You are on page 1of 8

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK-YUNIT I


Tekstong Impormatibo
Linggo 1
Barobo District I
Division of Surigao del Sur
Learning Resource Management Section

PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


3rd Quarter – Week 4 hanggang 5
Competency:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa. (F11PT-IIIa_88).

Layunin: Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naiisa-isa ang mga elemento at uri ng ng tekstong impormatibo sa pamamagirtan ng isang


“Diagram”.
2. Natutukoy kung anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang bawat sitwasyon sa
pangungusap.
3. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

Iskedyul Mga Gawain Sanggunian/


Mapagkukunan
Araw 1 GAWAIN 1 Naiisa-isa ang mga elemento at uri ng ng tekstong
impormatibo sa pamamagitan ng isang “Diagram”. Sumangguni sa
enclosure 1
TEKSTONG IMPORMATIBO

MGA URI NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO

MGA
ELEMENTO NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
Araw 2 GAWAIN 2.
. Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo
nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat sitwasyon sa
ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat
ito sa inilaang patlang.
(F11PB-IIIa-98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa
tekstong binasa)

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong


malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ang
mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat
na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig
ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang
pagkasira. Nais ni Rodel na magkaroon ng mas maraming
impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang
tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming
sa Kapaligiran.”
____3. Maraming pag-aaklas ang naganap 11 sa ating bansa
laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa mga
pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya
sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak
niyang pahayagan ang balitang ito: “51st International
Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero
24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang
balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong
“Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe
2015.”

Araw 3 GAWAIN 3.
. Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”,
pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga
pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig. Isulat sa dyornal ang iyong mga
kaisipan.
(FIIPB-IIId-99 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa
binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig)

1. May kasabihang walang mambu-bully


kung walang magpapa-bully. Ano-
ano ang gagawin mo upang
maiwasang maging biktima ng
cyberbullying?

2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga


kapamilya o malapit na kaibigan mo
ang magiging biktima ng
cyberbullying, ano-ano ang gagawin
mo o ninyo upang mapigilan ang
ganitong uri ng pang-aabuso at
mapanagot ang taong gumagawa
nito?

3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at


nalaman mo ang masasamang
epekto nito sa biktima mo na
maaring bumalik sa iyo sa mga
darating na panahon, ano ang
gagawin mo upang makabawi sa
nagawang pagkakamali?

4. Bakit mahalaga ang pagiging


responsable sa paggamit ng internet
at laging pagsasaalang-alang sa
pahayag na “Think before you
click”?
Araw 4 Sariling Pagmamarka sa lahat ng gawain (guided by parents or
learning facilitators)

Susi ng Pagwawasto

GAWAIN 1

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. PAglalahad ng totoong pnagyayari.
2. Pag-uulat ng Impormasyon.
3. PAgpapaliwanag

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing Ideya.
3. Pantulong Kaisipiuan.
4. Mga Istilo sa pAgsulat.

GAWAIN 2
DEPENDI NA SA GURO.
GAWAIN 3
DEPENDI NA SA GURO.
SANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat.


Manila: Komisyon ng Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline.


Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon.


Malabon City: Mutya Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma.


Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc., 2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa ‘Pananaliksik.


Manila: REX Bookstore,

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

INTERNET

https://www.sunstar.com.ph/article/404657
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaalaman
TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong


magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa
kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang
kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa
paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa
mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin
sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong
pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo.
Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-
agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay.
Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may
kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo:
mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring
mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga
yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang
pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na
makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye.
Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.

 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na


binibigyang-diin:

 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon


Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na
mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.

6
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling makita ang mga
salitang binibigyang- diin sa babasahin.

 Pagsulat ng mga Talasanggunian


Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan
ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay
personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga
pahayagan o mga pangyayaring may historical account.

 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga
pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

You might also like