon o
isakatuparan ang anomang tungkulin.
Ilarawan ang iyong sarili sa isang talata.
Ibigay ang iyong mga katangiang pisikal at
iba pang katangian tulad ng pag-uugali,
disposisyon, at pananaw.
TEKSTONG DESKRIPTIBO:
MAKULAY NA PAGLALARAWAN
● Ang layunin ng tekstong deskriptibo ay
maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon, at iba pa.
● Ang deskripsyon ay isang uri rin ng paglalahad
at naisasagawa rin sa pamamagitan ng mahusay
na eksposisyon, madalas na nahihirapan ang mga
manunulat na gumawa ng sulating purong
paglalarawan lamang ang nilalaman.
● Kinapapalooban ito ng paglikha at paglalarawan
sa tauhan at lunan o setting ng isang akdang
pampanitikan.
KATANGIAN NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1. Ang tekstong deskriptibo ay
may malinaw at pangunahing
impresyon na nililikha sa mga
mambabasa.
KATANGIAN NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
2. Ang tekstong deskriptibo ay
maaaring maging obhetibo o
subhetibo at maaaring ding magbigay
ng pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba’t ibang tono at
paraan sa paglalarawan.
• Subhetibong
• Obhetibong Paglalarawan –
Paglalarawan – kinapapalooban ng
direktang matalinhagang
pagpapakita ng paglalarawan at
katangiang naglalaman ng personal
makatotohanan na persepsyon o ang
at‘di nararamdaman ng
manunulat sa
mapasusubalian.
inilalarawan.
KATANGIAN NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
3. Ang tekstong deskriptibo ay
mahalagang maging espisipiko at
maglaman ng mga konkretong detalye.
Ang pangunahing layunin nito ay
ipakita at iparamdam sa mambabasa
ang bagay o anomang paksa na
inilalarawan.
TATLONG URI NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1. Deskripsyong Teknikal

2. Deskripsyong Karaniwan

3. Deskripsyong
Impresyonistiko
1. Deskripsyong Teknikal
● Ito ay naglalayong magbigay ng
paglalarawang detalyado at
gumagamit ng mga eksaktong
salita sa pagbibigay ng
katangian.
Halimbawa
• Tatlong piraso na lamang ng
tsokolate ang laman ng pulang kahong
ibinigay ni Benedicto.
• Si Aling Cora ay ang babaeng kulot
ang buhok at mayroong tindahan ng
school supplies sa kanto ng Mabini.
• Hinahanap niya si Josie, ang batang
mula sa ikapitong baitang na
ipinaglaban sa patimpalak sa pagsulat
ng sanaysay.
2. Deskripsyong Karaniwan
● Ito naman ay uri ng
paglalarawan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng impormasyong
pangkalahatan at maraming tao
o bagay ang nagtataglay ng
ganoong katangian.
Halimbawa
• Si Benedicto ay mapayat na
matangkad.
• Ang eskinita na iyon ay masikip,
madilim, at mayroong hindi magandang
amoy.
• Dumalaw ang isang kulot na lalaki sa
anak mo kanina.
3. Deskripsyong Impresyonistiko
● Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa
pamamagitan ng pansariling pananaw,
opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito
ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa
at hindi itinuturing na lubhang totoo
dahil ito ay subhektibong pananaw
lamang.
Halimbawa
• Namamalditahan ako sa anak na
panganay ni Aling Marta dahil ramdam
kong hindi totoo ang kaniyang pagngiti
sa atin.
• Minamalas ang mga taong iyan dahil
hindi sila marunong magbigay ng biyaya
sa kanilang kapuwa at madadamot sila.
• Naku, bagay na bagay talaga sina
Alden at Maine dahil pareho silang
mabait sa kanilang mga fans.
APAT NA MAHAHALAGANG KASANGKAPAN
SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
1. WIKA
2. MAAYOS NA DETALYE
3. PANANAW NG PAGLALARAWAN
4. ISANG KABUUAN O IMPRESYON
Pagtataya:
Panuto: Basahin ang mga
pahayag na nasa loob ng
kahon at sagutin ang
mga katanungan.
A. Dahil umuulan, nakisilong si Dodoy sa
ilalim ng makapal na berdeng payong ni
Ningning na pinalamutian ng mga pulang
beads. Ito na marahil ang pinakamasayang
sandali niya sa piling ng kanyang kasintahan.
B. Dahil umuulan, nakisukob si Dodoy sa
ilalim ng payong ni Ningning na animo’y
madahon ng punongkahoy na pinalamutian
ng mga pulang bunga. Abot-langit ang ngiti sa
kanyang mga labi sa pagkakataong ito
kasama ang nagpapatibok ng kanyang puso.
1. Alin sa dalawang pahayag ang madaling
unawain?
2. Alin sa dalawang pahayag ang pumukaw
sa iyong pang-unawa at damdamin?
3. Alin sa dalawang paraan ng paglalarawan
ang mas nanaisin mong gamitin?
Aplikasyon
Ang Karanasang “Di Ko Malilimutan”
Jheru Alselmo Mendoza
Lahat tayo ay may karanasang di
makakalimutan - karanasan sa pag-ibig, sa
kaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo
unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan?
Ano bang alaala ang lubos na nagdulot ng
sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya?
Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na
aking naranasan, kulang pa yata ang isang
libro para maikuwento ko nang buo ang
simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang
ang aming pamumuhay. Lagi kaming magkakasama
noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may
problemang nararanasan. Kinakaya namin
anumang unos ang dumating dahil lagi kaming
magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina
noon, ayos lang daw maghirap kami at
magdildil ng asin basta kompleto at
magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito
dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang
pamilya noon.
Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang
mabuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang nag-
iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa
akin, siya ang pinakamagaling na ina sa
buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki
kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang
aking ama naman ay siyang mabait at mabuting
ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan
napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng
alak. Lumipas ang ilang taon na palaging
masaya ang aking pamilya.
Ngunit lingid sa aming kaalaman, isang
malaking problema ang parating sa aming
buhay na ganap na sumubok sa aming
katatagan. Sampung taong gulang pa lamang
ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang
malaman ng manggagamot na may kanser sa atay
ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman
naming balita. Gayunpaman, pinilit naming
maging masaya para sa aming ama dahil ayaw
naming makita niyang nalulungkot kami para
sa kaniya.
Kahit paano ay mabawasan ang nararanasan
niyang paghihirap at kalungkutan. Ilang
buwan na ang lumipas pero hindi namin siya
maipagamot dahil sa kakulangan sa pera.
Lumala nang lumala ang sakit niya at
bumagsak ang dating masigla niyang katawan
dahil nangayayat siya nang husto. Ika-
tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin
ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking
ina. Kaunti lang ang handa, kami lang ang
nagdiwang at nagsalu-salo.
Ang ama ko ay masaya noong araw na iyon
ngunit nararamdaman ko na parang malungkot
siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon
dahil gusto niyang maging masaya kami sa
araw na iyon. Ang saya talaga ng araw na
iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang
huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw
ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na
siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na
lang ako habang tinitingnan ko ang bangkay
niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin
noon;
“Anak, huwag kang iiyak kapag nawala na
ako, ha.” Kaya noong libing niya ay hindi na
ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala
na siya at hindi na siya mahihirapan dahil
kung saan man siya naroon ay masaya na siya
sa piling ng Dakilang Ama.

https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-
karanasang-di-ko-malilimutan
Panuto: Batay sa tekstong binasa sa
gawain, tukuyin kung anong uri ng
paglalarawan ang ginamit sa mga
siniping pahayag sa ibaba. Isulat sa
patlang ang letrang “S” kung ito ay
subhektibo at “O” naman kung ito ay
obhektibo.
_____ 1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming
pamumuhay.
_____ 2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang
nararanasan, at kinakaya namin ang anumang unos na
dumating dahil lagi kaming magkakasama.
_____ 3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa
buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag
iisa na lamang siya ngayon.
_____ 4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa
ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may
kanser sa atay ang aking ama.
_____ 5. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang
kaniyang kaarawan. nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang
handa at kami lang ang nagsalu-salo.
Thank you!
Do you have any questions?
hello@mail.com
555-111-222
mydomain.com

You might also like