Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Impormatibo
• Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng
babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang
paksa.
• Isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay
makapagbigay ng impormasyon
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing Ideya
3. Pantulong na Kaisipan
4. Estilo sa pagsulat at kagamitan o
sanggunian.
1. Layunin ng may-akda
CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang
nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang
halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita
maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa
social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng
account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account
ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y
karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang
ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na
gamot, pagliban o pagiwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng
tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming
naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng
cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na
istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa
Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa
15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.
Gawain 2
Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto
na nakasulat nang madiin sa bawat bilang.
1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang
harapan?
2. Paano nakaaapekto
2 ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong
katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito ay isang
tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong
inilahad sa tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong
gawin ukol dito?
TEKSTONG DESKRIPTIBO
•KAHULUGAN
•Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga
impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan
ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala
ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang
nararanasan.
•LAYUNIN
•Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng
isang bagay, pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng
isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o
pangyayari.
MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
Halimbawa:
5. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng
salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay
na inilalarawan.
URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa
katotohanan.
Halimbawa:
•Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang
kasipagan dahil sa matipunong pangangatawan at
magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.
Halimbawa:
• Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang
tanawing binabalik-balikan ng mga turistang
nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at
mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa
bansa.
Panuto:Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan ng
paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo.
SUBHEKTIBO OBHEKTIBO
KARANIWAN MALIKHAIN
TEKSTONG DESKRIPTIBO
KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga
impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan
ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa,
itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng
isang bagay, pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng
isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o
pangyayari.