You are on page 1of 9

TEKSTONG IMPORMATIBO

- Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksiyon.

- Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling


tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham, o siyensiya, kasaysayan,
gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.

- Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi
nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Layunin Ng May-Akda

Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo:

- Mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa;


- Maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag;
- Matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo;
- Magsaliksik;
- Mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang nabubuhay.
2. Pangunahing Ideya
Di-tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga nangyayari upang
mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay
dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
3. Pantulong Na Kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang
makatulong mabuo sa isapan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
HALIMBAWA:
 Ang katatagan ng loob ay importante para sa isang indibidwal. Kapag matatag ang loob ng isang
indibidwal, mahaharap niya ang lahat pagsubok. Ano man ang mga problema na dumating ay
hindi niya ito tinatakutan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya, mahalagang ang isang tao
ay may matatag na kalooban.
PANSININ:
Ang unang pangungusap na nakasaad sa halimbawa ay ang pangunahing ideya at ang mga
sumusunod na pangungusap na nakasalungguhit ay ang mga pantulong na kaisipan.
4. Mga Estilo Sa Pagsulat, Kagamitan/ Sangguniang Magtatampok Sa Mga Bagay Na Binibigyang-Diin
Makatutulong ito na mapalawak ang pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang
paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibgay-diin sa mahahalagang bahagi ng
tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon – makatutulong ang paggamit ng mga larawan,
guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline at iba pa.
HALIMBAWA:

“Ang bilang ng mga namatay mula sa mga landslide at pagbaha na tumama sa sentro at
katimugang bahagi ng Pilipinas matapos manalasa ang isang summer tropical depression na
nagdulot ng matinding pag-ulan sa loob ng ilang araw ay tumaas na sa humigit-kumulang 43,
habang 28 ang nawawala, sinabi ng mga opisyal ngayong Martes.”

IKALAWANG HALIMBAWA: Paggamit ng Talahanayan


IKATLONG HALIMBAWA: Paggamit ng Timeline

 Pagbibigay-Diin Sa Mahahalagang Salita Sa Teksto – nagagamit dito ang mga estilong tulad ng
pagsusulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi (“”) upang higit na
madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.

HALIMBAWA:

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon o di-


piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.Ito ay mahabang makathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na “pinaghahabi” sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin
ng katunggali sa kabila.

 Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong


impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na
mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan

- Sa uring ito ng teksto inilahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon.
- Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga
balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan
ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba tulad ng sulating
pangkasaysayan o historical account.

HALIMBAWA:

Death toll mula sa mga landslide, pagbaha sa Pilipinas umakyat sa 43


Ang bilang ng mga namatay mula sa mga landslide at pagbaha na tumama sa sentro at
katimugang bahagi ng Pilipinas matapos manalasa ang isang summer tropical depression na
nagdulot ng matinding pag-ulan sa loob ng ilang araw ay tumaas na sa humigit-kumulang 43,
habang 28 ang nawawala, sinabi ng mga opisyal ngayong Martes.
Mahigit 100 katao ang nasugatan sa mga landslide sa lungsod ng Baybay sa central Leyte province
na matinding tinamaan noong weekend at Lunes, ayon sa mga opisyal. Ang army, pulis at iba
pang rescuers ay nahihirapan dahil sa putik at unstable na lupa at debris para hanapin ang mga
nawawalang tao.

Pag-uulat Pang-Impormasyon

- Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba
pang bagay na nabubuhay at di-nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
- Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga
hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga halaman, at iba pa.

HALIMBAWA:

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay
isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at
itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Pagpapaliwanag

- Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang
isang bagay o pangyayari. Layunin itong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong
nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong
ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag.
Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba
pa.

MGA HALIMBAWA:
Sagutin ang ma sumusunod:

1. Ano ang tekstong impormatibo?


2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?
3. Alin-alin sa mga bagay na nalaman mo sa kasalukuyan ang masasabi mong nagmula sa mga
nabasa mong tekstong impormatibo?
4. Ano- ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo? Sa paanong paraan naiba ang mga ito sa
elemento ng mga tekstong naratibo?
5. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo? Bakit maituturing na tekstong
impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan?

Mungkahi/Suhestiyon ng Guro:

Basahin ang halimbawa ng tekstong impormatibo na pinamagatang “Cyberbullying” at sagutin ang mga
kalakip na gawain na matatagpuan sa inyong GC (Group Chat)

EBALWASYON:

Gumawa ng iyong sariling tekstong impormatibo at pipili kayo ng sarili ninyong paksa. Siguraduhing
makikita dito ang iba’t ibang elemento ng tekstong impormatibo (Bond paper – encoded).

TEKSTONG DESKRIPTIBO

TEKSTONG DESKRIPTIBO

- Ang teksto ay deskriptibo ay uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng impormasyong


ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari. Mga salitang pang-uri o pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy
sa mga katangian.
- Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag
nakita ito ng iba ay parang nakita rin nila ang original na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip
na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo ang sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
- Karaniwang matatagpuan ang tekstong deskiriptibo sa iba’t ibang teksto

Dalawang Katangian ng Paglalarawan

Obhetibo

- Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw
at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
Halimbawa:
“Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga matang may taglay na halina sa
sinumang makakita. Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa
bawat makasalubong ay dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng iba.”

SUBHETIBO
- Masasabing obhetibo naman ang pagalarawan kung ito ay may pinagbatayang katotohanan.
Halimbawa, kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa
bansa na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin sya ng sarili niyang mga salitang
maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng
kanyang mga paksa.
Halimbawa:
HALIMBAWA:
“Ang malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdang-hagdang palayan ay
pinagmumulan din ng patubig sa mga nakatanim na palay.”

COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng
teskto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit
ng mga cohesive device o kohesiyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas
malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo
ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkusang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay
na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw
ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi nito.

1. REPERENSIYA (REFERENCE)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging anapora (kung kailangang bumalik
sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang
panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
sa teksto.
HALIMBAWA:
ANAPORA:
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na ito.)

KATAPORA:
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid.
Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)

2. SUBSTITUSYON (SUBSTITUTION)
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
HALIMBAWA:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)
3. ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw
pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig na nawalang salita.
HALIMBAWA:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil
nakalahad na ito sa unang bahagi.)

4. PANG-UGNAY
Nagagamit ang pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na mauunawan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
HALIMBAWA:
- Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. KOHESYONG LEKSIKAL
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa
dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon – kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
1. Pag-uulit o repetisyon – Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho sa murang gulang pa lang.
2. Pag-iisa-isa – Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
3. Pagbibigay-kahulugan – Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
b. Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaari ding magkasalungat.
HALIMBAWA;
nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga-timog, doktor-pasyente
puti – itim, maliit – malaki, mayaman - mahirap

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang tekstong deskriptibo?


2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?
3. Sa paanong paraan maihahalintulad sa isang ipinintang larawan ang tekstong deskriptibo?
4. Bakit sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng teskto?
EBALWASYON: Gumawa ng iyong sariling tekstong deskriptibo at pipili kayo ng sarili ninyong paksa.
Mainam na gamitin ang mga pamamaraan sa mabisang paglalarawan (Bond paper – encoded).

You might also like