You are on page 1of 20

Tekstong Impormatibo

Mahalaga ang mga kaisipang mapupulot mo sa mga akademikong babasahin


kaya sa bahaging ito ay kilalanin mo ang tekstong impormatibo.

Ang tekstong impormatibo ay may layuning maglahad at magtalakay ng mga


obhektibong mga impormasyon sa malinaw at lohikal na paraan. Hindi kagaya ng
ibang mga teksto, iisang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito at
sinusuportahan ng mga pantulong na mga detalye.

Ayon kay Atanacio (2016), ang tekstong naratibo ay babasahing di –piksyon at


iba-iba ang paraan ng pagkakasulat depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito.

Ito ay isang lathala na nagbibigay ng mahalagang impormasyon ukol sa isang


tao, bagay, lugar, petsa o pangyayari. Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Kailan, Saan, at
Bakit. Kadalasan itong makikita sa mga diyaro, encyclopedia at maging sa mga website
sa internet.

Isinasaalang-alang rin sa tekstong ito ang pag-alis o paglinawin ang mga agam-
agam na bumabalot sa isipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo ayon kay Dayag at del Rosario (2016)

1. Layunin ng May-akda
-tumutukoy sa mga hangarin ng may-akda, maaaring layunin niyang
magpabatid, maglahad at magbigay kaalaman sa mga bagay-bagay sa
mundo at mga kalakarang nagaganap.

2. Pangunahing ideya
-initinatampok sa pamamagitan ng mga organizational markers upang
makita ang mga paksa o siyang pokus sa teksto.

3. Pantulong na kaisipan
-mahalaga ang paglagay ng mga angkop na mga pantulong na kaisipan o
mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang maikintal sa kanila

4. Estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay


na bibigyang-diin
-makatutulong ang pagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa binabasang
tekstong impormatibo ang paggamit ng mga sumusunod:

a. paggamit ng mga nakalarawang representasyon – ang mga larawan,


guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa ay
makatutulong upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga
mababasa sa mga tekstong impormatibo

b. pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto – nagagamit dito ang


mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling
Makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin
c. pagsulat ng talasanggunian – ang mga sanggunian ay nakatutulong
upang magsilbing basehan sa impormasyong taglay ng teksto at nang
sa gayon ay mabigyang-diin ang pagkamakatotohanan nito

Uri Kahulugan

Paglalahad ng Totoong tekstong naglalahad ng mga totoong pangyayaring


Pangyayari/Kasaysayan naganap sa isang panahon o pagkakataon

Pag-uulat Pang- naglalahad ng kaalaman o impormasyon patungkol sa


impormasyon tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid

Pagpapaliwanag nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap


ang isang bagay o pangyayari

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

Narito naman ang ilang mga halimbawa ng tekstong impormatibo:

 mga batayang aklat,  polyeto o


sangguninang at dyornal brochure
aklat tulad ng  ulat  suring papel
mga  pananaliksik  sanaysay
ensayklopedya,  artikulo  mungkahing
almanac,  komentary proyekto
 balita

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo

Layunin ng may-akda
 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na
makapagpaliwanag o magbigay ng impormasyon?
 Anong imporasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?

Mga pangunahin at suportang ideya


 Tungkol saan ang teksto?
 Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?

Hulwarang organisasyon
 Paano inilahad ang mga suportang ideya?
 Ano ang hulwaran ng organisasyon na ginamit sa paglalahad ng mga detalye
sa teksto?
 Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang mga hulwarang
organisasyon sa pagbasa?
Talasalitaan
 Gumamit ba ng mga salita o terminolohiya na di-karaniwang ginamit sa
normal na pakikipag-usap at ginagamit lamang sa mga teknikal na usapin?
Ano-ano ito?
 Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang kahulugan ng mga
ginagamit na di-kilalang salita o terminolohiya?
 Ano-anong impormasyon kaugnay ng mga terminolohiyang ito ang tinalakay
sa teksto?

Kredebilidad ng mga impormasyonng nakasaad sa teksto


 Bagong kaalaman o impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto?
 Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na tumatalakay sa bagong
kaalamang ito?
 Nabanggit ba sa teksto ang mga pinagkuhanan ng ideya o impormasyon?
 Mula ba sa kilala at mapagkakatiwalaang materyal ang mga nakasaad na
impormasyon?
 Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang impormasyong nakasaad sa
teksto?

Halimbawa:

Ang Panitikang Kinaray-a


ni Evelyn M. Cordero

Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo. Bawat pangkat ay taglay ang


panitikang hitik sa yaman. Kung may pagkakatulad man ang taglay na panitikan sa
isang bansa ay katangi-tangi pa rin ang mga ito at nakahahalinang pag-aralan upang
makilala ang pagkakilanlan ng iba’t ibang lalawigan sa bawat rehiyon.

Ang Antique ay tulad din ng ibang lalawigang may nkabibighaning panitikan.


Tunay na naging masining sa pagkukwento ang kanilang mga Lola Basyang dahil sa
mga patunay na kahit na walang maraming akdang naisulat at nailimbag sa wikang
Kinaray-a hanggang sa ngayon ay naikukwento pa rin ng mga matatanda ang taglay
nilang panitikan. Masasabing nanatiling buhay sa kanilang puso’t isipan ang mga
pasalitang panitikan na nagsisilbing magandang alaala ng kanilang nakaraan at
maituturi na mamahaling hiyas ng kanilang angkan.

Ayon kay De Los Santos (2001), ang panitikang Kinaray-a ay may tinatawag na
siday, lumang tula na isinalaysay at isinasagawa sa mga espesyal na okasyon tulad ng
pamalaye, luy-a luy-a, o ng isang gawaing ritwal ng relihiyon. Madalas ito ay mahaba,
inuulit, at matayutay ang pagkakabuo. Mahirap bigkasain at sauluhin. Mayroon din
silang binalaybay o tula at karamihan sa mga ito ay nasa anyong malayang
taludturan.

Ang mga pasalin dilang kwento at mito ay pumapaksa hinggil sa mga


kababalaghan at di kapani-paniwalang mga pangyayari na ginagampanan ng mga
mabubuti at masasamang ispiritu. Pinakatampok na tauhan ng kanilang mga
kwentong katatakutan ay mga asawang, na nag papalit ng anyo at nag papanggap na
mga aso o baboy.
Isa na rin sa pinaktampok na tauhan ng mga Kinaray-ang mito ay ang mga
tamawo na pinaniniwalaang madalas nainirahan sa mga punong kahoy na kung
tawagin ay punong lunok o bubog (Balete). Mga nilalang na halos magkatulad ang
anyo sa tao subalit iba ang mundo na kanilang ginagawalan at ayaw nilang gambalain
ang mundong mayroon sila. Karamihan sa mga kwento ay nagsasalaysay na
magkakatagpo lamang sila ng tao kapag nilapastangan ang mundo na kanilang
ginagalawan o di kaya ay magkataong mapaibig sila sa isang mortal na nilalang.

Kinilala si Russel Tordesillas tubong Ega-a ng Sibalom, Antique bilang tanyag at


mahusay na manunulat ng panitikang kinaray-a. Ang kanyang mga orihinal na akda o
manuskrito ay kasalukuyang itinatago at iniingatan ng Center for Western Visayan
Studies. Ito ay binubuo ng Usul Bahatur, Bangon Tatay Esco, at Hustisia sa Espada.
Hindi na rin magpapahuli ang mga nobelang kanyang isinalin sa Kinaray-a na
pinagsikapang isalaysay at isadula sa radio. Napabilang rito ang Itom nga Baslay mula
sa Papilion at ang Kinaray-a version ng Frank of Morrow’s Dune.

Sadyang malaki ang naibahagii ni Tordesillas sa panitikang Kinaray-a bunga ng


kanyang malikhaing guniguni. Pinakatampok angn isinulat niyang alamat na
nagsilbing tulay mula sa pagitan ng kinaray-ang panitikang pasalita at kinaray-ang
Panitikang pansulat. Kinagigiliwan ng lahat nang maisadula sa radio ang akdan
niyang ‘’Olayra Prinsesa kang Dagat’’ na naglalahad hinggil sa buhay ng mga tamawo.
Ito’y may sequel/karugtong hingil kay Bilbo, Ang Conul, na pumapaksa sa
pakikipagsapalaran ni Bilbo, isang kalahating tao at kalahating tamawo. Ang mga
salaysay nitoý binubuo ng kumbinasyon ng katotohanan at piksyon.

Naging kapanapanabik ang mga panitikang naisulat nang nabuksan ang


estasyon ng DYKA (Radyong Kauswagan Antique) na pinangasiwaan ng Diocese ng
Antique dahil ditto ay nabigyan kulay at sigla ang buhay ng mga Antique-o.
namayagpag sa ere ang mga programang Kinaray-a gaya ng programang ‘Labay-labay’
sa 801 kung saan kinagigiliwan ng marami ang mahusay na host na si Ed Sumaculub.
Sadyang naaliw ang karamihan dahil taglay nito ang mga bahaging magpatawa, joke
only portions, paligsahan sa pagsagot ng mga palantu/paktakun (riddles), binalaybay,
mga awitin,pagbsa ng mga liham pag-ibig, pagbabahaginan ng mga kwentong hitik sa
karanasan at paghiling ng mga payong makapawi ng mga agam-agam sa buhay.

Hindi na rin nagpahuli ang mga tubong Antique sa laragan ng teatro. Isa na dito
ang tinatawag nilang comedian a naging palasak noong dekada ’70. Isang dulang
pantanghal na pumapaksa hinggil sa pang-araw-araw na buhay ng tao, pagmamahal,
pakikipaglabann, at pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Naging palasak rin ang
pagbigkas ng mga berso o lao.

Ang paglikom, pagbuo at paglimbag ng mga panitkang Kinaray-a ay puspusang


ginagampanan ng DYKA Radio. Naisagawang buhayin ng estasyon ang supil na
damdamin ng mga katutubo na maipahayag ang kanilang nararamdaman, maisatitik
ang imaheng bunga at malikhaing guniguni at kapupulutan ng gintong aral hinggil sa
buhay at pamumuhay.

Taong 1977 nang mailathala ang peryodikong “Antique Karon” sa pamumuno ni


Congressman Evelio B. Javier. Hindi nagtagal at pinalitan ng “The Antique Monitor” at
lumaon ay naging Antique Reporter bilang opisyal na peryodiko ng lalawigan. Dekada
80 nang magkaroon ng mga pahayagang Kinaray-a subalit ang mga ito’y naglaho dahil
nakasalalay sa mga politico ang ponding inilalaan sa pagpapalimbag. Bunga nito ay
hindi nagkaroon ng sapat na kabatiran at kamalayan ang ilan sa mga katutubo hinggil
sa sariling panitikan.

Ang inilathalang peryodiko ng Antique National School (ANS). ‘’The Madia-as” at


“The Anthonian” ng Saint Anthon’ys College (SAC) ay nanging instrument upang
mailathala ng mga mahuhusay at baguhang manunulat ang mga naisulat na akda ng
wikang Kinaray-a.
Taong 1988 nang mag-umpisang maglathala ng mga Kinaray-ang tula si G. Alex
C. Delos Santos, patnugot ng “The Anthonian” subalit umani ng maraming negatibong
puna mula sa mga gurong nagtuturo ng Ingles ang kanyang isinagawang hakbang sa
pag sulat ng panitikang Kinaray-a. Sa halip na siya’y panghinaan ng loob ay lalo pang
sumikap na isulong ang puspusang pagsulat ng mga kinaray-ang panitikan at
nagbunga rin ang ipinuhunang pagtitiyaga na mailathala ang sariling mga akda.

Taong 1992 nang inilathala at inilimbag ng lungguhang magazine na Hiligaynon


at Yuhum ang kontribusyon ng Kinaray-a, sa kauna-unahang pagkakataon na
napasamsa pambansang publikasyon ng Ani 10, pampanitikang jornal ng Cultural
Center of the Philippines ang pagpapahalag sa panitikan ng mga taga-Kanlurang
Bisayas.. Naging mailap man ang pagkakataong mailimbag ang kanilang mga kinaray-
ang akda, nang huli ay umani rin ng mga papuri at parangal. Isa na rito ang tulang
pinamagatang “Lupa kag Baybay sa Pinggan”ni Milagros Geremia-Lachica na nag
lalarawan hindi lamang ng lokasyong hryograpikal ng lalawigan ng Antique kungdu ng
kalagayang pang-ekonomiya/kabuhayan ng nasabing lalawigan.

Tinanggap at niyakap ng mga Antique-o ang panitikang Kinaray-a lalo pa’t


nabatid nilang ito ang pinakamabisang paraan na maipahayag ang kanilang mga
mithiin at lungggati sa buhay. Sa kasalukuyan, ang panitikang Kinaray-a ng Antique
ay unti-unting nalinang at nakikisabay na rin sa kalakhang pagsulong/pagbabago o
globallisasyon. Isa na rito ang hakbang pagkakaroon ng sariling website na
http://balaysugidanon.com. Upang hikayating sumali sa patimpalak ng pagsulat ng
anumang anyo ng panitikan ang sinumang may kakayahan sa pagsulat. Ito’y
pinangungunahan ni Genevieve Arsenjo, isang mahusay na manunulat sa Kinaray-ang
Panitikan na naglalayong malinang ang sariling kultura at wikang Kinaray-a (Delos
Santos, 2010).
Gawain:
1. Tukuyin mo ang mga paksa, mahahalaga at kaisipan mula sa akdang “Ang
Panitikang Kinaray-a.”

Pantulong na Kaisipan

Pangunahing
Ideya

Paksa

Pantulong na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

2. Ilista sa loob ng kahon ang iba pang impormasyon na ngayon mo lang natutuhan.
Paano ito makatutulong sa iyo bilang mag-aaral?

Mga Bagong imporasyong natutuhan ko: Makatutulong ito sa akin dahil…


3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng teksto? Paano niya binigyang-diin ang
kaisipan?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

4. Anong uri ng tekstong impormatibo ang iyong binasa? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Performance Task

Puntos Pamantayan Kahulugan


4 Kaisipan Siksik ng mga bagong kaalamang nakabatay sa mga
angkop na datos mula sa pananaliksik, natumbok ang
layunin sa pagsulat
3 Kaangkupan Angkop sa paksa at panahon ang mga impormasyong
inilahad, wastong pahayag at balarila ang ginamit
2 Kaayusan Maayos ang paglalahad at pagkakasunod-sunod ng mga
detalye
1 Kagandahan Malinaw at kakikitaan ng orihinalidad
Magaling! Ngayon ay handa ka nang sumulat ng isang tekstong impormatibo.
Dahil pawang katotohanan ang pagbabatayan ng iyong sulatin, mangangailangan ito ng
pangangalap ng mga datos mapaunlad ang iyong sulatin. Mag-isip ng isang paksang
napapanahon at malapit sa iyong interes, mas nakabubuti kung ito ay ukol sa iyong
sariling kapaligiran o pamayanan. Ikaw ay hahatulan batay sa rubrik.

Tekstong Deskriptibo
Bago ka magpatuloy ay basahin mo muna ang binalaybay sa ibaba. Sagutin ang
mga katanungan at gawain sa susunod na pahina pagkatapos.

Tulabong sa Baid-dagat
ni Tony A. Aguilar, Jr.
Huyhoy anang mga paku, basi gëtëm
Tulabong nga maniwang pirmi gadukuon
Mapisan, mauti magsagap kang makaën
Sa suba, baid-baybay kag mga punong Kang hinali tana ang nakit-an
Kang mangangayam utr’ong pasapayan
Tulabong, kon oras kang maadlaw Anang eskoptea, sanga ang tarandayan
Sa mga punongan, tuya nagalagaw Wara kaluoy, tana ang pinalukpan…
Ana naman-an, tuya duro pagkaën
Tilapya nga namarhan, pati bagungon… Niwang nga tulabong naigo gid sa dëghan
Makaruluoy gid ana nga dinangatan
Tulabong nga pispis, labëg anang batiis Gëtëm rën, kang kabuhi pa gindid-an
Gamay nga daw tukon kon, tërëkën Hinaboy dëlang, maniwang di gali
Gamay anang lawas, hay barahibuon mapuslan!
Basi nagniwang, hay kulang sa pagkaën…

Mahalaga ang maikintal sa isipan at damdamin ng sinuman ang isang tiyak na


larawan sa pamamagitan ng mga salita, kaya kilalanin mo naman ngayon ang tekstong
deskriptibo.

Ang tekstong deskriptibo may layuning makabuo ng tiyak na larawan sa isipan


ng mga mamababasa sa pamamagitan ng mga salitang naglalarawan gaya ng pang-uri
at pang-abay. Nagtataglay ito ng mga kaisipang naglalarawan sa isang paksa – ito man
ay tao, bagay, lugar, o pangyayari. Samakatuwid ay isniasaalang-alang ang ating mga
pandama (paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pansalat) upang mabigyang-
buhay ang imahinasyon ng mambabasa.

Ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suporta sa mga


impormasyong inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga nagaganap na
pangyayari sa isang pagsasalaysay. Maaaring payak lamang ang paglalarawan, o
kaya’y mas malinaw na nakapupukaw sa ating limang pandama – paningin, pandinig,
panlasa, pang-amaoy, at pandama – upang maging kongkreto ang paglalarawan sa isip
ng mambabasa.

Ang tekstong ito ay madalas makita sa mga polyetong panturismo, mga


patalstas sa diyaryo at magasin, sanaysay, talambuhay, kuwento, tula at
obserbasyon.

Tandaan! May dalawang elemento ang tekstong deskriptibo


Uri Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan

Kahulugan Tahasang inilalarawan ang Gumagamit ng malikhaing wika


paksa sa pamamagitan ng upang makabuo ng kongkretong
pagbanggit sa mga katangian imahe tungkol sa inilalarawan.
nito gamit ng mga pang-uri at Tinatangka nitong ipakita, iparinig,
pang-abay. ipaamoy, ipalasa, at ipadama ang
Paglalarawang may isang bagay, karanasan o
pinagbabatayang katotohanan. pangyayari.

Halimbawa “Panudlak” ang tawag sa 26 Disyembre 2014


karaniwang paniniwala at ritwal
na isinasagawa ng mga taga-San Bukas ang bintana ng sasakyang
Jose, Antique sa tuwing sila ay van at mala-Baguio ang lamig ng
magdiriwang ng mahahalagang hangin, mga alas-otso ng umaga.
gawain upang humingi ng Magandang senyales ang maulap-
basbas ng tagumpay at ulap na kalangitan, bahagyang
kasaganaan. Ito’y isinasagawa umaambon at pasilip-silip lang ang
ng isang babaylan, nakatatanda araw. Ibig sabihin, hindi kami
o sinumang taong may taglay na masyadong mabibilad sa araw o
katayuan sa pamayanan. mababasa sa ulan. Papunta kami
sa bayan ng Barnaza sa Probinsiya
Ang mga pamamaraan sa ng Antique. Aakyatin namin ang
paghahanda ng mga kagamitan Bundok Nangtud – isa sa
sa ritwal ay nakasalalay sa uri pinakamataas na bundok sa Isla
at kabuluhan nito sa isang tiyak ng Panay. Year-end climb ito ng
na gawain. Antique Mountaineering Society,
Inc, Apat na arawang pag-akyat.
Nangangailan ito ng ibayong Hinihiling namin n asana tuloy-
pag-iingat lalo na sa pagpili ng tuloy lang itong magandang
panahon at pook na panahon papunta hanggang sa
pagdarausan upang maiwasan kami’y makauwi.
ang “sablag” o hadlang habang
sinasabayan ng mga bulong. (Mula sa Pagbisita sa Bundok
Nangtud ni Dennis Almoros
Kadalasang nagaganap Monterde)
tuwing tag-ani, pagpapatayo ng
isang bahay, pagbubukas ng
negosyo, kasal, libing, piyesta,
palatuntunan at pagtitipon.

Impluwensya ito ng
paniniwala ng mga katutubo at
Kristiyanismo upang hingin ang
tulong at pagpapala ng mga
Anito o ng Diyos at maitaboy
ang masasamang espirito na
maaaring gumambala.
(Mula sa CLI Matrix ni Matt
Christopher T. Balangao)

Paglalahat Mapapansin sa mga halimbawang pahayag ang pagkakaiba ng


dalawang elemento ng isang tekstong naglalarawan. Mahihinuha na
ang unang halimbawa ay nuukol lamang sa paksang panudlak na
isang uri ng seremonya batay sa paniniwala ng mga tao sa San Jose,
samntalang ang ikalawang pahayag ay naging matingkad at
kongkreto ang paglalarawan sa karanasan ng nagsasalita habang siya
ay naglalakbay patungo sa Bundok Nangtud.
Isang bagay na dapat mong alalahanin na ang tekstong deskriptibo ay
karaniwang bahagi lamang ng iba pang uri teksto. Ang paglalarawan kasing ginawa ay
dulot ng pangangailangan upang ilarawan ang mga tauhan, tagpuan, damdamin, tono,
at iba pa na makikita sa tekstong naratibo. Nagagamit din ito sa paglalarawan ng sa
mga panig sa tekstong argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi
para sa tekstog persweysib, o pagalahad kung paano makabuo ng isang bagay sa
tekstong prosidyural.

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Deskriptibo

Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaaring gamiting gabay sa pagbabasa ng


tekstong deskriptibo.

Layunin ng may-akda
 Ano ang hangarin ng may-akda sa pagsulat?
 Malinaw bang naipakita ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o
magbigay ng impormasyon?

Mga Pangunahin at suportang ideya


 Tungkol saan ang teksto?
 Ano ang pangunahing ideya tungkol sa paksa?
 Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
 Nagsimula ba ang talakay sa maliit na detalye tungo sa malawak na
pangkalahatang ideya, o patungo ba sa pagiging tiyak ang paghuhulma ng mga
detalye?

Paraan ng paglalarawan
 Ano ang paksang inilalarawan sa teksto?
 Paano ito inilalarawan?
 Anong uri ng paglalarawan ang ginamit? Masining ba o karaniwan?

Impresyong nabuo sa isip


 Anong impresyon ang nabuo sa iyong isip batay sa paglalarwan?
 Malinaw o kongkreto ba an gang imaheng nalikha sa paglalarawan? Anong
imahe ito?
 Paano nabuo ang imaheng ito gamit ang masining at karaniwang paglalarawan?
 Anong damdamin ang pinupukaw ng paglalarawan?
 Ano ang nais ipaabot o layunin ng may-akda sa pagbuo ng gayong impresyon sa
iyong isip?
 Ano ang halaga ng paglalarawang ito sa kabuuan ng teksto?
Gamit ng Tayutay sa Paglalarawan

Makatutulong ang paggamit ng tayutay upang maging malikhain ang iyong


paggamit ng wika. Narito ang tayutay na madalas gamitin sa paglalarawan:

A. Pagtutulad – tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o


pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang,
kagaya, kasing, kawangis, at katulad.

Halimbawa:
1. Kasinglambot ng bulak ang iyong mga pisngi.
2. Ang lakas kaniyang boses ang tulad ng isang kulog na dumadagundong.

B. Pagwawangis – tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangan ng


mga salitang naghahayag ng pagtutulad.

Halimbawa
1. Tinik sa lalamunan ng isang magulang ang suwail na anak.
2. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.

C. Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na


walang buhay.

Halimbawa:
1. Nagngangalit ang karagatan dulot ng masamang panahon.
2. Ang mga dahon ay sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin.

D. Pagmamalabis – tumutukoy sa ekseherado o sobrang paglalarawan kung kaya


hindi literal ang pagpapakahulugan.

Halimbawa
1. Dinaganan siya ng daigdig nang malaman niyang pumanaw ang matalik
niyang kaibigan.
2. Ang kaniyang ligaya ay abot-langit dahil sa naipasa niya ang pagsusulit.

E. Paghihimig – tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng


bagay na inilalarawan nito.

Halimbawa:
1. Dinig na dinig namin ang langit-ngit ng kawayan.
2. Umaaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob ng kuweba.

Maliban sa mga pantulong na pahayag gaya ng tayutay, kailangan mo ring


maging pamilyar sa mga uri ng paglalarawang makikita sa iba pang bahagi ng teksto.
Tunghayan ang mga sumusunod na halimbawa:

Paglalarawan ng Tauhan

Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga


detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang
pagkakalarawan ditto. Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maliit, maiklia
at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at putting kamiseta.”

Sinasbing ang pinakamahusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi ang sa


pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila’y
produkto lang ng mayamang imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta
nakalilimutan.

Mababasa sa ibaba ang halimbawa ng paglalarawan sa tauhan.


Si Joy isa ka mabuot nga bata nga magahatag sing dako nga kabilingggan sa
edukasyon. Ini iya ginpakita sa mga mataas nga grado humalin pa sang siya ara pa
lamang sa elementary tubtob sa karon nga yara na siya sa 4 th year hayskul. Apang
si Joy tuman ka maluluy-on kag para sa iya, ini daku gid nga upang agud
matuman ang iya handum nga mangin isa ka opisyal sang ila Student Council.
Makaduha na nga beses nga nagtilaw siya sa padalagan, una sang Grade 6 siya sa
pwesto nga assistant auditor, kag sang 2 nd year na siya para mangin assistant
secretary, apang wala gid siya nagmadinalag-on. Maalam, man kon tani siya,
ugaling nabudlayan gid siya magkombinse sa mga bumulutho nga siya ang
pagabotohon. Sa karon, 4th year na siya kag last chance niya na para matuman ang
iya handum.

(Mula sa Ang Handum ni Joy ni Mgsanchez, Almanaque Panayanhon 2016)

Paglalarawan ng Damdamin o Emosyon

Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan


subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang
binibigyang diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyonng taglay. Napakahalagang
mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nagbibigay
dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginagawa. Makatutulong
makakonekta ang mababsa sa tauhan kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat
ang damdamin ng tauhan mula sa malayo ay mismong ang tauhan ang magsaad ng
emsoyong nararamdaman niya.

Mababasa sa kabilang pahina ang halimbawa ng paglalarawan ng isang


damdamin o emosyon.

Mababasa sa kabilang
Indi ko run mapungganpahina
angang halimbawa
akun luha ngangkaina
paglalarawan sa damdamin
pa nagapapug-ok kango
emosyon.
akun nagapin-ut nga dughan. Dungan sa isara ka pagpisngu, masulog nga mga
luha ang nagtugro ti aragyan agud mahawanan ang kasubu nga ginahuban kang
akun kalag. Kag mahinay nga limug pareho kang sangka hani nga parangadiun,
ginpaalinton ko sa kahanginan ang sabat ko sa akun panimalay.

(Mula sa Ang Gabii ni Maria Luisa S. Dafante-Gibraltar)


Paglalarawan ng Isang Mahalagang Bagay

Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga


pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan ditto.
Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda
upang mabigyang diin ang kahalagahan nito. Dapat mailahad kung saan nagmula ang
bagay na ito. Kailangan ding ailarawan itong mabuti upang halos madama na ng
mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog at iba pang katangian nito. Mula rito’y
ihayag na ang kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito nagging makabuluhan o
mahalaga sa tauhan o manunulat sa likod ng bagay at kung paano ito nagging
makabuluhan o mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.

Mababasa sa ibaba ang halimbawa ng paglalarawan ng isang mahalagang


bagay.
Patadyong ang nagsisilbing tubig na lumalatay sa tigang na lalamunan,
pagkaing pupuna sa tanong ng kagutuman, at mga damit na tatago sa mga
sikretong bumabalot sa iyong pagkatao. Ganap na dinidinig ang hinaing ng iba’t
ibang soese ng bawat tao. Sinabuyan nito ng sari-saring kulay na mariin namang
bumuo ng mabining bahaghari – nagbibigay saya at ligaya na sadyang kahali-
halina.

(Mula sa Patadyong: Tatak ng Kasaysayan at Antiqueno nina: Ara Abigail Ambita,


Rosary Lynn Eliza at Viena Mae Villaruz (Ang Madyaas,TOMO XXII Blg.1, Hunyo-
Oktubre 2010)

Paglalarawan ng Isang Tagpuan o Lugar

Sa paglalarawan tagpuan o logar ay mahalagang mailarawan nang tama ang


panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang makabgaganyak sa mga
mambabasa. Kailangang ilarawan ang bawat detalye ng isang particular na pook
upang magkaroon ng kaganapan at katiyakan ang pagkakakilanlan nito sa isipan ng
mambabasa.

Mababasa sa kabilang pahina ang halimbawa ng paglalarawan ng isang


pook at tagpuan.

Ang Antique Rice Terraces ay ang napakabagong hagdan-hagdang palayang


makikita mismo sa puso ng Panay. Kailangan mo nang matinding pagbata at
pagtitiis at tone-toneladang pawis para marating ang malaparaisong palayang
ito.Mula sa malayong barangay ng Iglinap, Valderrama tatahakin ang limang
matatarik na bundok at halos limang oras na paglalakad bago ka makaratingsa
Brgy. General Fullong. Pagdating mismo sa barangay mapapawi na ang pagod na
iginugol mo sa pagpunta, saagkat makasalubong ka ng magiliw at mababang loob g
Iraynon-Bukidnon. Mabibighani ka sa kagandahan at katiwasayang hatid ng
hadgang-hagdang palayan, mapupuno ang mata mo ng alindog ng 600 na
hektaryang palayan at sa bawat hakbang mahahalina ka sa kariktan ng tanawin.

(Mula sa Palayang Nakakubli: Antique Rice Terraces ni Kurt Cobain Estrela (Ang
Madyaas,TOMO XXVII Blg.1, Hunyo-Nobyembre 2015)

Paglalarawan ng Pangyayari

Ang mga pangyayari sa ating kapaligiran ang nagbibigay kulay sa ating


karanasan. Kaya naman hindi maikakaila na sa pamamagitan ng paglalarawan ng
mga pangyayaring ito ay maaari natin itong itanyag sa iba nang may katiyakan. Ang
bawat detalye na bumubuo sa isang pangyayari ay kailangang matamang mailarawan
upang maging makatotohanan ito upang madama rin ng mambabasa ang kalagayan
nito at nang maipagpalagay niya na siya ay kabilang o kabahagi rin kaganapang ito.

Mababasa sa ibaba ang halimbawa ng paglalarawan ng isang pangyayari.

AngTiringbanay Festival ay ipinagdiriwang tuwing Abril 30-Mayo 1. Ang mga


taga-San Jose na nagtatrabaho mula sa malayong lugar ay umuuwi upang
masaksihan lamang ang napakasaya at makulay na pagdiriwang ito.
. Ilahad ang mga kaisipang hinggil sa tekstong deskriptibo

Ang tekstong
deskriptibo ay…

2. Paano makatutulong ang paglalarawan upang mapalutang ang mga kaisipan sa loob
ng isang teksto?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga pahayag o pangungusap na kakitaan ng
mga tayutay sa ibaba, kopyahin at ilista ang mga ito sa nakalaang patlang

A. Pagtutulad
_____________________________________________________________________________
B. Pagwawangis
_____________________________________________________________________________
C. Pagsasatao
_____________________________________________________________________________
D. Pagmamalabis
_____________________________________________________________________________
E. Paghihimig
_____________________________________________________________________________
4. Sagutan ang graphic organizer sa ibaba, ilahad kung paano dapat ilarawan ang
elemento ng isang teksto.

Elemento ng Teksto Paano dapat ilarawan…

Tauhan

Bagay

Lugar

Pangyayari

Damdamin

Halimbawa:
Mga Nakakubling Lihim sa Isla ng Mararison
ni Noelle Marie Pagunsan

Sa lugar na di-kalayuan sa kabundukan ng Madyaas, matatnaw mula sa


malawak na karagatan ang isla na kay tagal nang may angking kariktan at kaakit-akit
na kapangyarihan. Siya ay si Mararison. Katabi nito’y isa pang isla ng Batbatan na
inaniniwalaan noong unang panahon ay magkapatid na pinarusahan. Ngunit ano pa
man ang mga sabi-sabi tungkol sa mahiwagang lugar na ito, hindi natin maikukubli
na taglay nito ang angking ganda na makatutulong sa pagpapalago ng ating turismo.

Ang Isla ng Mararison kung tatawagin sa local, ay isa sa mga magagandang


tanawin sa Pilipinas na siyang itinatangkilik ng mga Antiqueño maging ang mga
turista mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mula sa kalayuan ng karagatan ng Culasi,
Antique sakay sa Bangka ay iyong masisilayan ang nakabibighaning 55 ektaryang isla
na tila para bang hugis kawit. Sa pag-apak ng iyong mga paa sa mala-kristal na tubig
nito ay agad mong mararamdaman ang katiwasayan ng isla. Dati rati’y nagging isang
misteryo ang Mararison sa mga mata ng karamihan. Puno ito ng katanungan na may
nakatagong kasagutan.

Noon ay nagtataka ang mga tao sa mala-anghel na tinig na kanilang naririnig sa


isla. Sa kanilang pagkakaalam ay walang taong namamalagi roon ngunit kanilang
nakita na ang mga anghel na iyon ay kabataang umaawit ng mga awiting may himig
na naghahatid sa dalampasigan. Magulo rin ang kanilang isip dahil sa samu’t saring
bagay na nasilaya sa sila. Nakapagtataka kung bakit nagiging kulay tsokolate ang
kulay ng kabukiran tuwing tag-init at kung tag-ulan nama’y kulay berde. Ito ay dahil
sa mga damo at halamang namumulaklak sa tuwing pumapatak ang tubig ng tag-ulan
sa kalupaan at kung kanilang tingnan mula sa kalayua, ang isla ay nagniningning.

Sa unang akala ay haka-haka lamang ang nasilayan ngunit ang Mararison paa
ay kumukinang dahil sa mapuputi nitong buhangin. Tunay na nakamamangha ang
isla ng Mararison. Ang natatangi lamang nating gawin ay ang pangalagaan, mahalin at
ingatan ang mga kayamanan nito. Kayamanang noo’y nakakubli, ngunit ngayo’y isang
paraisong tatangkilikin magpakialanman nang sa gayo’y si Mararison ay di magtampo
at di magbago.

Gawain sa Pagsusuri
1. Ilahad ang mga mga katangian ng Malalison bilang isang isla, isulat ang sagot sa
mga patlang.

Isla ng Malalison

2. Ano ang layunin ng manunulat kung bakit niya sinulat ang lathalain?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit? Ito ba ay karaniwan o masining na
paglalarawan? Ipaliwanag ang sagot.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa loob ng akda, at kopyahin ang mga pahayag
naglalahad ng mga ito. Isulat ang sagot sa mga nakalaang hanay sa manghad.
Tayutay Pahayag
5. Sa tingin mo mabisa ba ang paglalarawan sa Isla ng Malalison? Bakit?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
6. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili,
pamilya, pamayanan, bansa, at daigdig?
Pag-uugnay
Kasagutan
sa….

Sarili

Pamilya

Pamayanan

Bansa

Daigdig

Perfomance Task:
Puntos Pamantayan Kahulugan
4 Kaisipan Siksik ng mga bagong kaalamang nakabatay sa mga
angkop na datos mula sa pananaliksik, natumbok ang
layunin sa pagsulat
3 Husay ng Kaakit-akit ang pagkakagamit ng mga salita sa
Paglalarawan paglalarawan
2 Kaayusan Maayos ang paglalahad at pagkakasunod-sunod ng mga
detalye
1 Kagandahan Malinaw at kakikitaan ng orihinalidad
Ito ang gagawin mo, mag-ikot sa inyong pamayanan at pumili ng lamang ng isa:
isang tanyag na tao, lugar, bagay, o pangyayari na siyang pumukaw sa iyong
kamalayan. Ilarawan mo ang iyong napili sa pamamagitan ng pagsulat ng isang testing
deskriptibo. Malaya kang bumuo ng sarili mong pamagat.

You might also like