You are on page 1of 9

1

Aralin
Pagtukoy sa Paksa mula sa mga
1 Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

Mga Inaasahan

Ang araling ito ay makapagbibigay sa iyo ng kaalaman at pag-unawa tungkol sa


Tekstong Impormatibo. Maipababatid din sa iyo ang tamang paraan sa pagtukoy ng
pangunahing paksa sa isang talata.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-


IIIa-98)
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit
ng iba’t-ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa panibagong aralin pero sagutin mo


muna ang unang pagsubok upang malaman mo ang iyong iskema tungkol sa araling ito.
Ang mga sagot sa bawat pagsasanay at gawain ay ilalagay sa nakalaang sagutang-
papel na matatagpuan sa dulong bahagi ng modyul.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay maaaring paghanguan ng tekstong impormatibo MALIBAN


sa:
A. pahayagan B. diksyunaryo C. liham D. internet
2. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng isang talata.
A. susing salita C. pantulong na detalye
B. paksang pangungusap D. mga pagpapatunay/ebidensya
3. Kinikilala ring ekspositori ang tekstong impormatibo dahil ito ay may:
A. ibinubunyag na sikreto C. ipinakikilalang bagong imbensyon
B. bagong kaalamang ibinabahagi D. layuning magpabago ng opinyon
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga detalye kung ang paksa ay:
Matatag ang mga Pilipino.?
A. lumalaban kapag inaapi C. tumatayo pagkatapos ng bagyo
B. nilalabanan ang pandemya D. bumabangon sa kabila ng lindol
5. Kung ang denotasyon ng paruparo ay isang uri ng insekto, alin sa mga sumusunod
ang HINDI konotasyon nito?
A. paparating na pera C. aksidenteng magaganap
B. lalaking manliligaw D. dalaw ng isang pumanaw

Bago tayo magpatuloy, gawin mo muna ang pagsasanay na ito dahil batid kong
napag-aralan mo na ito sa dating aralin sa Filipino.

Balik-Tanaw

Sa sariling pangungusap, ilahad ang kahulugan at katangian ng PAKSA


ayon sa mga nakaraang aralin, gamit ang grapiko sa ibaba. Bigyang- pansin ang
pamantayang ibinigay sa iyong pagsagot.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
2

Ano ang KATANGIANG


Kahulugan
dapat na taglay nito?

Paksa

Pamantayan 3 2 1

Kahulugan Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng


kahulugan ng paksa sa kahulugan ng paksa kahulugan ng paksa.
makabuluhang sa simpleng (may naisulat lang)
pangungusap. pangungusap.

Katangian Malinaw na malinaw Malinaw ang Hindi malinaw ang


ang pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagkakalahad ng
katangian ng paksa. katangian ng paksa. katangian ng paksa.

Paraan ng Gumamit ng tamang Simpleng nakabuo ng Nakabuo ng


Pagkakalahad istandard sa pagbuo ng pangungusap sa pangungusap bagamat
ng Kaisipan pangungusap. (wastong paglalahad ng taliwas sa istandard na
baybay, bantas at salita) kaisipan. paraan sa pagbuo nito.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kahulugan ng Tekstong


Impormatibo at kung paano matutukoy ang paksa sa isang talata gamit ang iba’t ibang
paraan.

Tekstong Impormatibo:

Isang uri ng tekstong naglalahad ng tiyak na mga impormasyon hinggil sa


isang paksa, ito man ay isang bagay, tao, lugar, hayop, isports, agham o siyensya,
kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
Mapagkakatiwalaan ang mga datos na nakasulat dito dahil ito ay nakasulat sa
paraang obhektibo - kongkreto at mapatutunayan ng mga ebidensya at walang halong
emosyon o pagkiling sa isang ideya. Sa madaling salita, ibinase ito sa mga tunay na
pangyayari. Tinatawag din itong Tekstong Ekspositori.

Pahayagan Listahan (directory)

Encyclopedia Diksyunaryo

Posters Ulat ng mga kamag-aral o guro

Talambuhay Mga legal na dokumento

Manwal na Panturo Mga aklat na nailathala na


Internet (bagamat maging maingat at
Mga Tala (notes)
mapanuri)
Iniisip ng iba na kakaunti ang mga mambabasa ng tekstong impormatibo
ngunit ang totoo ayon kay Duke (2000) limitado lamang kasi ang ganitong uri ng
babasahin. Sa pag-aaral na isinagawa ni Mohr (2006), napatunayan na mas pinili ng
mga mag-aaral sa unang baitang ang mga aklat na di-piksyon kaysa sa piksyon. Ito ay

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
3

sumasalungat sa pananaw na higit na nagugustuhan ng marami ang tekstong


naratibo kaysa impormatibo.

Narito ang listahan ng maaaring paghanguan ng Tekstong Impormatibo:


Mga halimbawa ng Tekstong Impormatibo:
Halimbawa 1:
Koronang Tinik
Rhodora Joy G. Capiral

Taong 1551, isang manghuhulang Pranses, si Michel de Nostredame, na mas


kilala bilang Nostradamus, ay nagbahagi ng kaniyang prediksyon – sa kambal na taon
(2020) isang reyna (korona) na magmumula sa Silangan (China) ang magkakalat ng
virus sa buong mundo. Ipinagpapalagay ng mga nakabasa ng kaniyang prediksyon na
nagkatotoo rin ang hula niya tungkol sa bansang Italya, na diumano ay labis na
maaapektuhan nito. Mapatototohanan ito ng datos mula sa
https://www.worldometers.info/coronavirus/?fbclid=IwAR0L6VgVqq9I185D_RmMXFx
oLzk-oil0r6EkHl913oU8e_VpglIMri7IZRY dahil sa ngayon, Nobyembre 19, 2020 - ang
kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa bansang ito ay nasa 47, 217 na - pampito sa
pinakamaraming kaso ng namatay sa sakit sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, ang virus na ito ay kinilala bilang 2019 Novel Coronavirus o


2019-nCov. Ang sinumang tao na makumpirmang natamaan nito ay sinasabing may
Covid-19 – ito ang opisyal na pangalang ibinigay ng World Health Organization (WHO)
sa sakit na dulot ng nabanggit na virus. Ang CO ay kumakatawan sa corona, ang Vi ay
para sa virus, ang D ay disease, at 2019 naman nang una itong matuklasan.

Unang target ng Covid-19 ang ating respiratory system, at sinumang apektado


ng virus ay madaling makapanghahawa sa iba sa pamamagitan ng talsik ng laway o
sipon mula sa pagsasalita o pagbahing. Ngunit gayunman kadali ang pagkalat nito ay
ganoon din kadali ang pag-iwas sa virus. Ayon sa Department of Health (DOH) isang
mabisang paraan ang tama at palagiang paghuhugas ng kamay sa loob ng 20 segundo
gamit ang malinis na tubig at sabon. Inobliga rin ang pagsusuot ng face mask tuwing
lalabas ng bahay at ang pagsasaalang-alang sa social distancing, ngunit ang
pinakamahalagang kampanya ng pamahalaan laban sa virus ay ang pananatili sa loob
ng bahay kaya naman lumaganap sa social media ang #stayathome. Ito ang mga
safety protocols na magliligtas sa atin laban sa Covid 19.

Halimbawa 2:
Ayuda
Rhodora Joy G. Capiral

Nobyembre, 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas. Isa ito sa
pinakamalaking bagyong dumating sa buong mundo kaya inasahan ng mga Pilipino
ang tulong ng pamahalaan. Bilang tugon dito, itinatag ang Emergency Shelter
Assistance (ESA) – isang programang ipinagkatiwala sa dating DILG Secretary Mar
Roxas, na ang layon ay magbigay ng tulong pinansyal na Php30,000 at Php10,000 sa
mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad para ipambili ng mga construction
materials. May kaunting usapin ukol sa pamamahagi ng ayudang ito kaya sa
pagkakataong ito ay tiniyak ng Malacañang na hindi maihahalintulad sa Yolanda ang
kahahantungan ng pondong inilaan ng pamahalaan para sa mga Pilipinong
naapektuhan ng bagong krisis – ang Covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malinaw ang babala ng


Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nagtatangkang gumawa ng korapsyon kung
kaya’t mananagot ang mga mapapatunayang magsasamantala sa financial assistance
fund ng pamahalaan para sa mahihirap at nangangailangang Pilipino ngayong
panahon ng pandemic. (mula kay Alvin Baltazar April 28, 2020, 7:30 am-LAGING
HANDA).

Pinangunahan ng DSWD ang pamamahagi ng Social Amelioration Form (SAF)


para sa mga kwalipikadong mamamayang makatatanggap ng mula Php5,000
hanggang Php8,000 na ayuda para sa mga sumusunod: PWDs, senior citizens, mga
buntis, mga taong walang tahanan, solo parent, mga manggagawa mula sa informal
sectors, no work-no pay employees, at mga OFWs na pansamantalang natigil ang kita.
Ang kinakailangan lamang ay makapagpakita ng ID ang head of the family na

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
4

magpapatunay na sila ay lehitimong benipisyaryo ng ayuda. Ang programang ito ay


ibinatay sa bagong batas na Republic Act 11469 o mas kinilalang Bayanihan to Heal
as One Act bilang tulong ng pamahalaan sa panganib na dala ng Covid-19 sa bansa.
Ang mga nabanggit nga na pangkat ang prayoridad na benepisyaryo ng ayuda.

Samantala, narito naman ang paraan upang makilala agad ang paksa sa talata
partikular sa Tekstong Impormatibo:

1. Hanapin muna ang susing salita (key word) na pinalawak sa talata.

2. Tingnan ang una at huling pangungusap, maaaring dito matagpuan agad ang
sentro o pangunahing tema ng talata.

3. Basahin nang makalawang ulit ang talata at suriin ang pagkakaugnay-ugnay


ng mga pangungusap. Dito kasi mapapatunayan na tinatalakay nga ng buong
talata ang paksang nakita mula sa simula o sa pangwakas na pangungusap.
Halimbawa, nakasulat sa unahan/hulihan na: Maginhawa ang buhay sa
lalawigan- ang paksa nito ay ang kaginhawahan ng pamumuhay sa lalawigan
na susundan ng mga pangungusap na magpapatunay nito gaya ng: sariwa ang
mga pagkain, mababait ang mga kapitbahay, walang polusyon sa paligid, mura
ang mga bilihin, mababa ang bilang ng krimen at maaaring marami pang
dahilan.

4. Alalahaning ang paksang pangungusap ay ang pinakamahalagang bahagi ng


talataan. Binubuod nito ang pangkalahatang ideya ng talata. Ipinahahayag din
nito ang inaasahang matutuhan ng isang mambabasa mula sa kaniyang
binabasa. (https://brainly.ph/question/491326). Bagamat may mga
pagkakataon na hindi naglalaman ng paksang pangungusap ang isang talataan,
makakatulong dito ang mga salitang pahiwatig- na ayon sa Wikipedia ay
nangangahulugang konotasyon, paramdam, patungkol o alusyon. Halimbawa
ang salitang buwaya, ito ay isang uri ng hayop, ngunit sa konotasyon ay
maaaring mangahulugang pagiging sakim o kaya ay maaari rin itong iugnay sa
korapsyon.

Mga Gawain

Gawain 1.1: Paglinang ng Talasalitaan:


A. Tukuyin ang tunay na kahulugan (denotasyon) at pansariling kahulugan
(konotasyon- ayon sa pagkakagamit sa teksto) ng mga salita sa loob ng kahon at
isulat sa inilaang kolum.
Halimbawa: kalabasa Denotasyon: gulay Konotasyon: mahina ang ulo

Denotasyon Konotasyon

KORONA

Denotasyon Konotasyon

TINIK

Katangian
Kahulugan AYUDA

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
5

Katangian
Kahulugan

PREDIKSYON

B. Piliin mula sa kahon sa ibaba ang kahulugan at katangian ng mga salitang


ginamit sa tekstong binasa. Paalala: hindi lahat ng salita ay magagamit sa bawat
kolum.

pauna haka-haka opinyon birtud kongklusyon

mahiwaga propesiya kataka-taka misteryoso hula

tulong suporta binabantayan pinagkakaguluhan

makahulugan pabor napapanahon kaabang-abang

Gawain 1.2: Sagutin ang mga tanong ayon sa nabasang lunsaran.

1. Paano naiiba ang tekstong impormatibo sa iba pang uri ng teksto?

2. Ilahad ang paraan upang makilala agad ang paksa sa isang teksto.

3. Patunayan na ang mga binasang halimbawa sa itaas ay mga tekstong impormatibo.

4. Ipaliwanag kung bakit mapagkakatiwalaan ang mga babasahing nasa ganitong uri
ng teksto.

5. Talakayin ang kahalagahan ng tekstong impormatibo sa buhay mo bilang mag-


aaral.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang kahulugan at halimbawa ng tekstong


impormatibo, narito ang mahahalagang kaalaman na dapat mong isaalang-alang.
1. May awtorisadong pinaghanguan ang mga kaalamang nakapaloob sa tekstong
impormatibo. Maaari itong pagtibayin ng mga tiyak at napapanahong datos.
2. Bawat talata ay may paksang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa
nito. Maaaring pahiwatig lamang o tahasang binanggit na matatagpuan sa unahan o
hulihang bahagi.
3. Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga
detalye upang makatulong sa mambabasa na makuha ang pangunahing paksa na
nais ng awtor na matanim o maiwan sa kanila.
4. Ang ikinaiba ng tekstong impormatibo sa iba pang uri ng teksto ay hindi ito
nakabase sa sariling opinyon kundi sa katotohanan kaya hindi nito masasalamin ang
pagpabor o pagkontra ng awtor sa paksa.
5. Sa pagbibigay ng kahulugan sa isang salita, mayroong pagpapakahulugang
denotasyon o yaong tunay na kahulugan nito mula sa diksyunaryo at mayroon ding
konotasyon o ang sariling pagpapakahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa
teksto o sa isang sitwasyon.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
6

Pag-alam sa mga Natutuhan

Pagsulat ng Sariling Tekstong Impormatibo Sumulat ng sariling halimbawa


ng tekstong impormatibo batay sa mga napapanahong usapin sa kasalukuyan.
Maaaring pumili ng paksa sa ibaba ngunit maaari rin namang sariling paksang naiisip
ang isusulat. Gamiting batayan ang rubriks:

A. Ang Isyu ng ABS-CBN sa TV C. Ang Pagpasada ng mga Jeepney


B. Ang Bakuna Laban sa Covid-19 D. Ang Nauusong Online Selling
Rubriks sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo Puntos
A. Nakabuo ng talatang nagbibigay ng impormasyon ukol sa paksa 5
B. May awtorisadong pinaghanguan ang mga detalye sa talata 5
C. Orihinal at may kaugnayan sa paksa ang pamagat 5
D. May pamaksang pangungusap ang talata 5
Kabuoan 20

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang talata at piliin ang pangungusap na nagsasaad ng


pangunahing paksa.

1. Maraming masasayang gawain ang iskawts. Natututo sila ng iba’t ibang


paraan ng pagtatali. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent. Nagha-hiking sila
para makatuklas ng mga kakatwang puno, dahon, at bulaklak. Marami silang
natututuhang kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapanganib na
sitwasyon. Sila ang nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing nasa camping site at
iba pang kaugnay na gawain.

2. Naiiba ang paglangoy ng balyena sa karaniwang isda. Habang lumalangoy,


pinagagalaw ng karaniwang isda ang magkabilang panig ng sariling buntot. Baba-
taas naman ang buntot ng balyena habang lumalangoy. Kung bumibilis ang
paglangoy ng balyena, doble rin ang bilis ng baba-taas ng buntot nito sa loob
lamang ng isang segundo. Ang palikpik nito ay nakalaan para sa pag-ikot at
paninimbang, hindi para sa mabilis na paglangoy. -“Whales”, Two-Can Pub. Ltd., 1991

3. May lawak itong 11,795 milya kuwadrado. Ito ay hugis-tatsulok. Halos


sinlaki ito ng Maryland ng Estados Unidos. Nasa mga hanggahan ito ng
Netherlands, Alemanya, Luxembourg, Pransiya, at North Sea. Napalilibutan ng ilang
bansa at isang dagat. Ito ang pisikal na anyo ng bansang Belgium.

Para sa bilang 4 -6, tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na


italisadong salita na ginamit sa mga teksto. Piliin ang letra ng tamang sagot.
4. Nagha-hiking sila para makatuklas ng mga kakatwang puno, dahon, at bulaklak.
A. nakakatakot B. kakaiba C. mahiwaga D. malalaki
5. Ang palikpik nito ay nakalaan para sa paninimbang, hindi para sa mabilis na
paglangoy.
A. pagbalanse B. pag-igtad C. pagbaligtad D. pag-ikot
6. Nasa mga hanggahan ito ng Netherlands, Alemanya, Luxembourg, Pransiya, at
North Sea.
A. limitasyon B. katapusan C. wakas D. dulo
Para sa bilang 7 -10, piliin lamang ang LETRA ng pinakatamang sagot.
7. Sa pagtukoy ng paksa, maaari itong matagpuan sa mga sumusunod MALIBAN sa:

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
7

A. unang pangungusap ng talata C. kongklusyon ng talata


B. gitnang bahagi ng talata D. pangunahing ideya ng talata
8. Ito ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng tiyak na impormasyon sa mambabasa.
A. Impormatibo B. Prosidyural C. Persuweysib D. Naratibo
9. Piliin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng tekstong Impormatibo.
A. nagbibigay- hakbang C. naglalarawan ng tauhan
B. naglalahad ng impormasyon D. nagtatanggol sa isang panig
10. Alin sa mga sumusunod ang iba pang katawagan sa tekstong Impormatibo?
A. Argumentatibo B. Ekspositori C. Prosidyural D. Naratibo

Pagninilay

Patok na patok sa kasalukuyan ang paglalagay ng What’s on your mind sa


ating mga FB Account. Lagyan natin ng kaunting kabuluhan ang pag-iistatus mo
sa iyong wall ngayon. Bilang mag-aaral, ano ang iyong saloobin tungkol sa
pinagdadaan ng ating sintang Pilipinas sa gitna ng pandemya. I-post mo ito sa
paraang pa-slogan at imbitahin ang mga kaibigang i-like ang iyong post.

What’s on your mind?

Ito ang makukuha


kung ikaw ay…
mong puntos…
30 Nakakuha ng 100 plus na likes

20 Nakakuha ng 50 plus na likes

10 Nakakuha ng 30 pababa lamang na likes

Mahusay! Binabati kita sa mahusay mong pagsasagawa ng mga gawain sa


modyul. Sakali man at mayroon kang hindi naunawaan, nakahanda ang iyong guro
para sagutin ang iyong mga katanungan. Huwag mahihiyang magtanong 😊

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
8

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
SAGUTANG PAPEL
Quarter 3- Week 1

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________


Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: _____________
Paunang Pagsubok
1
Balik-tanaw: PAKSA
2
Ano ang KATANGIANG
Kahulugan
3 dapat na taglay nito?

Mga Gawain: Paglinang ng Talasalitaan

Denotasyon Konotasyon
KORONA

Denotasyon Konotasyon
TINIK

Kahulugan Katangian
AYUDA

Denotasyon Konotasyon
PREDIKSYON

Gawain 1.3
1.
2.
3.
4.
5.

Pag-alam sa Natutuhan
________________________________________
(napiling paksa/pamagat)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo
9

Pangwakas na Pagsusulit
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

Pagninilay

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Unang Linggo

You might also like