You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Taguig City of Pateros
SIGNAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
Ballecer St. Central Signal Village, Taguig City
Tel No. 8370760 / Fax No. 8377271

Pagbasa
at
Pagsusuri
ng Iba’t
Alternatibong Kagamitang Pampagkatuto
Ibang Uri
ng Teksto
Unang
Tungo sa
Taong Panuruan 2020-2021
Pananalik
sik

Submitted by
JEVALYN MARTINEZ-DELA CRUZ
SHS Teacher III
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Taguig City of Pateros
SIGNAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
Ballecer St. Central Signal Village, Taguig City
Tel No. 8370760 / Fax No. 8377271

FILIPINO 11
UNANG KWARTER
TAONG PANURUAN: 2020-2021

Pangalan: _Dan Rainer R. De Mesa__________Taon at Pangkat: 11-STEM B_


Guro: Jevalyn Martinez Dela Cruz__ Lingguhan: ___________________
Paksang Aralin Tekstong impormatibo
Komento: _____________________________________Iskor: ____________________________

ARALIN 1: TEKSTONG IMPORMATIBO

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO
- Natutukoy ang Paksang tinalakay sa Iba’t Ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)

Alamin
- - Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
-
- A Naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong impormatibo.
- B. Naiisa-isa ang mga uri ng tekstong impormatibo
- C. Nakasusulat ng isang tekstong impormatibo batay sa nabasang balita kahapon.
- D. Naibabahagi ang naiisip, naramdaman, at mga posibleng magawa matpos ang aralin.

Subukin
Panuto: -Word Connect. Magtala ng limang salitang na maari mong maiuugnay sa salitang
nasa loob at mula sa salitang itinala, bumuo ng isang pahayag o pangungusap na maaring
mong ipakahulugan sa tekstong impormatibo (10 puntos na kabuuan)

4 10 6

1 Teksto 3 5 Impormatibo

9 8
2
1. Binabasa 6. Nagbibigay impormasyon

2. Panitikan 7. Nagpapaliwanag

3. Mensahe 8. Hindi piksyon

4. Sulat 9. Naghahayag

5. Simbolo 10. Expository

Tuklasin
Istratehiya: Bubble gram
- Ano ang mabubong konteksto mula sa mga salita nasa loob ng bubble gram

A? SA? KA? PA? BA? I? GA?

Ano Saan Kailan Paano Bakit Impormasyon Gabay


Anyo Kalalabasa Paliwanag
n

A? SA? KA? PA? BA? I? GA?

Suriin
Tekstong Impormatibo
 Tinatawag ding expositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay impormasyon
 Ito ay ang mga nalimbag na pagpapahayag na naglalayong magbigay kaalaman
at magpaliwanag sa mga mambabasa nito.
 Sinasagot ang mga batayang tanong na ano, kalian, saan sino at paano.

Halimabawa ng Tekstong Impormatibo

 Pahayagan (news paper)


 Encyclopedia
 Posters
 Talambuhay at sariling talambuhay
 Libro at aklat-aralin
 Mga tala (notes)
 Listahan (directory)
 Diksyunaryo
 Ulat
 Mga legal na dokumento
 Manwal panturo (instructional manual)

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 Maaring magkaiba ang mga tekstong impormatibo batay sa ekstrukturang
ginamit kaya ang tekstong ito ay kinlasipika sa apat na uri.

1. Sanhi- Bunga
 Nagpapakita ng pagkakaugnay ng pangyayari
 Ipinakita ang relasyon ng dalawang bagay : kung bakit nangyari
ang isang bagay (sanhi) at naging resulta
2. Paghahambing
 Nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng anumang
bagay, konsepto, o pangyayari

1. Pagbibigay Depinisyon
 Ipinaliliwanag ang kahulugan ng isang salita, termino o
konsepto
 Maaring tungkol sa konkretong bagay o abstraktong ideya
 Mahalagang pag-ibahin ang kahulugang denotatibo at
konotatibo
2. Paglilista ng klasipikasyon.
 Paghahati ng isang malaking paksa sa iba’t ibang kategorya
 Nagsisimula sa pagtalakay sa pangkalahatang ideya at
bibigyang-kahulugan ang mga grupo sa ilalim nito.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing ideya
3. Pantulong na ideya
4. Istilo ng may-akda

Halimbawa ng tekstong impormatibo

Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama


ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil
naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina
Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco,
Procopio, at Troadio at mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos
noong 14 taon si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapa- tid sa pagtitinda ng bastong kawayan
at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. Una niyang malaking trabaho
ang klerk- mensahero sa  kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan
sa Alemang Fresell and Company.
Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyáng mag-artista at
naging kasapi ng sama- hang pandulaan sa Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang
kaibigan ay itinayô nilá ang El Teatro Porvenir. Isa siyáng mahusay na makata at manunulat.
Isinalin niya sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa
tagalog tulang Ultimo Adios ni Rizal.
Ang sanaysay niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli ngunit matalim na
kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-
aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang magbasá.
Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay
nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob
ng Katipunan. Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng kabiguan ng
mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pag- dakip at
pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at
ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Filipino noong Agosto 1896.
Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa Cavite
ay inanyaya- han siyá doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pag-tatayô ng isang bagong
pamahalaan ng manghihimagsik noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio
Aguinaldo at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit sa kaniyang
kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan sa isang dokumento noong
24 Marso. Kasáma ang dala- wang kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng
Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pan- gkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si
Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng
nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at
kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)
Cite this article as: Bonifacio, Andres. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/bonifacio-andres/

Gabay na tanong
1. Ano ang mga patunay na ang tekstong lunsaran ay isang halimbawa ng tekstong
impormatibo ito?
2. Ilahad an gang mga impormasyong ibinigay
3. Sa paanong paraan magiging mas epektibo pang maipararating ng manunulat ng isang
tekstong impormatibo ang impormasyon sa kanyang mababasa.?

Pagyamanin
Gawain 1 Basahin ang tekstong nasa ibaba, Mula sa tekstong binasa Tukuyin at
salungguhitan ang mga panadang salita na magpapatunaay na ito ay isang tekstong impormatibo.
Isang linyang guhit sa salita nagpapahayag ng bunga at dalawang guhit na linya para sa mga
salitang nagpapahayag ng sanhi

Pagdodroga

Ang pagdodroga, ay ang pag-iinom, paghihinga, o pagyoyosi ng mga iba’t ibang mapanganib na
bagay. Itong mga bagay ay naglalason sa inyong katawan at nagbibigay ng maraming problema
sa inyong buhay. Maraming iba’t ibang klaseng droga ang naroroon.  Ang pinaka-karaniwan na
droga na yinoyosi ng mga tao dito sa Pilipinas ay ang marihuana. Ang marihuana ay
nagpaparamdam sa iyo ng malakas na damdamin. Pwede ito ay kalungkutan o kasiyahan. Pag-
yosi mo nito, bibilis ang kibo ng iyong puso. Magiging pula and iyong mata, at palagin kang kulang
sa tulog at nagugutom. Pwede rin na umiba ang tingin mo sa mundo. And inyong kapwa ay
magiging inyong kaaway, ang kapatid mo magiging demonyo, at iba pa. Ang pagyoyosi rin ng
marihuana ay nagbibigay sa inyo ng problema sa baga at puso. Isa pang halimbawa ng droga ay
ang heroin. Ang heroin ay pumapasok sa inyong katawan sa pamamagitan ng iniksyon o sa
paninigarilyo. Ang pag-iniksyon nito sa inong katawan ay nagbibigay ng hilo, pahirap na huminga
at antok. Sasakit ang inyong tiyan at masusuka ka. Para sumarap ulit ang pakiramdam, nag-
iiniksyon uli ng heroin ang tao para mawala ang sakit ng ilang minuto. Marami pang iba’t ibang
mga droga na iniinom o yinoyosi ng mga tao, ang ecstasy, depressants, methamphetamine,
nicotine, cocaine at alak.

            Iniisip siguro ninyo, “Bakit naman nagdodroga sila kung ganun lang pala ang mangyayari
sa kanila?” May iba’t ibang sanhi ang mga tao sa pagsisimula nag pagdodroga. Para sa iba, ito
ang kanilang solusyon para maka-iwas ng mga problema nila. Ang iba naman, para wala silang
maramdam na sakit. Sa ibang mga bata na walang kaibigan, ang kanilang ginagawa ay
nagdodroga para maging sikat sila. Ang iba naman ay nag-eeksperimento para maintindihan nila
ang sarili nila.

            Dapat natin alamin na ang pagdodroga ay hindi nakakatanggal ng mga problema natin.
Ang pagdodroga ay nagbibigay ng maraming masamang epekto sa ating mga katawan. Kung
halimbawa, may problema ka sa bahay mo. Kung magsimula ka ng droga, siguro hindi ka
magiging masiyadong malungkot at magiging masarap na ang pakiramdam mo. Pero pagkatapos
ng ilang taon ibabalik din ito sa iyo. Magkakaroon ka ng kanser sa baga o sa puso. Hindi ka
magkakaroon ng mahaba at masayang buhay.

            Ang pagdodroga ay ang pagtatapon lang ng inyong buhay. Binigyan tayo ng desisyon.
Magpili tayo ng mabuti. Source: www.health.nsw.gov.au

Pamantayan

Lubos na naisagawa Naisagawa Maaring naisagawa Hindi naisagawa


Pamantayan
(25%) (20%) (15%) (5%)
Napakahusay na
Pagkamalikhain Di-gaanong Hindi kakikitaan ng
naipamalas ang Naging malikhain sa
(25%) malikhain SA pagkamalikhain SA
pagkamalikhain sa paglalahad
paglalahad paglalahad
paglalahad
Pagkakabuo
Napakahusay na Mahusay na nabuo ang Di-gaanong nabuo Di nabuo ang
(25%)
nabuo ang gawain gawain ang gawain gawain
Napakahusay ang Mahusay ang Di-gaanong
Kalinawan Di naipaliwanag
pagpapapaliwanag sa pagpapapaliwanag sa naipaliwanag ang
(25%) ang mga layunin
mga layunin nais mga layunin nais mga layunin nais
nais isakatuparan
maisakatuparan maisakatuparan maisakatuparan
Pagsunod sa Napakahusay sa Mahusay na nasunod Di-gaanong Di-nasunod ang
Panuto pagsunod sa panuto na ang mga panuto na nasunod ang mga panuto na ibingay
(25%)
ibingay ibingay panuto na ibingay

Isa-isip
Think – Feel – Do – Magbabahagi ang ilang mga mag-aaral hinggil sa kanilang Naiisip,
Naramdaman, at gagawin matapos ang talakayan.

Karagdagang Gawain

Repleksyon:

You might also like